CHAPTER 2

Chapter Two

Campbell International University


Unang araw ko palang dito pero pakiramdam ko'y natutunaw na ako. Paano ba naman kasi? Lahat ng mga nakakasalubong ko ay masama at matalim ang pagkakatingin sa'kin.

As if like I was an outcast. Sinuri ko ang kabuuan ko. Wala namang mali sa suot ko. Parehas lang naman ito sa mga suot ng halos lahat ng nakikita ko.

Magkaiba ba ang pagkakatahi ng uniform ko kesa sa kanila? O baka naman mumurahing sinulid ang ginamit ng sastre sa uniporme ko hindi katulad ng sa kanila na mamahalin?

I don't care. Nandito ako para mag-aral hindi para intindihin sila.

Dumiretso ako sa isang bench doon at umupo. Maaga pa naman kasi para sa unang klase ko. Gusto ko lang talagang tignan kung maganda ba talaga dito.

Dati kasi ay natatanaw ko lang ito sa tuwing papasok ako sa St.Mary's tapos ngayon heto na! Abot kamay ko na!

Gusto kong lumundag sa tuwa habang nakaapak ako sa bermuda grass ng Campbell.

Pasipol sipol pa ako habang iniimagine ang magiging takbo ng araw ko.

Napawi lang ang tuwang 'yon ng may isang grupo ng babae ang lumapit sa bench na inuupuan ko.

"Excuse me miss morena chick whatever, but this is our spot. You can leave now." Nakataas ang kilay na sabi ng babaeng payat at halos buto na ang katawan.

Hyperbole.

Ito ba ang trend dito sa campbell? Ang paunahang maging bungo?

Luminga ako sa paligid. Sinuri ko ang upuang kinauupuan ko. I don't see any name or palatandaan man lang na it belongs to a corpse.

"Excuse you miss, but is this your bench? Because I don't see any signages that says reserved..." Nanlaki ang mga mata ng tatlo pa niyang kasamang babae sa pagkabigla dahil sa tinuran ko.

Nalipat ang tingin ko sa kanila. Totoo nga, ito nga ang trend!

Confirmed! Bulong pa ng utak ko.

Papaano kasi ay halos iisa lang ang katawan nila.

Akala ko pa naman mayayaman ang mga nag-aaral dito. Pero bakit sa hitsura nila ay parang wala na silang makain?

Napabalik ang tingin ko sa nasa gitnang babaeng nagpapaalis sa'kin. Nakita ko ang inis sa mukha niya.

"Are you fucking kidding me right now?! Do you know who I am?" Pinaglandas pa niya ang kanyang kamay sa harapan niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Hindi ko alam kung paano biglang dumami ang tao sa paligid namin. Pakiramdam ko ay laman na kami ng mga bulong bulungan rito.

"Do I need to know you? Ikaw ba ang Dean ng campbell?" Narinig ko ang pagtawa ng isa pa niyang kasama na mas lalong ikinainis ng bangkay na nasa harapan ko.

"Shut up, Seika!" Singhal niya sa babaeng African American ang mukha.

Kahit na maitim ang kulay nito ay bakas parin sa mukha niya ang pamumutla ng mapagsabihan ng babaeng parang leader ng grupo nila.

Bago pa man ito muling nagsalita ay tumayo na ako. I don't want to cause any trouble. Ito ang first day ko sa Campbell kaya iniiwasan ko talaga ang madawit sa kahit na anong eskandalo.

"Enjoy the bench." Pangaasar ko rito bago ko sila iniwan kasama ng mga nagkukumpulang chismosa doon.

Narinig ko pa ang mga hiyawan ng taong nakapaligid sa'min bago ako nakaalis ng tuluyan.

Now, where am I going? Eh iisa nalang yung bench na 'yun. Tinignan ko ang hawak kong libro. Nakasingit kasi doon ang schedule ko for this semester.

Sana nga nakasingit din dito kung sino ang mga dapat kong kaibiganin. Or kung nasaan silang parte ng malawak na ground ng eskwelahang 'to. I sighed.

Ibang iba ang campbell sa private catholic school na pinanggalingan ko. Masyadong malaki ang university na 'to kumpara sa St.Mary's.

Iginala ko ang paningin ko. Mayroon isang malaking soccer field sa bandang kaliwa at sa kanan naman ay ang napakalawak na golf course.

I wonder kung kasama ba 'yon sa P.E namin? Ni badminton nga ay sablay ako eh. Ang golf pa kaya?

Ang sabi pa ay may sariling palasyo at stadium ang university! How cool is that?!

Naglakad ako sa kabilang side ng school hanggang sa matanaw ko ang maraming hilera ng bench na nasa ilalim ng mga malalaking puno. Napuno ng tuwa ang dibdib ko. Sa wakas mayroon narin akong pagtatambayan.

Patakbo kong pinuntahan ang nasa gitnang bench at pasalampak na umupo doon.

"Finally!" Masayang bulong ko.

Inilabas ko sa aking bag ang cellphone ko at doon nakita ko ang goodluck text sa'kin ni Elvira.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ko siya. Ngayon lang kasi kami nagkahiwalay. Simula ng kindergarten ay classmate ko na ito maliban lang ngayon dahil sa ibang university ito mag-aaral.

Kagaya ko rin si Elvira na hindi mayaman pero ng makakuha ako ng ninety percent scholarship dito ay napagdesisyunan na ng mga magulang kong dito ako pag-aralin.

Si Papa ay nagtatrabaho sa isang mining company sa abroad at ang Mama ko naman ay teacher sa isang public school.

Noon pangarap ko lang ang makapag-aral dito kaya naman pinag-igihan ko talaga ang exam para lang makakuha ng scholarship.

Paano kayang magkaro'n ng mayayamang kaibigan? Gano'n din kaya ang trato nila sa'kin? O kagaya nung mga haliging nagpaalis sa'kin kanina?

Bahala na nga. Susubukan kong maging mabait sa abot ng aking makakaya.

Ilang minuto pa ang dumaan bago ko marinig ang isang malakas na bell. Napadilat ako at agad na inayos ang aking sarili. Naku! Ayokong malate sa first class ko!

Kinuha ko ang libro kung saan nakasingit ang schedule at room ko.

"Second floor." Natatarantang bulong ko at agad na umibis papunta doon.

"208..." Basa ko sa number na nasa taas ng itim na malaking pintuan.

Itinulak ko 'yon at nakahinga ako ng maluwag ng makitang iilan palang ang tao rito.

Malakas ba yung pagbubukas ko ng pinto? Bakit lahat sila ay nakatingin sa'kin? What is wrong with these people? I feel like a criminal.

Tahimik akong umupo sa dulong upuan. Mas okay na dito para naman makalayo ako sa mga mapanuring mata ng mga taong 'to.

Inilapag ko ang mga librong hawak ko sa desk ko at pakunwaring binuksan 'yon. Habang nagbabasa ako ay napupuno naman ng tao ang silid. Ni wala man lang nag lakas ng loob na tumabi sa'kin.

Ugh. Inangat ko ang kamay ko at pasimpleng inamoy ang underarms ko. Hindi naman ako mabaho, nangingibabaw pa nga yung clinique happy kong perfume na padala ni Papa eh.

Napailing nalang ako at ibinalik ang mga mata ko sa librong nasa harapan ko.

Ilang minuto pa ay tumunog na ulit ang bell ng school kasabay ng pagsalampak ng upo ng kung sino sa tabi ko.

Amoy na amoy ko ang matapang pero mabangong pabango niya. Nag angat ako ng tingin at doon ko nakita ang isang lalaking nakasuot ng gray na hoodie. Nakatungo lang siya na para bang walang pakialam sa paligid.

Hindi ko rin makita ang mukha niya dahil natatakpan 'yon ng suot niyang jacket.

Napaikot ang mata ko. Sa dinami rami ng upuan bakit ba dito pa siya umupo? Hay! Akala ko may makakausap na ako.

Don't worry Bea, first day palang naman 'to. Pagpapaalala ng utak ko.

Itiniklop ko na ang libro ko at nakinig nalang sa mga usap usapan sa paligid. Halos lahat ng nasa loob ng silid na 'to ay may kanya kanyang kausap maliban sa'ming dalawa.

Napasulyap akong muli sa pwesto niya. Kahit na nakaupo ito at nakasuot ng jacket ay nakikita ko parin ang mabukol na biceps niya.

Sigurado akong athlete ang isang 'to dahil malapad rin ang kanyang pangangatawan.

Napaigtad ako ng upo ng lumingon ito sa'kin. Mabilis naman akong naglayo ng tingin at tumalikod sa kanya.

Damn! Bea, masyado ka kasing obvious!

Luminga ako sa paligid na para bang walang nangyari. Bakit ba kasi ang tagal ng professor namin? Nakakainis naman eh. Aral na aral na kaya ako.

"Is this your first day here?" Narinig kong sabi ng lalaking katabi ko. 

Ako ba ang kinakausap niya? Dahan dahan akong lumingon sa kinaroroonan niya.

Napalunok ako ng makita ko ang kabuuan ng kanyang mukha.

He has a deep set of almond eyes na para bang nakakaliyong titigan. His eyebrows are thick at ang kanyang pilik mata ay parang mas mahaba pa kaysa sa'kin. Yung labi niyang mapula na para bang ang lambot at ang sarap halikan.

Nakita ko ang bahagyang pagpasada ng kanyang dila sa gitna ng kanyang labi. Damn! Parang gustong tumakbo ng puso ko pauwi dahil sa lalaking kaharap ko.

"Are you talking to-"

"Yes." Masungit na putol niya sa susunod pang sasabihin ko.

"Hindi ba first day of school ngayon? So yeah this is my first day here." Sarkastikong sagot ko habang pinipigilan parin ang kung anong weirdong kilos ko.

"That explains..." Tinanggal na niya ang tingin sa'kin at humarap sa white board.

"That explains what?" Usisa ko sa kanya.

Magsasalita pa sana ito pero pumasok na ang professor namin. Nagsitayuan ang lahat kaya naman wala na itong nagawa kundi ang sundin ang nakararami.

Matangkad pala talaga siya kagaya ng hinala ko. Pakiramdam ko ay mas naging unano ako sa tabi niya. Papaano ba naman kasi, hanggang balikat lang ako ng lalaking 'to.

Sa height kong five foot and four inches lang ay mas lalo akong nanliliit sa kanya.

Pagkatapos ng greetings ay bumalik na ulit kami sa pagkakaupo.

Nagbasa lang ng syllabus ang unang matandang professor namin at pagkatapos ay nag dismiss din agad ng klase.

Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko ng makita ko ang lalaking katabi ko na nagmamadaling naglakad papunta sa pintuan.

"Hoy!" Sigaw ko sa kanya ng makalabas kami sa hallway pero hindi ito napigil sa paglalakad.

Malalaki ang hakbang niya kaya naman mas binilisan ko pa ang paglakad ko.

Hay! Ano ba 'to? Bakit ko nga ba siya sinusundan? Oo tama! Yung sinabi niya kanina. Ano nga 'yun?

I am staying close to his back kaya naman ng huminto ito ay napasubsob ako sa likod niya at nabitiwan ang mga librong dala ko.

His hard warm back na para bang bato sa tigas.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan.

"Why are you following me?" Pasupladong tanong nito sa'kin. Nakipagtitigan naman ako sa kanyang matalim na mga mata.

Mabuti nalang at wala ng masyadong studyante sa hallway kung hindi ay tuluyan na talagang masisira ang araw ko.

"N-nothing..." Nauutal na sabi ko.

Siguro kung nakikita ko lang ang guardian angel ko ngayon ay malamang naka face palm ito.

"Then stop following me." Naglakad na ito papalayo sa pwesto ko.

Hmp! Sungit!

Mabilis kong pinulot ang mga librong nalaglag sa sahig ng matapos 'yon ay tumayo na ako.

Mga limang dipa na ang layo namin sa isat-isa. Napatigil nalang ako ulit sa paglalakad ng makita kong huminto siya at lumingon ulit sa'kin.

Napayakap ako sa librong hawak ko. Jeez! Hindi ko naman na siya sinusundan eh. Kasalanan ko bang ito din ang daan sa pupuntahan ko?

"Fix yourself." Nakakunot noo niyang sabi pagkatapos ay sumulyap sa dibdib ko.

Bastos! Naitaas ko ng wala sa oras ang hawak kong libro patakip sa aking dibdib.

Hindi na ako nakasagot pa dahil naglakad na ulit ito papalayo sa'kin.

Sinulyapan ko ang tinutukoy niya and there i see my uniform's logo placed upside-down! Oh God!

So kanina pa pala ganito ang logo ko? Napapikit ako sa sobrang pagkadismaya.

Unang una pa naman sa rules ng Campbell ay galangin ang uniform. Kaya siguro gano'n nalang ang pagtingin ng mga taong nakakasalubong ko kanina. 

All I am hearing right now is a "tsk" word repeatedly. Sa dami ng nakakita sa'kin ay hindi imposibleng mapatawag ako sa guidance office anytime soon!

This school is also built like the big brother's house. Sa kada sulok at kanto ay mayroong naka install na cctv.

Patay!

I now declare that this day is absolutely a big flunk!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top