Chapter 21: Asura
Nang nawalan ako ng malay ay may pumasok sa aking isipan tungkol sa masayang pag-uusap namin ni Sachi.
Nakita ko dito ang kanyang mga mukha na may kasamang ngiti.
Maamong-maamo ang kanyang mukha habang nakikipag-usap sa akin.
Pero, sa isang iglap lang ay nagbago ang aking nasa isipan at bigla siyang nalungkot dahil nag-iisa lang siya sa kanyang buhay.
Nakita ko kung paano siya apiin ng mga katulad niyang bata.
Nakita ko siyang umiiyak at kung paano pumatak ang kanyang mga luha dahil sa kanyang pagka-ulila sa kanyang mga magulang.
Ano ba talaga ang papel ko dito sa mundong ito para maging tunay na hero?
Napaisip talaga ako ng wala akong malay.
Hanggang sa lumapit sa akin si Sachi at ngiti at luha nitong sinabi sa akin na, "Kahit mawala na ako dito sa mundo ate, ikaw ang naging hero ko. Kasama rin ang mga summon mo. Kasi kung wala kayo, lagi nalang akong mag-isa."
Tapos, unti-unting naglaho si Sachi sa aking isipan at sigaw kong, "Hindi Sachi, saan ka pupunta?"
Narinig ko nalang ang huling bulong ni Sachi sa aking isipan, "Ate, paalam na. Hindi ko alam na may bad side ka pala, loko ka talaga ate."
Dito ay bigla kong naigalaw ang aking mga kamay at paa.
Bigla akong tumayo sa kabila ng kawalan ng aking malay.
Dahil sa pumasok sa aking isipan ay ito ang nagpalakas sa akin, kaya naman nagpapasalamat talaga ako kay Sachi.
"Mangboy!!!" Sigaw ko nalang ng nakita ko siya.
Lumingon nga sa akin ang halimaw na iyon at sinabing, "Aba't nakatayo pa ah? Iyan ang gusto ko, isa ka talagang mandirigma dahil nakabangon ka pa!"
Nainis nga si Mangboy sa akin at agad na umatake gamit ang kanyang Samurai.
Mabilis siyang umatake pero nararamdaman kong naiilagaan ko ang kanyang mga atake kahit hindi pa ako nakatingin sa kanya.
"Iyan na ba ang iyong kayang gawin, Speaker Killer?!" panunuksong sabi ko.
"Aba't mayabang! Kaya kitang wasakin gaya ng speaker!" Sigaw niya sa akin ng direkta.
Sa sobrang inis ni Mangboy ay pinabilis niya pa ang kanyang atake na mas mabilis pa ng dalawang beses kaysa sa bilis ng paglalakbay ng sound.
Sa sobrang inis ko sa kanyang ginawa kay Sachi ay inilag-ilagan ko lang ang kanyang mga walang kwentang atake na parang kakaiba na rin ang kilos o instinct ko sa bilis kong umilag.
Wala na akong pake kung aatake siya basta't ang alam ko ay iniilagan ko siya sa inis.
"Hindi ito maaari! Ba't niya naiilagan!?" Nagtatakang tanong niya sa kanyang sarili.
Sa inis at frustration ni Mangboy ay nagsummon siya ng kanyang mga alagad.
"Tinatawag ko kayo, mga alagad!" Sigaw nito.
Bigla ko nalang narinig na may mga monster na lumitaw sa ilalim ng lupa.
Alam kong umatake ang mga iyon sa akin pero kahit hindi ko sila tinignang umatake ay pinagpira-piraso ko silang lahat sa isang atake gamit ang aking espada ng hindi tinitignan.
Dito ay tumaas ang aking level sa 45.
"Ginagalit mo talaga ako babae ka ah?! Hindi ko alam kung bakit ka bumilis at lumakas ng ganyan!?" Sigaw niya sa akin.
"Hindi mo pala alam ah! Tignan mo ang ginawa mo sa babaeng iyon! Hindi ka man lang naawa?! Dahil sa ginawa mong iyon, lumakas ako ng ganito at naiinis, kaya magbabayad ka!" Sigaw kong nakaturo sa kanya.
Dito ay humalakhak siya sa akin at sinabing, "Bakit naman ako maaawa, katulad rin siya ng mga speaker!"
Humalakhak nalang ako at sinabing, "Mangboy, hindi mo talaga alam ang salitang awa. Ipapaintindi ko sa iyo kung ano ang ibig sabihin non!"
"Sige, halika. Kung kaya mong ipaintindi sa akin!" Halakhak nito.
"Pero bago ang lahat Mangboy, level 45 na pala ako. Para patas ang ating laban, sosorpresahin muna kita. Sana gumana 'to!" Sabi ko sa kanya.
"Anong gagawin mo?!" Sigaw nitong malakas sa akin.
Dito ay biglang may tumunog na astig kung saan-saan.
/Video not mine... But you can hear it./
Bigla kong isinigaw ang, "E-vol-va Sa-la-man-ca!" Habang hawak-hawak ang Purple Zirconium na ibinigay sa akin ni Rudeus.
Sa oras na ito ay nagkamalay na ang tatlong kong summon at pati sila ay nagulat sa aking gagawin base sa kanilang reaction!
Bigla ngang umatake sa akin si Mangboy ngunit habang nagbabago ang aking anyo na balot na balot ng purple na kulay, itong kulay na maningning na mismo ang nagtaboy sa kanya para hindi siya makalapit sa akin.
Unti-unting napalitan ang aking kasuotan at ramdam na ramdam ko ang paglakas ng aking kapangyarihan na dumadaloy sa aking katawan.
Dinamdam ko talaga ang aking pagbabago at naramdaman kong nag-iba na talaga ang aking anyo.
Hanggang sa matapos ang aking transformation...
Nakita nga ako ng aking mga summon, at ng aking killer smile..
"Ikaw ba iyan master?!" Napasigaw na tanong nila sa akin.
Pati ang pandinig ko, lumakas.
"Sino ka?! Nasaan na ang babae kanina!" Tanong nga ni Mangboy sa akin.
Humagikhik ako at sinabi kong, "Nasa harap mo na ang sinasabi mo!"
"What the?!" Reaksyon ng monster.
"Pero in fairness, ang ganda ng suot ko." Tuwang sabi ko sabay halakhak.
Agad kong nakita ang pagbabago ng aking katawan. Medyo lumaki ang aking dibdib. Kung dati ay E-cup, ngayon, F-cup na.
Ramdam ko sa aking sarili ang salitang, "Kya!" I feel like dumami ang aking estrogen at progesterone.
Pati ang aking espada ay naging iba. Mas umastig. Hindi na ordinary sword ang pangalan kundi, isa na itong "Excalibur," ayon sa aking level eyeglass.
Napansin kong naging invisible na rin ang aking level eyeglass at parang ayaw matanggal.
Nakita ko ang aking status doon na ako na ay ganap ng hero. Ang tawag sa akin ay "Pervert Hero!"
Ewan ko kung masaya ako o hindi, pero ang sarap ng pakiramdam na maging hero. Kaso, hindi pa naunlock ang aking Special Ability at Skill ko.
Kahit ganon, nasorpresa ako na hindi na Ayane ang aking pangalan. Ang aking bagong pangalan ngayong hero na ako ay "Asura."
Dito ay sumugod sa akin bigla si Mangboy at umatake. Pero, walang kahirap-hirap kong dinepensahan ito sa pamamagitan ng aking espada.
"Ang hina mo naman, lakasan mo nga. Nabobored na ako tuloy." Pang-aasar ko sabay kagat-labi.
Mas lalong nainis si Mangboy at gusto pa nitong tanungin ang pangalan ko.
"Sino ka ba talaga?! Bakit ang lakas-lakas mo na ngayon?!" Tanong nitong nalilito na ata.
"Ako dati si Ayane, ang kinalaban mo kanina. Pero ngayon, dahil naging hero na ako, tawagin mo akong Asura! Mas malakas na ako ngayon kaysa dati!" Sabi ko.
"Ayane o Asura! Wala akong pake kahit hero ka pa! Mahina ka pa rin sa pangingin ko," sigaw nito.
Sumasakit na tuloy tenga ko sa sigaw niya.
Pinabilis pa nga ni Mangboy ang pag-atake na katumbas ng tatlong beses na ngayon sa bilis ng light!
Pero, walang hirap kong dinedepensahan ang kanyang mga atake kahit napakabilis at bigat nito.
"Iyan na ba ang kaya mong gawin?! You can slice my body and eat me," Pang-aasar ko.
"Minamaliit mo ba ako?!" Sigaw niya. Pissed-off na talaga siya.
Matapang kong sabing, "Oo, may problema ba? Tatapusin na nga kita! Ang boring mong kalaban!"
Dito ay mabilis kong winasak ang kanyang armor sa pamamagitan ng aking napakabilis na atake hanggang sa nakita ko ang kanyang tunay na anyo.
Siya ay torong pandak at malaki ang tiyan.
Ang tinira ko na lamang na armor sa kanya ay ang head armor.
Napansin ko na kapag tinitira ko ang armor ay iyon mismo ang nababawasan sa kanyang health points o HP.
Dahil nga wala ng body armor si Mangboy ay nagmakaawa na ito sa akin.
"Maawa ka sa akin Asura! Huwag mo akong tatapusin!"
Humagikhik ako at sinabing, "Alam mo na pala ang salitang awa. Pero malas mo, hindi rin ako magpapakita ng awa sa iyo."
Agad ko siyang inatake, imbes na siya, ang head armor niya mismo ang aking pinuntirya.
Napasigaw si Mangboy na katapusan na niya pero ngumiti ako sa kanya dahil ang kanyang head armor ang aking sinira.
Matapos masira ang kanyang buong armor ay unti-unti ring naglaho ang kanyang Samurai.
Matapos iyon ay tumakbo si Mangboy sa pamamagitan ng kanyang tunay na anyo papalayo at hindi nito alam kung bakit siya nandito.
Hanggang sa napataas na lamang ang aking balahibo ng bigla siyang naglaho sa aking paningin.
Sa isip ko ay ang armor lang talaga ang target at ang nasa loob ay isang kaluluwa na dapat namayapa na.
Naging matagumpay nga ako sa paglaban sa kanya at nakita ko ang aking level eyeglass na matagumpay ako sa paglaban sa pinakaboss na halimaw ng Northeastern Path.
Nakita kong namangha ng sobra ang aking mga summon pero agad kong inisip ang kalagayan ngayon ni Sachi kung okey lang ba siya o hindi...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Kung hindi mo na alam ang gagawin, hindi mo talaga alam."
Magiging okey kaya si Sachi?
Abangan ang susunod na kwento...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top