Takot

Takot akong harapin ka,
at 'yong mga bagay na hindi para sa 'ting dalawa.

Takot akong kausapin ka,
dahil baka malaman mo ang katotohanan ng kusa.

Takot akong tingnan ka sa mga mata,
at makita mo ang lumbay dito.

Takot akong mapalapit sa 'yo,
at mas lalong mahulog sa bangin ng pakiramdam.

Takot akong masagot ang lahat ng tanong,
at magkaroon ng pagkakataon na limutin ka.

Hindi pa ako handa sa lahat ng posibilidad,
kahit alam ko ang patutunguhan nitong nararamdaman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top