SALVATION // 01 🍀

You can read this completely on Novelah/StoryOn/Finovel for free!

By reading The Salvation written by Magunthengtsismosa you are also helping the writer to earn points.

Sana po ay mag-enjoy kayo sa pagbabasa at sana ay matulungan niyo rin ako.

Paalala lang po pala, while starting on writing The Salvation, I am still an inexperienced writer so expect to see some loopholes in the story but I can vouch on myself that my writing style does improved every chapters.

•       ••     ••       •

THE RUGGED

*   *    *   *   *

"Thank you, officer." Nakipagkamay na si Mr. Romualdo Montreal, isang businessman, sa police matapos maareglo ang panibagong gulong kinasangkutan ng kaniyang anak.

Hindi niya na mabilang sa mga daliri sa kamay kung makailang beses na siyang pumupunta sa prisinto para isalba ang anak—nag-iisang anak...na babae sa mga ginagawa nitong kalokohan. Wala sana siyang problema sa kalokohan nito ang kaso lang ay hindi ito maingat at nahuhuli madalas. Wala tuloy siyang magawa kundi linisin ang pangalan nila sa kahihiyan.

"Almira, let's talk." Baritonong boses ng kaniyang ama ang nagpahinto kay Almira sa astang pagpanhik sa kaniyang silid.

"I'm sorry, dad." She said while looking down. Maaaring suwail siya pero marunong naman siyang makaramdam ng kahihiyan at pagsisisi.

"Well...you don't sounded like one." Pambabara ng kaniyang ama.

"I am!" defensive na sagot niya.

"Almira, nagrerebelde ka ba sa akin?" Napaiwas ng tingin ang dalaga at kinutkot ang katabing flower vase upang may pagkaabalahan.

"Anak, this is also for your sake kaya nagtatrabaho ako." Umupo ito sa tabi niya.

"Naiintindihan  ko 'yan dad, pero 'yung mag-aasawa ka ulit? No! Hindi ako papayag na palitan mo si Mommy!"

"I'm not marrying another woman, Roselyn Almira." seryusong sagot ng kaniyang ama sa kaniya.

"But a lot of people are gossiping about it, dad! That's why I purposely attend the f*cking drag race! Kahit alam kong bawal dahil minor pa ako."

"Roselyn Almira Montreal!" Ramdam na ng dalaga ang galit ng kaniyang ama. "Hindi ko na nagugustuhan  ang ipinapakita mong ugali!" galaiting suway ni Romualdo sa kaniyang anak.

"But dad..." Hindi siya magpapatalo, gagawin niya ang lahat masiguro lang na walang pakakasalang ibang babae ang daddy niya, walang pupuwedeng pumalit sa mommy niya. "...Is it true?"

"What true?" Maang na tanong ng daddy niya. Napaikot naman ang bilugan niyang mata at nag-iinarteng sinagot ang daddy niya, "You already knew what I am pertaining to..." At humalukipkip pa siya.

"No. I'm not going to marry another woman. Is that clear? Naniniwala ka na ba?" Tumango lang siya ng nakasimangot.

Niyapos naman siya ng kaniyang ama at hinagkan sa tuktok ng kaniyang ulo. "Anak, I love you. Walang papalit sa inyo ng mommy mo."

THAT was a year ago. But now everything has changed, her father is about to marry a 'woman.' Ang sakit para sa kaniya kasi nangako ang ama niya ngunit napako lang pala.

In one snap, I'm all alone now. Ang sabi niya sa sarili.

Then she remembered her sweet, caring, and loving boyfriend.

Sa mundong napakagulo at puno ng pagsubok. Sa lahat ng nagawa niya sa tanang buhay niya, parang ngayon lang siya nakagawa ng mabuti— at 'yon ay dahil kay Aldrin Valmore. Ang lalaking bumihag sa bata niyang puso. Aldrin is one of those typical playboys, pero gaya nga ng sabi nito sa kaniya dati, nagbago ito ng makilala siya. At first she didn't believed it, siyempre maliban sa pansarili niyang kaisipan ay naroon din ang mga kaibigan niyang pinipigilan siya at palaging pinapaaalalahanan. Ika nga ng mga ito sa kaniya palagi, 'A cheater will always be a cheater,' ngunit ngayon ay balewala na ang lahat ng iyon dahil ang alam niya ay tunay silang nagmamahalan at wala ng makahahadlang pa sa kanila.

*Kring*

*Kring*

*Kring*

Nakatatlong ring muna bago sinagot ng boyfriend niya ang telepono nito.

"What took you so long?" Bungad niya agad.

"Uh-Mira nasa cr k-kasi si Aldrin..." Isang mahinhing boses ang sumagot sa kaniya. Tinig iyon ng matalik na kaibigan ni Aldrin na si Jessica.

"Magkasama kayo ngayon?" Nakakunot noong  tanong niya sa kausap.

"Uh-oo kasi...kasi pinagawa niya 'yong assignment niya." Kung hindi niya lang kilalang mabait at desenteng babae si Jessica ay baka sinungitan niya na ito dahil sa selos.

"Ganoon ba? Sige kapag nakalabas na siya pasabi na tawagan ako ha? Thank you. Good night, Jess." At ibinaba na niya ang tawag. Hindi siya santa upang hindi makaramdam ng negatibong emosyon pero isinantabi niya 'yon sapagkat hindi iyon makabubuti para kaniya at sa relasyon nila ni Aldrin.

In times like this, na kailangan niya ng makakausap para mapagaan ang kaniyang pakiramdam ay si Aldrin ang takbuhan niya. Ito ang magcocomfort at magbabalik ng ngiti sa mga labi niya.

Lagi itong handang sumaklolo sa kaniya ngunit iba ang araw na ito, hindi niya maiwasang mainggit kay Jessica sapagkat mas madalas itong nakakasama ng kaniyang nobyo sa halip na  siya. Ngunit lagi niyang itinatatak sa kaniyang isip na siya ang girlfriend at iba ang pagmamahal na natatanggap niya sa kaniyang nobyo kumpara sa ibinibigay nito sa matalik nitong kaibigan.

Marahil ang alam ng ibang mga tao sa paligid niya lalo na ng daddy niya at ng mapapangasawa nito ay masyadong matapang ang ugali niya sapagkat 'yon ang pinapakita niya. Magaling siyang magtaray at magsungit, pasaway at palasagot ngunit hindi alam ng mga ito ang tunay niyang nararamdaman sa likod ng mga maskara niyang ngiti at pagtataray, isang mahinang babae na kailangan ng gabay at ng matibay na masasandalan. Maaaring may sarili siyang prinsipyong sinusunod ngunit hindi ito sapat upang maging ganap siyang matapang. Nakakaramdam siya ng lungkot at matinding kirot sa puso sa tuwing napag-iisa siya sa silid niya.
Hanggang sa makatulugan nalang niya ang pag-iyak habang mahinang binabanggit ang mga katagang, "akala ko malakas na ako, hindi pa pala...kailangan ko ng tulong. Hindi ko kaya...hindi ko na kaya kasi sobrang bigat at sakit na..."

To be continued...

ECCEDENTESIAST

Hindi lahat ng
ngumingiti't
tumatawa ay
tunay na masaya,

'Yong iba...

Nagsusuot lang
ng masakara para
itago ang tunay na
nararamdaman nila.

-Magunthengtsismosa

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top