Chapter 2
Pagkatapos mag agahan ay nag desisyon si Sheena na lumabas na ng bahay para mag abang ng jeep na masasakyan.
Medyo malayo layo pa ang sakayan ng jeep at kailangan pa niya iyong lakarin.
Hindi pa sementado ang kalsadang papasok sa kanila kaya naman ang daan ay parang sungka dahil lubak lubak pa ito at worst may tubig pa dahil sa katatapos lamang na pag ulan ng nakaraang gabi.
Ang sarap ng lakad niya papuntang sakayan, humihimig pa siya habang ngiting ngiti sa paglalakad ng mula sa kung saan ay may kotseng dumaan sa tapat niya at medyo mabilis ang takbo, dahil may butas sa kalsada na may lamang tubig na siyang dinaanan ng gulong ng kung sinong Walanghiya ay natalsikan siya ng bonggang bongga!.
Halos basang basa siya dahil sa tubig na tumilamsik sa kanya, mukha siyang basang sisiw at ang uniporme niyang plinantsa niya ng pag kaayos ayos ay naging kulay chokolate dahil sa dumi ng tubig na tumilamsik doon.
"Walanghiya kang animal ka bumalik ka dito!!"
Nag aalburotong sigaw ni Sheena at mabilis na hinabol ang sasakyang medyo nakakalayo na din at dahil nag dilim ang paningin niya ay wala sa loob na pumulot siya ng bato at walang sabi sabing inasinta niya ang sasakyang yun at bullseye!, tinamaan ang salamin nito sa likod na sanhi ng paghinto ng itim na new model pa ata ng toyota Corolla na sasakyan.
Hinintay niyang bumaba ang hudas na driver ng sasakyang yun at nang matalakan niya ito mula ulo hanggang talampakan.
Bumaba mula roon ang isang matangkad na lalaki.
Ibubuka na sana niya ang bibig para ratratan ito nang maaninag niya ang mukha ng lalaki.
Shit!! Halos malaglag ata ang panga niya sa nasilayang ka-gwapuhan ng di niya kilalang lalaki,.
Matangkad ito mga nasa 6 ft. pataas siguro ang height, may mukhang maamo pero dahil nakakunot ang noo ay nagmukha itong brusko.
Magaganda ang mata nito na matiim siyang tinitigan habang parang manlalapa ng tao ang itsura nito. Mayroon itong matitipuno at masculadong pangangatawan na kita sa suot nitong suite na pang opisina. The man looks very dignified and well mannered at least,. she thought.
"What the hell did you do to my car?!!" Agad agad na singhal nito paglapit na paglapit pa lamang sa kanya.
Nagising ang diwa ni Sheena sa inakto ng kaharap.
Aba't ito pa ang may ganang magalit, eh ito nga ang may kasalanan sa kanya., Himutok ng isip niya at agad itong pinandilatan ng mata.
"Hoy!! Ikaw na walang modong lalaki ka, hindi mo ba nakikita ang ginawa mo sa akin ha?!! Angil niya dito at bahagya pang pinamaywangan ito.
Nakita niyang tinignan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa.
"Well miss whoever you are, it's not my fault na natalsikan ka ng tubig, besides this is a public highway, I cannot control that I might pass through that hole." Walang anumang saad nito na para bang siya pa ang may kasalanan.
Biglang uminit ang bumbunan niya sa sinabi nito.
"So kasalanan ko? Kasi dumaan ako at eksakto ding dumaan yang sasakyan mo at dahil wala kang pakialam sa paligid mo eh kahit nakita mo nang parang sungka ang daan ay di mo talaga iniwasan.?----
Ang sabihin mo ay talagang bastos ka!." Walang preno niyang satsat sa kaharap na estranghero.
Nakita niyang napatiim ito sa kamao at mukhang na bad trip ata sa kanya.
"Damn!! I don't have the time to argue with you!.
Look you have to pay the damage you've done to my car. See binasag mo ang salamin sa likod! Do you know how much it's cost?!" Galit na turan nito na itinuro pa ang sasakyan nitong nadisgrasya niya.
Bigla siyang kinabahan nang marealize ang damage ng ginawa niya.
Patay! Paano kung pabayarang ng lakaking 'to ang pagpapagawa dun sa salamin ng sasakyan nito?, Tanong pa niya sa isip medyo umurong ang tapang niya.
"Eh paano naman itong ginawa mo sa akin aber? Look at my clothes, paano ako papasok nito?" Himutok pa niya trying to divert the issue baka kasi maisip nitong nagawa lang naman niya ang bagay na yun dahil sa na-agrabyado din siya nito.
"Hell!! It was just a clothes and you can wash it!! Eh yung sasakyan ko How's that huh?!! Madiing tugon pa nitong lumapit pa sa kanya at mistula mananapak ang itsura.
Napaurong naman siya ng bahagya, bigla siyang kinabahan.
Jusko po baka kung anong gawin sa akin nitong bakulaw na 'to.' Sa isip isip niya.
Sasagot pa sana siya ng biglang mag ring ang cellphone nito,. Nakita niyang kinuha nito iyon sa loob ng bulsa at sinagot iyon habang nakatingin pa rin sa kanya ng masama.
"Yes Im coming." Narinig ni Sheena sa saad ng lalaki sa kausap, at habang abala ito sa pakikipag usap sa cellphone nito ay sinamantala niya iyon para tumakas, she hurriedly run pabalik sa kanilang bahay.
"Hey!! Come back here!!" Narinig niyang tawag nito pero hindi na niya ito nilingon pa halos liparin niya ang daan pauwi para maka iwas sa lalaking yun.
Naisip niya kasi na kapag pinabayaran nito ang damage ng sasakyan nito dahil sa pagbato niya ay baka kulang pa ang maliit niyang naipon.
Nang maramdamang hindi naman ito sumunod ay binagalan na niya ang lakad at hinihingal pa dahil sa bilis ng pagtakbo niya kanina.
'Bwisit talaga! Arghhh!!! kung minamalas nga naman!' Usal pa niyang nakaramdam na ng inis dahil late na siya sa trabaho. Tatawagan na lang niya si Atty. Maracas at sasabihing mag ha-half day na lamang siya sa trabaho.
Nang makarating sa bahay ay nadatnan pa niya ang lolo niya nasa gilid ng bahay at nagsisibak ng kahoy.
"Oh apo, anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni lolo Tasyo.
"May isang walang modong nilalang po kasing di marunong mag ingat sa pagmamaneho at natalsikan ho ang suot ko ng tubig." Nakasimangot na saad niya at nagmamadaling pumasok sa loob ng kanilang kubo para magbihis.
*****
Samantala..
Halos ihagis naman ni Keirby ang hawak na cellphone nang mamataan niyang mabilis na tumakbo ang babae hindi na niya ito nahabol dahil sa kausap niya ang daddy niya sa cellphone.
"Damn!" He hissed at wala nang nagawa kundi bumalik na lamang sa sasakyan at tinawagan ang driver na kunin ito sa opisina ng kanyang ama sa may kapitolyo para ipagawa ang nabasag na salamin.
And when he ever saw that woman again, he swear na pababayaran niya ito dito., He thought at dahil sa inis ay nahampas na lamang niya ang manibela.
He remembered the look of that woman nang sipatin niya ito mula ulo hanggang paa, she was maybe about 5'6 or taller, she's thin but not skinny her body was actually perfect on her height medyo may pagka suplada ang dating nito but she got that pretty face kahit natalsikan din ng bahagya ang mukha nito.
Ipinilig niya ang ulo at inalis ito sa isip niya.
Why would he waste his time thinking about that woman!, He told himself at nag concentrate sa pagmamaneho.
Pagdating sa office ng daddy niya agad siyang umupo sa swivel chair nito at doon na lamang ito hinintay, ang sabi kasi nito sa kanya kaninang mag usap sila ay nag ikot daw muna ito sa iba't ibang department sa kapitolyo.
After awhile ay dumating na ang daddy niya.
"Hey dad, How's your day?" Nakangiting tanong niya at sinalubong ito.
"Hi! son, Im glad you came early."
Masiglang saad din nito at lumapit sa lamesa nito at inilapag ang dalang bag.
"Yap di ba sabi niyo may pupuntahan tayong fiesta sa isang bayan?" Nakakunot noong tanong niya sa ama dahil parang nakalimutan na nito ang usapan nila kagabi.
"Oh Yeah, I remember anak, Im sorry. But you have to go there alone dahil may iba akong importanteng pupuntahan." Sagot nito.
Keirby frowned at binalingan ang ama.
"You're not coming with me?" Tanong pa niya dito.
"I have to meet someone iho, at sinabihan ko na ang mayor sa bayan ng Agustin na ikaw ang papupuntahin ko and besides kailangan mo nang sanayin ang sarili mo sa mga ganyang pagtitipon malapit na ang susunod na eleksyon keirby remember?"
Saad ng daddy niya at mataman nakatingin sa kanya.
Halderson Keirby Dawnson is the only son of Governor Gregorio Dawnson at gusto ng ama niyang sumunod siya sa yapak nito sa pulitika kaya naman pinauwi siya nito mula sa America where he graduated.
Nagtapos siya sa kursong BS Philosopy then eventually kumuha na siya ng Law at pumasa naman sa Bar exam kaya ngayon ay ganap na siyang abogado.
He used to work in New York as a legal counsel and enjoyed his free spirited and liberal life there but his dad told him that he wanted him to run for the next election as a mayor. Kaya siya pinauwi nito ay dahil kailangan na daw niyang maging visible sa mata ng mga tao sa kanilang lugar para makilala.
Well he has nothing against that thing dahil noon pa mang bata siya ay alam na niyang darating ang panahong susunod siya sa yapak nito at itinanim na niya yun sa utak niya.
He is now 31 years old and a bachelor, he already live his life in New York dahil tumira siya doon ng almost 10 years at umuuwi lang sa Pinas during special occasions like Christmas at iba pang family events. His father let him do whatever he wants in America but he told him na kapag dumating ang araw na kailangan na niyang harapin ang totoong buhay ay kailangan niya ng mag focus at seryosohin ang pagpasok sa politika.
That's the reason why Keirby came back home.
Playing is over it's time to face the reality at sa pagbabalik niya sa kanilang lugar ay susuingin na niya ang buhay ng isang public servant.
In collaboration with
adeyyyow
bluefairy1828
QueenRegina1994
VBomshell
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top