Chapter Ten

"Good night, Gabo," sabi ni Heather habang kinukusot ang mga mata niya. Humikab pa siya kaya alam kong antok na antok na rin siya. Masyadong napahaba ang usapan namin kanina.

"Good night, Kassi."

Pinagmasdan ko siya habang papasok sa kwarto ng pinsan ko. Nang maisara niya na ang pinto ay niligpit ko naman ang mga kinain naming chips kanina.

Hanggang sa paghiga ko ay hindi pa rin mawala-mawala ang ngiti ko. Sobrang saya ko lang ngayong araw dahil sa mga nalaman ko ngayon.

I reached for my phone on the side table and searched for Heather's phone number. Agad kong pinindot 'yon nang makita ko.

To: Heather

Good night ulit. :)

After a few seconds, I received her reply.

From: Heather

Wow! Siya unang nag-text. Good night din!

Bahagya akong natawa sa reply niya.

To: Heather

Hahahaha

Bawal ba?

Ilang minuto ang lumipas pero hindi na nag-reply si Heather. Tulog na siguro siya.

Ibabalik ko na sana sa side table ang cellphone ko pero tumunog ulit iyon.

From: Heather

Hindi. Nakakapanibago lang kasi yung Gabriel na nakilala ko nung mga nakaraang linggo ay ibang-iba na ngayon.

Si Gabo ka na nga talaga hahahaha

I understand her. Hindi naman cold pero tipid lagi akong makipag-usap sa kaniya noong mga nakaraang linggo. Pinapansin ko naman siya pero bihira lang. But today, my treatment to her suddenly changed. Nabuhay ang dating Gabo.

To: Heather

Sige na. Good night. Antok ka na ata.

From: Heather

Hahahaha. Last good night na 'to ha? Matulog na tayo.

Good night, Gabo!

Gusto ko pa sana mag-reply pero antok na nga si Heather. Ibinalik ko na lang ang cellphone ko sa side table.

Kinabukasan, pagbukas ko ng pinto ay sakto na kalalabas lang din ni Heather ng kwarto. Natawa na lang kami sa isa't-isa.

"Good morning," bati niya.

"Good morning," bati ko pabalik.

Naglakad ako papunta sa kusina at nagtingin-tingin ng pwede kong lutuin para sa almusal.

"Pwedeng tumulong?" tanong ni Heather na nakasunod pala sa 'kin.

"Do you know how to cook?" tanong ko sa kaniya.

She smiled and nodded her head slowly. "Yes, I can cook...eggs," nahihiyang saad niya.

Humarap ako sa kaniya at ngumiti. "Alam mo, ayokong napapagod ang bestfriend ko." Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa balikat. "Why don't you just sit here..." Inilapit ko siya sa stool at pinaupo roon. "...and watch me. 'Wag mo lang ako masyadong titigan at baka mabusog ka," biro ko.

Sinuntok niya naman ako sa braso. "Kapal mo, bro!" natatawang sambit niya. "Turuan mo na lang ako magluto," aniya at tumayo.

"Okay. Para naman hindi kawawa ang magiging asawa mo," biro ko ulit at sumunod sa kaniya.

"Magaling naman ako mag-alaga," saad niya.

"Alagaan mo nga ako."

Agad naman siyang napatingin sa akin. "Are you my husband?" taas-kilay na tanong niya.

"Do you want me to be your husband?" seryosong tanong ko. "Kasi kung oo, pwede naman."

Tumawa siya nang malakas. "Baliw! Tara na, turuan mo na akong magluto."

"Aray! Aray!" sigaw ni Heather nang tumalsik sa braso niya ang mantika.
Agad kong tinignan ang namumulang braso niya.

"Sabi ko kasi sa 'yo maupo ka na lang, eh," sabi ko sa kaniya.

"Okay lang, Gabo. Hindi na masakit, nagulat lang talaga ako," aniya at muling lumapit sa kalan. "Sunog na 'yung isda, oh!"

"Ako na bahala d'yan. Just prepare the table. Saka na kita tuturuan 'pag may sabaw na 'yung lulutuin," saad ko.

"Sige na nga." Lumapit na siya sa mesa at naglagay ng mga pinggan. Tinapos ko naman 'yung piniprito niya.

Pagkatapos kong magluto ay naupo na kami sa dining area.

"Hmm...masarap kahit sunog," sabi ni Heather.

Tinignan ko siya habang kumakain. "Palibhasa ikaw nagluto niyan. Kung ako siguro nakasunog niyan, baka nilait mo na ako," natatawang sabi ko.

Sinubo niya muna ang nasa kutsara niya bago mag-angat ng tingin sa akin. "Hindi naman. Never ko pa ngang nilait ang luto mo, eh. Saan ka ba natuto?" tanong niya.

"Sa condo ako nakatira noong college. Doon na ako natuto dahil ako lang naman mag-isa roon," sagot ko.

"Ang galing! Ano pa ba ang hindi mo kayang gawin?"

Natawa ako. "Kaya nga ang swerte ng magiging asawa ko, eh," sabi ko at muling nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Kanina mo pa binabanggit ang pag-aasawa. Gusto mo na ba?" natatawang tanong niya.

"Bakit ikaw? Gusto mo na ba?" tanong ko rin sa kaniya.

Umiling-iling siya. "I need to find a stable job first," sagot niya.

I nodded my head. "That's good. Kapag ready ka naman na, nandito lang ako palagi," sabi ko at uminom ng tubig.

"Huh?!" Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa akin. "Kung ano-ano na naman pinagsasasabi mo, Gabo."

Napangiti ako nang mapansin ang pamumula ng pisngi niya.

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong may gusto pa rin ako sa 'yo?" tanong ko sa kaniya.

Natawa siya at agad na uminom ng tubig. "Imposible. 13 years ago pa 'yon no'ng umamin tayo sa isa't-isa. Siguradong nagkagusto ka na rin sa iba."

Nagkibit-balikat ako. "'Yung iniisip nating imposible, hindi natin alam pwede pa lang maging posible. Katulad ng pagkikita natin," sabi ko sa kaniya.

"Pero ibang usapan naman 'to," aniya.

"Pero seryoso rin ako. Handa akong tuparin 'yung pangako ko sa 'yo dati," sabi ko at tumitig sa kaniya.

Sa totoo lang ay natatakot ako sa susunod niyang sasabihin o sa magiging reaksyon niya. Hindi ko pa natanong kung may boyfriend na siya, at kung meron man, ibig sabihin ay late na ako. May iba ng nagmamay-ari ng puso niya.

But my fear suddenly vanished when I saw a sweet smile forming on her lips.

"Nakakainis ka, Gabo!" sigaw niya at tinakpan ang mukha.

Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya.

I'm not yet late, I guess?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top