KABANATA 46
Princess shiel POV
Tuluyang ng tumulo ang luha ko pagkaalis nila mom.
Tinignan ko si shin
"Shin you can do something right? ...pls help us"- pagmamakaawa ko kay shin at hinawakan ang kamay niya.
Umiling naman siya sa akin.
" I can't sis. Kahit sabihin natin na ako na ang hari. Hindi ko parin maaring baliwain ang utos ng dating hari at reyna"- sabi niya sa akin.
Napabagsak naman ang dalawang balikat ko dahil sa sinabi niya. Binitawan ko naman ang kamay niya.
Tumingin ako kay rexs at nginitian ako ng peke. Alam kong nasasaktan siya sa sitwasyon namin ngayon.
Bigla ko nalang siyang niyakap ganon din siya sa akin.
"Shhhh... Magiging OK din ang lahat.. Pipilitin natin ang reyna na huwag ituloy ang kasal"- sabi niya sa akin.
Tumango lang ako sa kanya.
-------------------------------------------------------------
Andrie POV
Kasama ko ngayon si rude at naisipan muna naming maglakad lakad dito sa palasyo.
"Mukhang matutuloy na talaga ang kasal"- biglang sabi ni rude
"Yeah! At alam kong nasasaktan ang dalawa sa sitwasyon nila ngayon"- sabi ko sa kanya.
Huminto siya kaya huminto din ako. Tinignan niya ako na parang mayiniisip.
"Paano kaya kung takutin natin si tristan para hindi niya na ituloy ang pagpapakasal kay princess shiel"- sabi niya sa akin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. Segurado ba siya sa Plano niya?
"Ewan ko sayo... Kung ano ano nalang ang iniisip mo"- sabi ko sa kanya at naglakad na ulit. Humabop naman siya sa akin.
"Grabe ka talaga... Suggestion ko lang naman yun. Malay mo umubra"- sabi pa niya.
Naagaw naman ng atensyon ko ang dalawang Tao na naguusap sa ilalim ng malaking puno.
"Tahimik rude"- pagpapatigil ko kay rude. Tinignan niya din ang tinitignan ko at bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
"Si general deok at prince tristan... Close pala sila? "- biglang tanong ni rude
Tinignan ko ng maigi silang dalawa. Nagtaka naman ako ng bigla nalang may kung anong inabot si general deok kay prince tristan na isang sobre.
Ano yun?
Pagkakuha ni prince tristan non umalis na si general deok.
Sumunod naman si prince tristan
"Anong nangyayari? "- biglang tanong pa ni rude.
"Hindi ko din alam. "- seryosong sabi ko sa kanya.
-------------------------------------------------------------
Tristan POV
Pagkahatid ko sa dating reyna at hari sa kanilang silid nagpaalam na ako sa kanila na aalis na ako.
Pagkalabas ko .nakasalubong ko so general deok.
Yumuko siya sa harap ko.
"Prince may sasabihin po ako sa inyo"- bulong na sabi niya sa akin.
Tinignan ko naman siya ng seryoso bago nag nod sa kanya. Naglakad na ako at ramdam kong nakasunod siya sa akin.
Dinala ko siya sa malaking puno at hinarap siya.
"Anong sasabihin mo? "- tanong ko sa kanya.
"Pinapasabi ni king nakailangan mo nang gawin ang pinapagawa niya sayo"- sabi niya sa akin at bigla nalang siyang may inabot na sobre.
Nagpaalam na siya na aalis na. Sinuri ko ang sobre at umalis na.
Sana mapatawad niyo ako sa gagawin ko.
Buo na ang desisyon ko.
-------------------------------------------------------------
Princess shiel POV
Kasama ko ngayon sila rexs na mamasyal dito sa palasyo. Isang araw nalang at kasal na namin ni tristan.
Nakahanda na ang lahat.
Pero unti unti ko ring pinapatay ang sarili kong puso.
Napatingin ako kay rexs na katani ko ngayon at nakahawak sa kamay ko.
Sana wala nalang problema na humahadlang sa ating dalawa.
Patawad kong wala akong magagawa rexs. Mahal kita alam mo yan
"May problema ba shiel? " tanong niya sa akin. Nginitian ko naman siya at umiling.
"Wala naman... Iniisip ko lang.. Mahal na mahal pala kita"- sabi ko sa kanya.
"Hahaha... Ganon din naman ako... Mahal na mahal kita"- sabi niya sa akin..
"Tangina! Umalis na tayo dito!!! Nakakasakit sila ng mata"- natawa naman kami dahil bigla nalang sumigaw si maximo
"Hahahaha... Tumigil ka nga Max. Para kang engot"- sabi sa kanya ni kiel
"Tignan niyong dalawa kapag ako lumabas sa bayan who you kayo sa mga babae ko"- bilib sa sarili niyang sabi
"Hahaha... G*g* sinong inuto mo Max? Hahaha... Hindi ka na nga pinapansin ng mga babae mo nung huli nating punta sa bayan e"- pangaasar sa kanya ni chris
"Hahahahahs"- tawa namin ng makita naming parang pinagsakloban ng langit at lupa ang mukha ni maximo.
"Rexs"- napatigil kami ng bigla nalang sumulpot si tristan
Nagtaka naman ako bakit niya tinawag si rexs. Anong kailangan niya sa kanya.
"Pwede ba tayong magusap? "- tanong niya kay rexs. Nag nod naman sa kanya ang katabi ko.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak kay rexs.
Napatingin siya sa akin. At nginitian ako. An assuring smile.
Napabuntong hininga nalang ako dahil don.
Lumayo silang dalawa.
"Ano kaya ang paguusapan nila? "- tanong ni josh
"Kung may masamang gagawin Yang si tristan.. Tignan niya lang tayo ang makakalaban niya"- galit na sabi ni ryle at parang ano ang oras susugod na siya sa isang laban
"Haha.. Easy... Hindi naman seguro"- sabi ni rude
Tinignan ko nalang ulit ang dalawa .
Ano bang pinaplano mo tristan?
-------------------------------------------------------------
Rexskel POV
Lumayo kami ni tristan .ng masigurado niya nang nakalayo na kami hinarap niya ako.
Tinignan ko siya ng seryoso
"Ano bang kailangan mo? Kung pagsasabihan mo ako na layuan si shiel. Hindi ko magagawa yun
Mahal ko siya.. Hindi kapa ba kuntinto na papakasalan ka ng babaeng mahal ko? '- may diin na tanong ko sa kanya.
Napabuntong hininga naman siya sa narinig niya.
"Rexskel hindi sa ganon ang gusto kong sabihin sayo"- kalmadong sabi niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil don.
"Hindi ko kayang makita na ang babaeng mahal ko na nasasaktan dahil rin sa akin. Alam kong masaya siya dahil sayo at parang niloloko ko narin ang sarili ko na iniisip kong mamahalin din niya ako"- panimula niya.
Hinawakan niya ang balikat ko
"Sana sa gagawin kong desisyon maging masaya na siya. Alagaan mo siya rexs "- huling sabi ni tristan sa akin at iniwan akong gulat at hindi makapaniwala.
Salamat tristan
-------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top