Chapter 3
Chapter 3: Even & Odds
"Mag kwento ka bilis! Tell me your story." agad na sabi ko pag upo din niya sa katapat na couch ng mini sala na ito.
"Atat na atat?" tinapunan ko naman siya ng unan sa inis. Kanina pa ko nag hihintay nangangati na brain cells kong malaman. "Oo na! Oo na! Just chill babe."
"Babe mo mukha mo!" inis na tingin ko sa kanya. "Bakit ba kasi napunta ka sa lugar namin? At bakit ka nakamotor na sabog? Sabog ka rin ba?" aligaga kong tanong.
Yung village na private subdivision namin ay medyo malayo sa downtown. Nasa downtown kasi yung university namin kaya may 30 minutes pa na byahe bago ako makarating dun. Kaya nagtataka ako kung bakit ganun kalayo ang narating ni Zach kung nakatira naman siya sa downtown. May sarili ngang apartment yan malapit sa school at mala penthouse pa! Yung sarili naman nilang bahay ay medyo may kalayuan pa na village sa amin.
Tumawa naman ulit ito. Shunga talaga siya kaya minsan sabog. Malakas topak nito minsan eh paiba-iba ng personality na hindi mo alam. Akala ng iba pa cool kid at mysterious type lang talaga ang lalaking ito, porket nahuhumaling ang mga babae sa ganun na aura. Pero hindi ako, maiba ako. Alam na alam ko kung ano ang baho niyan.
"Una sa lahat, ang alam ko ay naka confine ka?" tanong nito at nakikita ko naman ang concern sa mga mata niya.
"Ikaw ang pinag-uusapan dito, hindi ako." busangot na sagot ko.
"Patapusin mo muna ako bago ka mag salita." mahinahon na sagot nito.
"Fine." tipid na sagot ko na lang. Ewan ko ba bakit kumukulo talaga ang dugo ko kapag nakikita ko to eh.
"Second, I'm glad that you're okay and still alive, I was.. I was worried sick. I-I thought you were already dead."
Halos pabulong na sabi niya sa huli. Nag bago ulit ang ekspresyon niya, yung ekspresyon niya dati na sakin niya lang pinapakita. Yung totoong siya.
Napakunot ako ng noo na naguguluhan habang tinitignan siya sa kanyang mga mata. Bakit Zach? Bakit concern ka sa akin? Bakit tuwing tayo lang dalawa pinapakita mo ang ganito?
Gusto ko siyang tanungin ng libo-libong mga tanong. Nag titigan lang kami na para bang nangugusap ang mga mata. Pero alam kong hindi na mababalik sa dati ang lahat. Isa rin yung malaking delubyo kung saan bakit na hantong ako sa ganito.
Ako ang unang umiwas at nagkunwari na lang na nginongotngot ang throw pillow.
"Sorry," pabulong na sabi rin niya.
Tumawa ako ng payak sa isipan ko. Hindi ako umimik, naging awkward tuloy ang atmosphere. Lumilihis kasi sa topic eh ayan tuloy. Napansin siguro niya yun kaya napatikhim na lang siya para basagin ang katahimikan.
Tumingin na lang ako sa kanya ulit, pero wala ng emosyon. Nagbago na rin ang aura na pinapakita niya kung ano ang pinapakita niya sa iba— na parang walang nangyari. Diyan siya magaling— magaling mag tago.
"Ayun nga, I was with my group to gather resources. Nagkahiwalay-hiwalay kami nung lumusong ang mga zombies sa pinaghanapan namin na convenience store. I was lucky enough to find a motorcycle, pero bigla namang pumutok dahil sa shard ng glasses na mga sasakyan sa daan."
"You were with other survivors? How?" gulat kong tanong.
"Some of them I met along the way. Mahirap mag tiwala sa panahon ngayon, Evie." seryoso nitong sabi. "Humans greed are bound to destroy each other just to save their selves. They're willing to take a risk to live in this shitty world we live in."
I know this will happen once I encounter other survivors. I know, maybe some people who will ask for my help will also betray me. After all that I've read in books and seen in movies, being betrayed by a person that they're willing to trust. Of course, I would take precautions. Mahirap na maging bulag sa katotohanan kung harap-harapan naman akong ginagago.
"Sanayan na lang siguro." tipid ko na lang na sabi.
"Do you trust me?" seryoso nitong sabi sa malamig na paraan.
"No," I replied. I know better than that.
"Good." sumandig naman siya sa couch at tumingala sa ceiling na parang malalim ang iniisip. "I saw how many people betrayed each other in my own eyes. I can't risk losing you too."
"You don't care about me, Zach. Stop doing that act." mapait kong sabi sa kanya.
Hindi siya tumingin nanatili pa rin tong nakatitig sa ceiling habang minamasahe ang sentido. Tahimik lang siya kaya bumuntong hininga na lang ako. My opinions are useless, he will never understand me.
"Anyways, are your family still alive?" I know I'm out of topic pero gusto ko talaga tong ma tanong. I was hesitant at first.
"Thanks, they're alive." bumalik naman siya ng pwesto na nakatingin sakin. "They're at camp."
"Camp?" takang tanong ko.
"Temporary shelter for survivors like me."
"Oh? I thought the downtown is filled with zombies?"
"Yes, and no. Hindi kami sa downtown dahil hotspot yun ng mga shits na zombies. May kanyang-kanyang camp ang mga survivors, Evie. We're lucky that we found a place we could shelter."
Biglang nag liwanag ang tingin ko sa kanya. Tila ba parang nabuhayan ako pero hesitant akong mag tanong sa kanya. My parents are a known figure in the industry, I'm not sure if the people sees them in the good side or not. But I know my parents, they're not stupid to do some reckless decision.
Mayaman rin naman ang pamilya ni Zach, mas mayaman pa sila sa amin. Business owner ng tech company ang parents niya. Kumakayod lang talaga ang mga magulang ko para sa industriya at mabigyan ako ng maayos na buhay. Kaya malaya niyang nagagawa ang gusto niyang nagagawa dahil mapera siya.
Gusto ko lang talaga tanungin sa kanya kung nakita niya pa ang parents ko pero ayoko mag take ng risk. Kaya iba na lang ang tinanong ko.
"How about our classmates? Schoolmates in Scintilla University?"
Napansin siguro niya ang pag bago ng emosyon ko kaya nag akto na lang ako na wala akong ibang iniisip.
"Some of them are in our camp. Yung ka grupo ko na na-assign to gather resources ay kaklase rin natin."
"Really? Are you going to go back to look for them?"
"No. Ang plano kapag nagkahiwalay-hiwalay kami ay babalik na lang kami ng camp."
"But, isn't it too dangerous? What if they're alone? What if those zombies will attack them out of nowhere? and there will be no one could help them?"
"They know what to do, Evie. So calm down, we've been doing this for a year now." irita at malamig na tugon nito.
Napatahimik ako sa huling salitang binitiwan niya. Bakit ba feeling ko pinagmumukha niya sa akin na wala akong alam sa nangyayari? Kasalanan ko bang na aksidente ako at late ako nagising?
Napansin siguro niya ang lamya kong awra. Kaya malalim na buntong hininga ang ginawad niya. Napa-ayos ulit siya ng upo.
"Pasensya na, Eve. I was tired, I didn't mean to say it that way. It's just that we've been risking our lives and don't know how we can still survive. Mindset na siguro namin kung mamatay eh di mamatay."
"I understand," tipid ko na lang na sabi. "Saan ba yung camp mo? I can just drop you off. Magpahinga ka muna diyan."
"What do you mean drop me off? Hindi ka sasama?" nagtatakang tingin nito.
"I have some other else to settle first." pag-sisinungaling ko at blankong naka tingin sa kanya.
"It's too risky to be out there being alone, Evie. I was damn happy and lucky at the same time na natagpuan kita tapos ngayon aalis ka na naman?"
Wow, he's manipulating me again. He's really good at it. Tumayo na ako at babalik na ng driver's seat pero bago pa ako tumalikod ay tinignan ko naman siya sa mata.
"Just like you said, Zach. Y'all have been doing this thing alone for a year now." malamig kong tugon na inemphasize at diniin pa ang 'alone' sa pag sabi.
"Just tell me the directions, I'll drive now para hindi tayo ma abutan ng gabi sa daan."
"You're ignoring me again." tipid nito na sabi.
Hindi ko na lang ito pinansin at umupo na lang sa driver seat. Pina-andar ko na ang makina at mabuti naman ay tumahimik rin siya sa likod. Ayoko ng disturbo kapag nag fo-focus ako.
May clinick ako sa screen na andun sa driver's seat. Titignan ko lang ang CCTV sa loob ng RV. Nakita ko naman si Zach na nakahiga na sa couch. Magtatanong sana ako kung saan hihinto dahil mahigit 15 minutes na rin ang minaneho ko.
"Nakatulog na yata, paano na yan." bulong ko sa sarili at bumuntong hininga.
No choice kailangan ko siyang gisingin dahil mawawala lang kami nito. Clinick ko naman ang 'auto pilot' at tumayo na. Wala pa naman akong nakikitang zombies at payapa naman ang daan.
Nakadukdok pa ito at mahigpit ang hawak sa unan na nasa pagitan ng hita niya. May binubulong pa ito na parang binabangungot kaya mahina ko siyang tinapik.
"Hoy, Zach." medyo may kalakasan na sabi ko. Umungol lang siya. Nakalimutan ko nang tulog mantika pala ito.
"Zach, gising! Asan ang sa inyo?" sabi ko ulit habang niyuyugyog ang balikat niya.
"Evie.." bulong ulit nito.
"Hoy ano ba? Asan nga kako ang inyo?" mas nilakasan ko pa ang boses at pag-yuyogyog.
Napamulat naman siya at halata sa kanya ang pagod at kulang sa tulog.
"I don't want to wake you up cause you're peacefully sleeping, but you need to tell me your location."
"Sino nag drive?" gulat na tingin nito sa akin.
"Auto pilot." tipid ko na lang na sabi. "Ano nga?"
Tumayo naman siya at inayos ang sarili kahit nagmumukhang bitin sa tulog.
"I'll show you the directions."
Nagsimula naman siyang maglakad patungong passenger's seat. Sumunod na lang ako at bumalik na lang ng upo at nag maneho na lang ulit.
"Just a bit more, we're almost there." sabi nito.
"Malapit na tayo sa downtown, sigurado ka ba?" takang tanong ko. Nag nod lang siya bilang sagot.
Napasinghap naman ako sa nakita kaya mabuti na lang at naka break ako ka agad! Napahinto na ang van at muntik na kami!
"Shit!" mahinang mura din ni Zach sa tabi nito.
"Oh God, paano na 'to?" kinakabahan na tanong ko. "B-Bakit nagtitipon sila?"
"Wala pa yan kahapon." sabi ni Zach.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.
"We made sure to clean up the road yesterday para mabilis kami makadaan. I don't know why they're back again." pag papakalma niya sa sarili. "Mabuti na lang they're just Zies."
I was greeted with a terrifying sight. The city was in ruins, buildings destroyed and the streets littered with debris. Zombie creatures roamed the streets, and we were stuck.
"Gaano pa ba kalayo sa inyo?"
"10 minutes pa ang lalakarin mula dito. May paliko na daan sa pasilyo na yan." turo niya sa daan na may nakaharang na mga sasakyan sa bandang unahan.
"Paano ba yan? Kailangan mong mag lakad na lang. Sa iba na lang ako dadaan."
"No, I said I can't leave you all alone." ma awtoridad na sabi nito. Napabuntong hininga na lang ako.
"Zach naman, decision ko 'to. Bakit ka nag iinarte diyan?" inis kong sabi.
"Fine, I'll just go with you. Wherever you will go." firm na sabi nito.
"Ano?! No!" malakas kong sigaw at inis na siyang tinignan.
"Evie, saan ka ba kasi pupunta? Kahit saan pa yan sasamahan na lang kita." buntong hininga niya. "Choose now or we will get stampede here." seryoso nitong sabi.
Napalingon naman ako sa harapan at nagulat ng mag puntahan ang mga zombies sa direksyon namin. Napalakas kasi ang boses ko!
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at inikot ito sa ibang daan. May nakabuntot naman na mga zombies at pilit hinahabol ang van namin. May nababangga na rin ako sa harap dahil medyo madami ang nagtitipon yata dito.
"I'll deal with them, you'll drive." sabi ni Zach sa tabi ko.
"Can you aim here?" seryoso kong sabi at pokus pa rin sa pag mamaneho.
"Huh?"
Walang lingon-lingon at may clinick ako sa screen. May manibela na nag pop-up sa harap ni Zach. Isa yung joystick na parang pang piloto, pero ang function nun ay ang maliit na machine gun na nakakabit sa sasakyan mapa-harap o likod. Nag pop-up naman ang projection screen kung saan pwede niya itong ma control.
"Whoa! Upgraded vehicle?" manghang tanong nito. "That makes sense."
"What?"
"I somehow notice the familiar functions nung pag pasok ko pa lang dito. I saw it in the laboratory in works from my dad's company before. This is my first time seeing it out of the market." excited na sabi nito at kinokontrol na niya ang joystick at nag pipindot sa screen.
Nagtataka ko naman siyang tinignan saglit pero hindi ako nag pahalata. I know his dad owns a tech company but why would he have an upgraded van? I get it that his technologies are in use of that said van, but what sparked my curiosity is that it has the same function as my parents.
But, this is a customized van. It's never out of the market nor do my parents share the functions yet. Matagal na nila itong ginawa pero, hindi ko din alam kung sa amin lang ba ang meron na ganito. Maybe my parents also shared their expertise and I'm just being an overthinker.
Mas dumadami ang pakalat-kalat na iba't-ibang klase na zombies at mabuti na lang si Zach ang gumagawa ng paraan nun. Mas mahigpit ang hawak ko sa manibela dahil iniiwasan ko ang mga nakaharang baka ma semplang lang kami. Kahit parang ammo tank tong RV ay mas mabuti nang maingat.
"We're almost there." I almost cursed under my breath.
Aside sa mga zombies kailangan ko din iwisan ang mga debris at kung ano-ano pang bagay na nakaharang sa daan.
Napahinto naman ako ng sasakyan ng may malalaking barricades ang pumagitna sa daan. I almost destroy it if I didn't stop.
"Wait, this road goes to City Hall?" takang tanong niya.
"Yes." tipid ko na lang na sagot. Pinarke ko ng mabuti ang van sa tabi para hindi nakaharang.
"Kailangan ko ng lakarin hanggang dito papasok duon." dagdag kong sabi.
"Are you serious?!" nalilito niyang tanong. Napansin niya yatang hindi ako sumagot. "Ano ba kasi gagawin mo diyan? Mas delikado dito, Evie."
Paano ko ba sasabihin sa kanya na kailangan kong hanapin ang mga magulang ko? Bahala na, andito na eh. Sayang lang sa oras kung mag paligoy-ligoy pa.
"My parents." deretsang sagot ko.
"What?" taka niya akong tinignan. "What about them?"
I sighed. "The last clue I've received from them indicating that they were going back to their work. I need to find them, Zach. They're the only ones I have left."
Tahimik na paligid ang namayani sa amin, sa labas din ang weird kasi walang ka tao-tao or kahit na anong zombies. Parang ghost town na talaga.
"If that's the case, why didn't you tell me earlier?"
"Because I have a hunch that you'll judge my parents for the cause of all these things." napabuntong hininga ako.
My parents are a public figure due to their contribution in our society. Kapag may kailangan katulad ng improvement ng mga equipments and other high technologies related ay sila ang na atasan palagi. They're working under government, so palagi silang nasa laboratory nila at nag tra-trabaho.
Some like modern technologies, and some despise them. We can't just hold other people's opinions. One of the things, I am concerned. They're probably hating my parents just because they're 'scientist' kumbaga stereotype.
Maybe they're pointing out that my parents are the cause of this mess or they did them dirty. I trust them, and I know they won't cause this anomaly. They're not capable of doing such things.
"I know your parents well, Evie. Why would you think, I would think of them like that?" seryoso nitong sabi.
"You just said to me, I could not trust no one, not even you. I'm taking precautions, malay ko ba sa intentions mo?" frustrated kong sabi.
"You just appeared out of nowhere. I haven't seen you since what? more than a year? You just disappeared out of my sight and now you came back? What would you expect me to do? To greet you with open arms? Seriously, Zach? You know better than that." inis ko ng sabi.
Kumukulo talaga dugo ko dito eh. Bumabalik ang galit at pagkamuhi ko sa kanya. Bumabalik ang alaala na dapat ibaon na sa limot.
"I have no other intentions, I am here to take risks just to be with you." malumanay nitong sagot.
Ramdam kong kanina pa siya nakatingin sa akin, habang ako sa harap lang deretso na nakatingin. Mapakla naman akong tumawa at siniringan siyang tinignan.
"Now we're talking about risk? Wow! Congrats, Zach! Eh di sana, hindi ka na sumama noh? Hindi naman kita pinipilit."
"You're misunderstanding me again. I am here because I wanted to, will ko to Evie. You can't change my mind about it, kahit ipagtabuyan mo pa ako."
Gusto kong sumigaw. Bakit ba hindi maka intindi ito na ayaw ko siyang makasama?! Bakit ba ang manhid manhid nito na hindi man lang marunong makiramdam?! Bakit ba mapilit pa rin 'to?!
"Fine, whatever! Do what you want! Just don't get in my way, or I'll never hesitate to leave you behind." inis kong sabi na napasabunot pa ng buhok.
"Anong gagawin mo kapag hindi mo nadatnan sila dito? Saan ka pupunta pagkatapos?" seryosong tanong nito.
Hindi ko naisip yun, ang plano ko lang hanapin sila sa clue na binigay nila. Ang kasunod nun, wala na.
"Basta," nag iisip ko pang sabi. "Bahala na si batman."
"You're always reckless." tawa nitong sabi.
"Speaking of yourself?" I replied.
Hinahanda ko na ang bag ko na dadalhin para sa pag sulong. I am still hesitant na isama si Zach baka kasi e jeopardize niya ako sa kalagitnaan ng paghahanap ng aking mga magulang. It's not like I don't trust him enough, it's just that my parents and his aren't in good terms. They were rival in business and I'm afraid what Zach parents told him about them.
"Come on, let's not waste time." saad nito at nag pauna ng lumakad habang bitbit ang isang upgraded gun na ipinagtaka ko.
"Hey, where did you get that?" I said pointing at the gun. Nilock ko naman ang van ng makalabas na kami at pinindot ang invisible mode nito. Namamangha naman itong nakatingin.
"My parents gave me these, few people on the camp have also this kind of pistol." pag pauna niyang lakad habang alerto sa paligid.
"Ahh okay." tipid kong sabi.
I don't want to overthink things but the questions in my head bothers me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top