SALVATION // 13 🍀


You can read this completely on Novelah/StoryOn/Finovel for free!

By reading The Salvation written by Magunthengtsismosa you are also helping the writer to earn points.

Sana po ay mag-enjoy kayo sa pagbabasa at sana ay matulungan niyo rin ako.

Paalala lang po pala, while starting on writing The Salvation, I am still an inexperienced writer so expect to see some loopholes in the story but I can vouch on myself that my writing style does improved every chapters.

•|||||||||||||||||||||||||||||||||•

Oplan: Finding the Blurred Man

***   ***  ** 

Almira's POV

Napahawak ako sa dibdib ko matapos kong maupo at magising mula sa isang panaginip... it's a man—the man na nagbigay ng alak sa akin nang magpunta ako sa bar. He has the answers kung anong nangyari sa akin, I mean he might be the culprit behind what happened to me pero kasi as I have remembered from what I have heard before I lost my consciousness he's saying that someone did it and he's cursing...

I need to find that man, siya lang ang makakapagbigay ng kasagutan sa akin.

But first, I need to go to the bar—sa Manila kung saan ako huling napunta baka makita ko siya uli doon. I also need to check myself... it's been month simula ng ma-comatose ako.

***  **

"Ano ba't kanina mo pa hinahampas ang ulo mo?" Tanong ni Auntie Estheria na kasalukuyang naghahanda ng umagahan namin.

"Ah may nakalimutan kasi ako Auntie and feeling ko urgent siya so I'm trying to remember it kaya lang wala talaga so na-fufrustrate na ako," paliwanag ko, it's really urgent naman talaga kasi iniisip ko kung anong mukha nung lalaki and kung paano ako makakapunta sa Manila.

"Ah...Auntie magbibiyahe ka po ba papuntang Manila?"

"Ano namang gagawin ko sa Maynila aber? Bakit ka nagtatanong?"

"Ah kasi ano...diba nagiipon ako ng pamasahe at pang-tuition kasi papasok ako sa isa sa mga paaralan sa Manila kaya lan--"

"Ano?! May plano kang mag-aral sa Maynila? Bakit doon pa? May mga paaralan din naman dito sa atin!" Bigla'y nagbago ang mood ni Auntie. Wait! Hindi ba niya alam na may planong mag-aral sa Manila si Mira? Oh my gosh I'm doomed!

"Mira, tinatanong kita, sumagot ka!"

"Yes po, I have plans... sasabihin ko naman kaya lang ano eh uh nakalimutan ko kasi..."

"Paano mo yun makakalimutan? Lagi din tayong magkasama bakit ngayon mo lang nabanggit sa akin?!"

"Kalma ka lang Auntie...yung puso mo baka malaglag..."

"Sagutin mo muna ako ng maayos!"

"Maayos naman akong sumagot eh..."

"At sasagot ka pa!"

Anubayan! Ang gulo naman ni Auntie sabi niya sumagot ako tapos ngayong sumagot ako galit pa rin! Saan ako lulugar?!

"Tao po! Tao po!" Ow save by the knock!

"Mamaya ka lang sa aking bata ka," banta pa ni Auntie bago buksan ang pintuan.

Napatagal si Auntie ng konti kaya sumunod na ako sa kaniya para makita na rin kung sino ang nagtatao po kanina.

Upon seeing who's standing infront of our door and who's talking to Auntie Estheria I am stunned.

D-Dad???

**   **   ***

"Ano nga uli ang sadya mo kay Mira at hinahanap mo siya?"

"Mahabang kuwento but to make it short, she's my niece po." My dad answered. At least nakahinga ako ng maluwag kasi hindi pala anak sa labas ni dad si Mira but wait! How did it happen?

"Mawalang galang na po Da—uncle pero paano nangyaring pamangkin mo ako?" Siyempre I'm curious hindi ko nga alam na may iba pa akong cousin aside sa mga nasa province na binibisita namin before.

"Uh anak ka kasi ng pinsang buo ko. His last wish is to find you. Nadelay lang ang pagpunta ko kasi nagkaroon kami ng problema, na-hospital kasi ang unica iha ko."

"Oh eh ano ngayon kung pamangkin mo itong anak ko."

"Oh so you're her mother..."

"Hindi biologically, ang totoong nanay ni Mira na kapatid ko ay matagal ng patay, sampung taon na rin ang nakalilipas. Wala siyang nabanggit sa tatay ni Mira maliban sa pamilyado na raw ito."

Patuloy nalang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila dahil wala naman akong masabi. I thought they are totally a stranger to me then suddenly I have a connection pala with them.

"Yes, that's true. But hindi kasi nagka-anak sina Miguel at Andrea. Now that Miguel is gone and alam naman na rin ni Andrea na may anak sa ibang babae ang asawa niya, she also want to meet Mira dahil hiling na rin kasi ng asawa niya."

"Parang hindi ko nagugustuhan ang nagiging daloy ng usapan natin. Maaari ka nang umalis ngayon din!" Biglang nagalit si Auntie Estheria.

"Kahit hindi pa naman po sa ngayon o kaya kahit bumisita lang muna si Mira kay Andrea at sa puntod ng papa niya..."

"Hindi ako papayag. Bakit ngayon niyo lang siya hinanap? Kung gusto niyo talagang makita at makasama sa pamilya niyo ang pamangkin ko eh di sana dati palang hinanap niyo na!"

"My cousin is to blame here Mrs. Olanda--"

"Miss palang ako, Ginoo." Nakatayo na silang nag-uusap at nakatingala naman akong nakikinig sa kanila.

"Hindi ako papayag na isama mo ang pamangkin ko sa Maynila. Tapos ang usapan." Mariing saad ni auntie Estheria. Pero syempre pipigilan ko agad! May solusyon na ako sa problema ko! I can now go to Manila and find the blurred man.

"P-Pero Auntie, chance na po ito na makapag-aral ako sa Manila." Napatingin naman sa akin si Auntie ng matalim.

"Hindi." Ang sagot niya, "kaya naman kitang pag-aralin dito ah." Dagdag niya pa.

"Auntie, iba po sa Manila, mas maraming oportunidad doon para sa akin. Chance na rin na makilala ko yung ibang pamilya ko."

"Bakit nagsasawa ka na ba sa akin?"

"Auntie, hindi naman po sa ganoon..." I hold her hands...parang nagkaroon ako uli ng nanay sa katauhan niya at sa pagkakaroon ko ng pagkakataon na mapunta sa katawan ni Mira kaya napamahal na rin siya sa akin. "Auntie, gusto ko lang po yung best para sa atin, kung makapag-aaral ako sa Maynila mas magkakaroon ako ng pagkakataon sa mas maraming oportunidad." Paki-usap ko sa kaniya. Kahit alam kong hindi naman talaga iyon ang pinaka mahalaga sa akin ngayon, I just need an excuse para makapunta ako sa Manila para mahanap yung lalaki.

"Joy Miracle Olanda. Hindi." Bumagsak ang balikat ko sa sagot ni Auntie.

"Auntie, pinagkait sa akin ni mama na malaman maski pangalan ng papa ko at ngayon pati ba naman ikaw? Ipagkakait sa akin na maski madalaw man lang ang puntod niya..." No choice, I really need to go to Manila, I'm sorry Auntie.

Parang isang iglap ay naging maamo ang tingin sa akin ni Auntie Estheria, "pag-iisipan ko muna," tinalikuran niya kami at umakyat na siya papuntang kuwarto niya.

"Uhm... I'm sorry for showing up in such situation," napalingon ako bigla kay Dad na nandito pa rin pala.

It's almost been a month since the last time I saw him. Na-miss ko rin pala siya...

"Okay lang...Kamusta na ho yung anak niyo na na-hospital?" Dad I'm here.

"Sa awa ng Diyos, maayos pa rin naman ang lagay niya. Hindi pa nga lang siya gumigising," nakayuko siya habang sinasabi iyon.

"Sana maging okay na siya, " sana maging okay na ako.

"Namimiss mo po ba siya?" Nacucurious ako Dad kung namimiss mo ba ako.

"Oo naman, kahit pasaway at palasagot yong batang iyon, mahal ko ang unica iha kong iyon, siya nalang ang pamilyang meron ako, hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung sakaling pati siya ay mawala sa akin." Dad... that's my dad...

"W-Wala na po ba siyang mommy?" Kahit alam kong wala naman na.

"Wala na. Actually meron na sana kung papalarin na tanggapin niya kami ni Ellaine." Bigla'y nainis ako.

"Maybe ayaw niya kasi para sa kaniya wala nang papalit pa sa mommy niya," wala ng papalit sa mommy ko, dad.

"Hindi naman papalitan ni Ellaine ang mommy niya dahil alam kong kahit anong mangyari kahit baliktarin man ang mundo si Rose pa rin ang nanay ni Almira—kahit wala na siya, mananatiling buhay ang ala-ala niya sa amin. Ellaine is just here to attend the things na hindi na magagawa pa ni Rose para sa amin. How I wish na someday kahit maliit na porsyento lang, kahit katiting na pag-asa lang na suportahan kami ng anak ko sana maibigay niya...mahalaga sa akin ang desisyon at suporta niya." How I wish too...sana sa pagbabalik ko dad, kaya ko nang tanggapin siya...

"Ikaw ba? Miss mo na ba ang papa mo?" Oo naman dad, ngayon ko lang narealize na sa hindi ko pala pagtanggap sa bago mo ay napapalayo ka na rin pala sa akin.

"Oo naman po, kung nandito lang siya gusto kong yakapin siya ng sobrang higpit at sabihing nakakatakot palang mag-isa." I wanna hug you tight, dad. I'm afraid that this would be the last time we'll see each other.

Yumuko ako para pasimpleng punasahan ang butil ng luha na nakatakas sa mata ko... maya-maya'y nagulat ako sa mainit na pakiramdam na lumukob sa akin.

Yakap ng isang amang nangungulila sa anak.

Yakap ng ama na matagal ko nang hinahanap at hinihintay.

Someday, dad. I'll accept Tita Ellaine na, not now but soon. I just wish that before that soon came...ay mayroon na akong pagbabago—hindi lang sa ugali ko kundi maging sa puso ko.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top