Chapter 15: Grassmageddon
Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin namin sa iyaking si Shidou.
Na-heart broken kasi siya dahil kitang-kita ng kanyang dalawang mga mata na nakipaglandian ang kanyang girlfriend sa hindi niya kilalang lalaki dito sa masukal at madamong lugar na ito.
Sa ngayon, umiiyak pa rin siya at sobrang nasaktan.
"Master, pakiusap, tanggalin mo na ako bilang iyong summon. Ang sakit na ng nangyari kanina. Gusto ko ng bumalik sa amin," pakiusap ni Shidou sa akin.
Umisip nga ako ng paraan para mapabago ang kanyang desisyon.
Gusto ko siyang summon dahil talagang matino siya at maasahan.
"Psst, halikayo rito Kazuma at Kyaru. Kung hindi, kayo ang tatanggalin kong summon," bulong ko.
Agad nga silang lumapit sa akin at tanong kong, "Hindi dapat mawala sa akin si Shidou bilang kalasag. Ano ang gagawin natin?"
"Master, may naisip na akong paraan. Papagaanin namin ni Kyaru ang kalooban ni Shidou. Tapos, ikaw master ay ang huling kakausap sa kanya," sabi ni Kazuma sa akin.
"Good job Kazuma," halakhak nga ni Kyaru.
"Sige, huwag na kayong maingay. Maganda ang plano mo Kazuma. Dapat natin siyang pasayahing muli," sabi ko.
Si Kyaru nga ay unti-unting lumapit kay Shidou at nagbait-baitan.
"Um, Shidou, move on na, marami namang babae diyan na iba diba? Hayaan mo na iyon, malandi iyon," ngiting sabi nga ni Kyaru.
Dito ay nainis nga si Shidou!
"Lumayo ka nga sa akin! Hindi mo alam ang aking nararamdaman," inis na sabi sa kanya ni Shidou.
"Hoy! Kyaru ang pangalan ko, hindi mo pa pala alam, Shidou!" Sa inis ni Kyaru ay nawalk-out nga ito.
Dito ay lumapit naman si Kazuma at ganon din, nagbait-baitan.
"Um, Shidou..."
"Umalis ka nga! Hindi kita kailangan!" Agad niyang sabi sa kanya.
"Grabe agad-agad! Hoy! Kazuma ang pangalan ko, tulad mo, hero din ako kaya respect!"
"Wala akong pake!" Sabi ni Shidou sa kanya kaya nagwalk-out na din si Kazuma.
Patuloy ngang nalungkot si Shidou kaya ako na ang lumapit sa kanya para pagaanin ang kanyang kalooban.
"Master Ayane, hindi ka rin tatalab, pathetic talaga iyang taong iyan!" Sabi nga ni Kyaru sa akin.
"Shut up! Kyaru! Hindi niyo kasi alam kung paano pagaanin ang nararamdaman niya," Sabi ko nga.
Linapitan ko nga si Shidou at sinabing, "Shidou, makinig sa akin! Para kang batang umiiyak diyan! Tumigil ka nga sa kaiiyak! Hayaan mo na iyong malanding iyon na kasama ang kanyang lalaking kinakasamang malandi rin. Iniwan ka na ng lokong babaeng iyon! Nandito naman kami para pasayahin ka ulit eh. Parang kang 'di lalaki na umiiyak diyan! Move on ka na! Ang nangyari ay nangyari na! Period!"
"Um, Master, ang talas ng dila mo pero pwede ba kitang yakapin? Ang sakit kasi ng aking nararamdaman eh. Need ko ng care ngayon," sabi niya sa akin.
Dito ay napi-feel ko talaga sa reaksyon ni Shidou kung gaano talaga siya nasaktan sa nangyari.
"Sure, huwag masyadong mahigpit para hindi maipit ang dibdin sa iyo," sabi ko.
"Opo master. Maliwanag pa sa ulo ng kalbo." Sabi niya.
"Sige..."
Yinakap nga niya ako ng mahigpit at I feel weird talaga.
Matapos iyon, simabi nitong, "Pero alam mo master, salamat dahil nandito kayo. Pasensiya na sa mga dalawa kaninang mokong dahil nahighblood ako ng nasaktan ako kanina."
Nagkunwari nga sina Kyaru at Kazuma na okey lang ang nangyari.
"Ano ka ba Shidou, mas maswerte nga kami dahil nakasama ka namin sa aming paglalakbay, ikaw lang ang matino at kami ay medyo hindi," sabi ko pabiro.
Natawa nalang si Shidou hanggang sa may humila sa akin na isang higanteng monster gamit ang galamay nitong naglalakihang vines. Buti hindi matalas pero slimy. Yuck!
Dito ay nahulog rin ang aking espada.
"Master!" Sigaw nga nilang tatlo.
"Tulungan niyo ako!" Nagmamakaawang sigaw ko sa kanila.
Humalakhak nga ang monster at dito ay agad kong isinuot ang aking level eyeglass.
Nakita ko ang monster habang ipinaitaas niya ako na nakabalot ang kanyang malagkit na vines sa aking katawan.
Ito ay pinuno ng mga Blade Grass na isa ring grass monster. Leader of Blade Grass, level 35.
"Ibaba mo siya halimaw!" Seryosong sigaw nga ni Shidou sa kanya.
Humalakhak nga ang halimaw ay sinabing, "Hindi niyo na makukuha pa ang babaeng ito dahil kakainin ko na siya. Ako si Grassmageddon ang kakain sa kanya ng buhay!"
Isinigaw ko ngang, "Huwag kang mag-alala Shidou, mahinang nilalang ito. Level 35 lang to oh, basic."
"Ano?! Minamaliit mo ba ako babae? Isang segundo lang, maari kitang tapusin! Mga biro lang kayo sa akin mga weaklings!"
"Hey, ikaw halimaw. Totoong joke ka lang sa akin dahil ang hina mo talaga. Hindi mo ba alam na level 75 na ako bilang Shield Hero!?" Tanong nga ni Shidou na pangahas.
"Level 75, Shield Hero. What?! Hindi pa rin ako natatakot, may hostage naman ako mga weaklings," tapang ngang sinabi ng halimaw.
"Hayaan niyong ako na ang magpapakitang-gilas." Sigaw ni Shidou.
Agad ngang ipinikit ni Shidou ang kanyang mga mata at sinabing, "Special Hero Skill! Fury of the Berserk Shield! Kunwari ikaw iyan Yuno! Bwisit ka, sinungaling!"
Ibinuhos nga niya lahat ng kanyang galit at kalungkutan sa kanyang paghagis ng kanyang shield.
Sa biglang paghagis ni Shidou sa kanyang naglalagablab na na shield ay ito na mismo ang gumagalaw para walang awang puksahin ang halimaw.
Dahil sa init ng kanyang shield habang umiikot ng napakabilis ay nasunog ang halimaw na damong iyon at naging abo.
Dito ay may nakita akong isang rare item na galing sa halimaw na kailangang itrade sa merchant para mapalitan ito ng isang rare din na barya.
Agad ko itong itinago sa aking bulsa baka kung sakaling kailangan 'pag nagkataon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Move on na para makagalaw ka."
Saan kaya ang susunod naming paglalakbay?
Abangan ang susunod na kwento ng nobelang ito. Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top