Ch. 8 - Night with the Prinsipe ng Kadiliman
--
Cindy's Point of View.
Seryoso ba talaga si King na dito kami titira sa palasyo? Sa pagkakaalam ko, ang crown prince at ang asawa niya ang maaaring tumira dito ayon sa pangako niya kay late King Kenneth.
Pero si Prince Alex ang dapat na crown prince hindi ba? Tumanggi na si Princess Alyanna na maging susunod na reyna ng Inglatera. Hala, anggulo naman ng kwento ng pamilya nila.
"Hoy Chimay!" sigaw ni Prince Nathan sa di kalayuan. Nasa grand staircase kasi si Prince Nathan eh nasa paanan lang ako ng hagdan.
"Yes po, Prince Nathan?" saad ko.
"Mag-usap tayo!" sigaw niya na dinig na dinig sa buong palasyo. Jusko naman itong prinsipe ng kadiliman, hindi lang siya ang tao dito sa palasyo pero grabe kung makasigaw.
"Pero nag-uusap na tayo Prince Nathan," opps, pilosopo!
Nanliit ang mata ni Prince Nathan. Patay! Dapat di ko na lang pinilosopo huhu. Ang kampon ng kadiliman.
"Ginagalit mo ba talaga ako? Umakyat ka dito at mag-usap tayo! Ngayon din!" galit na sigaw ni Prince Nathan at saka umalis sa railings.
Napalunok ako at di mapakali dahil sa sinabi ni Prince Nathan, sure thing na pagdating ko don patay na ako. He's really scary at wala talagang nakakatagal sa ugali niya.
Umakyat ako sa grand staircase saka tumungo sa main study kung saan siya naglalagi. Pagkarating ko doon kumatok ako ng tatlong beses bago tumuloy. I know Prince Nathan well, the Prince of Darkness. Magwawala siya kapag basta-basta ka pumapasok sa kwarto niya ng hindi kumakatok sa pinto niya.
"You are 4 minutes and 32 seconds late. Bakit ba ang bagal mong kumilos ha, Chimay?" gigil na saad ni Prince Nathan. Napalunok ako sa takot, he's really scary kapag inorasan niya ang pagkalate mo because definitely he will kick you out of the house at di ka na makakabalik ulit.
"Naligaw po kasi ako mahal na Prinsipe."
"Ah really? Bakit ako hindi?" sarkasmo niyang sabi. Bwisit! Ang sarap pilipitin ng leeg niya pramis pero syempre kailangan kong magpakabait kasi sa kanya nakasalalay ang pag-uwi ko sa Pinas.
Napayuko na lamang sa kahihiyan, wala na akong maisip na dahilan para malusutan ang bumubulusok niyang ulo sa galit. Nasabi ko na ba sa inyo na he's really literally a monster when he's mad? Well, muntik na nga niya mapatay ang isa royal guard niya sa galit niya noon kaya ngayon bawal na ginagalit si Prince Nathan.
"I will let this pass, may dapat tayong pag-usapan. Have a sit bago pa magdilim ang paningin ko sa'yo." He coldly said kaya dali-dali akong umupo malayo sa kanya baka bigla na lang niya ako gilitan ng leeg eh huhu.
"Ano po ang pag-uusapan natin Prince Nathan?" mahinang tanong ko. Bigla niyang binaling sa akin ang nanlilisik niyang mata, nabigla ako at napayuko. Nothings gonna scarier than him, mapapaaga ang kamatayan ko dahil sa kanya.
"My rules in this palace. Starting today, you will be still my personal Chimay. Wala akong pakialam kung ikaw ang crown princess but for me you're nothing but a maid na naninilbihan sa pamilya namin." He coldly said at sa binitawan niyang salita para akong binuhasan ng malamig. How dare he treat me like that? Pero palalampasin ko tong matabil niyang dila dahil sa kanya nakasalalay ang kalayaan kong makabalik sa piling ng pamilya ko.
"Okay po Prince Nathan," sagot ko saka tumayo at yumukod sa harap niya. Umalis ako sa harap niya ng walang sabi-sabi dahil ayoko ng makita ang pagmumukha niyang sobrang dilim baka tuluyan na talagang magdilim ang paningin niya sa akin.
Paglabas ko ng main study sa ako napabuntong-hininga na sobrang lakas, Bwisit, talagang forever na ako pahihirapan ni Prince Nathan sa buhay niya huhu. Wala na akong kalayaan sa buhay ko.
Teka, saan nga pala ako matutulog? Wag mong sabihin na sa maid's quarter ako matutulog? Napabuntong-hininga na lang ako saka dumiretso sa maid's quarter at naabutan kong nagliligpit doon ang isa sa mga royal maids na si Glaze.
"Princess Cindy, bakit nandito po kayo sa maid's quarter? Di ba po doon po kayo sa tabing kwarto ni Prince Nathan?"
"Ah, doon ba? Di ko alam eh, pwede bang samahan mo ko papunta sa kwarto ko di ko kasi alam pasikot-sikot sa palasyo. Ang laki-laki naman kasi saka bakit dito pa kami pinatira?" atungal ko.
"Di ka pa kasi sanay dito Princess," natatawang sabi nito na lalo pa akong napanguso sa sinabi niya. "Bukas po ililibot ko po kayo sa palasyo."
"Glaze, malaki ang palasyo baka kulang pa sa atin yung isang araw." Saad ko pero ngiti lang ang sagot niya sa kin.
"Okay lang po iyon Princess." Nakangiting sabi nito. Sinamahan ako ni Glaze papunta sa main hall kung saan nandoon ang pinakaimportanteng parte ng palasyo.
"Bakit kasi ang laki-laki neto? Talagang maliligaw ako dito sa palasyo na 'to." sambit ko saka napanguso. Narinig ko ang mahinang tawa ni Glaze na agad napabaling atensyon ko sa kanya. Nagitla siya sa ginawa ko saka yumukod siya sa harap ko.
"Sorry, Princess. Di ko lang maiwasan matawa sa inyo. Pasensya na po talaga." paumanhin niya, ngumiti lang ako sa kanya saka naunang maglakad para dumiretso sa kanang bahagi ng hall kung saan patungo sa mga silid ng mga royal family. Agad naman sumunod sa akin si Glaze at tumabi sa'kin na sinabayan ako papunta sa kanang bahagi ng hall.
"Bakit hindi dito tumira sila King Arthur at Queen Alyssa?" tanong ko.
"Para kasi sa Crown Prince at Crown Princess ang palasyo na ito. Ito ang natatanging pamana ni King Kenneth para sa susunod na tagapagmana niya, ang ibig kong sabihin ay yung mga apo niya." nakangiting sabi ni Glaze.
"Did he get a chance to meet those 3?" tanong ko kay Glaze.
"Yes, katunayan nga po eh si Prince Nathan ang pinakapaborito niya sa lahat ng apo niya. Paniguradong matutuwa iyon pag nalaman niyang si Prince Nathan ang crown prince."
Matutuwa? Dapat hindi matuwa si late King Kenneth na si Prince Nathan ang Crown Prince baka masira niya lang ang pangalan ng Royal family.
"Talaga? Sino ba talaga ang dapat na magmamana ng throne ng hari?" tanong ko kay Glaze habang tahimik naming tinatahak pasilyo papunta sa kwarto namin ni Prince Nathan.
"Si Princess Alyanna, pero matagal nang tutol si Princess Alyanna na magmana ng trono. Si Prince Alex naman ang napupusuan ni late Queen Penelope para maging crown prince pero si late King Kenneth naman ay si Prince Nathan."
"Sa kanila nga ulit nagkaroon ng Crown Prince and Crown Princess dahil may mga nasa tamang edad na ang mga Prinsipe at mga Prinsesa noon kaya Duke at Duchess ang mga title nila kagaya na lamang ni King Arthur, dati Duke Arthur of Bristol ang title niya."
"Wow, so ibig sabihin sina Princess Alyanna at Prince Alex ay ganoon ang magiging titulo nila kapag nag-asawa sila?" tanong ko. Tumango naman bilang sagot si Glaze. Dapat mas aralin ko pa ang tungkol sa Royal family para hindi ako maligaw at magmukhang walang alam sa kanila.
Mula rito sa pwesto namin ni Glaze natatanaw ko ang evil aura na bumabalot sa pasilyo. The one and only evil Crown Prince standing beside the wall at nakahalukipkip pa.
"Ang Crown Prince po ba yan, mahal na Prinsesa?" tanong ni Glaze.
"Oo, ang evil Crown Prince." nakasimangot kong tugon. Anong ginagawa ng prinsipe ng kadilimin diyan? Hindi ba dapat natutulog na siya? Nasa likuran ko si Glaze, she said that ang Royal family ay mas mataas sa kung sino mang mamamayan, wala sila dapat kapantay o nakakaangat kundi ang Royal family din.
"Prince Nathan, bakit nandito pa kayo?" tanong ko habang nakayukod naman sa likuran ko si Glaze.
"Ikaw ang dapat kong tanungin, it's 10 in the evening. Mukhang masyado ka nahibang kakalibot sa palasyo. You're showing too much that this is your first time." malamig na sabi niya.
Napalunok ako sa sinabi niya, sumusobra na talaga 'tong Prinsipe ng Kadiliman na 'to ah! Talagang first time ko sa palasyo, bakit? They didn't even lived in the palace in the first place because the King refused to live in that place.
"Pasensya na po, kamahalan ha? Naligaw talaga ako for real kaya nagpasama ako kay Glaze pabalik sa kwarto kaya nagkaroon na rin ako nang pagkakataon na ilibot itong napakalaking palasyo na 'to."
Nakita ko ang reaskyon ng mahal na prinsipe na hindi makapaniwala na sinabi ko 'yung mga salitang iyon.
"Glaze, you can now leave us, I would like to talk with the Crown Princess, personally." malamig na sabi ni Prince Nathan na nanigas ang pakiramdam namin bigla ni Glaze sa sinabi niya.
Gusto ko na lang magdasal na sana palampasin na muna na 'to ni Prince Nathan. Gusto ko pa mabuhay at umuwi pa ng Pilipinas, hindi pwedeng hindi dahil nangako ako sa sarili ko na babalik ako ng Pilipinas para kay Mama.
Mula sa gilid ko, yumukod si Glaze saka umatras sa'min ni Prince Nathan ng limang dipa ang layo saka umalis. Napalunok ako saka dahan-dahan kong hinarap si Prince Nathan. Nang mapalagay na ni Prince Nathan na wala ng katao-tao sa pasilyo saka siya nagsimulang magsalita.
"Come here," malamig na utos niya. "I'm giving you five seconds to get here 1 meter away with me, kapag lumagpas ka sa limang segundo patay ka talaga sa akin." dagdag niya pa. Mas lalo tuloy ako nanlamig sa boses niya. Huhuhuhu grabe naman itong si Prince Nathan, mas lalo siyang nakakatakot kapag naiiwan kang mag-isa kasama siya.
"5"
Mabibilis na hakbang ang ginawad ko papunta sa kanya. Hello, ang layo ko kay Prince Nathan as in mga 10 meters away from here.
"4"
Hala, pakahalati palang ako. Bakit ngayon pa ako nakaramdam nang pananakit ng paa huhuhuhu.
"3"
Nakarating ako eksatong tatlong segundo 1 meter away sa Prinsipe ng Kadiliman. Yumukod ako at ang atensyon ko na sa magandang sahig ng pasilyo. Huhuhuhu, hangga't maaari ayokong magtapo ang mata namin ng mahal na prinsipe kundi baka sakalin niya na ako.
"It would really take 3 seconds for you to get here, ano?" inis na turan niya. Napapikit ako lalo dahil sa matigas na tono nang pananalita niya. The Prince of Evil is really damn scary. Pramis magiging mabait na ako at susunod sa lahat ng utos niya.
Nanigas ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko, mas lalo akong di makakilos sa ginagawa niya. Konti na lang pigilan ko ang paghinga ko dahil sa ginawa ng prinsipe ng kadiliman.
"Face me or else you're really fucking dead." malamig na utos niya. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko at nasalubong ko ang malalamig na mata ng mahal na prinsipe, napalunok ako bigla dahil doon.
Mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko nang magsalubong ang mga mata namin. Maganda para ang mata ng mahal na prinsipe kapag malapitan mo siyang tinitigan pero yung mga mata na iyon nagbibigay ng malalamig at nakakamatay na tingin.
Walang sinoman ang nakatitigan ng ganitong katagal ang mahal na prinsipe dahil labag iyon sa Royal decree kaya nga lagi kaming nakayukod sa harapan ng mga parte ng Royal family at malayo ang distansya namin sa kanila.
"Alam mo kung ano ang katayuan mo rito sa palasyo, hindi ba? Starting tomorrow, you will be my personal chimay. I don't even fucking care if magreklamo ka kasi what are you in the first place? Hindi ba, Chimay? And, I don't want you to get close kahit sa sinomang nandito sa palasyo. Remember that you are the Crown Princess and do your job as the Crown Princess."
Napalunok ako saka dahan-dahang tumango. May laban ba ako sa Prinsipe ng Kadiliman? Wala ka better na sundin ko na lang siya makikita ng prinsipe na yan na may araw din siya sa akin.
Nabigla ako nang talikuran ako ni Prince Nathan. Iyon lang sasabihin niya? Bwisit, dapat kinaumagahan niya na lang sinabi eh hindi ko tuloy na-enjoy ang paglibot ko sa palasyo dahil sa kanya. Mas lalo ko tuloy mararamdaman na matatakot sa akin ang lahat ng mga naninilbihan sa Royal family dahil ako ay isang Crown Princess.
"And, bago ko makalimutan." malamig na sabi ni Prince Nathan at nilingon ako. "You're in-charge for preaparing my meal, breakfast to dinner, understand? Good night, it's late hindi na dapat pa gumagala ang Crown Princess. Ah, I forgot, nag-request pala ako kay King na dapat mag-train ka paano maging isang prinsesa, the next Queen of the Nation baka kasi masira mo ang pangalan ng Royal family." ngisi pa nito saka pumasok sa silid niya.
Napasabunot ako sa inis saka dagling pumasok sa kwarto para sumigaw. I really hate you Prince Nathan!!!!!!! You, Prince of Evil! May araw ka rin talaga sa akin! Mararamdaman mo ang batas ng isang api!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top