Chapter 29: Kabutits

Pagkatapos kong upakan si Kyaru ay napagpasiyahan kong ipagpatuloy na namin ang aming paglalakbay.

"Guys, alis na tayo dito. Nagsasayang lang tayo ng oras dito sa kweba eh." Utos ko.

"Master Asura, magpahinga muna tayo," sabi ni Kyaru sa akin.

"Pahinga? Kakapahinga mo lang kanina Kyaru tapos pahinga na naman?! Hmm..." Sabi ko sa kanya na naiinis.

Dito ay agad na may sinabi sa akin si Shidou na, "Tama si Kyaru, Master Asura. Hindi sa sinusuway kita pero I think, malakas ang ulan sa labas kaya it is really risky."

Dito ay tama naman si Shidou, malakas ang ulan kaya risky sa labas dahil wala kaming payong.

"Shidou... Um... Sige na nga. Ikaw Kyaru, lintik ka sa talaga sa akin. Kung pumayag sana siya, babatukan nanaman kita!" Sabi ko.

"Chill lang master," halakhak nga nito.

Nanatili kami sa kweba hanggang sa hindi namin namalayan na nakatulog na pala kami.

Paggisising namin ay malapit na palang magtanghali.

Dito ay napansin ko sa labas ng kweba na medyo mahina na ang ulan.

Pero, nakita ko sina Kyaru at Shidou na natutulog o nagpapahinga pa.

Kaya naman, naisipan kong lumabas ng kweba para humanap ng aming makakain.

Naiinis ako kanina dahil isinekreto sa amin ni Kyaru na kinain na pala niya ang karne ng buwaya ng ibinigay sa kanya ni Dark Mage, Yukino. Haist!

Nakakainis talaga ni Kyaru, akala siguro nito 'di ko napansin kanina.

Pero 'di bale na.

Paglabas ko ng kweba ay medyo nag-ingat lang ako sa daan. Nagmasid-masid ako kung may halimaw na nakaabang sa akin.

Sa aking pagmamasid sa madilim na kagubatan ay may nahanap akong mga mushrooms at magkakatulad ang kulay at laki.

Ayon sa aking level eyeglass ay isa itong Sneaky Mushroom, level 52 silang lahat. Iyon lang ang nakalagay.

Hmm... Pero noon talaga, kamukha ng talong ang nakikita kong kabute. Ngayon, kamukha na ito ng melon.

Tapos ang lalaki!

Nagulat ako na hindi pala ordinaryong mushroom ang aking nakita. Sila ay biglang gumalaw!

Lumitaw ang kanilang katawan at paa galing sa lupa at dito ko nakita ang mga totoo nilang anyo.

Kasinglaki ko sila at nakakaloka lang dahil kamukha talaga ng melon ang mushroom sa kanyang payong.

Sabay-sabay silang nagsalita at sinabing tatapusin daw ako.

Syempre, hindi ako nagpatalo sa kanila. Agad kong ginamit ang aking sandatang Excalibur para sila ay pagpira-pirasuhin.

Syempre, bago ko sila pinagpira-piraso ay linamas ko muna isa-isa kasi ang laki at lambot talaga.

Nakakasatisfy.

Hindi ko akalain na may lumabas na katas sa kanila matapos ko silang lamasin.

Hindi ko ininom kasi alam kong may lason iyon.

Pagkatapos ko silang matalo, lahat sila ay biglang yumanig at ineexpect ko na talaga na mangyayari ito.

Biglang lumabas ang napakalaki nilang boss. Siya ay level 55. Leader of the Sneaky Mushrooms.

Pero sa ngayon ay Level 49 na ako. Pero kahit mababa ang aking level sa kaniya ay hindi iyon ang dahilan para sumuko ako.

Bigla itong napasigaw at tawang sabi sa aking, "Ako ang Bowsers's Mushroom! Maaari mo rin akong tawaging Leader of the Sneaky Mushrooms. Pero, ang totoo kong pangalan ay Kabutits. KA-BU-TITS!!!"

"Bla-bla-bla. Kaya pala malaki ang utong sa payong mo! Kapag susuot ka kaya ng bra, ano kaya size mo?" Tanong ko.

"Z-cup! Halika, labanan mo ako kung ayaw mo!" Sigaw ng halimaw.

Sinubukan ko siyang hiwain sa kanyang stem kaso hindi tumatalab.

Humalakhak nga ito at ipinipilit na umuwi na raw ako sa bahay.

Bumawi si Kabutits ng magpakawala ito ng amoy ng gatas!

Hindi ako nanghina bagkus lumakas pa ako dahil sa sarap ng aroma na iyon sa kanya.

Matapos iyon ay nagisip-isip ako ng paraan para talunin siya.

Iyon nga, nakaisip ako ng unique way para subukang talunin siya.

Sinubukan kong tumalon ng malakas at pumunta sa kanyang tuktok o payong para subukang lamasin ang kanyang hugis melon na payong.

Sinubukan ko itong lamasin at sa paglamas ko ay nasasaktan siyang nasasarapan.

"Itigil mo na iyan! Ang sarap! Huwag, liliit ako!" Sigaw nito.

Sinabi ko namang, "Nakakasatisfy talaga! Pero, ito lang ang tanging paraan para matalo ko siya!"

Linamas ko ng linamas hanggang siya ay papaliit ng papaliit.

Hanggang sa mawalan siya ng buhay o HP.

Nang matalo ko si Kabutits ng walang kahirap-hirap ay nasatisfy talaga tapos naelevate pa ako bilang level 50!

Hindi lang iyon, nakakuha pa ako ng kakaibang mushroom sa monster na ibang-iba sa kinain naming mushroom kina Kotone at Yukino.

Ang tawag dito ay Rare Edible Kabutits's Mushroom Breast.

Nakakuha ako ng tatlong piraso nito na ang laki ay ang kamay ko.

Matapos iyon ay agad kong pumunta sa kweba para ipaluto sa kanila ang mushroom na nakuha ko sa monster.

Syempre, ang swerte-swerte na ng buhay nina Kyaru at Shidou kapag ako pa ang nagluto.

Ako na nga ang kumuha tapos ako ang magluluto. Haist! Ano ako, maid nila ganon? Syempre, hindi no.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Kung natalo ka, hindi ka nanalo."

Paano kaya kainin ni Kyaru ang aming pananghalian?

Abangan ang susunod na kabanata ng nobelang ito. Salamat...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top