Chapter 18: Sachi

Sa oras na ito ay kumakain na kami sa loob ng mala-mansiyong bahay ni Rudeus sa loob nito.

Tinikman ko agad ang kanyang putahe na Talung Mushroom na may sabaw na parang oatmeal. Soup version kaya maalat ang sabay which is masarap.

Syempre favorite ko talaga ang Skeleton Cereal tas may Talung Mushroom pa. Natikman ko na ito noon pero matagal na.

Nalasahan ko ito at masarap talaga.

"Um, ang sarap naman ng luto mo tanda. Para lang akong kumakain ng mayayamaning pagkain," sabi ko.

Natawa na lamang si Rudeus at sinabing, "Salamat. Sige, kain lang kayo mga bisita."

Tinikman ko at nasarapan talaga ako.

Tahimik na kumakain ang aking mga summon pero ako lang talaga ang maingay dito.

"Tanda, subukan ko nga rin ang dessert mo, parang masarap iyan ah?" Tanong ko.

"Hindi lang parang, masarap talaga iyan. Matamis iyan at malambot," sabi niya.

"Parang familiar to sa akin. Sige nga, tikman ko." Sabi ko.

Dito ay tinikman ko talaga at ang sarap tapos malambot. Makatas kapag nginunguya-nguya.

"Masarap ba miss?" Tanong niya.

"Oo, tandang Rudeus, ang sarap. Lasang katas ng matamis na kondensada at malambot," sabi ko

"Salamat miss."

Matapos kaming kumain ay nagpasalamat kami kay tandang Rudeus sa kanyang pagkain at nabusog talaga kami.

Dito masaya kaming nagpaalam sa kanya.

Ngayon ay naisipan kong maghanap ng rerentahan naming bahay sa lugar ng Cantout kaso may isang batang natutukso.

"Sachi, Sachi. Ang lampa-lampa ni Sachi!" Sigaw ng mga batang tulad niya.

Oras ko na siguro para magbago sa pamamagitan ng pagligtas ng batang babaeng iyon.

"Itigil niyo iyan mga batang manunukso!" Sigaw ko sa kanila.

Agad kong pinatayo ang bata at tapos sinabihan ko sila.

"Hoy! Kayong mga batang paslit na pasaway na hindi pa naligo, kung sino man ang gustong umapi sa batang ito, lagot sa akin," babala ko sa kanila.

Dahil sa tigas ng ulo ng mga batang iyon ay ipinagpatuloy nila ang pang-aapi tsaka idinamay pa ako.

"Ang lampa-lampa ni Sachi, inililigtas pa ng lola!" Sigaw nila.

Dito ay nainis talaga ako ng sobra at sinabing, "Hoy! I'm teenager with a sexy body! 'Tong mga batang to ah Kung hindi pa kayo titigil, gagamit na talaga ako ng mahika!"

"Gamitin mo lang, duwag ka naman!" Sigaw ng mga batang nang-aasar pa.

"Binalaan ko na kayo mga bata ah!" Sigaw ko.

"Master Ayane, mga batang lang iyan, hayaan mo na sila," payo sa akin ni Shidou.

"Don't worry, Shidou. Mahinang mahika lang ito. "Ba-ta-nga Ku-ma-ga Kur-yen-ta!" Sigaw ko.

Dito ay tinuruan ko ng leksyon ang mga tigasing ulong mga bata sa pamamagitan ng pagkuryente sa kanila ng mahina sa kanilang pwetan.

Matapos iyon ay tumakbo sila at umiyak para isumbong daw ako.

Sigaw nilang, "Pumanda ka sa amin ate! Isusumbong ka namin sa mga magulang namin. Cross my heart!"

"Umuwi nalang kayo mga bata! Kahit isumbong pa ninyo ako sa nanay at tatay niyo, hindi ako natatakot sa inyo!" Tapang na sabi ko.

Nagpatuloy na tumakbo nga papalayo ang mga batang iyon sa kanilang mga kabuteng mga tahanan.

"Master Ayane?! Saan mo natutunan ang mahikang iyon?" Tanong ni Shidou sa akin.

"Bilib ka naman sa akin Shidou, gawa-gawa lang iyong ng inyong matalinong master."

"At, sexy."

"Salamat sa continuation, Kyaru. Nakabawi ka rin." Sabi ko.

Dito ay agad akong yinakap ng bata.

Tapos umiyak at sinabing, "Salamat po ate ng sobra. Palagi nalang nila akong tinutukso. Wala naman akong kasalanan sa kanila."

"Don't worry my dear. Ligtas ka na, wala na sila." Sabi ko.

"Salamat po talaga. Ang bait niyo po." Tapos hinigpitan pa niya ang kanyang yakap sa akin.

Tapos agad itong kumalas.

"Ate, ano po ang pangalan niyo? Ako pala si Sachi, isang demihuman, kalahating tao at pusa," ngiting sabi nito sa akin habang lumuluha.

"Tawagin mo ako sa pangalang Ayane, ang hero. Alam mo, ang cute mo." Nagpakilala rin nga ang aking summon sa kanya.

Dito ay ipinasyal kami ni Sachi sa kanyang bahay ng masaya.

Sinabi nitong nag-iisa lang siyang namumuhay dahil namatay ang kanyang tatay at nanay sa virus na tinawag nilang Crown Virus.

Kaya agad 'kong naalala ang aking nakaraan sa kanya kung gaano talaga ako kalungkot na mag-isang mamuhay sa bahay bago pa dumating ang aking kasamang si Tanjiro...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"If you protect someone, then naprotektahan mo na talaga siya."

Saan kaya kami titira ngayon?

Abangan ang susunod na kabanata ng nobelang ito. Salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top