CHAPTER 8

Chapter Eight

Last class


Pinipilit kong itago ang kamay ko sa aking white longsleeves na uniform pero tuwing nasasagi ito ng tela ay napapangiwi nalang ako.

Inirolyo ko ulit pataas ang aking uniform para tignan ang kanina'y hawak ni Escarcega.

Namamaga na ito at ang kaliwang parte pa nga ay nagkaroon na ng pasa.

Daig ko pa tuloy ang nakipag-away o naipit sa elevator nito! Nakakainis. Bata palang talaga ako ay madali na akong magkapasa. Konting umpog lang at hampas ay namumuo na kaagad ang dugo dito.

Malapit ng magsimula ang klase kaya naman inirolyo ko na ulit ang uniform ko para takpan ito. Pero bago pa man natapos 'yon ay napansin na ito ni Gabriel.

"Bea, anong nangyari diyan?" Pag-aalalang tanong nito kasabay ng paglapit sa kinauupuan ko.

"Bakla ka! Wag kang maingay wala 'to. Naipit lang sa elevator kanina." Pagsisinungaling ko.

Nakakainis, ang ingay talaga nitong baklitang to.

"Weh?!" Ismid na tanong niya.

Bigla ko nalang nahila si Gabriel ng makita si Escarcega na papalapit na sa'min.

Damn! Seatmate ko pa nga pala 'tong mokong na 'to!

"Sige na bakla, mag-aral na tayo. Doon kana." Pagtataboy ko rito.

"Punta na kaya tayo sa clinic? Baka kung ano na yan! Tara na samahan kita." Hinawakan pa nito ang kamay ko na nagpahiyaw sa'kin.

"Aww! Bea, I'm sorry!" Pinilit kong ngumiti pero gusto ko na siyang murahin at saktan sa sakit.

"Mamaya nalang after class Gab. Okay?" Mabuti naman at hindi na ito nangulit pa.

Pumunta na ito sa kanyang upuan at dali-daling nilabas ang kanyang face powder.

Napailing nalang ako habang nakatingin sa pala-pulsuhan ko. Pakiramdam ko'y kasabay ng pagpintig ng pasa ko etong puso ko.

Inayos ko ang aking pagkakaupo bago sinipat ang katabi ko. Mabuti nalang pala at nakasaksak sa tenga niya ang earphones niya. Kung hindi ay baka hindi lang ito ang matanggap ko.

Mabilis na natapos ang klase namin. Alas siyete y media ay saktong nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay sabay naman kaming lumabas ni Gabriel para pumunta sa clinic.

Kakapit palang ako sa braso ni Gabriel ng may humila sa kaliwang kamay ko papalayo dito. Halos natulala naman ito kaya hindi na ako nito nahabol.

Mabilis ang mga hakbang niya habang ako ay magkanda dapa-dapa na. Pagtingala ko ay siya ang nakita ko.

Bakit? May nagawa na naman ba akong hindi maganda? Sasaktan na naman ba niya ako?

"Where are we going!" Inis na sabi ko habang patuloy na nagpapadala sa kan'ya.

Wala man lang akong nakuhang sagot bagkus ay mas binilisan pa niya ang lakad niya.

I know exactly where we're going.

Rooftop.

Halos hikain ako bago kami makarating dito. Naramdaman ko ang pagbitaw niya sa kamay ko at saka lumabas ng tuluyan papunta sa rooftop.

Nalilito man ay parang may sariling isip ang mga paa ko ngayon. Sinundan ko siya hanggang sa huminto na ito. Dahil gabi na ay parang isang paraiso ang lugar na 'yon.

Ang mga glass hanging lamps na ngayon ay nakabukas ang siyang nagbibigay liwanag sa rooftop. Ang kaninang mga halaman ay may sarili naring ilaw na nakapalibot sa nakasulat na campbell. It was like a dream paradise na sobrang tahimik at romantic.

Pero teka, bakit ba ako dinala ng lalaking 'to dito? Ano na naman bang problema niya?

Napaigtad ako ng humarap siya sa'kin at lumapit ng kaonti.

"Show me your hand." Sabay turo ng tingin sa aking kamay.

"Bakit? Wala 'to. Sige na uuwi nako." Iwas ko.

Ano? Ganun ganun nalang? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to. Kung hindi lang siya gwapo ay kanina pa ako nagsisisigaw dito at hindi nangyari ang lahat ng ito.

Hahakbang na sana ako paalis pero nagsalita pa ito.

"I-i'm sorry..." Mahinang bigkas niya na ibang iba sa pagkakakilala ko sa kanya.

Nang humarap akong muli ay nag-iwas na siya ng tingin.

"Okay lang. Sige. Mauna nako." Ayoko ng makipagtalo pa sa kanya.

Kasalanan ko rin naman eh. Pinakialaman ko pa siya kanina. Dapat hinayaan ko nalang siyang mahulog! Hay! Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Mabilis ang hakbang ko pababa sa lugar na 'yon. Hindi ko na hinintay ang iba pa niyang sasabihin. Wala rin akong yapak na narinig sa likuran ko kaya alam kong hindi ako nito sinundan. Napatingin ako sa relo ko. Mag aalas otso na! Naku si France nga pala.

"Huy! Bea!" Tawag sa'kin ng isang baklitang boses.

Paglingon ko ay si Gabriel nga ang tumawag sa'kin. Sinabayan niya ako sa paglalakad sa malawak na ground ng Campbell.

"Anong nangyari ha? Magkwento ka naman! Bakit ka kinaladkad ni Seve!" Parang uod na nilagyan ng asin niyang tanong.

"Seve?!" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Oo! Ano ka ba. The famous Sebastien Fraser Escarcega!" Pahiyaw pa niyang sabi.

"Kilala mo si Escarcega?" Gulat na tanong ko.

Eh syempre malamang classmate namin 'yun! Pero famous?! Bakit hindi ko yata kilala yun. Sa sinabi niya ay bigla akong naintriga.

Hinatak ko si Gabriel sa isang bench doon at saka inilabas ang chips na binili ko pa sa tindahan ni Aling Silbya bago ako pumasok.

"Sakto gutom nako!" Galak na sabi pa nito.

"So?"

"So ayun na nga, siya lang naman ang panganay na anak ng multimillionaire na Escarcega! May kapatid pa siya si Stefan, dalawang taon lang ang agwat nila na kumukuha ng kursong business ad sa building three. Pero bakla, realtalk! Mas gwapo si Seve! Kaya kung ako sayo... teka, bakit ba ko nagke-kwento? Hindi mo ba siya kilala?" Pagsasalaysay nito habang ngumunguya ng chips na bigay ko.

Napapikit pikit ako. Para akong nalula sa sinabi niyang multimillonaire! So talaga nga palang may karapatan siyang hindi pansinin ang mundo. Sa yaman naman pala nila ay nakabili na siya ng sarili niya.

"Magtatanong ba ako if I have any idea about that guy?!" Masungit na sabi ko.

Napasandal nalang ako sa bench.

"Eh bakit ka sumama dun? Hindi mo naman pala siya kilala! Marerape ka sa ginagawa mo. Hindi porket gwapo bibigay ha!" Pagalit nito sa'kin.

"Ang dami mong sinabi Gab!" Bahagya ko pa siyang hinampas sa balikat.

"Pero ang dami kong nakuhang information sayo within ten seconds ha. Yung totoo? Stalker ka ng mga Escarcega?" Natatawang litanya ko.

"Hay, bakit ba hindi mo sila kilala? Ganito kasi 'yon, magkasosyo ang pamilya namin at ang mga Escarcega sa ibang business. Bata palang ako nun ng magising ang puso ko kay Stefan." Kilig na kilig na pagke-kwento ni Gabriel.

"Nakakaloka ka! Kaya pala hindi mo binabanggit si Stefan. Pero di'ba sabi mo famous si Seve? Eh bakit parang wala naman siyang kaibigan?" Tanong ko.

Nakita ko ang paghinto ni Gabriel ng pagkain at ang pag-iwas ng tingin nito sa'kin.

"Gabi na pala Bea. Uwi na tayo?" Pagiiba niya ng usapan.

"Sabihin mo muna Gab. Sige na..." Hinawakan ko pa ang isang kamay niya.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya bago ako muling hinarap.

"Secret lang natin 'to ha. Huwag mong sabihing ako ang nagsabi sa'yo kahit na kanino pa man promise?" Inilahad pa niya ang kanyang hinliliit sa'kin.

"Pinky promise..." Bulong ko rito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top