Chapter 9- I Tried

Alec

Tangina, tinapay na lang nasunog ko pa kanina. Nauumay na ako sa pagkain sa convenience store. Ni sarili ko ay hindi ko mabuhay. Nami-miss kong kumain ng simpleng kanin. 'Yong tipong sarap na sarap ako sa lugaw na niluto ni Khristine. Hindi naman ako kumakain ng lugaw sa palasyo.

Iniwan ko si Khristine sa apartment niya na may lagnat. Tigas din ng ulo ng isa na iyon. Hindi ako umalis hangga't hindi ko nasisigurado na hindi siya papasok. Hindi ko maintindihan kung bakit under-staffed ang mga hospital gayong ang daming graduates ng medical course. Ang daming walang trabaho. Ano ba ang mali? Saan ang mali? Tamad lang bang magtrabaho ang mga tao ngayon?

Pag-uwi ko sa sarili kong apartment, hinarap ko ang mga draft ko ng Cordanian Law. Isa lang ang naiisip kong paraan para mabawasan ang pagtatangka sa buhay ng Royal Family. Marami ang tututol sa gagawin ko kaya

kailangan kong maging matalino. Kailangan kong maging maingat.

Nang ma-bored ako sa pagsusulat, nag-work out naman ako para palakasin pa ang katawan ko. I should practice my shooting but I don't have the capacity to acquire a gun now. That can wait for a while.

Nang mapagod ang katawan at ang isip ko, doon pa lang ako nakaramdam ng antok. Pagkatapos maligo, deretso ako sa pinakamatigas na mattress na nahigaan ko.

Kinabukasan, ni ayaw ko ng kainin ang pagkain sa convenience store. Lumipat ako sa pinakamalapit na grocery at namili ng kung ano-ano. Magaling na kaya si Khristine? Pwede kaya siyang magluto?

May dala akong apat na grocery bag, pinindot ko ang doorbell sa apartment number ni Khristine at hinintay ko siyang sumagot.

"Who's that?" she asked hoarsely.

"Me."

"Who?" naguguluhang tanong niya mula sa intercom.

"Alec." She doesn't remember my voice?

"God! What time is it?"

"Past nine? Let me in. It's cold in here."

I heard the buzz and I immediately went inside the gate.

Mukhang kagigising ni Khristine. Nagising ko yata sa pagbu-buzz sa gate. Himalang full blast ang heater niya pero nakabalot pa rin sya ng blanket.

"Do you still have a fever?" Nilapag ko ang mga pinamili ko sa dining table at nilapitan si Khristine na nakaupo sa sofa at nanginginig. Sinalat ko ang noo nito. Mainit.

"Hospital?"

"No, I already called Mandy. There's no available room in the hospital. Dito na lang ako sa bahay."

"Sa lahat ng nurse, ikaw ang matigas ang ulo. Kailangan mo ng gamot, right?"

"Mandy will take care of it. Dadalhin niya mamaya ang mga gamot. Sumasakit ang ulo ko. Bakit ka nandito?"

Napabuntong hininga ako. "I was thinking if you can... cook again?" hindi siguradong sagot ko.

Natawa ng bahagya si Khristine. "Bilis mong masanay sa lugaw."

"Nagsasawa na ako sa pagkain sa convenience store," pagdadahilan ko. "Pero mukhang hindi mo kayang tumayo. Ako na lang..."

Mas lalong tumawa si Khristine. "Kahit wala akong panlasa, malalasahan ko ang sunog na tinapay."

The nerve! It was your great honour to eat that bread made by the Crown Prince.

"Hintayin natin si Mandy. Papunta na raw siya. Mas masarap magluto 'yon. Ano ba 'yang mga pinagbibili mo?"

"Walang pasok si Mandy? I don't know, basta naglagay na lang ako sa cart ng kung ano makita ko. May mailuluto naman siguro kayo from here."

"Dami mo yatang napalimos at nakapag-grocery ka?"

Tangina, muntik nang matanggal ang leeg ko sa biglang paglingon ko kay Khristine.

Anong maraming napalimos?

She really thought I am homeless? This dreadful woman! She looks serious waiting for my response.

"Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Do I look like I'm joking?" seryosong tanong ni Khristine sa akin.

"Are you really serious?" pag-uulit ko.

Kumunot ang noo ni Khristine. "You mean, you have a job?"

"No, but—" Damn! I don't know if I should get offended or not. "I still have money from the watch I sold."

"Ah, I see."

Naputol ang pag-uusap namin, or rather ang pagiging judgemental ni Khristine nang tumunog ang buzzer niya.

"Si Mandy na siguro 'yan. Pakipindot," wika ni Khristine sabay ngumuso.

Naguguluhan akong tumingin sa kanya at sa pader tapos kay Khristine ulit.

"What are you doing? Are you asking for a kiss?"

"What? No! Buksan mo kako ang gate. Ayon." Ngumuso na naman siya sabay turo sa mga switch sa pader.

"You need to learn how to communicate correctly. How the fuck will I understand your signal, woman?"

Nakaka-stress itong si Khristine kapag may lagnat.

I pressed the button that Khristine is pointing to and heard the buzz, signalling that the gate had been opened.

"Khristine," tawag ni Mandy after a few moments.

"Pasok ka," Khristine replied.

"Hay, ang ginaw sa labas. Kumain ka na ba? Ano ang temperature mo?" sunod-sunod na tanong ni Mandy pagpasok sa apartment. Saan pa kami lalakad sa apartment na ito? Lalong sumikip.

"Nagagalit si Patricia kaninang nagpaalam akong may sakit din."

Nabitin ang pagtawa ni Mandy nang mapatingin sa akin. "Umm, hi? Alec, right?"

"Yeah, it's Alec."

"Ugh, dito ka nakatira?" usisa ni Mandy habang palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Khristine.

"God, hindi. Makikikain daw siya. Sabi ko hintayin ka na at mas masarap kang magluto sa akin," sagot ni Khristine sa tanong ni Mandy.

"Oh, I see. Well, may dala akong macaroni salad—"

"Ayaw ko niyan. Sabaw. Gusto ko ng sabaw," putol ni Khristine sa sinasabi ni Mandy.

"Can I have that macaroni?" I asked instead. I'd rather eat while waiting for Mandy to cook than not eat at all.

"Here." Inabot ni Mandy sa akin ang isang plastic container na may lamang macaroni.

"Madz, pwede bang nilaga?" hiling ni Khristine mula sa sofa.

"Your friend is ungrateful," I said to Mandy. Natawa siya ng bahagya.

"Narinig ko 'yon, Lagdameo. Palalayasin kita!"

Dreadful woman. 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top