Chapter Three
I grabbed my things and quickly entered the room where Gabriel came out earlier. The room is plain white with a single size bed. Lumapit ako sa table at nilapag ko muna roon ang cellphone ko. Napansin ko rin ang mga nakapatong na papel.
Tinignan ko 'yon at na-realize ko na lyrics ng kanta ang mga nakasulat doon. May mga chords din sa ilalim ng bawat linya.
Kanino kayang kwarto ito?
Mukhang babae naman ang may-ari dahil malinis ang kwarto. Maayos din ang pagkakalagay ng mga gamit.
I feel so tired. Dahan-dahan kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. I yawned and closed my eyes. I smiled as I felt the softness of the bed. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng antok at pagod. I just want to sleep.
I stood up first to change my clothes. Pagkatapos kong magbihis ay bumalik ako sa pagkakahiga. Doon ko na tuluyang naramdaman ang pagbigat ng talukap ko.
I woke up with heavy eyes. Antok na antok pa rin ako pero agad akong napabalikwas nang makita ko si Gabriel. He's freakin' topless! He's facing the cabinet while rubbing his wet hair using his white towel.
Para bang biglang nawala ang antok ko.
"What are you doing here?" I asked him with my eyes still wide open.
Napatigil siya sa pagpapatuyo ng buhok niya at tumingin sa akin. "I should be the one asking you that. Bakit dito ka natulog sa kwarto ko?" seryosong tanong niya.
Napabuka ako ng bibig dahil sa tanong niya. Nilibot ko ulit ang tingin ko sa kwarto. Oh my God! So, this is his room.
I looked at him again, but instead of answering his question, napako ang tingin ko sa maliit na peklat na nasa noo niya.
Ngayon ko lang nakita 'yon dahil kahapon ay natatakpan ng buhok niya ang noo niya. All of a sudden, someone came into my mind.
"La Union is now under ECQ. Baka mahirapan kang makalusot kung saan ka man pupunta."
Ilang beses akong napakurap dahil sa sinabi niya. Tila bumalik ako sa ulirat nang marinig 'yon.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Hindi pwede. I can't stay here. Kailangan kong makarating sa bahay ng lola ko," sabi ko sa kaniya.
Napasabunot na lang ako sa sarili. Gabriel crossed his arms and looked at me with a blank expression.
"Wait! I'll show you the address." Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at pinakita kay Gabriel ang address.
"Alam mo ba 'yan?" tanong ko. "Baka malapit lang 'yan dito," dagdag ko pa.
"I know that's a one hour drive from here. Hindi ko na masyadong alam ang daan d'yan dahil hindi nga ako taga rito," sabi niya habang nakatingin pa rin doon sa cellphone ko.
Napasimangot na lang tuloy lalo ako.
"Sabi mo tutulungan mo ako," saad ko at pabagsak na naupo sa kama.
"Yes, I said that. Pero hindi ko naman sinabi na magagawa ko talaga. Just call your grandmother. I'll prepare our breakfast." Pagkasabi niya no'n ay lumabas na siya ng kwarto.
I immediately dialed my grandma's number, but she's still not answering the call. Napahilamos na lang ako ng mukha.
I dialed my mom's number. Napatayo ako nang sagutin niya 'yon.
"Mom!"
"Hello, Heather? Have you heard the news? Under ECQ na ang La Union. Kamusta kayo ng lola mo?" sunod-sunod na tanong niya.
I mentally rolled my eyes. "Mom, I got lost. Hindi ako nakarating sa bahay ni lola at hindi rin ako makakapunta ngayon doon," sabi ko.
Narinig ko ang pagsinghap niya. "I gave you the address naman diba? Nasaan ka ngayon?"
Pabagsak ulit akong umupo sa kama. "Uhm...I met a guy and he let me stay here in his house – his aunt's house actually."
"What?! Bakit ka pumayag?" Nailayo ko ang cellphone ko sa tainga ko dahil sa malakas na boses ni mommy.
"Naubusan ako ng gas at hindi ko ma-contact si Lola. Don't worry, mabait naman siya, eh. Pero gusto ko na rin umalis dito," paliwanag ko sa kaniya.
"Jusko! Alam mo namang mahirap ang signal doon sa bahay ng lola mo. Wait, wait! I'll call you later, ha? Kailangan ko ng pumunta sa ospital. Ingat ka d'yan."
Bumuntonghininga na lang ako. "Okay. Bye," paalam ko at ibinaba na ang tawag.
Ibinagsak ko na lang ang katawan ko sa kama at pumikit. Ugh! Napakamalas ko naman!
Dinilat ko ang mata ko nang marinig ang sunod-sunod na katok. "The breakfast is ready. Lumabas ka na d'yan!" sigaw ni Gabriel mula sa labas.
I stood up lazily and put my hair in a bun. Lumabas na ako ng kwarto at sinundan si Gabriel sa dining table.
He prepared fried rice, tocino, and eggs. May dalawang tasa na rin ng kape sa mesa.
I can say that he's a good cook. Masarap ang niluto niyang Sinigang kagabi. Perfectly cooked din ang mga pagkaing nasa harapan namin ngayon. Nainggit tuloy ako. I can cook naman kaso itlog lang.
"Nakausap mo na ba ang lola mo?" tanong niya.
Umiling ako. "I can't contact her but I already called my mom. Tatawagan niya raw ulit ako mamaya," sagot ko pero hindi na siya sumagot o nag-react pa.
Psh! Magtatanong tapos biglang hindi mamamansin.
Uminom ako ng tubig at saglit na tumingin sa kaniya. Napansin ko ang dumi sa gilid ng labi niya.
"Hey," tawag ko. He looked at me with creased eyebrows. "Uhm...may dumi ka sa labi," nahihiyang sabi ko.
Imbis na tanggalin 'yon ay nakipagtitigan pa siya sa akin. Bakit napakainosente ng mukha niya? Pero 'yung ugali – minsan mabait, madalas masungit. Hindi ko siya ma-gets.
"May muta ka kanina pero pinansin ko ba?"
Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Gosh! Dito niya talaga sinabi sa harap ng pagkain. And wait! Nakita niyang may muta ako kanina?
Napainom na lang ulit ako ng tubig nang maramdaman ang pag-init ng pisngi ko.
Natahimik kaming parehas at kumain na lang ulit. Mabilis kong kinain ang nasa plato ko at hindi na muling tumingin kay Gabriel.
Nakakahiya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top