Chapter 4


"Ladies and gentlemen, we present to you the stunning candidates of Miss Agustin, Bikini Open Competition!!!"

Bungad ng Emcee sa naturang patimpalak. Kasalukuyang nasa backstage silang lahat ready na para rumampa. Namataan niyang napakarami ng tao na nanonood at medyo sinasalakay na si Sheena ng kaba.

Kanina ay nag briefing na si Rica ng dapat nilang gawin.

Sa unang bahagi ay rarampa silang lahat to impress the judges lalo na daw ang sponsor ng isang kilalang lingerie line na siyang kikilatis sa kanila.

At sa pangalawang bahagi naman ay ang Inroduction of the candidates, yun na yung isa isa silang magpapakilala.

Sanay na naman siya sa ganitong rampahan kaso ibang usapan ngayon dahil all out two piece bikini lang suot nila. Alam niyang madaming manyak na lalaking manonood ang pagpi-pyestahan ang mga katawan nila pero ano pa nga ba, nandoon na siya.

"Girl ikaw na." Untag ng katabi niyang kandidata sa pag mumuni muni niya.

Bigla siyang napaunat at tsaka huminga ng malalim bago nagpagkit ng magandang ngiti sa mga labi then she walked confidently like a ramp model in the catwalk.

Habang rumarampa si Sheena ay inililibot niya ang mga mata sa paligid, nang sa pagbaling niya sa unahang row ay halos matapilok siya dahil sa suot niyang high heeled stiletto, muntik ng mamali ang hakbang niya ng mamataan sa harapan ang isang lalaking hindi niya nais pang makita at doon pa naupo sa upuan ng mga hurado!.,

Shit of all Shit!!! Sigaw ng isip niya.

Ang lalaking nakaaway niya kaninang umaga ay naroon at nakatingin din sa kanya ng matalim. For sure nakilala din siya nito.

******
Samantala...

Nasa Bayan na ng Agustin si Keirby para dumalo sa fiesta ng lugar na yun at dahil naimbatahan siyang maging isang hurado ng gaganaping bikini open ay sa mismong harapan siya naupo at kitang kita up close mula sa kinauupuan niya ang magagandang hubog ng katawan ng mga kandidata.

Keirby is a certified woman lover kaya naman natuwa siya dahil magsasawa ang mata niya sa kaseksihang masisilayan.

Nagsimula na ang rampahan at isa isa nang naglakad ang mga kandidata. Katabi niya ang kaibigang niyang si Henry at isa din itong hurado.

Henry is also a politician at ito ang kasalukuyang mayor ng bayang iyon. He's a widow with one daughter, namatay ang asawa nito 3 years ago sa panganganak sa kanilang baby and from then on hindi na ito nakipag commit sa ibang babae. Henry was a faithful man at sobrang exact opposite sila, dahil kung gaano ito ka one woman-man ay ganun naman siya ka womanizer but the good thing is magkasundo sila and they were best buddy.

"Look ang se-sexy ng mga candidate brod?" Saad ni Henry na ngiting ngiti habang nakatingin sa stage.

"Yeah right bro, this is my favourite part." Saad niyang nakangisi habang enjoy na enjoy sa pagsipat sa mga babaeng naka-bikining rumarampa sa ibabaw ng stage, napapasipol pa nga siya dahil talaga nga namang walang itulak kabigin sa mga kandita at idagdag pang mga fresh looking ang mga babae sa probinsya that gave them the innocent outlook.

At habang aliw na aliw siyang nanonood ay bigla siyang natigilan ng lumabas ang isang babaeng naka tiger print bikini mula sa backstage at that woman was a jaw dropping kind dahil sa halos perfect body nito.

She was stunning and super sexy habang naglalakad with too much confidence like she was saying 'this stage is mine.' Iba ang aura nito she was a goddess for christ sake!,

Pero nang masilayan ni Keirby nang malapitan ang mukha ng babae ay biglang nagbago ang itsura niya at agad siyang napakunot noo at napakuyom pa sa kamao.

"Damn! pare nasa langit na ba ako look at her para siyang anghel na bumaba sa lupa." Biglang tugon ni Henry.

Napabaling siya sa kaibigan, ngayon lang kasi niya ito ulit narinig na nagsabi ng ganoon sa isang babae after his wife died.

"She's very ordinary." Parang walang anumang saad niya but deep inside him ay para din siyang nabato balani sa tindi ng sex appeal ng babae.

Kaninang nagkita sila nito at magkasagutan dahil sa pagbato nito sa salamin ng sasakyan niya ay napansin na din naman niya ang kakaibang ganda nito but since he was pissed off dahil sa pagmamaldita at pagbato nito sa kotse niya ay di na niya iyon napagtuunan ng atensyon until now that he saw her again but this time is different story, dahil ibang iba ito sa nakita niyang itsura nito kaninang umaga.

The woman is like a goddess walking confidently in the stage at aaminin niya sa sariling type niya ang ganung ayos nito.

Bumalik sa kasalukuyan si Keirby ng sikuin siya ni Henry.

"What is that again you said bro?" Ulit niya dahil hindi niya naintindihan ang sinabi nito because his attention is with the woman he met this morning na nasa harap niya ngayon.

"Sabi ko, iba yung karisma niya sa tao. Look almost all men cheer at her." Tugon ni Henry na bumaling pa sa mga taong nanonood.

Lihim siyang napaismid sa tinuran  ng kaibigan.

At bigla tuloy siyang nakaramdam ng inis sa di malamang dahilan.

****
Nang matapos rumampa si Sheena ay halos mangatog ang tuhod niya at bigla siyang napakapit ng mahigpit sa braso ni Sassy na sumalubong agad sa kanya.

"Oh besh anyare sayo? Para kang namutla ah, okay ka lang,?-- gusto mo ng tubig?" Sunod sunod na tanong ng kaibigan pagkakita sa itsura niya.

Ang lakas ng rigidon ng dibdib niya dahil sa kabang nararamdaman idagdag pang nakita niya sa audience ang lalaking nakabanggaan niya kaninang umaga.

Talaga nga namang kung mamalasin ka at dito pa talaga sila ulit pagtatagpuin ng tadhana,. kainis!' Himutok ng isipan niya.

"Hay naku Sassy nakakasira ng mood ang lalaking yun! Argghhh kainis bakit ba yun andito!?." Inis na turan niya at bumaling sa kinaroroonan ng walang modong lalaking nakaaway niya kanina.

"Sino bang kinabwi-bwisitan mo diyan ha?--- Ano ka ba naman Sheena ngayon ka pa talaga nag gaganyan. Dapat maganda ang aura mo para makita ng mga huradong feel na feel mong maging diyosa." Saad ni Sassy habang ni- reretouch ang make up niya.

"Eh paano ba naman besh andito yung lalaking nakaaway ko kanina naalala mo yung kinukwento ko kanina?---- ayun siya oh andun sa unahan." Inis pa ring satsat niya sabay nguso sa kaibigan dun sa lalaking tinutukoy niya.

Sinundan naman ng tingin ni Sassy ang inginuso niya.

"Ayyyy bakla! Siya na nga---- oh my god, hindi ako makahinga!" Maarteng tili nito.

Napamulagat at bigla siyang nalito sa inasal ng kaibigan.

"Hoy! Anyare sayo bakla? Para kang nakakita ng artista ah." Kunot noong tanong niya kay Sassy.

"Jusko beshie, hindi mo ba kilala yang napaka gwapong lalaking yan? Siya lang naman ang nag iisang anak ni Governor Gregorio Dawnson, grabehh girl totoo nga gwapong gwapo sa malapitan at heck ang yummy!!" Hiyaw pa nitong parang kinikiliti sa singit ang bruha.

"Ang OA mo ha." Nakairap na tugon niya dito.

"Tsehh! Wag ka ngang ganyan besh don't tell me di ka tinatablan diyan kay Mr. Keirby Dawnson.?" Tanong ni Sassy sa kanya at tinaasan pa siya ng kilay.

"Keirby pala ang pangalan ng mayabang na yan?.-- Wala sa loob na saad niya.

"Pero hindi ko talaga siya type,!! At alam mo Sassy naiinis ako ng bongga sa lalaking yan dahil sa ginawa niya sa damit ko kaninang umaga!" Nanggigil na litanya pa niya tsaka humalukipkip.

Bumaling sa kanya si Sassy and gave her a nasty look.

"Ano bang pinaglalaban mo teh? yung damit mong nadumihan dahil natalsikan ng tubig ulan? Eh yung iginanti mong pagbato sa sasakyan niya wala lang?" Nakatikwas ang kilay na turan pa ng kaibigan kay Sheena.

Biglang lumipad ang tingin niya dito at tinitigan ng masama si Sassy.

"Abah teka nga bakla, kanino ka ba kampi ha? Sa hudas na yan na ngayon mo lang nakilala o sa akin na mula elementary ay pinapa kopya ka na sa mga assignment natin?" Halos manlaki ang butas ng ilong niyang saad pa niya kay Sassy.

Bigla namang nag iba ang itsura nito at nagmistulang maamong pusa na hinimas pa siya sa braso.

"Besh naman di ka na mabiro, syempre ang loyalty ko ay na sayo.--- Alam mo besh wag mo na lang pansinin yang gwapong yan okay?, para di ka ma beast mode, isipin mo na lang na hindi mo siya nakikita."

Biglang kabig nito sa sinabi. Napaismid siya dito and tried to calm herself, iisipin na lang niya yung 50k na makukuha pag nanalo siya. Saad niya sa sarili tsaka bumalik na ulit sa backstage para sa susunod na rampa.

Ang sumunod na parte ay ang pagpapakilala nilang mga kandidata, at kung ilang beses siyang huminga ng malalim para kalmahin ang sarili.

"Oh basta beshie ha. Relax lang isipin mo na lang para kay Ricky at sa mga lolo at lola mo ang gagawin mong 'to at para na rin sa ekonomiya nating tatlo!." Paalala ni Sassy bago siya sumalang sa stage upang magpakilala. She crossed her fingers and walked through the stage.

"In life you have to be wise in choosing what path you walk through, that's why your destiny is still up to you!! Mula sa bayan ng mga tsismosa at pakialamera,charot! este bayan ng masisipag na magsasaka ang bayan ng Infante My name is Sheena Gomez, 24 years of age, single but not ready to mingle. Mabuhay!!" 

Pakilala niya sa sarili with lots of confidence and self esteem at talagang iniwasan niyang tignan ang lalaking nasa harap na nakaaway niya kanina.

Narinig pa niya ang malakas na palakpakan ng mga tao bago siya makarating ng backstage na halos kapusin na ng hininga dahil sa nerbyos.

"Jusko naman Sheena! Ano ka ba, bakit ganun ang intro mo 'single but not ready to mingle' na eksena mo girl!." Salubong ng kaibigan,

Sassy almost freaked out dahil sa pagpapakilala niya.

"Eh ano naman Sassy eh totoo naman ah." Depensa pa niya sa sarili tsaka dinampot ang bathrobe tsaka iyon isinuot.

Hiniling niyang sana matapos na ang bikini open na yun, dahil kanina pa siya nasasagwaan sa suot niya at kung makatingin ang mga lalaking yun na nasa  audience para bang ngayon lang nakakita ng babaeng  naka panty at bra, ang mamanyak at talagang sumisipol pa, ano sila mga aso?!.. inis na himutok niya sa isip.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top