Chapter 24: Pockpock

Pagdating namin sa Eastern Path ay  biglang nalang umulan.

Haist, wala kaming payong. Kaya ngayon, nagkasakit ako maliban kina Kyaru at Shidou.

Buti nalang ay may hero of recovery ako. Isang salita niya ng "Heal" ay okey na ulit ako. Kaya sana all nalang diba. Wala ng rapid test, swab test o antigen test. Automatic, galing agad.

Hay naku, walang ng bakuna-bakuna dito sa Another World dahil lahat ay posible.

Matapos kong gumaling ay may natagpuan kaming isang place na tinatawag nilang Finaasia.

Parang pinaasa iyong pronunciation.

Sobrang ganda ng lugar at lahat ng mga halaman doon ay kaaya-ayang tignan.

Mayroon pang mga prutas na melon, kulay brown lang.

May dalawa pa akong nakitang itlog sa pugad ng na kulay brown tapos ang nakapagtataka ay may buhok ang itlog.

May nakita pa akong mga kalapating mababa ang lipad. Hindi ko alam kung bakit parang hingal na hingal ang mga kalapating iyon. Siguro, malayo ang linakbay bago makarating dito.

Naglakad-lakad kami hanggang gumabi kaya wala kaming nagawa kundi matulog sa taas ng puno.

Nang gumising na ako ay bigla akong nahulog sa taas nito.

Buti nalang ay iniligtas ako ni Shidou sa pag-abot ng aking kamay saka ako hinila.

"Maraming salamat, Shidou...' Pasasalamat ko.

"Sa susunod kasi, huwag kang magalaw matulog. Ilang beses na kaya kitang iniligtas diyan. Kung hindi na kita iniligtas, malamang ay nakain ka na ng mga mababangis na nilalang sa baba," sabi nito sa akin.

"Pasensiya na Shidou. Salamat talaga." Pout ko.

Dito ay napansin kong namumula si Shidou sa aking pasasalamat.

"Hoy Shidou! Ba't namumula ang pisngi mo?!" Tanong ko.

"Wala ito no! Ikaw rin namumula master Asura?" Tanong niya.

"Ano? Hindi ah!" Very pout na sabi ko.

Dito ay nagising si Kyaru at napastretch. Sa pag-iinat niya ay nahulog ang mokong na iyon at bumagsak ng malakas under the ground.

Natuwa nga kaming dalawa ni Shidou sa kanya dahil sa kanyang kabaliwan.

Dahan-dahan kaming bumaba ni Shidou sa puno.

Nakita kong balewala lang kay Kyaru ang nangyaring pagkahulog dahil may healing magic naman siya.

Ginamot nalang niya ang kanyang sarili.

Ipinagpatuloy namin ang aming paglalakbay sa lugar na ito.

Hanggang nakita namin ang mga bahay at mga shops!

Natuwa ako ng sobra kaya agad akong pumasok sa lugar na iyon.

Pero bigla akong inatake ng isang babae na demihuman pero half tao at half kabayo. Parang lahi ng Centaur.

Agad nito sinabi sa aking,"Walang makakapasok ditong mga nilalang na hindi kabilang sa lahi ng mga lahi ng mga katulad naming demihumans na tinatawag na Horsean."

"Bakit!? Sino ka ba, taong kabayo?" Tanong ko.

"Ako si Pockpock, ang Guardian of the Citizens of Finaasia!" Sabi niya.

"Ano? Pockpock, ibig sabihin..." Hindi ko natuloy ang pananalita ng sabihin niyang, "Hoy! Pangahas ka! I am virgin! Pockpock ang pangalan ko not pokpok! Bakit? Sino ka ba?"

"Ako si Asura ang Pervert Hero." Pakilala ko.

Matapos akong magpakilala ay napansin kong pinipigilan ni Pockpock ang kanyang tawa.

"Pfft..." Reaction nito.

"Hoy! Ba't mo ako nginingitian? Bakit? Natatawa ka ba sa sinabi ko?" Tanong ko.

"Hindi, wala. Lumayas na nga kayo dito. Hindi naman kayo taga dito eh." Sabi niya.

"Ayaw nga namin!" Matapang na sabi ni Kyaru kaya sinipa nalang siya bigla ni Pockpock.

Horse Kick!

"Kung hindi pa kayo aalis dito! Sisipain ko din kayo tulad niya!" Babala ng taong kabayo sa amin.

"Ako ang Pervert Hero! Ba't naman kami aalis kabayong Pockpock?" Tanong kong nagtatapang-tapangan.

Hindi nga napigilan ni Pockpock ang kanyang sarili at napakawalan niya ang kanyang pagtawa.

"Pfft... Huwag mo na ngang imemention ulit iyan! Pervert Hero raw, parang ewan!" Pagkatapos tinawanan pa niya ako ng mas malakas kaysa una.

"Pangalan mo nga, Pockpock, bagay na bagay talaga sa iyo!" Sigaw ko.

Dito ay naubos na nga ang aking pasensiya at napikon na talaga ako sa kanyang paghahalakhak sa aking tawag.

Oo na, pikunin ako.

"Hoy Kabayo! Hinahamon kita sa isang dwelo! Kung mananalo ako, papasukin mo kami diyan sa binabantayan mong lugar at citizens." Hamon ko.

"Huwag na! Kahit hero ka ng pervert, hindi ka magtatagumpay. Pfft... Pervert Hero raw bwisit talaga, hindi ako makamove-on," sabi nitong natutuwa.

"Tama na ang panglalait mo sa aking tawag, kung matatalo naman ako, aalis kami dito." Sabi ko.

"Sige na nga." Tinig niya.

Pumunta kami sa isang malawak, patag at madamong lugar para kami ay maglaban.

Dito ay nakita ko ang kanyang info. Siya ay isang Horsean, level 41.

"Handa ka na ba Pervert Hero?" Tanong nito sa akin.

"Oo, kanina ko pang gustong wasakin ka dahil sa pambabastos mo sa akin." Sigaw ko.

"Harsh mo naman girl." Sabi nito.

Dito ay mabilis na tumakbo si Pockpock at umatake sa akin sa pamamagitan ng kanyang apat na mga paa.

Pero, hindi iyon umuubra sa akin dahil mabilis ako.

"Iyan na ba ang kaya mong gawin?" Asar ko.

"Aba't mabilis ka ah?!" Pangahas na sabi niya.

Nag-iba ng strategy si Pockpock.

Binilisan niya ang pagtakbo at pag-atake sa akin ng paikot-ikot kaya medyo nahirapan ako sa pagsangga sa kanyang mga atake.

"Master Asura, tulungan nakita!" Sigaw sa akin ni Shidou.

"Huwag Shidou, ako na ang bahala sa bastos na ito!" Sabi ko.

Dito ay nakaisip ako ng paraan kung paano siya matatalo, nalimutan kong gumagamit rin pala ako ng magic.

Agad kong sinabi ang magic word habang sinasanggahan ko ang kanyang mga atake.

"La-mi-ga Ka-ba-yo Ka-ra-ka!"

Biglang nafreeze si Pockpock sa aking mahika.

"Ano? Ba't ako tumigil? Huwag mong sabihing gumamit ka ng mahika!?Mandaraya ka!" Sabi nito sa aking hindi na gumagalaw ang katawan.

Tinawanan ko nga siya at sinabing, "Wala tayong rules, Pockpock."

"Why you?!" Inis nito.

Hinampas ko siya sa pwet dahil sa pambabastos sa akin.

"Ouch, it hurts bebe." Sabi nito habang ginagawa ko ang punishment.

"Ano? Babastusin mo pa ba ako?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot kaya I slapped her butt again.

"Ano?! Sagot?" Tanong ko.

"Oo na Asura, hindi na talaga promise. Ang sakit ng hampas mo!" Pero hinampas ko pa rin ang kanyang pwet.

"Bakit mo pa rin ako hinampas, sadista ka talaga rin no?" Tanong niya.

"Ay, sorry. My bad," sabi ko.

Dito ay ipinawalang bisa ko na ang mahika sa kanya sa pamamagitan ng sniff.

"Ang lupit mo sa akin! Sige na, pumasok na kayo doon! Nakakainis ito!" Sabi nito sa akin.

"Sa susunod, alam mo na ang mangyayari sa iyo PockPock kung iinisin mo pa ako," warning ko.

"Oo na, copy! Pasok na kayo dahil talo na rin ako sa iyo Asura. Haist," sabi nitong nakasimangot.

Pinapasok nga kami ng bastos na guardian na iyon dito sa loob at nakita ko ang isang malawak na pamayanan.

Habang si Kyaru naman ay nakita kong nakasabit sa taas ng puno.

Medyo nakalayo na kami sa lakad habang si Kyaru ay sinubukan ngang pumasok pero hinarangan siya agad ni Pockpock.

"Hoy, ikaw iyong kasama ng babae kanina diba? Hmm. Naalala na kita, ikaw iyong sinipa ko." Sabi ng kabayong-tao.

"Oo ako nga. Ako si Kyaru, ang recovery hero, ang kanyang summon! Hindi mo ba ako nakikilala?" Tanong nito.

"Recovery Hero? Ikaw ang nagligtas sa amin laban kay Golewhore noong Another World War 3 dito sa aming lugar diba?" Gulat na tanong ni Pockpock.

Humalakhak si Kyaru at sinabing, "Ako nga! Kung sipain rin kita diyan eh. Ang sakit ng katawan ko dahil sa iyo." Inis ni Kyaru.

"Naku, pasensiya ka na po sa pagsipa ko kanina, hindi kasi kita nakilala agad, mahal kong Hero of Recovery, Kyaru." Paumanhin nito.

"Oo na, huwag ka ngang haharang sa daan ko!" Naiinis na sabi ni Kyaru sa kanya.

Agad na pumunta sa gilid si Pockpock dahil nahihiya siya sa kanyang ginawa.

Pinapasok nga agad ito ni Pockpock si Kyaru habang ito ay nanginginig sa hiya.

Humalakhak nalang si Kyaru habang naglalakad papasok na parang baliw at nagtatapang-tapangan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Huwag kang bastos, dahil huwag."

Ano ang mangyayari kaya sa susunod?

Abangan nalang ang susunod na kwento.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top