KABANATA 43


Rexskel POV

Nakatingin ako ngayon kay shiel habang nandito sa tabi ng kama niya at binabantayan siya.

Napatingin ako sa pinto at nakita kong pumasok si king shin. Napatayo naman kami at nagbigay galang sa kanya.

"Kamusta na siya? "- tanong  niya. Binigyan ko siya ng mapait na ngiti at tumingin kay shiel na natutulog parin ngayon.

Lumapit si king shin kay shiel at hinawakan ang kamay nito.

"Azrael wake up"- sabi niya. Kita ko ang lungkot sa boses niya.

"Nagaalala na sayo sila mom at dad at isa pa may especial na Tao ang naghihintay sayo"- sabi niya at bigla nalang tumingin sa akin. Napayuko naman ako dahil sa hiya

"Chuckled * twin sis gumising kana huh. Promise hahanapin ko ang may gawa nito sayo. At seseguraduhin kong matatanggap niya ang nararapat na kaparusahan sa kanya"- sabi niya dito.

Hindi din nagtagal nagpaalam na din na aalis na si king shin. At hinabilin niya pa sa amin na bantayan namin ang kapatid niya.

------------------------------------------------------------

Tristan POV

Hindi ako mapakali kahapon ko pa hindi nakikita si leila. Nasan na ba siya?

Nagaalala na ako at the same time kinakabahan ako.

"Himala wala yata akong nakikitang alaga mo dito na Dada ng Dada"- biglang sabi sa akin ni kiefer

Tinignan ko siya ng masama.

"Hahaha.. Easy lang bro.. Nasan na ba kasi Yang kapatid mo? "- tanong ni yuta.

Napahilamos naman ako ng mukha ko.

"I don't know. Pinuntahan ko siya sa silis niya pero wala siya doon. Kahapon ko pa siya hindi nakikita"- sabi ko sa kanila.

"Baka naglilibot lang dito sa palasyo. Alam mo naman ang ganda ng mga tanawin dito"- sabi ni kalil

Umiling naman ako sa kanila.

"Hindi... Iba ang kutob ko dito"- sabi ko sa kanila at Dali daling lumabas ng silid namin.

I need to find leila.

Pagkalabas ko sa pinto. Napatigil ako ng may nakita akong isang sobre. Basi tatak ng sobre galing ito kay dad.

Pinulot ko ito at binasa.

--------------------

Go to me and accept. If you not, you can't see your sister

- king

---------------

Yan ang nakalagay sa sulat.

Nagigting naman ang bagang ko sa nabasa ko 

Gagawa talaga siya ng paraan para mapapayag akong tulungan siya sa pinaplano niya.

Umalis na ako at pinuntahan si dad. I know na nandito na siya sa goong palace

Hindi din naman nagtagal nakarating na din ako.

Nagtaka ako ng makita ko si general deok na kakalabas lang sa silid kong nasaan si dad.

Anong ginagawa niya dito? 

Pumasok na ako sa loob at doon nakita ko si dad na nakangiti habang nakatingin sa akin. Tinignan ko naman siya ng seryoso

"Where's leila? "- I ask him

"Hahahaha... Sit son"

"Dont call me son. "- madiin na sabi ko sa kanya.

"Nasan si leila. Ilabas mo siya! "- sigaw ko sa kanya.

"No... Hahaha.. Alam mo ang gusto ko sayo. Isa lang naman ang ipapagawa ko sayo. Kailangan mo lang naman patayin ang kambal  na anak ng goong family"- sabi niya sa akin.

Naikuyom ko naman ang kamao ko. At sinuntok ang mesa niya

"Wala ka na ba talagang magawa sa buhay mo?  Huh!  At sisirain mo talaga ang goong family? '- galit na tanong ko sa kanya.
Nagulat naman ako ng bigla niya nalang akong sampalin sa mukha

Pak **

"Give respect to me.. Ako ang ama mo at higit sa lahat isa akong hari"- sabi niya sa akin. Kita ko sa mata niya ang galit. Tinignan ko lang siya ng seryoso

"Ama nga kita pero nagging ama kaba sa amin ni leila?  Ginagamit mo lang kaming dalawa.. Dad hindi kanaman ganito ng buhay si mom. Bakit ngayon nagbago kana"- sabi ko sa kanya.

"Smirk- ganito na ako noon pa. Son"- sabi niya sa akin  na ikinakunot ng noo ko.

"So anong disesyon mo? "- tanong niya sa akin.

"Payag na ako. But make sure wala kang gagawing masama sa kapatid ko"- sabi ko sa kanya.

"Masusunod son. "- sabi niya sa akin sabay abot ng isang bote

Kinuha ko ito. Isang lason

"Kailangan mong mapainom yan sa prinsesa. Balita ko siya ang natamaan ng palaso"- sabi niya.

Tinignan ko naman siya so ibig sabihin siya ang may gawa non. He's a devil

Pagkatapos naming magusap umalis na ako.

Leila wait for me.

-----------------------------------------------------------

Leila POV

Minulat ko ang mga mata ko nang maramdaman kong hindi ko magalaw ang kamay ko pati ang paa ko

Doon ko lang nalaman  na nakatali pala ang kamay at mga paa ko.

"Why I am here? "- tanong ko sa sarili ko.

Nilibot ko ang paningin ko at doon ko lang napagtanto na nasa loob ako ng abandonadong silid

Inisip ko naman kung paano  ako napunta dito

Flashback

Nakangiti akong naglalakad dito sa loob ng palasyo. Masaya ako dahil nakaganti din ako kay Andrie.

Isa pa siya panira siya sa buhay ko. Sarap nilang pagbuhulin ni kalil. Tsk.

Sa kakalakad ko nagulat nalang ako ng biglang may nagtakip ng Ilong ko.

Nagpumiglas ako pero huli na. Unti unti kong naramdaman na pumipikit ang mga mata ko

Flashback end

Shit!  I'm been kidnapped

"Tulonggggg!!  May Tao ba dito? "- sigaw ko.

"Tulongggg"- sigaw ko pa

Unti unti nang pumapatak ang luha ko.

"K-uya save me... *snif* kuya "- iyak na bulong ko

Pilit kong inaalis ang pagkakatali ng kamay ko pero masyado itong mahigpit.

"Ahhh"- sigaw ko ng makita kong nasugatan ang kamay ko.

Huhu.... Kuya...

-------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top