Prologue (TRWINAA)
Mabilis akong tumakbo.
Kung pabilisan lamang ang usapan ay mabilis pa ako sa mga athletes dito sa school namin.
Kung pa-talinuhan din naman ay hindi ako nahuhuli sa rankings.
Pero bakit kahit anong takbo ko hindi ko sya maabot?
Kahit gaano ko kabilis ihakbang ang mga paa ko palayo ay babalik padin sa kanya?
Bakit kahit gaano ako katalino ay hindi ko alam kung magugustuhan mo din ako?
Andaming bakit.Nakakapagod mag-isip.Idaan na lang natin sa pagtakbo.Ako papunta sayo.At ikaw palayo sakin.
Isang paulit ulit na cycle.Hindi matatapos hanggang may mapagod.
Sino ang unang mananalo?
Sino ang makakarating sa finish line ?
Sino ang kasama mong tatakbo?
Sino ang maiiwan?
Sino ang magwawagi?
Andaming sino, no?
Halika na at simulan natin ang kwento ng habulan at taguan.
-The Runner Who Is Not An Athlete
“ψ(`∇´)ψ simply_raven hellooo! Ayun lang hehe!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top