CHAPTER 7

Chapter Seven

Perfect face


Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko matapos marinig ang bell na hudyat ng break time. Buong araw na akong nandito sa Campbell. Sakop ko kasi ang buong araw dahil sa irregular na schedule ko.

"Bea! Ano tara?" Masayang tanong ni Judith.

"Ha?" Naguguluhang balik tanong ko rito.

Inayos ko na ang mga gamit ko at isinilid ang mga 'yon sa aking itim na backpack.

"Don't tell me nakalimutan mo? Di ba we will try the new coffee shop near Parissiene?" Sabat naman ni Freya.

"Oh! Oo nga pala! Naku, sorry ha. Madami pa kasi akong tatapusin ngayon eh. I still have class at six. Next time nalang ako pwede?"

Hindi ko na naalala na may usapan nga pala kaming pupunta sa coffee shop na 'yon. Ngayon kasi ang opening ng Casa café.

"Ganun. O sige, basta nextime ha?" Tinapik pa ni Freya ang balikat ko.

Sabay sabay na kaming lumabas ng classroom pero imbes na bumaba ako ay ang daan papunta sa rooftop ang tinahak ko.

Gusto ko ng umuwi pero may dalawa pa akong klase. Hindi pa nga ako nakakapag lunch eh. Ganito ba talaga kapag college? Parang kulang nalang sunugin ko na ng literal ang mga kilay ko!

Mas binilisan ko pa ang hakbang ko sa hagdan papunta sa rooftop. May isa't kalahating oras lang kasi ako para mag review sa susunod na klase.

Pagbukas ko ng mabigat na kulay gray na pintuan ay agad akong tumungo sa isang sulok ng lugar na 'yon. Binuklat ko ang libro sa world tourism at agad na nagbasa.

Lumipas ang isang oras na pagbabasa ko ay tinamaan nako ng katamaran. Siguro naman makakapasa nako nito.

Inilibot ko ang paningin sa rooftop na 'yon. Malawak at maraming mga halaman dito sa taas. Maliban sa magandang tanawin ay nakakaakit din ang kakaibang disenyo nito. Isa na ang mga makukulay na mga bulaklak na nakakorteng campbell sa gitna nito. Halatang alagang alaga ang mga 'yon.

Nakakarelax pala talaga dito. Malayo sa ingay ng mga studyante at sariwa ang hanging nalalanghap ko. Tsaka hindi lang pala sa sementeryo tahimik, dito rin pala. No wonder kung bakit dito tumatambay si Escarcega.

Escarcega... Paguulit ng utak ko.

Parang hindi ko pa siya nakikita ngayon araw. Dapat may klase siya kanina pero wala siya.

Tumayo na ako pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ko. Inayos ko rin ang palda ko at bahagyang pinagpag ang likuran nito bago naglakad lakad.

"Nandito kaya 'yung mokong na 'yon?" Bulong ko habang naglalakad sa kabilang sulok.

Halos naikot ko na ang malawak na rooftop na 'yon pero walang Escarcega akong nakita.

Bakit ko ba kasi hinahanap yung masungit na 'yun?! Pagalit ng isang parte ng utak ko.

I sighed after I decided to head towards the door. Pero bago pa man ako makalabas ay nakita ko sa repleksyon ng glass wall ang isang lalaking nakahiga sa edge ng rooftop.

Bigla akong kinabahan dahil sa pwesto niya! Wala na ba talaga siyang ganang mabuhay? Bakit ba parang pariwara ang lalaking 'to!

Mabilis akong lumapit sa kinaroroonan niya para hatakin siya pababa ng edge. But my body stopped when I saw him peacefully sleeping. Nakaramdam ako ng matinding kaba habang tinitignan ang gwapo niyang mukha.

How come God created such a perfect face? Yumuko pa ako ng bahagya para makita ang kabuuan ng mukha niya pero parang mali yata ang ginawa ko. Lalo lang kasing bumilis ang tibok ng puso ko.

Bea... kalma!

Sinuri ko ang mukha niyang hindi nakakasawang tignan. Yung mata niyang medyo singkit, yung ilong niyang matangos tapos yung lips niyang mapula na parang ang lambot lambot.

Masarap kaya siyang humalik? Ilang babae na kaya ang nahalikan niya?

Ipinilig ko ang ulo ko dahil bigla naman akong nakaramdam ng inis! Ang swerte naman ng mga babaeng 'yon!

"What the fuck?"

Nakadilat ang isang matang parang nasisilaw sa mukha ko ang bumungad sa'kin.

Halos mapatalon pa ako sa gulat dahil sa biglaang pag gising nito.

Napaatras ako ng bahagya at siya naman ay iritadong umupo at bumaba sa kinahihigaan niya.

"It's you again?!" Galit na sabi nito.

Patay! Bakit ba kasi ang laki ng galit sa mundo nitong taong 'to? Pati tuloy ako nadadamay! Mas mabuti pang tulog nalang siya eh! Parang ang bait bait niya. Tapos ang gwapo niya pa-

"Are you really stalking me?!" Pagpuputol niya sa mga hinaing ko.

"No!" Mabilis na sagot ko.

Talaga namang hindi eh! Ano siya artista? Mabuti sana kung kamukha siya ni Adam Levine no! Pero kasi... Mas gwapo siya dun eh!

"Then why are you here?!" Consistent ang boses na sabi niya.

"Bakit ba kasi diyan mo naisipang mag muni-muni?! Alam mo bang delikado diyan? Paano nalang kung nahulog ka, nauna yung ulo mo. Tapos namatay ka. Konsensiya ko pa!" Inis na sabi ko.

Pakiramdam ko ay nag-iinit na naman ang pisngi ko. Hindi dahil sa galit, kung hindi dahil sa lalaking nasa harapan ko.

"And why do you care?! You don't know me at hindi ko balak na kilalanin ka. So stay away from me. Naiintindihan mo?! O gusto mong tagalugin ko pa?" Parang may kung anong matalim na bagay ang tumusok sa dibdib ko.

The way he acted. It's like I did something bad to him. Parang ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya. Gusto ng tumulo ng mga luha ko pero kinagat ko nalang ang pang-ibabang labi ko para pigilan ito.

"You're right! You don't know me kaya wala ka ring karapatang magalit sa'kin ng ganyan. No wonder na wala kang kaibigan dahil diyan sa pangit mong ugali!" Pasigaw kong sabi sa kanya at mabilis siyang tinalikuran.

Nakakatatlong hakbang palang ako pero naramdaman ko ang mahigpit niyang paghawak sa kanang kamay ko. Yung hawak na sobrang diin. Nasasaktan ako.

"Ano ba! Let me go!" Mariing sabi ko sa kanya pero mas lalo pa niyang hinigpitan 'yon.

"Wala kang alam sa'kin, sa buhay ko at sa mga kaibigan ko. Wala kang alam Cazares." Gusto ko ng manginig sa takot dahil sa tinuran niyang 'yon.

The way he said my surname. Parang may pagbabanta.

Fucking hell! Ano ba kasing ginagawa ko rito? Gusto ko lang naman talagang mag-review!

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad niyang binitawan ang kamay ko at dali-daling umalis sa harapan ko.

Napangiwi nalang ako habang nakahawak sa kamay kong hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang higpit ng pagkakahawak niya. Pakiramdam ko ay nadurog ang mga buto at ligaments ko!

Teka,

Kilala niya ako?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top