Chapter 49: Tardigraconda

After 2 days, napansin namin ni Shidou na nagiging malapit na si Akemi kay Kai dahil sa popcorn.

Kain ng kain si Akemi ng popcorn hanggang siya ay tumaba.

Hindi ko alam kung paano siya tumaba. Pero I think dahil siguro sa taba ng popcorn.

Kakaiba kasi ang popcorn dito sa Another World kompara sa Earth.

Mataba ang popcorn dito. Syempre, ayaw kong masira ang aking kaseksihan kaya hindi ako kumakain ng popcorn kahit masarap.

Sa ngayon, napagdesiyunan kong ipagpatuloy na namin ang aming paglalakbay para matapos na ang larong ito.

Tinawagan ko na nga si Akemi at sinimulan ko na ang pamamaalam kay Kai.

"Akemi, alis na tayo. Um. Kai, alis na kami. Nakakahiya na sa iyo kung titira pa kami dito ng matagal. Kailangan na kasi naming ipagpatuloy ang aming paglalakbay."

"Okay, go ahead. Ingat kayo."

"Salamat."

Pero, yinakap ni Akemi si Kai at ayaw sumama.

"Akemi, halika na. Kailangan kita sa aming paglalakbay ni Shidou."

Dito ay linapitan ako ni Akemi at nakiusap.

"Ate Shina, pwede bang maiwan na ako dito, gusto ko sanang sumama kaso... Kaso, gusto ko ng popcorn."

"Huh? Pwede naman tayong humingi kay Kai, Akemi?"

"Please ate. Pagbigyan mo na ako. Gusto ko talaga ng popcorn?"

Dito ay sinabi sa akin ni Kai na,"Parang gusto niyang magstay dito. Payagan mo na kasi siya Shina?"

"Hmm..." Dito ay naisip kong kung hindi sasama si Akemi, masosolo ko na si Shidou.

Geez. Yummy. Hi-hi-hi...

"Okay, I made my decision. Stay ka na dito Akemi."

Sa sinabi ko ay naging maligaya si Akemi.

Yinakap ako ni Akemi at sinabing, "Salamat ate. Salamat."

"Sigurado ka ba Shina?" tanong sa akin ni Shidou.

"Oo my loves. Pagbibigyan ko si Akemi dahil ito ang gusto niya. Pero, dahan-dahan sa pagkain ng popcorn ah?"

"Opo ate Shina! The best po talaga kayo."

"Oo na Akemi. Ikaw naman Kai!?"

"Yes, Shina?"

"Alagaan mo si Akemi dito, huwag mo siyang pabayaang tumaba nalang. At, huwag mo siyang hahalayin? Maliwanag?"

"Oo na! Ba't ko naman gagawin iyon eh magkaiba species namin?"

"Mabuti. Sige, alis na kami."

"Wait ate!"

Dito ay may ibinigay sa akin ni Akemi.

"Ate, kahit 'di mo ako kasama, ibibigay ko itong Mana Crystal."

"Para saan ito Akemi?"

"Ate Shina, dapat ay nasa sa iyo lang iyan. Dahil ang gamit niyan ay kapag bumaba ang iyong mana o magic power ay dadagdagan ng crystal ang iyong Mana Points."

"Sige, salamat Akemi. Sige, salamat sa lahat ng kabutihang ipinakita mo sa amin Kai. Alis na kami."

"Okay bye." Sabi ko.

Dito ay tumalon nalang kami ni Shidou sa mataas na halamang iyon at sakto kaming nahulog sa lawa.

Dito ay natawa nalang kami ni Shidou.

He. He. He. Masosolo ko na si Shidou.

Habang lumalangoy si Shidou ay yinakap ko ang kanyang katawan.

"Di ko alam lumangoy Shidou. Payakap." Pakiusap ko.

"Sige, yakapin mo lang ang katawan ko. Huwag mahigpit kasi ang lambot mo eh." Pakiusap niya sa akin.

"Sige Shidou! Ang tigas pala ng katawan mo at may pandesal pa sa tiyan. Wooh!"

Nakarating nga kami sa daan at sinunod namin ang mapa.

Doon ay papunta kami sa Tardigrades Territory.

Ang weird ng lugar na ito. Madilim, masukal at itim ang mga damo.

Dito ay nakaramdam ako sa aking sarili na kailangan ko ng care.

"Shidou, natatakot ako, pwede yumakap?" Tanong ko.

"Oo naman."

Yinakap ko siya agad ng mahigpit.

"Shina, huwag masyadong madiin."

Sa totoo lang, hindi talaga ako natatakot. Para-paraan talaga to.

Sa pagpapatuloy naming maglakad sa Tardigrades Territory ay nakita namin ang mga kakaibang hayop.

Parang silang alien.

Dito ay agad nila kaming inatake.

Ginamit ko agad ang aking espada.

Pinagpira-piraso ko sila at nakita kong ang bilis tumaas ang aking level.

Naging kalasag ko si Shidou at sabay akong umatake sa kanila.

Pagkatapos ko silang natalo ay lumabas ang kanilang boss.

Ito ay ang Tardigrades boss, level 70.

"Naku, may mas malaki pa talaga kaysa sa kanila!" Sigaw ko.

Dito ay biglang sumigaw ang halimaw na ito.

"Sino kayo mga hangal?! Huwag niyo akong subukan, immortal ako?!" Sabay halakhak nito.

"Edi wow! Sino ka ba?" Sigaw ko.

Humalakhak ito at sinabing, "Ako si Tardigraconda! Ang boss ng mga tardigrades!"

"Tardiga...? Ano?" Tanong ko.

"Tardigraconda!" Sigaw niya.

Agad nitong ibinukas ang kanyang malaking bibig sabay labas ng asido!

"Shina! Mag-iingat ka!" Sigaw ni Shidou sa akin.

"Salamat sa pag-aalaa my loves. I love you."

"I love you too," pabalik na sabi sa akin.

Dito lumakas ang aking fighting spirit dahil kay Shidou.

Agad kong ginamit ang aking ibang regular skill bilang hero.

Isinigaw kong, "Death Slice of a Bright Sword!"

Dito ay nahiwa ko ang asido kasama si Tardigraconda.

Sa kasamaang palad, naging dalawa sila.

Humalakhak ito at sinabing, "Pagpirasuhin mo pa kami para dumami pa kami!"

"Oh no! masama to, parang majin buu," sabi ko.

Dito ay narinig ko ang tinig ni Shidou,"Gamitin mo na ang iyong Special Hero Skill!"

"Ay, oo nga! Salamat."

Dito ay sobra akong nagfocus at ginamit ko ang aking makinang na sword.

"Heto na, Special Hero Skill, wait. Nakalimutan ko."

"Shina, pwede namang iba ang itawag mo sa skill mo. Gagana pa rin iyan!" Sigaw ni Shidou sa akin.

"Wow sana all. Pasubok nga. Special Hero Skill, The Obliterating Attack of a Bright Sword!"

Mabilis kong pinagpira-piraso ang halimaw.

Sa sobrang bilis ay umapoy ang aking espada at ito na mismo ang sumunog sa kanya.

Hindi na nakaregenerate ang halimaw at naglevel up ako.

Dito ay may nakita akong item.

Ito ay ang Platinum Coin.

"Ang swerte mo, mahal."

"Oo naman Shidou. Sige, ihulog mo nalang ang diamond coins na ito diyan sa kumikinang na wishing well diyan oh."

"Sige, akin na iyong isang diamond."

Ibinigay ko sa kanya ang isa at sabay naming nagwish.

"So, ano wish mo, Shidou?" tanong ko.

"Secret."

Sa akin, ang wish ko lang ay sana naman ay ngayong gabi, I and Shidou will become one.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Lahat ng bagay ay hindi bagay."

Ano kaya ang susunod na mangyayari?

Abangan ang next chapter. Salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top