Chapter 48: Stefanou
Pagpasok namin sa bahay ni Kai ay nalanghap namin ang bango ng kanyang bahay sa loob.
"Hmm... Wow, ang bango naman ng bahay mo Kai!" Sabi ko.
"Syempre, bulaklak eh," sabi niya.
Pinaupo muna nga kami ni Kai sa kanyang malambot na sofa.
"Pati itong upuan, mabango. Hindi ba Akemi? Wait, Akemi nasaan ka?" Tanong ko na nag-aalala.
"Nandito ako ate Shina! Yohoo!"
Nakita ko nalang siya na naging maliit na diwatang kumakain ng popcorn.
"What? Kaya mo palang magtransform ng ganyan Akemi?" Gulat na tanong ko.
"Opo naman ate. Kaya ako nagpaliit ng ganito kasi mas madali akong mabusog habang kinakain ko ang nahulog na popcorn sa ilalim ng upuang ito." Sabi nito sa akin.
Dito ay agad na nakita ni Kai si Akemi na kumakain ng maruming popcorn.
"Yuck. Huwag mong kainin iyan, sasakit ang tiyan mo bata." Sabi ni Kai sa kanya.
Dito ay agad kong itinaboy ang maruming popcorn na kinakain ni Akemi.
Tapos sinabi agad nito sa aking, "Ate, masakit ang tiyan ko. Tulungan mo ako," habang nagmamakaawa sa akin.
"Akemi, ba't mo kasi kinain? Marumi yata kasi iyan?" Tanong ko.
"Paborito ko po ang popcorn ate Shina kaya kinain ko." Sagot niya.
Dito ay nakita kong patuloy ang pagkirot ng tiyan ni Akemi based sa kanyang reaction hanggang sa nawalan siya ng malay.
"Akemi! Akemi gising!" Sigaw ko.
Pinagbintangan ko si Kai na siya ang may kasalanan nito.
"Hoy ikaw Kai! Ikaw ang may kasalanan nito dahil may nahulog kang popcorn sa sahig at kinain niya!" Sigaw ko.
"Eh ba't ako pinagbibintangan mo? May sinabi ba akong kainin niya?!"
Sumigaw si Shidou at sinabing, "Tama na iyan! Isugod na natin siya sa pagamutan!"
Sa kasamaang palad ay sinabi sa amin ni Kai na walang pagamutan dito sa lugar na ito dahil wala namang nagkakasakit.
"Paano na iyan? Hahayaan na ba natin si Akemi na ganyan?" Tanong ko sa kanila.
Dito ay sinagot ako ni Kai, "Pero may isang nababaliw na butterfly alchemist dito sa aming lugar." Sabi niya.
"Bakit naman siya mababaliw?" Tanong naman ni Shidou.
Sinagot si Shidou at ginamit ko ang aking maliit na utak.
"Shidou, paano siya 'di mababaliw kung wala siyang maibebenta. Kasi nga, wala namang nagkakasakit dito sa lugar na ito."
"Tama ka babae. Akala ko bugok ka na magpakailanman," sabi ni Kai sa akin.
Sasabubutan ko sana siya kaso biglang nagsalita si Shidou.
"Teka wait master Shina. Kai, saan natin siya makikita kasi parang lumulubha ang kalagayan ni Akemi?" Tanong nito.
"Huwag kayong mag-alala, kapitbahay ko siya." Sabi niya.
Dito ay mabilis naming pinahiga si Akemi para magpahinga muna ito sa mabangong kama.
"Akemi, magpahinga ka muna dito. Tiisin mo muna iyan at pagbalik namin ay malulunasan na natin iyan at gagaling ka." Sabi ko.
Ngumiti si Akemi sa akin at sinabing, "Maraming salamat ate. Mag-iingat kayo."
Lumabas kami agad sa bahay ni Kai at agad kaming kumatok sa bahay ng butterfly alchemist.
"Tao po, tao po." Sabi ko.
Dito ay natanto kong hindi pala siya tao. Kaya pinalitan ko ang sinabi ko.
"Paru-paro po, paru-paro po," sabi ko habang kumakatok.
Hindi niya binuksan ang pinto kaya linakasan ko ang pagkatok at kumanta ako ng, "Parung-parong G, Paru-paru-parong G! Buksan mo na ang pinto bago pa kami sumayaw!" Sigaw ko.
Binuksan agad nito ang pinto at sinabing, "Paro Paro G iyon!"
Nakita ko ang paru-parong iyon at parang matamlay ang kanyang mukha at pati ang kanyang mga mata.
Nababagot nitong sinabi sa aming, "Pasok kayo."
Pinapasok niya kami sa kanyang bahay.
Dito ay nakiusap na agad ako sa kanya.
"Ikaw butterfly alchemist! Bigyan mo kami ng healing potions!" Sabi ko.
"Wait, wait and wait. Sino 'tong nga taong ito Kai?"
"Mga bisita ko sila na naging bisita mo na rin. Sila ay sina Shidou at Shina. Nais sana nilang humingi ng healing potion sa iyo dahil nagkasakit ang diwata nilang kasama."
"Hindi pwede pero! Yes! Yes! Sa wakas! May bibili na rin sa akin ng aking mga tindang potion!" Nabaliw na halakhak nito.
"Hoy! Bago pa ako mainis! Ibigay mo na ang healing potion!" Sabi ko
"Sabi ko na ngang hindi pwede. Makukuha niyo lang ito sa bayad na isang platinum na barya!"
Dito ay agad akong kinausap ni Shidou.
"Master, ang mahal niyan. Katumbas niyan ng isang libong diamond coins!"
"Whaaat?!!!" Napasigaw nalang ako.
Dito ay humalakhak ang butterfly alchemist at sinabing, "Ano? Kaya niyong bilhin?" Tanong niya.
"Kaya pala walang bumibili sa iyo shunga kasi ang mahal-mahal ng tinda mo!" Sabi ko.
"Hoy! Hindi Shunga ang pangalan ko. Ang pangalan ko ay Stefanou, ang butterfly alchemist."
"Okay, wala na bang paraan para makakuha ako ng healing potion?" Tanong ko sa kanya.
Dito ay nagisip-isip si Stefanou.
"Alam ko na! Hahamunin kita sa isang laban!" Sabi niya sa akin.
"Sige, baka one-shot ka lang, tapos ka na," sabi ko.
"Hindi, labanan mo ako sa padamihan ng kakaining rice!"
"Wow huh? Kumakain pala ng rice ang mga butterfly." Sabi ko.
"Oo naman! Kung matatalo mo ako, ibibigay ko sa iyo ang healing potion. Kung hindi, magiging yaya kita dito sa bahay at palilinisin buong magdamag." Sabi niya.
"Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo! Para ito kay Akemi!" Sigaw ko.
Dito ay bumulong agad sa akin si Kai at sinabing, "Si Stefanou ay magaling umubos ng kanin iyan! Baka hindi mo siya kaya, Shina!"
"No worries my friend, kaya ko siya. Kahit isang sako ng bigas, uubusin ko!" Pag-aangas na sabi ko kahit hindi ko naman talaga kaya.
Dito ay agad na nagluto ng isang malaking kaldero ng rice si Shidou at ibinuhos lahat ng isang sakong bigas.
Mabilis lang naluto dahil sa magic ni Kai at Stefanou.
Dito ay agad kaming pumwesto ni Stefanou sa harap ng mesa.
Pinalakas ni Shidou ang aking loob ng sinabi niyang, "Kaya mo iyan master Shina. Tiwalang-tiwala akong matatalo mo siya."
"Salamat Shidou. Kung mananalo ako sa kainang ito, ikaw ang susunod kong kakainin."
Agad ngang nag-umpisa ang laban at agad na naubos ni Stefanou ang isang pinggang rice.
Dito ay sinabi niya sa aking, "Warm-up palang iyan," habang nababagot na tumitingin sa akin.
Dito ay agad kong linamon ang isang pinggang rice hanggang sa makasampu akong pinggan ng rice without ulam.
"Kaya mo pa ba? Nakasampu na rin ako." Panlalait nito sa akin ni Stefanou.
"Syempre kaya ko pa!"
Inubos namin lahat ng isang malaking kalderong rice at pareho naming hindi na kayang lumamon ng nito.
Dito ay isinigaw sa amin ni Kai na, "It is a tie!"
Dito ay kinausap ako ni Shidou.
"Master? Okey ka lang? Sa sobrang laki ng tiyan mo, para ka ng buntis."
"Okey ako at para ngang buntis na ako kay Misaka. Masakit tuloy ang tiyan ko, parang manganganak na yata ako." Sabi ko.
Nagpahinga muna kami ni Stefanou ng isang oras at mabilis na humupa ang busog naming tiyan.
Matapos iyon ay natuwa sa akin bigla si Stefanou at sinabing, "Hindi ko inaasahang tabla tayo! Kahit hindi ka nanalo sa akin, ibibigay ko na sa iyo itong healing potion."
"Maraming salamat, maraming salamat talaga Stefanou," sabi ko.
Dito ay agad kaming bumalik sa bahay ni Kai at agad kung ibinuhos sa kanyang tiyan ang healing potion.
"Kumusta na ang pakiramdam mo Akemi?" Tanong ko.
"Okey na po ate, salamat talaga. Hindi na po masakit." Sabay yakap.
"Sa susunod, huwag ka ng kakain ng maruming pagkain ah?"
"Oo ate. I will never forget it."
Dito ay nagluto agad ng popcorn si Kai at ibinigay ito kay Akemi.
Masayang-masaya si Akemi na kumakain habang ako ay nakatulog dahil sa pagod matapos akong makaubos ng limangpung pinggan ng kanin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Don't be voracious, baka mabulunan ka."
Ano kaya ang susunod na mangyayari sa kwento?
Abangan ang next chapter. Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top