Chapter Two

I can't believe her.

Kanina lang ay gustong-gusto niya magpatulong sa akin. Nang alukin ko siya ay parang ayaw niya pa.

And now, I'm watching her as she walks towards my house. Ang mahaba at mapulang buhok niya ay sumasabay din sa paglakad niya dahil sa malakas na hangin dito sa labas.

Kumunot ang noo ko nang bigla siyang tumigil at humarap sa akin.

"What's your name pala?" tanong niya.

Kinuha ko muna ang mga gamit niya at saka sinara ang compartment ng kotse.

"Gabriel," pakilala ko at nauna ng pumasok.

I placed her things beside the sofa. Nang tignan ko siya ay napansin kong pinagmamasdan niya ang loob nitong bahay ni tita.

Pumunta ako sa kusina para kunin ang niluto kong Sinigang. Mainit-init pa ito.

"Let's eat," aya ko sa kaniya habang nilalapag ko ang mga pinggan sa mesa.

"You mentioned earlier that this is your aunt's house. Where is she?" tanong niya habang papalapit dito sa mesa.

"Nasa abroad sila ng pamilya niya pero baka hindi muna sila makakauwi ngayon dahil sa pandemic," sagot ko.

She tied her hair in a messy bun which made her face more defined. She's actually pretty. Bumagay ang pula niyang buhok sa maputi niyang balat. But, she's too skinny, parang hindi kumakain.

Pero bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita kung gaano karami ang nilagay niyang kanin sa plato niya. Mas marami pa 'yung kaniya kaysa sa 'kin. Hindi halata sa katawan niya na gano'n siya karami kumain.

"Why? May problema ba?" tanong niya nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

Umiling na lamang ako at nagsimulang kumain.

"What are you doing here? Sabi mo ay kararating mo lang dito last week. Taga saan ka ba?" tanong niya ulit bago humigop ng sabaw.

This girl is too nosy. Bakit ba hindi na lang siya kumain?

Uminom ako ng tubig at tumingin sa kaniya. She just gave me a sweet smile.

"Just finish your food, okay?"

She mouthed "okay," pagkatapos ay binalik niya na ang atensyon niya sa pagkain niya.

Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na ako. Iniwan ko muna ang mga pinagkainan namin sa lababo at binalikan ko si Heather.

She sitting on a sofa while massaging her right leg. I noticed that she's still wearing her white converse shoes. Dali-dali akong pumunta sa kwarto ng pinsan ko para humanap ng tsinelas. Nang makahanap ako ay bumalik ako sa sala at lumapit sa kaniya.

Yumuko ako para ilapag sa harap niya ang tsinelas na nakita ko.

"Remove your shoes and wear these slippers. Aayusin ko lang ang tutulugan mo para makapagpahinga ka na," sabi ko sa kaniya.

I flinched when she held my arm. She's wearing that sweet smile again. "Thank you, Gabriel. You're too grumpy earlier pero mabait ka naman pala," sabi niya.

Tinignan ko ang kamay niyang nasa braso ko. I faked a cough and looked at her again. Mabilis niyang binitawan ang braso ko.

Bumalik ako sa kwarto ng pinsan ko. Babae 'yon at nag-iisang anak ng tita ko. The room is already clean. I just need to put the bed sheet and pillow cases. Inayos ko rin ang mga canvas na nakapatong sa mesa. I bought it for my little sister. Sana lang ay makabalik ako sa Manila next month para maibigay ko na 'yon.

Pagkatapos kong ayusin ang kwarto ay lumabas na ako. Kumunot ang noo ko nang hindi ko makita si Heather sa sala. But, I heard some noise in the kitchen. Dali-dali akong pumunta roon.

"What are you doing?" tanong ko.

Gulat naman siyang lumingon sa akin. Agad siyang naghugas ng kamay at pinatay ang music sa cellphone niya.

"Uhm...I'm washing the dishes," aniya at tinuro pa ang mga pinggang hinuhugasan niya.

"I know, but I didn't tell you to do that!" singhal ko. Sa itsura pa lang niya ay mukhang hindi siya marunong sa mga gawaing pambahay.

"Galit agad? This is just my way to thank you for helping me. Isa pa, hindi ko naman babasagin ang mga pinggan rito," aniya at bumalik sa paghuhugas.

Napa-iling na lang ako at lumapit sa kaniya.

"Enough! Ako na magtutuloy nito. You can now rest," sabi ko at mariin siyang tinignan.

Bahagya siyang napasimangot pero wala na siyang nagawa kundi sundin ako.

Naglakad na siya palayo rito sa kusina.

Tinapos ko na lang ang mga naiwan niyang hugasin. Niligpit ko lang din ang ilan pang kalat dito sa kusina. Pagkatapos ay bumalik na ako sa sala.

I turned on the television – Corona Virus or COVID-19 is all over the news. Mabilis na kumakalat ang virus at parami na nang parami ang cases dito sa Pilipinas.

I'm worried about my family. Nasa Manila sila ngayon. I was about to call my mother pero hindi ko na tinuloy. I wonder if they're also worried about me. I-cha-chat ko na lang siguro ang kapatid ko mamaya.

Tumingin ako sa pinto ng kwarto ng pinsan ko. Ilang oras na ang lumipas at hindi na lumabas si Heather sa kwarto. Tulog na siguro siya.

Papatayin ko na sana ang TV pero biglang nag-flash ang isang balita.

Starting tomorrow, March 16, the whole Luzon will be placed under 'enhanced community quarantine.' Nabahala tuloy ako kung makakauwi ako next month. Malapit pa naman na ang birthday ng kapatid ko.

Naalala ko naman si Heather. Hindi niya pa naman sinabi kung saan siya pupunta at hindi ko rin alam kung makakapunta pa kami roon kapag nagsimula na ang ECQ bukas. Siguradong mahaharang kami.

Pinatay ko na ang TV at nagtungo sa kwarto ko. My eyes widened when I saw Heather sleeping on my bed. Agad akong lumapit doon. Mahimbing na ang tulog niya at nakadantay pa ang paa niya sa unan ko.

Napakamot na lang ako ng batok habang tinitignan siya.

Bakit dito siya natulog?

Napabuga ako ng hangin at lumabas na lang ulit ng kwarto ko. Kinuha ko ang gitara ko at bumalik na lang sa sofa.

Nawala tuloy bigla ang antok ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top