KABANATA 2


Rexskel Woo POV

I'm rexskel woo. I have brother and sister. They're Ryle Woo and Jin Woo.

Napatingin ako sa daan na tinahak ng lalaking tumulong sa akin.

"Shinji "- bulong ko sa pangalan niya. Hindi man lang ako nakapagpasalamat

"Kuya"- napatingin ako Kay ryle ng tawagin niya ako ulit. Bakit to nandito?

"What are you doing  here? "- I ask to them. Hindi ba nila alam na dilikado dito sa gubat?

"Sinundan ka namin kuya Rexs. Nakita ka namin na tumatakbo "- sabi sa akin ni kiel

Napabuntong hininga nalang ako.

"Bumalik na tayo sa bayan"- sabi ko sa kanila at nauna nang maglakad

I hope I can see you again shinji.

------------------------------------------------------------

Princess Azrael POV

Nandito ako ngayon sa harap ng mga magulang namin kasama si shin. Hay!  Bakit ba ako nasama dito sa meeting na to. Hindi naman kailangan ang salita ko dito.

Inaantok pa talaga ako. Magmamadaling araw na ako nakauwi. At pagod nadin at the same time

"Mom ano po bang sasabihin niyo? "- tanong ni shin kila mom at dad.

"Alam mo namang malapit na ang kaarawan ninyo at ipapasa nadin namin ang trono sayo shin. Kaya naisipan namin ng kamahalan na ipatupad ang paghahanap ng mga bagong warriors "- sabi ni mom

Kung ganon malapit na pala.

"Kailan niyo sisimulan? "- tanong ni shin sa kanila.

"Actually bukas na magsisimula ang pagpapalista at paghahanap ng mga dapat na warriors mo"- sabi ni dad.

Ang bilis naman yata

"Ganon po ba. May sasabihin pa po ba kayo? "- tanong ni shin sa kanila.

"Sa ngayon yun lang Muna. Bibisitahin nalang namin kayo dito ulit. Wag kayong magpapasaway Kay general deok"- paalala na naman sa amin ni mom

"Yes mom'- sabay na sabi namin ni shin. Pero sinulyapan pa ako ni shin. Palihim ko naman siyang inirapan. Alam kong pinapamukha niya sa akin ang sinabi ni mom. As if I care. Gagawin ko kung ano ang gusto ko

Nagpaalam na sa amin sila mom at dad na aalis na sila. Ng tuluyan na silang makaalis. Hinarap ako ng magaling kong kakambal

"Anong oras ka umuwi? '- pagtatalak niya sa akin

"Madaling araw na e"- sabi ko

"Kaya naman pala kanina pa kita nakikita na parang malalaglag na Yang Mata mo'- sabi niya

Haist!  Ang ingay niya

"Twin pls. Patulugin mo naman ako. Gisingin niyo ba naman ako ng ala 7 ng umaga dahil nandito sila mom at dad tapos hindi naman kailangan ang opinion ko sa paguusapan ninyo"- sabi ko sa kanya na may halong inis

"Ok fine. You can sleep here In my room "- pagsuko niya

"Thanks twin. Kaya mahal na mahal kita di mo ako matitiis"- pangiinis ko sa kanya

"Tsk matulog ka na nga. Marami pa akong pagaaralan"- sabi niya.

"Hahaha... Gabayan ka sana ng diyos at wag sumabog Yang utak mo"- sabi ko sa kanya at pumunta na sa higaan at nahiga doon

Narinig ko naman ang pagsara ng pinto ng kwarto niya.

Napapikit naman ako at natulog na.

-------------------------------------------------------------

Prince shin POV

Ng makuha ko ang mga libro na kinakailangan ko sa library dito sa bahay namin ni twin. Bumalik na ako sa kwarto ko at napangiti nalang ako ng makita ko si azrael na mahimbing na natutulog sa kama ko.

Nilagay ko ang mga libro sa mesa  at lumapit Kay azrael Umupo ako sa gilid ng kama at hinawi ang ilang hibla ng buhok niya

"Napakatigas talaga ng ulo mo"- nakangiti kong sabi sa kanya

"Kailan mo kaya maiisip na hindi kana bata pa. Your a lady now. Pero ganon ka pa din"- dugtong ko pa

"I love you azrael. Sleep well"- bulong ko sa kanya ng ilapit  ang mukha ko at hinalikan siya sa noo niya.

Bumalik naman ako sa mesa at nagsimula nang magbasa

-------------------------------------------------------------

Rexskel POV

Nandito kami ngayon sa ramen shop dito sa bayan. Kasama ko sila ryle at mga kaibigan niya.

"Oy!  Josh akin ang isang bowl na yan!"- sigaw ni jake Kay Josh na kinakain ang isang bowl ng ramen na kinuha niya Kay jake

"Anong sayo akin to. Kita mong kinakain ko diba? "- sabi naman ni Josh habang subo pa rin ng subo ng ramen

Josh and jake - sila ang dalawang taong kilala ko na kahit yata anong klase ng pagkain. Kakainin parin nila. Hindi ko alam kong saan nila nilalagay ang pagkain na kinakain nila. Tinaguriang mga PATAY GUTOM sa aming lahat.

"Maximo tigilan mo nga yang kakatihan mo. Pati ba naman dito sa ramen shop ibang putahe ang kakainin mo! "- bulyaw ni kiel Kay maximo

Kiel- ang pinakashort tempered. Madaling mainis at naiirita palagi kapag nakikita niyang may Mali kang ginagawa

"Pake mo ba!  Ayun!  Kunin mo din yung isang babae. Kapag gusto mo din"- sigaw ni maximo sa kanya

Maximo- ang pinakamakati sa aming lahat. Wengya hindi yata to mabubuhay kapag hindi nakakasama ang mga babae niya.

"Tsk"- sabi nalang ni kiel at tinuloy ang kinakain .

"Kuya! Nagkita na ba kayo ulit nong lalaking tumulong sayo kagabi? Ano ngang pangalan non? "- tanong ni ryle sa akin

"Shinji bro. Yun ang narinig kong sabi ng lalaki kagabi"- sabi ni kiel

"OO YUN NGA! "- parang batang sigaw ni ryle at kumislap pa ang Mata na parang nanalo sa isang paligsahan. Napailing nalang ako. Paano ka nga naging kapatid to. Ang layo ng ugali namin sa isat isa.

"Nope!  Hindi ko pa siya nakikita ulit. I think hindi siya taga dito sa bayan. Seguro dayo lang siya dito"- sabi ko sa kanya

"Sayang.*puot * ang cool ng pagkakapatay niya doon sa assassin e"- sabi ni ryle. Bakla ba to?  Makapuot wagas huh!

"BRO! "- sigaw ng isa pang isip bata sa likuran ko. Tumingin kami sa kanila. Kailan pa sila nakabalik?

"Kuya kailan pa kayo nakabalik? '- tanong ni maximo sa kuya niyang si aaron

Aaron kim- nakakatandang kapatid ni maximo Kim. Isip bata katulad ng kapatid ko. Ang layo ng ugali niya sa katapatid niya. Mas parang magkapatid sila ni ryle

"Tangina maximo. Pagkaalis ko may kasama kang babae. Pagkauwi ko may kasama ka na naman.ang kati mong Tao! "- sigaw ni aaron sa kanya.

Napatawa naman kami

"Jake tigilan mo nga ang kakakain"- sermon ni rude sa kapatid nito

Rude yoo - seyosong Tao. Katulad ni andrie na kapatid ni kiel.

Andrie Han - katulad ni rude seryoso din siyang Tao. Tahimik .kapatid ni Kiel Han

Chris Jung - siya naman ang normal sa aming lahat kayaga ko. Kapatid niya ang isang PATAY GUTOM na Tao. Si Josh jung.

"MAY KAUTUSAN GALING SA HARI NG PALASYO! "- dining naming sigaw ng isang Tao na nakasakay sa kabayo. Kita namin na nagbubulungan ang mga Tao dito sa bayan.

Kautusan?

"Ano naman kaya Yang kautusan na yan? "- tanong ni chris

"Tignan natin'- sabi ko sa kanila at lumabas kaming sampo sa ramen shop

-------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top