Chapter 43: Mangberto
Nang nalaman nila ang aming loveteam ni Shidou ay hinalakhakan lang nila ito ng parang bastos.
"Iyan na ba ang pangalan ng inyong loveteam? Parang ang pangit. Diba Jealust my loves?"
"Tama ka Tanjiro! Halika, tapusin na natin sila!" Sigaw nga ni Jealust.
Agad silang umatake sa amin ni Shidou.
"Akemi! Misaka! Kami na ang bahala sa kanila! Lumayo muna kayo dito!" Sigaw ko.
Dito ay lumayo agad sila sa amin ni Shidou.
Agad na umatake sa akin si Tanjiro!
"Anong problema mo kuya? Hindi dapat ito nangyayari!" Sabi ko habang nagkikiskisan ang aming mga espada.
Humalakhak siya sa akin at sinabing, "Ito ang bunga ng iyong pagsisinungaling at ang aking kabaliwan sa pagseselos sa iyo Asura! Kaya, tatapusin na kita para wala na ang taong nagpabaliw sa akin!"
Agad nitong ipinwersa ang kanyang pag-atake at naputol nanaman ang aking espada.
"Tatapusin na kita Asura! Balewala lang ang paghihirap ko sa iyong turuan ka!" Patuloy na pananalita ni kuya Tanjiro.
Agad niya akong inatake ng walang pag-aalinlangan.
Dito ay agad kong ginamit ang aking magic.
"Bo-bo-ka Tan-ji-ro-ka Stop-fu!"
Tumigil ang kanyang kamay sa pag-atake sa akin at sinabi nitong halakhak na, "Oo nga pala. Nakalimutan kong gumagamit ka ng magic."
Sumigaw ito at gumamit rin ng magic! Hindi ko alam na gumagamit rin si kuya Tanjiro ng magic.
"Ma-hi-ka Pre-ven-ta!" Naikilos niya ang kanyang nga kamay at naipagpatuloy niya akong atakihin.
Mabuti agad ko itong natakasan dahil alam ko na na mangyayari ito.
"Tanjiro, itigil na natin ito! Wala ng saysay na maglaban tayo kasi may kanya-kanya na tayong iniibig." Sigaw ko.
Hinalakhakan nalang ako ni kuya Tanjiro at parang katulad na nito si Kyaru.
"Hoy! Asura! Takot ka bang mapuksa? Mukhang nagbago ka na talaga at humina!?" Angas sa akin ni kuya Tanjiro.
Tapos, agad niya ulit akong inatake!
Mabuti't naibalik ko na sa dati ang aking espada dahil sa mahika kaya agad kong nadepensahan ang kanyang atake.
Dito ay agad kong sinabi sa kanyang, "Tanjiro. Itigil na natin ito! Gusto mo ba talaga akong mawala bilang iyong apprentice? Pinapalagahan ko ang iyong hirap sa pagtuturo sa akin Tanjiro. Pinapahalagan din kita kuya kahit na itinakwil mo ako sa pamamagitan ng pag-ibig." Sabi ko.
"Sinungaling ka! Kung pinahahalagahan mo ako! Bakit mo siya pinili imbes na ako? Sabi mo, mahal mo ako? Sagot!?" Sigaw nitong tanong sa akin na nababaliw ng nagkikipaglaban sa akin.
"Gusto mo bang malaman, Tanjiro?"
"Oo! Bakit?"
"Dahil ipinagpalit mo ako sa bruhang iyon! Kanina ko pa sinasabi sa iyo Tanjiro. Ikaw ang nagsinungaling sa akin! Hindi ako!" Sigaw ko.
Dito ay naguilty si Tanjiro at biglang tumakbo.
"Hoy! Tanjiro! Saan ka pupunta?" Tanong ko.
Hindi niya ako sinagot at nakita ko nalang na tinatadyakan na lamang ni Shidou ang bruha.
Dito ay tumayo bigla ang bruha at sinamahan si Tanjiro.
Agad namin silang hinabol hanggang sa napunta kami sa Kingdom of Planta.
Nakita ko ang mga naglalakihang mga castles.
Dito ay napatigil ang dalawa at nakita kong ginamit nila ang fusion magic.
Napag-isa ang dalawa at mas pumangit pa ang kanilang anyo.
Nakita ko ang kanilang information. Tinatawag silang Fusion of Dark and Lust, level 80.
Humalakhak ito at rinig na rinig ko ang napakapangit nitong boses kasi iisa na nga sila. Ano ba!
"Asura! Labanan mo kami sa napag-isa naming katawan na napakaganda! Tawagin mo kami sa love team na Tanjealust!"
Dito ay agad kong pinutol ang isang sandata ni Tanjealust dahil sa sobrang dada.
"Ano? Hindi niyo ako napansin no?!" Pang-aasar ko.
Nagalit ng husto si Tanjealust at pinagsabay nitong ginamit ang espada at mahika.
Napakalakas nga non! Mabuti, sinanggahan nito ni Shidou na sa ngayon ay level 80 na rin.
"Salamat my loves!" Sabi ko sa kanya.
"Walang anuman. Tsaka, halika na! Talunin na natin iyan!"
Pinagtulungan nga namin si Tanjealust hanggang sa sobrang accurate na ang aking patama sa kanila habang prinoprotektahan ako ni jowa.
"Ipagpatuloy mo lang iyan my loves!"
"Sige Shidou my loves. This is the power of our love!" Sigaw ko.
Dito ay napakabilis kong inatake si Tanjealust hanggang sumigaw ito ng, "Tigil!!!"
Sa sobrang lakas ng sigaw ng bunganga ni Tanjealust ay naihagis kami at naibangga kaming dalawa sa malaking halaman.
Agad akong bumangon at tumawa si Tanjealust tapos sabing, "Akin na iyang espada mo Asura! Akin dati iyan!"
Bigla nalang napunta sa kanya ang aking espada.
"Anong ibig sabihin nito?" Sigaw ko.
"Binabawi ko na ang espadang ibinigay ko!"
Dito ay nainis na ako at sinabing, "Ang daya mo! Sabi mo sa akin noon, akin na ang espada!"
"No way! Hindi naman naging tayo kaya binabawi ko na!" Sigaw nito.
Dito ay pinapikit ko ng sobra ang aking mga kamay at sinabing, "Sinungaling ka talaga!"
Buti nalang nandiyan si Shidou at sinabi sa aking, "Tama na iyan master, ibibili nalang kita ng bago."
"Shidou! Buti talaga nandiyan ka. I love you." Sabay na yakap ko.
Dito ay may isang lalaking na bigla nalang nagpakita at mukhang halamang tao na nagsabing, "Nakakakilig naman kayo."
"Hoy! Sino ka? Umalis ka na dito. Delekado ang buhay mo dito!" Sigaw ko kasi baka madamay siya sa aming laban.
"Ako nga pala si Mangberto na may-ari ng lupang pinaglalabanan niyo. Bitak na bitak na ang mga lupa oh dahil sa ginagawa niyo!" Sigaw nito sa amin.
Dito ay agad kong inihagis ang halamang taong iyon ng subukan nitong atakihin ni Tanjealust.
"Not so fast, Tanjealust!" Pang-aasar ko.
"Darn you!"
Sumigaw pa ang halamang taong iyon habang lumilipad sa ere ng, "Mga bwisit kayo, tumubo sana ng bamboo shoot sa mga pwet niyo!"
Dito ay napakataas ko palang inihagis si Mangberto. Buti nalang ay nasalo siya nina Akemi at Misaka.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Don't destroy others property dahil wala ka naman perang pambayad."
Sino ang bagong halimaw na magpapakita?
Abangan ang next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top