Chapter 4- The Devil with Green Eyes

Khristine


Oh, Lord! Bakit mo pinabayaan ang bill ko?

"Tin—" Hinampas ng mahina ng kasama kong nurse ang balikat ko. Mula sa statement of account ng bill sa kuryente ay napatingin ako kay Mandy. Naghihintay kami sa nurse station ng oras para sa change of shift.

"Ang laki ng bill ko," maluha-luhang wika ko sabay tapat ng cellphone ko sa mukha ni Mandy. Hindi ko alam kung nabasa niya talaga dahil sa liit ng font pero Diyos ko talaga, ang laki ng bill ko.

"Oh, noes..." saad ni Mandy. "Why ganyan kalaki ang bill mo?" tanong niya.

Hindi ko naman masabi ang dahilan.

Nagpaka-santa na naman ang puso ko at tumulong sa nangangailangan kaya ganyang kalaki ang bill ko ngayon.

"Nakalimutan kong i-off ang heater," pagsisinungaling ko sabay buntong hininga. Kulang na lang ay iuntog ko ang noo ko sa cabinet na malapit sa akin.

Isang tapik ulit ang ibinigay sa akin ni Mandy. Mas nakaka-depress ang tapik na iyon kaysa ma-console ako.

Naglalakad ako pauwi sa bahay nang madaan ako sa bilihan ng mga newspapers ang magazine sa gilid ng daan. Napahinto ako sandali at natingin sa mukha ng nasa newspaper. There is a man with piercing green eyes and a stoic face. Ang nabasa ko sa title ng balita ay "Prince". Hindi ko na binasa ang iba. Unlike the rest of UK na masyadong fanatic sa mga royals, wala akong pakialam sa kanila. Isa silang malaking joke para sa akin. Para silang nasa reality show na kaunting kibot nasa front page.

Nang nasa gate na ako ng apartment building, naalala ko na naman kung bakit ako naglalakad sa gitna ng lamig at kung bakit ako mangiyak-ngiyak kanina. Ang bill ko sa kuryente at nasa itaas ang may sala. Siguro chilling na naman siya dahil sa heater. Mabigat ang paa kong pumanhik sa hagdaanan papunta sa third floor.

Nasa third floor ako. Kung paano ko naakay si Alec paakyat noong duguan ito at halos takasan na ng malay ay hindi ko alam. Basta ang alam ko, gahibla na lang ang pagtitimpi ko para hindi ko pagsisihan na sinagip ko siya.

You don't regret it, you are just poor to pay the bills, sagot ng utak ko.

"Andito na ako," wika ko pagpasok ko sa apartment.

Himalang hindi mainit ang loob ng apartment.

"Alec?" tawag ko sa housemate ko.

"I am at the kitchen," sagot nito.

Diyos ko, ano na naman ang nangyari sa kitchen?

Isang buntong hininga muli bago ako nagpunta sa kitchen. Sa sala, bago ko marating ang kitchen, nakita ko ang isang trash bag. Because I am curious by nature, binuksan ko ang trash bag. I saw some clothes in there. Mga damit ni Alec ang naroon.

"I hope you don't mind eating fried eggs," wika ni Alec. Napatayo ako mula sa pagkakayuko ko sa trash bag at umaktong hindi nakita ang gamit niya.

This is more on sunog than fried.

"It is more on toasted," natatawang dagdag ni Alec na parang nabasa ang nasa isip ko.

"What's the occasion?" I asked while slowly sitting in one of the two chairs.

"I will leave—"

Oh! So totoo nga.

"And where will you stay?"

Kinumpas ni Alec ang kamay niya na may hawak na utensils. "Outside," he replied bago ilapag ang plate at utensils sa harapan ko.

Mamatay pa yata sa pneumonia ito.

"Are you sure?" hindi siguradong tanong ko.

Tanga mo, Tin. Wala ka ng pambayad, are you sure ka pa rin.

"Yes," sagot ni Alec. "And here's my payment for the toilet I damaged.

May inilapag siyang bugkos ng pera sa harapan ko.

Answered prayer na ba ito para sa kuryente? Pero bigla akong kinabahan.

"Where did you get these?"

"I sold my watch," sagot niya na parang maliit na bagay ang ginawa niya. "Come on, take it. I know I used your electricity more than I should. And I saw the bill."

Inilapag ni Alec ang bill ng kuryente katabi ng pera.

"Take it, Khristine. I didn't steal it."

Are you sure?

Natawa ng bahagya si Alec. "God, your face told me what your mind couldn't say. I sold my watch. This is good money and you need it. Take it."

"If someone will look for you—"

Nawala ang ngiti ni Alec. Maging ang mga mata ay tumalim. Sumagi ng slight sa isip ko ang diyaryo na nakita ko kanina.

"No one will look for me and if ever there is, just tell them you don't know me."

"Aren't you giving me a red flag? Who really are you?"

Napabuntong hininga si Alec. "I am someone. I am no one."

At ang sabi ng matatanda, ang babae ang mahirap intindihin.

"Thanks. I really appreciate it." Kinuha ko ang pera at binilang. The money is more than what I need. Ang maximum lang naman na makukuha ng Landlord ko ay ang security deposit ko. Iyon lang ang kinuha ko sa bungkos ng pera at ang pangbayad sa kuryente. Inilapag ko sa harap ni Alec ang tirang pera— pera na mas marami pa kaysa sa kinuha ko. Gaano ba kamahal ang relo nito?

"These are all that I need," I said.

Taimtim akong tinitigan ni Alec. "But you—"

"These are enough. Take what is left and rent your own place. Thank you for chipping in."

Bago pa ako matunaw sa tingin ni Alec, kinain ko na lang ang sunog at malamig na itlog.

And here I thought the devil has blue eyes. Looks like he has green eyes after all these years.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top