Chapter 9: Yamete

Ng gabing iyon ay wala kaming nakain.

Ni isang butil ng kanin wala. Ni isang ulam wala.

Haist. Napakapathetic na talaga ng aming buhay ngayon.

Paano na kami mabubuhay niyan?

Mas nagugustuhan ko pa ang dati kong buhay na palakad-lakad lang sa kalye na parang siga.

Pero, nangako akong magbabago na talaga ako sa lugar na ito.

Ngayon, may kasama naman ako pero hindi naman ako umuunlad 'pag kasama sila.

Nagbago nga ang aking buhay pero mas malala na yata kaysa dati.

May isa nga diyan, payat pero malakas. Iyong isa diyan baliw na parang kriminal. Tsaka iyong isa rin diyan si kuya Tanjiro, I like his ugali pero minsan hindi.

Sa gabing iyon ay malungkot talaga ako. Sino naman ang hindi malulungkot kung gutom ka diba?

Tsaka, sabayan pa na wala na akong pera.

Haist. Kaya pala wala akong pera kasi butas ang aking bulsa. Napakamalas talaga. Kaawa-awang buhay 'to.

Sa gabing ito ay napansin ko nalang na naguusap-usap ang mga tatlong itlog na iyon.

Hindi ko alam kung bakit.

"Hoy, kayong tatlo? Anong pinag-uusapan niyo diyan?" Tanong ko sa kanila. Curious lang ako eh.

Nang bigla na lamang may kumatok ng pinto.

Agad kong binuksan ang pinto at nakita ko ang sakit sa mata.

"Hello, may nagsabi kasi sa aking gutom kayo. Kaya, dinalhan ko kayo ng kunting makakain," pangiti-ngiting sabi ni Marites sa amin.

"Marites! Bakit ka nandito?!" Sigaw ko.

Dahil dito ay agad na lamang sumugod ang tatlo dahil siguro sa gutom.

Parang mga patay-gutom na sila sa kanilang reaksiyong pasugod.

Kaya agad ko silang pinatigil.

"Tumigil kayo mga patay-gutom!" Sigaw ko sa kanila.

"Master! Gutom na gutom na kami, kailangan namin ang bigay sa atin ni Marites na pagkain. Maawa ka naman, master!" Sabi nga ni Kyaru.

Kaya naman, binatukan ko agad siya.

"Walang kakain sa tirang..." Napatigil ako sa pananalita.

Nakita kong ito ay isang katakam-takam na ramen.

"Ano, gusto niyo ba o hindi? Kung hindi, ibibigay ko nalang sa mga kapitbahay," sabi nga ni Marites sa amin.

"HUWAG!" Sigaw ko.

Dahil sa gutom ko ay agad kong kinuha ang isang nakabangang ramen.

"Maraming salamat talaga Marites. Binabawi ko na lahat ng aking masasamang sinabi," paumanhin na sabi ko kaagad dahil sa gutom ko.

"Walang problema. Tsaka, huwag mong bawiin miss. Pasensiya na dahil ganon minsan ang asal ko dito. Pero, mabuti naman akong tsismosa. Nang nakalap ko ang nangyayari sa inyo ngayon, agad ko na kayong binigyan ng makakain," sabi nga ni Marites.

Nagpasalamat nga kami kay Marites sa pagkain.

Dito ay sinabi kong hindi na muli ito mauulit ang nakaraan naming conversation dahil nakakahiya na sa kanya.

Dito ay ngiti itong lumabas at patuloy kaming kumain. Hanggang kami ay nabusog.

Dito ay nagusap-usap kami para mawala ang aming pagkabusog.

"Kayong tatlo, bukas, pupunta tayo sa Skeleton Territory. Doon ulit tayo magpapalakas. Maliwanag? Pagkatapos, ang makukuha natin doong materyal ay ibibigay natin kay Marites," utos ko sa kanila.

Dito ay sumang-ayon nga sila sa akin at pati si kuya Tanjiro.

Hanggang sa naramdaman ko sa aking mainit na katawan na kailangan ko na ng pahinga dahil medyo pagod na.

Agad akong tumungo sa aking kwarto at mahimbing na natulog.

Hindi ko alam na may plano pala ang tatlo sa aking masama.

"Psst, Kazuma. Gagana ba talaga iyang skill mo na Fusionisia?" Tanong sa kanya ni kuya Tanjiro.

"Oo, Tanjiro. Kapag mag-iisang katawan na tayo ay mapapasaya na natin si Master," sabi ni Kazuma sa kanya.

"Hmm. Kayo nalang ata. Nagbago na ang isip ko dahil naisip kong kayo lang ang may atraso sa kanya eh. Bye. Basta, walang kababalaghan diyan ah?" Tanong ni kuya Tanjiro sa kanila.

"Sige, Tanjiro," sabi naman ni Kyaru.

Pumunta nga agad si kuya Tanjiro sa kanyang kwarto para ito ay matulog na.

Nagpatuloy nga ang plano nina Kyaru at Kazuma.

"Okey sige. Hoy, ikaw Kyaru, dalawa nalang tayo na magpapasaya kay master Ayane ngayong gabi sa pamamagitan ng pag-iisang katawan. Tama naman ang mentor ni master Ayane na may atraso tayo sa kanya."

"Gagi sige, pwedeng-pwede, Kazuma."

Sinubukan nga nilang dalawa ang Fusionisia at sila ay nag-isang katawan.

Dito ay masaya nilang tinawag ang kanilang anyo na Yamete.

Agad nga silang pumasok sa aking kwarto at ako ay nakatulog na.

Habang ako ay natutulog, pinagpapantasyahan kong may lalaking lumalandi sa akin.

Pero kunwaring iniiwasan ko siya.

Habang nasasarapan ako sa pagtulog ay biglang naghubad ang lalaki ng kanyang t-shirt kaya nagising ako dahil biglang naging creepy ang panaginip ko.

Pero, bigla nalang akong nagising ng makita ko ang isang lalaking hubad ang t-shirt at kitang-kita ko ang kanyang abs.

"Sino ka?" sigaw ko.

"Ako si Yamete, ako ang iyong napanaginipan kanina!"

Dito ay tinignan ko siya ng maigi at kamukha nga niya.

Naniwala ako sa kanya at biglang akong natakot dahil natuloy ang bangungot ko.

Naisip ko ding pwedeng mangyari lahat dito sa Another World.

Sa takot ay kinuha ang aking mga damit dahil sa pagtulog ko ay nakadamit lang ako ng brassiere at panty.

Hindi kasi ako komportable kapag may panlabas na damit ako. Mainit.

Unti-unti nga siyang lumapit sa akin.

"Lumayo ka! Huwag mo akong halayin!" Sigaw ko.

Wala akong nagawa at linapitan nila ako sabay hawak sa aking balikat.

Agad kong sinampal ang kanyang kamay sa aking balikat.

"Kya! Yamete Kudasai! Lumayo ka sa akin!" Sigaw ko.

"Nandito ako ngayon Ayane, dahil kay Kazuma at Kyaru. Inutusan nila akong pasayahin ka."

"Ano?! Ibig sabihin, wait, tuta ka nila? Pero galing ka sa aking panaginip at pinatawag ka nila, ganon ba?"

"Uh. Parang ganon na nga..."

"Lintik sa akin ang dalawang iyon! Anong mapapasaya? Mas lalo nila akong ininis dahil sa iyo!" Sabi ko.

"Ano? Malas, mission failed. Palpak tayong dalawa. Hindi natin napasaya ang master natin!" rinig ko.

"Ano master namin! Huwag niyo akong inuuto! Kazuma at Kyaru. Kayo iyan!" Sigaw ko.

Dito ay sinipa ko sila papalabas ng aking kwarto.

"Sabay sabi kong, "Loko-loko kayo, wala kayong respeto sa katulad kong babae. Maniac!"

Sa lakas ng aking pagsipa ay naghiwalay silang dalawa. Pagkatapos, sinara ko ang pinto.

"Hoy Kazuma, ba't mo sinabing master?"

"Eh, kasalanan mo rin, nagpahalata ka sa sinabing mong "palpak" moron!" Sabi naman sa kanya ni Kyaru.

"Haist, mas maiinis na naman sa atin si master," disappointed na sabi ni Kazuma.

Kinabukasan ay humingi ulit ng paumanhin ang dalawang ewan.

Pero, imbes na magalit ako ay nagtimpi nalang ako sa kanila. Kasi naniniwala akong kung always akong magagalit, mas papangit ako.

Kaya, I have always thinking positive para mag-glow-up pa ako at mas gaganda. Diba?

Kaya para mapasaya nila ako ay nagpamassage nalang ako sa kanila.

Si Kyaru ay sa aking balikat at si Kyaru at sa aking tuhod at paa.

Dahil sa galing nilang magmasahe ay hindi ko mapigilang umungol dahil sa sarap.

I know that it is disgusting kaya naman tinakpan ko nalang ang aking bibig.

Pero napansin kong bigla silang tumigil dahil naglalawayan na ang dalawa maniac.

Dito ay isinigaw kong, "HOY!"

Sobra silang nagulat at itinuloy nila ang pagmamasahe sa akin.

Natawa nalang ako sa kanilang reaksyong sa kanilang pagkagulat.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Don't be lust, bad yun."

Ano kaya ang mangyayari sa susunod na kwento?

Abangan niyo nalang readers. Salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top