KABANATA 15
Shinji POV
Pagkapasok ko sa kwarto. Nakita ko silang lahat na napatingin sa akin. Napakunot naman ang noo ko.
"May Mali ba sa akin? Bakit kayo makatingin ng ganyan"- sabi ko sa kanila at pumunta sa kama ko
"Wala. Naman si kuya rude kasi"- sabi ni josh
"Huh? "- ako at tinignan si rude na napatingin din sa akin ng mariin
"Bakit ?" Tanong ko sa kanila.
"May nakita daw siyang babae sa ilog. "- sabi ni maximo. Natigilan naman ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Nakita niya ako. Ibig sabihin nandon siya.
"Oh! Tapos. Anong connect non sa ganyan kayo makatingin sa akin"- sabi ko sa kanila
"Wala naman" sabi ni rude at nagiwas ng tingin sa akin.
Naningkit naman ang mata ko. May possibility na nakita niya ang mukha ko. Pero sana hindi naman
"Tara na. Sa training ground malate pa tayo niyan"- sabi ni andrie at nauna ng lumabas sa kwarto.sumunod naman sila.
Lalabas na sana si rude ng tawagin ko siya.
"Rude"- ako"hmm..? "- siya at nilingon ako
"Nakita mo ba ang mukha ng babae? "- seryosong tanong ko sa kanya. Tila napakunot pa ang noo niya "hindi nag madali na kasi akong umalis dahil baka nakita niya ako" sabi niya.
Nabunutan naman ako ng tinik sa lalamunan ko.
"Ganon ba"- sabi ko sa kanya. "Bakit mo natanong? "- tanong niya sa akin.
"Wala naman... Tara na. Baka mahuli pa tayo"- sabi ko sa kanya at lumabas na sa kwarto. Maramdaman ko naman na nakasunod siya sa akin.
Ng makarating kami sa training ground nakita namin sila rexs. Kaya lumapit kami sa kanila
Umupo ako sa tabi ni rexs at sumanadal sa sandalan
"Tagalan kayo ah"- sabi niya sa akin. Tinignan ko siya.
"Nagusap lang kami sandali"- sabi ko sa kanya
"Ng? "
"Bakit ang daldal mo? "
"Hmm... Bakit bawal na ba akong magtanong? "
"Ewan ko sayo... Tumahimik kana nandiyan na sila master Lee"
"Hahaha.. "
Pagkatapos naming magusap. Tumahimik na kami at napatingin kila master Lee sa gitna.
"Ngayon pupunta tayo sa gubat at huhuli kayo ng mga usa. Magiingat kayo dahil may mga mababangis na. Hayop doon at basal niyong saktan ang kapwa niyo warriors. Maliwanag"- sabi ni master Lao sa amin.
"Yes master! "- sigaw namin.
"Sige na magsimula na kayo. "- sabi sa amin ni master Lee at umalis na sila.
"So.. Tara na... Let's hunting time"- masiglang sabi ni ryle at tumayo na.
Napangiti naman kami at tumayo na din. Sumunod na kami sa ibang warriors na papunta na sa gubat.
Ng nasa bukana na kami ng gubat nagsalita ako
"Paano ba yan. Hiwahiwalay na tayo. Kita nalang tayo dito sa labas Malaya"- sabi ko sa kanila
"OK"- sabi nilang lahat yung tatlo nag nod lang.
Nagsimula na kami sa paghahanap ng usa.
Pumunta ako sa gawing kanan. Ang alam ko dito sa parteng to maraming usa.
Hawak ko ang katana ko. Mas madali sana kong pana ang hawak ko. Pero sabi ni master Lao dapat ang sandata namin ang gamitin namin.
Dahan dahan akong naglalakad ng bigla nalang akong may nakitang isang usa.
Napatingin ako sa puno na malapit sa pwesto ng usa. Dahan dahan akong lumapit sa puno at mabilis na umakyat doon. Ngayon nasa ilalim ko lang ang usa na kumakain ng damo.
Mabilis akong tumalon sa taas niya sabay tarak ng katana ko sa Tiyan niya.
Umungol naman ito dahil sa ginawa ko.
Nakita kong natalsikan ng dugo niya ang damit na suot ko. Ginilitan ko ang leeg niya ikinimatay ng usa.
1 down. Sabi ko sa isip ko
Kinuha ko ang lubid sa bewang ko at tinali ang ulo nito doon.
Inayos ko na ang sarili ko at Sinabit ang usa sa balikat ko. Nagsimula na akong maghanap ng iba pang usa
-------------------------------------------------------------
Rexskel POV
Naghahanap na ako ng usa pero mukhang minamalas ka nga naman ibang usa ang nahanap ko.
"Oh! Nagkatakpo na naman tayo rexs. "-masayang sabi ni Tristan sa akin. Yeah you heard it right. Si Tristan ang nasa harapan ko ngayon.
"Tsk"ako at lalagpasan na sana siya dahil wala akong planong makipagusap sa kanya.
"Ganyan kaba sa kapwa mo warriors? Ang sungit. "- biglang tanong niya sa akin. Nilingon ko naman siya at nakita kong nagsmirk siya sa akin.
Naningkit naman ang mata ko sa kanya.
"Ayaw kong makipagusap sayo'- sabi ko sa kanya at tatalikod na sana ulit pero nagsalita na naman siya na ikinatigil ko
"Alam mo nahahalata ko lang ah! Kapag kasama mo si shinji parang iba ang pakikitungo mo sa kanya. Yung parang pinapakita ng mga lalaki sa babae parang ganon. Ano kayang Ibig sabihin non? "- tanong niya sa akin. Napakuyom ko naman ang kamao ko.
"Ano bang kailangan mo ?"- may diin na tanong ko sa kanya. Hinawakan niya naman ang espada niya
"Well. Wala naman "- sabi niya at bigla nalang hinagis ang espada niya papunta sa akin. Hindi naman ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa paglagulat
Ng malapit na sa akin ang espada niya nagulat nalang ako ng bigla nalang itong tumalsik. At may nakita akong katana sa harapan ko.
"Oh! May tagapagligtas ka pala"- sabi sa akin ni Tristan at nag smirk
"Tristan Anong ginagawa mo!?"- galit na tanong ni shinji sa kanya
"What? I didn't do anything "- pagmamaang-maangan ni Tristan
"You know what. Hindi ka na nakakatawa Tristan. Makakapatay kanya ng Tao. Ng kapwa mo warriors! "- sigaw sa kanya ni shinji
"So? ", - tanong ni tristan sa amin. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at mabilis ko siyang sinuntok
"GAGO! KA. " sigaw ko sa kanya at pinagsusuntok siya. Hindi niya naman ako linalabanan. Nala ngisi pa siya sa akin.
"Rexs tama na. Bro! "- sigaw no shinji na pilit niya akong pinipigilan
Susuntukin ko pa sana si tristan ng bigla nalang ako makarinig ng isang sigaw
"STOP!! WHAT THE HELL IS HAPPENING? "- rinig kong sigaw. Napatingin ako sa unahan at doon nakita ko sila master Lee kasama sila yuta at kiefer na nakangiti sa akin.
Shit! They planed it.
"Rexskel and shinji sumama kayo sa amin. And tristan gamutin mo na Yang sugat mo"- sabi ni master Lee
Tinulungan akong makatayo ni shinji at hinawakan ang braso ko
"Tara na rexskel"- sabi sa akin ni shinji. Tinignan ko siya at seryoso niya lang tinignan si tristan na nagawa pa talagang ngumiti sa amin.
Putcha!
-------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top