Chapter 11: Scorpionous
Isang taon na ang lumipas...
Natapos nga ang aming kontrata sa renta ng aming tinitirahang bahay.
Dito ay nagmakaawa na nga ako kay Marites.
"Please, Marites, kahit isang araw nalang, patirahin mo kami sa bahay na ito," sabi ko.
"Isang araw, isang araw! Wala na! Expired na ang inyong kontrata! Mabait akong tao kaso, bilang may-ari ay obligasyon kung gawin ang nararapat kung gawin kung tapos na ang inyong kontrata. Kaya naman, lumayas na kayo dito," sabi nito sa amin.
"Please, Marites. Ibebenta ko nalang ang dalawang mokong na ito sa iyo basta makatira lang ako diyan!" Pabirong sabi ko.
"Hindi pwede, hindi naman sila gwapo! Kaya lumayas na kayo dito. Kung hindi pa kayo aalis, tatawag ako ng mga pulis!" Sabi niyang nagbabala.
"Wow, may pulis ba dito sa Another World?" Tanong ko.
"Oo naman, kaso wala silang baril at ang physical attack ang kanilang gagamitin para huliin ang mga masasamang nilalang dito sa lungsod, ang tawag sa kanila ay Monster Gorilla. Siguradong pagpira-pirasuhin nila kayo ng buhay ang mga iyon kung hindi pa kayo aalis dito." Halakhak ngang sinabi ni Marites.
Wala nga kaming nagawa kundi lumayas doon sa bahay at sa siyudad ng Luwst.
Ngayon ay pagala-gala nalang kami sa isang disyerto na hindi kilalang lugar.
"Hoy, kayo diyan, saan na tayo pupunta ngayon? Para na tayong asong gala..." Sabi ko sa kanila.
"Hindi ko rin alam master eh. Siguro, dumeretso nalang tayo sa kawalan," sabi naman ni Kazuma.
"True master. Hanggang sa mamatay na tayo sa kakalakad. Teka lang, Hero of Recovery pala ako kaya hindi pa rin tayo mamamatay. Pasalamat kayo sa akin," ngiting sabi nga ni Kyaru.
"Kayo talaga. Haist buhay, parang ganito lang noon na naglalakad ako sa hindi kilalang kalye," sabi ko sa sarili ko.
Naglakad kami ng naglakad sa disyertong iyon hanggang sa nakita namin ang mga maliliit na alakdan.
Agad kaming pinalibutan ng mga ito at sinabing, "Ku-ku-ku... Pinalilibutan na kayo ng mga Deadly Scorpia."
"Akala ko, pinalilibutan na kami ng mga ano... Haist, dumudumi na talaga ng isip kong maliit," sabi ko sa sarili ko.
"Master, parang delekado ang mga ito. Parang makamandag ang mga alakdan na ito!" Sigaw ni Kyaru.
"Kyaru, ba't ka nag-aalala? Ikaw nga ang hero of recovery diba?" Tanong kong curious.
"Ay oo nga pala. Shunga ko. Sorry master," paumanhin niya.
"Gamitin mo lang ang healing magic mo ng tuloy-tuloy para hindi kami maapektuhan ng mga atake nila? Maliwanag ba?!" Sabi ko.
"Opo master," sunod niya.
"Ikaw naman... Wait! Kazuma, anong nangyari sa iyo?"
Nakita ko nalang si Kazuma na parang naghihingalo na.
"Hoy Kazuma, ba't ganyan ang mukha mo, para kang dinapuan ng leprosy?" Tanong kong nag-aalala.
"Master! Tulungan mo ako. Sinuntok ko sila kaso ang liliksi pala nila. Kaya naman, tinusok nila ako ng kanilang matulis na buntot," sabi niyang nanghihina.
"Iyan kasi, padalos-dalos ka! Ba't mo kasi inatake na wala naman akong sinasabing plano?" Tanong ko.
Dito ay narinig ko nalang si Kyaru na naghihingalo na rin.
"Master!" Nanghihinang sabi niya.
"Ikaw rin Kyaru! Ano ang nangyayari na rin sa iyo? Kinakausap lang kita kanina ah?" Tanong ko.
"Master, bigla nalang akong inatake ng isang alakdan. Nagulat nalang ako na hindi ko magamot ang aking sarili." Sabi niya.
"Ano?! Hero of Recovery ka o peke? Imposible?! Tignan ko nga ang kanilang information gamit ang aking Level Eyeglass." Sabi ko.
Sunod kong sabing, "Time first muna mga Deadly Scorpia, tignan ko lang ang inyong information niyo."
"Sige miss. Pagbibigyan ka namin bago ka naming isunod," naniwala naman ang mga tanga.
"Haist, buti ang mga maliliit na ito, madali lang silang kausap..." Sabi ko sa aking sarili.
Nagulat nalang ako ng makita ko ang kanilang information.
Ang tawag sa kanila ay Deadly Scorpia. Nang makita ko ang kanilang critical damage ay ang lakas, 50%.
Ang kamandag nila ay hindi ito magagamot ng sinuman maliban lang kina Lightning Wizard, Anous Voldigord at ang pinuno ng mga Deadly Scorpia.
Tapos ang kanilang level ay doble sa aking level. Sila ay level 80. Sa ngayon ako ay level 40.
"Kayong dalawa! Ang lalakas pala nila. Level 80! Ito na ba ang katapusan natin?" Tanong ko ng nanginginig.
Dito ay nakita kong wala ng malay sina Kazuma at Kyaru.
"Ano na ang gagawin ko? Ano na ang gagawin ko?" Natataranta na ako sa mga nangyayari ngayon.
Wala akong nagawa kundi nakipaglaban ako sa kanila kahit wala akong laban.
"Wala akong pakialam kung mamatay na ako dito, ang mahalaga... Mailigtas ko ang dalawang ito!"
Sa oras na ito ay puno na ako ng tusok ng kamandag. Pati sa singit ko natusok na rin.
Haist, ang liit, pero masakit.
Sa hindi inaasahan, nakita ko sina Kyaru at Kazuma na biglang tumayo na parang zombie.
Sila ay buhay na buhay at punong-puno ng kamandag pa rin ang kanilang katawan.
Sabay nilang sinabi na, "Special Hero Ability, Recovery!"
Nawala nalang bigla ang kanilang kamandag ng kanilang katawan matapos ang kakaibang abilidad na iyon na aking nakita.
Pero, nakita ko pa rin na nanghihina ang katawan nila dahil hindi iyon sapat.
Dito ay tumaas ang kanilang mana at nakita ko ang level nina Kyaru at Kazuma.
Hindi na ito naka-hide sa kanila matapos nilang ginamit ang kanilang mga Special Hero Ability.
Haist, nakita kong level 80 na rin pala sila. What the hell. Kunwari-kunwari silang mahihina pero ang lalakas na pala nila.
"Hoy! Kayong dalawa diyan, ang dadaya niyo! Ang lalakas niyo pala! Boo!! Madaya!" Sigaw ko sa kanila.
Gamit ang natitira nilang lakas ay winasak nila lahat ng Deadly Scorpia.
Patuloy silang nanghina hanggang lumabas ang kanilang pinuno.
Napakalaki nitong monster. Grabe.
Habang nahihilo ako ay nakita ko ang kanyang information. Siya ay ang pinuno ng mga Deadly Scorpia, ang Deadliest Scorpia, level 87.
Humalakhak ito at sinabing, "Ang hihina ninyo, ang lalampa niyong mga nilalang at kakalabanin ninyo ako! Tawagin niyo akong Scorpionous at walang makakatalo sa akin dito sa aking teritoryo!" Sigaw nitong malahalimaw.
Dito ay ginamit ng dalawa ang kanilang Special Hero Skill.
"Special Hero Skill, Destruction Heal!" Sigaw ni Kyaru.
Si Kazuma naman ay, "Special Hero Skill, Explosive Jab!"
Nagsabay ngang umatake ang mga iyon kay Scorpionous at ganon na nga, KABOOM!
Dahil sa paggamit nila ng kanilang Special Skill ay nawalan sila ng malay. Pero, nakita ko si Scorpionous na malakas pa.
Humalakhak ito at sinabing, "Mga mahihina! Ikaw namang babae diyan, iuuwi na lang kita para dumami ulit ang aming lahi! Huwag kang mag-alala, gagamutin kita kapag pumapayag ka sa akin!" Bait nitong sabi sa akin.
"Ayoko nga pangit! Ayoko sa iyo!" Sigaw ko.
"Anong sabi mo? Magsisisi kang tumanggi ka!" Sigaw din niya.
Dito ay naiisip ko nalang na ito ang katapusan ko ng magalit ko siya.
Pero nakita ko nalang na may isang matandang umatake kay Scorpionous at dito ito napuksa ng isang atake.
Sinabi niya sa aking, "Ligtas na kayo babae. Tsaka, ang tapang mo dahil lumaban ka para protektahan ang mga kasamahan mo."
"Sorry po pero ang tanda mo na, ayaw ko ng expire na hotdog!" Sabi kong nahihilo na at wala sa tino dahil sa epekto ng kamandag.
Sabi niya tuloy, "Shunga!"
Sinapak nga niya ako at nawalan nalang ako ng malay dahil dito at dahil na rin sa kamandag.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Nobody's perfect kaya walang perpektong katawan."
Ano kaya ang susunod na mangyayari?
Abangan ang susunod na chapter ng nobela. Salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top