Chapter 38: Kickomatus
Naiinis talaga ako sa ginawa sa akin ni Kyaru. Muntik na pala akong gahasain.
Sa gabing ito ay umiiyak si Akemi sa nangyari.
"Ate! Muntik na po kayo! Ang sakit po sa mata ng aking natuklasan kanina."
Dito ay agad kong yinakap si Akemi at sinabing, "Huwag ka ng umiyak, wala na ang masamang si Kyaru. Wala na siya."
"Buti, nandito ka na kanina Akemi pero ikinalulungkot ko na nadamay ka pa." Malungkot na sabi ni Shidou.
Dito ay may naisip akong paraan para makalimutan lahat ni Akemi ang kanyang mga malaswang nakita.
"Akemi, may gagawin ako sa iyo ah?" Tapos agad kong hinawakan ang kanyang ulo.
"Ano po iyon ate at ba't niyo po hawak ang ulo ko?" Tanong ni Akemi sa akin.
Dito ay ginamit ko ang aking magic at sinabing, "Wa-la-ka-na Ma-a-la-la-ra!"
Sana ay gumana ang aking mahika kay Akemi at makalimutan ang nangyari.
Dito ay nagliwanag ang aking kamay sa ulo ni Akemi hanggang sa matapos ko itong gawin.
Agad itong nagresponse at sinabing, "Ate, ba't ako nandito? Kanina lang ay natutulog ako?"
Dito ay masaya akong gumana ang aking mahika kay Akemi at sinabi ko sa kanyang, "Wala Akemi. Gusto ka lang naming makatulog kasama si Shidou."
"Ganon po ba?" Tanong niya.
Tapos lumapit naman sa kanya si Shidou at sinabing, "Tama ang ate mo Akemi. Gusto ka naming kasamang matulog para ligtas ka sa amin."
"Pero, nasaan si kuya Kyaru?" Tanong niya.
"Wala na si Kyaru, Akemi. Itinapon ko na siya sa basurahan." Naiinis na sabi ko.
"Ibig mo pong sabihin ate, pinauwi mo na rin siya sa kanilang lugar?" Tanong ni Akemi sa akin.
"Oo Akemi. Nakauwi na siya." Sabi ko.
Ngumiti sa akin si Akemi at bigla nalang naantok.
Tapos sabi nitong, "Sige po, matulog na po tayo dito. Malalim na ata ang gabi." Ngiting sabi sa amin.
Hihiga na sana kami ng napapatanong ako sa aking sarili kung paano makakahiga si Akemi.
Dito ay tinanggal niya ang kanyang mga pakpak sa kanyang balikat. Ngayon ko lang nalaman na removable pala ang kanyang mga wings.
Sa gabing ito ay natulog kami ng payapa.
Kinaumagahan ay nagising kaming tatlo na magkakasabay sa kama.
Agad kaming lumabas sa bahay na iyon dahil tapos na ang aming oras sa pagrenta.
Sa umagang iyon ay bumili kami ng tig-isa kaming Cocoa Bananana.
Inilibre kami ni Shidou at sobra na talaga akong nagtataka kung saan kumukuha ng pera si Shidou.
Dito ay masaya naming kinain ang mga ito ng may isang kalbong lolicon na basagulero ang gumambala sa mga pamilihan ng mga prutas.
Humalakhak ito at sinipasipa lahat ng mga prutas.
Isinigaw ng mga lolicon o mga taong maliliit na, "Tulungan niyo kami..."
Ang ninipis ng kanilang mga tinig. Bagay na bagay talaga ang kanilang tinig sa kanilang laki.
Dito ay gusto nitong sipain ng halimaw na ito ang tinderang matandang babae na maliit.
Kaya agad ko itong dinepensahan gamit ang aking espada.
"Salamat sa pagtulong, dalaga." Pasasalamat nito matapos ko siyang depensahan.
"Walang anuman basta't lumayo na kayo sa halimaw!" Sigaw ko.
Lumayo silang lahat hanggang sa kami na ang nagtuos ng halimaw.
Ang halimaw ay maliit na tao na magaling sumipa tapos naka-armored pa! Ang nakatutuwa sa kanya, siya ay kalbo! Siya ay isang Mini Bald Sneaky Rude, level 60! Tapos ako lang, level 52.
Humalakhak ito at sinabi sa aking, "Hoy! Kung sipain rin kita diyan, huwag mo akong subukan!"
Dito ay nginitian ko siya at sinabing, "Ang bansot mo! Mahina ka lang boy!"
"Aba't matapang to ah! Hoy, ikaw! Tawagin mo ako sa pangalang Kickomatus. Ako ang pinakamalakas na halimaw dito sa Southeastern Path!" Sigaw nito sa akin.
"Wala akong pakialam kung ikaw ang pinakamalakas! Makinang lang ulo mo! Tsaka, parang hindi ka halimaw sa liit mo!"
Sa inis ni Kickomatus ay agad niya akong inatake sa pamamagitan ng kanyang sipa.
Buti nalang ay mayroon akong Shidou.
Nasanggahan niya pero sa lakas ng sipa ng maliit na halimaw ay napaatras ito ng sobra.
Dito ay agad akong umatake para hiwain siya sa dalawa.
Pero, sinipa lang niya ang aking espada at bigla nalang nahati sa dalawa.
Humalakhak ang halimaw at sinabing, "Paano na iyan, wala ka ng espada. Iiyak na iyan!"
Dito ay natawa ako sa kanya at sinabing, "Bye, bye!" Tapos biglang bumalik sa dati ang espada ko dahil sa aking mahika.
"Ano?!" Sigaw nito.
Nahati na lamang sa dalawa ang kanyang armor at hindi ito makapaniwala.
Isinigaw nitong, "Hindi!"
Isinadya kong ang kanyang armor na nahati imbes na siya. Tapos madali na lang itong nawasak.
Matapos iyon ay nakita ko ang nasa loob ng armor at parang isa lang siya sa mamamayan ng lugar ng ito.
Kagaya ng iba kong natalo ay nagtangka itong tumakbo papalayo at hindi nito naalala kung bakit siya naparito.
Hindi ko na siya pinayagang makalayo at hinila ko ang kanyang kamay.
Agad kong tinanong na, "Hoy, Ikaw! Bakit ka naging halimaw?"
Nakilabutan ako sa kanyang kalmadong sabi na, "Tan-ji-ro."
Tapos bigla nalang itong naglaho na parang bula!
Hindi ko alam kung bakit niya nasabi iyon pero napapatanong tuloy ako kung paano niya nasabi ang pangalan ni Tanjiro?
Pero, para sa akin, baka ibang Tanjiro iyon. Kapangalan lang siguro.
Matapos iyon ay bigla nalang akong naelevate bilang level 60! Walo ang itinaas ng aking level.
Yinakap agad ako ni Akemi at ngumiti sa akin dahil natalo ko ang halimaw. Pati rin si Shidou ay napangiti.
Dito ay lumapit sa akin ang matandang iniligtas ko.
Tinanong niya sa aking, "Salamat sa pagligtas sa aming natirang tinda. Sino ka ba miss ganda?"
"Ako si Asura! Ang Pervert Hero. Ang tagapagligtas ng mga naaapi!" Sigaw ko.
Imbes na magdiwang sila ay humalakhak nalang sila sa tawa ng ako ay nagpakilala sa kanilang lahat.
Rinig kong, "Pervert Hero. Baliw..."
Bastos talaga, natulungan na nga, binastos ka pa. Pero, hindi ko nalang sila pinansin. Badtrip...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"There are times na magmumultiply ka."
Sino kaya ang batang galing sa future?
Abangan ang next chapter. Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top