Chapter 12: Anous Voldigord
Hindi ko alam kung sino iyong tandang napagsabihan ko kanina ng expired na hotdog.
Nang maimulat ko ang aking mga mata ay nakita kong nasa loob kami ng isang kakaibang bahay.
Naamoy ko ang isang kabute, ibig sabihin nasa loob kami ng kabuteng bahay.
Agad akong tumayo at nakita ko sina Kazuma at Kyaru na wala pang malay.
Agad naman akong kinamusta ng tandang iyon.
"Miss, ayos na ba ang iyong kalagayan?" Tanong nito sa akin.
"Medyo po. Wait, kayo po iyong kanina ng napagsabihan ko ng expired hotdog?" sabi ko.
"Shut up! Ako lang naman ang ligtas sa inyo kanina! Ako si Anous Voldigord. Kung wala ako, wala na rin kayo ngayon."
"Ano?! Ibig sabihin, kayo rin ang gumamot sa amin?" Tanong ko.
"Oo miss," sabi niya.
"Talaga! Salamat."
Nagkunwari-kunwarian nga akong naging masaya sa kanya at yinakap sa pagligtas sa amin.
Oo na, plastic ako minsan.
Sobrang yinakap ko siya at amoy matanda talaga siya.
Tapos sabi kong, "Salamat po talaga mister Anous Voldigord." Ngiting sabi ko.
"Walang anuman," balik niya.
"Wala bang pampalamig dito? Ang init kasi eh. Wala bang aircon? Char..." Reklamo ko.
"Napakareklamo. Gusto mo miss kuryentihin kita!? Isa akong Lightning Wizard." Sabi niya.
"Hoy chill. 'Di ka naman mabiro tanda." Sabi ko.
Agad namang nagising ang dalawang summon ko.
"Buti, gising na kayo." Sabi ko sa kanila.
"Master, akala ko wala ka na," iyak na sabi ni Kazuma.
"Ako din master, akala ko din na kita makikita," luha naman ni Kyaru.
"Haist, itong mga to, nagdrama pa. Hello, prinotektahan ko kayo kanina!" Sabi ko.
Dito ay agad nila akong pinasalamatan.
Tapos agad rin silang nagpasalamat sa Lightning Wizard dahil sa panggagamot rin sa kanila maliban sa akin.
Sumunod ay ang hindi ko inaasahan mangyari.
"Pst, miss, virgin ka pa ba?" Nagulat ako sa tanong ng matandang iyon.
"Mr. Anous Voldigord, gusto mo ba ako. Marami ka na sigurong experience kasi matanda ka na?" Tanong ko.
"Wala pa! Tsaka, sabik na sabik na kasi akong magkagirlfriend eh. Puro magic-magic kasi ginagawa ko sa buong buhay ko," sabi niya.
"Sorry pero ayaw ko po sa inyo. He-he, may gusto na po akong lalaki. Pasensiya na tanda." Paumanhin ko.
"Okay lang, makakahanap din ako," ngiting sabi niya.
"Oo, goodluck. Anyway, Mr. Anous Voldigord. Salamat talaga kanina sa tulong mo." Sabi ko.
"Maliit na bagay lang iyan. Ang tapang mo rin pala kanina miss kaya may ibibigay ako," sabi niya.
"Ano naman iyon? Napkin?" Tanong ko.
"Hindi! Ito, mapa para hindi na kayo maging ignorante sa pupuntahan ninyo." Sabi niya.
Itinuro nga sa akin ni Mr. Anous Voldigord kung paano namin ito gamitin.
Sa kasalukuyan ay nasa northern path kami ngayon. Nandito kami sa lugar ng Livug Desert.
"Ano na pala ang level mo miss? Tsaka, sino ka ba?" Tanong ng matanda sa akin.
"Level 42 na. Ako si Ayane," sabi ko.
"Ang hina mo pa pa pala. Ano ka, nakacheat mode o nawawala kayo?" Tanong niya.
"Pagala-gala lang tanda," sabi ko naman.
"Ah?! Ilan ba level ng tinawag mo, dahil narinig ko kanina na master ka nila?" Tanong ulit niya.
"Level 80 na silang dalawa at ang daya talaga ng mga ito dahil hindi nila sinabi sa akin. Mga beta tester, cheater, beater!" Sabi kong naiinis.
Humingi naman sila agad ng paumanhin sa akin pero agad naman akong ngumiti sa kanila dahil excited na akong malaman kung anong level kong mabubuksan ang aking mga Special Hero Ability at Skill.
"Huwag kayong mag-alala, Kyaru at Kazuma. Dahil sa inyo, excited na rin akong kung ano ang aking hidden Special Hero Ability at Skill." Sabi ko.
"Ibig sabihin miss, hero ka din pero weak?" Pangahas na tanong ng tanda.
"Tanda! Huwag mo akong tawaging weak, ano na ba level mo at mayabang ka?" Tanong ko.
Tinignan ko ang kanyang level. Siya ay si Anous Voldigord, isang Lightning Wizard, level 96.
Napatahimik nalang ako.
Napahalakhak na lamang si Mr. Anous.
"Natatawa ako dahil napunta na kayo rito. Dito ang huli sana ninyong pupuntahan para kalabanin ako bago kayo pumanta sa mga elite fighters! Balik nalang kayo dito kapag max level na kayo." Sabi niyang tawang-tawa.
"Paano kung matalo ka na namin ngayon?" Tanong kong pabiro.
"Ha-Ha! Hindi niyo ako kaya. Ang bababa ng level ninyo kahit mga hero kayo. Pero, kung sakaling matalo niyo ako ay makakatuloy na kayo para kalabanin ang nag-iisang Devil Prince. Kung matatalo niyo ang Devil Prince ay susunod naman ang Devil King. Kung matalo niyo sila, magbabalik muli ang payapang Another World. Game Over." Sabi niya.
"Wow, parang na-eexcite na ako. Huwag kang mag-alala tanda, tatalunin namin sila gaya mo!" Matapang na sabi ko.
"Komedyante ka talaga rin no miss. Wala pa nga kayong strategy kung paano mo kami tatalunin?" Tanong niyang patawa-tawa.
"Oo na! So, ano ang una sana naming hakbang na aming gagawin ngayon tanda?" Tanong ko.
"Nakikita niyo ang mapa. Sa kasalukuyan ay nandito kayo sa Northern Path na kinabibilangan ng Luwst City at ng teritoryo ko at ng mga alakdan kanina, Livug Dessert."
"So, saan kami pupunta ngayon tanda?" Tanong ko ulit.
"Ayaw ko sanang sabihin kasi future kalaban niyo ako kaso gusto ko kayo makalaban na para lumakas pa ako sa mahika. Sige, magsisimula muna kayo sa mahina," sabi niya.
"Huwag na kung mahina tanda, boring," sabi ko.
"Dapat lang. Teka, mayroon na ba kayong pera?" Tanong niya.
"Wala," sabi ko.
"Ganon naman pala. Dapat, pupunta kayo dito sa Northeastern Path. Dito maraming Grass monsters. Kung matatalo niyo sila, maaari niyong ibenta sa mga sellers at makakaipon kayo para ibili ng kailangan ninyo," sabi niya.
"Tama." sabi ko.
"Basta, clockwise ang lakad niyo. Pupunta kayo ngayon sa Northeastern Path to Eastern Path to Southeastern Path to Southern Path to Southwestern Path to Western Path to Northwestern Path tapos makakapunta na kayo dito sa Northern Path," sabi niya.
"Ganon pala tanda. So, nasaan ang Path ng mga huli naming kalabang elite?" Tanong ko
"Sa Central Path ng mapa. Nakikita niyo ang palasyo na iyan, diyan sila namamalagi. Pero ngayon, mag-iingat kayo sa inyong mga paglalakbay," sabi niya.
Agad nga kaming sinipa ni Mr. Anous papalabas ng kanyang bahay at agad nitong isinara ang kanyang pinto.
"Salamat pero wala kang modo tanda." Sigaw ko nga sa kanya.
"Uhm, master, saan na tayo pupunta ngayon?" Tanong ni Kyaru.
"Huwag kayong mag-alala, pupunta na tayo sa Northeastern Part. Excited na ba kayo mga gagi sa ating adventure?" Tanong ko
"Oo, master." Sabay nilang sinabi.
Dito ay naglakbay kami papuntang Northeastern Path in the first time.
Hindi pala first time dahil ang Northeastern Path ay parte rin pala ng aking nawasak na tirahan.
"Haist, memories bring back, memories bring back yow! 🎶" kanta ng dalawa.
"Tumigil kayo!" Sigaw ko.
Dahil dito ay nainis nalang ako sa dalawa at agad ko silang sinapak sa kabulastugan nilang ginawa sa aking bahay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Adventure is not fun kung hindi ka masaya."
Ano kaya ang buhay namin dito?
Abangan ang susunod na kabanata ng nobelang ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top