SALVATION // 02 🍀


You can read this completely on Novelah/StoryOn/Finovel for free!

By reading The Salvation written by Magunthengtsismosa you are also helping the writer to earn points.

Sana po ay mag-enjoy kayo sa pagbabasa at sana ay matulungan niyo rin ako.

Paalala lang po pala, while starting on writing The Salvation, I am still an inexperienced writer so expect to see some loopholes in the story but I can vouch on myself that my writing style does improved every chapters.

Bully

*   *    *   *   *

Nakatulog na siya't gumising ngunit hindi pa rin tumatawag ang kaniyang nobyo sa kaniya kung kaya maaga siyang pumasok sa paaralan upang makausap ito.

Alas sais y media siya nakarating sa paaralan nila, iilan palang ang mga istudyanteng naroon at nasisiguro niyang ito 'yong mga istudyanteng early bird at nerds. Nagbaka-sakali siyang maaga ding pumasok si Aldrin ngunit nabigo siya sapagkat gaya ng nasa isip niya ay mga early bird palang na mga kaklase niya ang naroon sa room nila at nagbabasa.

Nang dumating naman na ang hinihintay niya ay oras na para sa unang klase nila kaya wala na siyang pagkakataon na kausapin ito. Hindi pa naman sila seatmate, ngunit ang mas nakapag-pasira pa ng umaga niya ang kadahilanang magkasabay na pumasok si Aldrin at Jessica na kapwa pa tumatawa. Ako dapat ang kasama niya, aniya sa isip niya. Napakuyom nalang tuloy siya ng kamao at dumukdok sa desk niya.

"Miss Montreal! Kung matutulog ka lang sa klase ko, eh di sana hindi ka nalang pumasok!" Napaangat siya ng tingin dahil sa tinuran ng guro nila. Nang ipalibot niya ang paningin, lahat ng kaklase niya ay nakatingin sa kaniya maging sina Aldrin at Jessica. Tsk...kung kailan napahiya ako tsaka ko pa nakuha ang atensyon mo, irap niyang sabi sa utak niya.

Bumaling siya sa guro bago nagsalita, "sorry ma'am, masakit lang po kasi ang ulo ko." "Pumunta ka na sa clinic, ibigay mo sa akin mamaya ang note na ibibigay ng nurse." Sagot naman ng guro. Wala naman na siyang nagawa at tumayo na siya palabas ng classroom.

*   *   *  

Matapos magpunta sa clinic ay sinabi niya sa nurse na magpupunta muna siyang cafeteria para kumain, totoo naman na gutom na siya dahil hindi siya kumain sa bahay nila, ayaw niyang kasabay na kumain ang 'bago' ng daddy niya. Feeling niya bumabaliktad ang sikmura niya.

Nakaupo lang siya at nakatulala sa mga binili niyang pagkain na nasa mesa na niya ng tumunog ang bell, hudyat na recess time na ng lahat. Dumagsa naman ang mga istudyanteng may kaniya-kaniyang mundo kasama ng mga kaibigan nila, samantalang siya, mag-isa lang dahil ang inaasahan niyang kasama niya ay naroon sa iba at nagpapakasaya.

Nakita niyang padaan si Jessica sa mesa niya kung kaya inayos niya ang sarili upang kausapin ito ngunit sa pagtayo niya ay nasagi siya ng mga mas batang grade levels na nasa katabing mesa lang niya dahilan para matulak niya si Jessica at matapon ang mga dala nitong pagkain.

"Oh my gosh! I'm sorry!" Napatakip pa siya sa bibig niya sa sobrang gulat.

Tutulungan na sana niyang tumayo si Jessica nang humahangos na dumating si Aldrin at bahagya siyang itulak, "Bakit naman nanunulak ka Almira. Wala namang ginagawa sa'yo yung tao." Nagulat naman siya sa sinabi ni Aldrin, is he blind?! Aksidente yung nangyari! Sasagot palang sana siya kaya lang ay nagsalita muli ang kaniyang 'nobyo.'

"Porket ba si Jessica ang madalas kong kasama kaya ginanito mo na siya, akala ko pa naman mabait ka 'yun pala katulad ka lang din ng mga bulling nakita at nakasalamuha ko, porket hindi mo na nasosolo yung atensyon na binibigay--" hindi na niya pinatapos si Aldrin at sapilitan niyang iniharap sa kaniya upang sampalin.

"Unang-una sa lahat! Hindi ko sinadya na mabangga siya, hindi.ko.siya.tinulak! Maliwanag?! Kahit itanong mo pa sa ibang mga istudyante. Pangalawa, may karapatan naman ako sa'yo ah pero hindi ko clinaim yun! Pinabayaan kita na mas nakakasama si Jessica kahit na ako dapat yun! Kasi ako 'yung Girlfriend mo!" Sumabog na siya sa sobrang sama ng loob.

Matapos siya nitong hindi tawagan kagabi at hindi kausapin kanina ay ito ang maririnig niya mula dito? At bakit hindi man lang siya ipinagtanggol ni Jessica maging ng mga istudyanteng totoong maysala?! Ramdam niya ang pag-init ng magkabilang sulok ng mga mata niya kaya nag-walkout na siya para matakasan ang kahihiyang nararanasan. Nasa Cafeteria sila for pete's sake!

Napadpad siya sa hardin ng paaralan nila. Tahimik at sariwa ang hangin, kahit papaano ay guminhawa ang bigat na nararamdaman niya. She feel at ease at least. Inayos niya ang palda at niyakap ang tuhod na umupo.

Lord, bakit kailangan kong maranasan 'to? Hindi pa ba sapat 'yung nangyari kay mommy at yung pag-aasawa uli ni papa? Bakit kailangan pang pati si Aldrin na siyang meron nalang ako inilalayo mo pa sa akin? Ganoon na ba ako kasama sa paningin mo? May mas masasama pa naman sa akin ah! Ganito din ba kasakit sa nararamdaman ko yung nararamdaman nila? Sana lang! Kasi kung hindi...ang unfair naman. Ang unfair mo naman.

To be continued...

-----------

Quote of the day: Minsan inilalayo tayo ni God sa mga bagay na gusto natin hindi para putulin at hadlangan ang kasiyahan natin kundi para ilayo tayo sa maaaring mas makasakit sa atin. Hindi kasi lahat ng gusto natin ay para sa atin, hindi lahat ng gusto natin ay siyang magpapasaya sa atin at higit sa lahat, hindi lahat ng gusto natin ay gusto rin ng Diyos para sa atin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top