Ano Kaya Ang Pakiramdam?
Ano ang pakiramdam na mahawakan ka?
ang hindi magtago ng nadarama,
ang maisigaw ang pintig ng puso,
ang maipagmalaki ka sa mundo,
Ano kaya ang pakiramdam na mayakap ka?
ang masabi ang salita na bulong nang bulong
bulong, kabog,
kalabog,
tugtog.
Isang tugtog na musika
na naririnig,
sa tuwing ikaw,
ay nakikita,
at hindi man lang mahawakan.
Ano kaya ang pakiramdam na ikaw ay maging para sa 'kin?
na maging dahilan ng iyong mga ngiti,
sa umaga,
sa tanghali,
sa gabi.
At kahit pa mailap ang sikat ng araw
sa gitna ng tag-ulan
hindi naman ito naging hadlang
upang magpatuloy na pangarapin ka.
Ngunit sa kabila ng mga pakiramdam na hindi puwedeng iparamdam,
isang tanong ang namutawi.
Paano ang hindi ka mahalin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top