Chapter Nine

Gab and I sat on the sofa while holding our coffee. Naisipan naming magkape na lang muna dahil hindi na nakapagluto si Gab ng breakfast.

Until now, I can't still believe that Gabriel Castillo is my childhoold bestfriend. Nakilala ko siya bilang Gabo lang and that was 13 years ago.
Kaya pala no'ng nakita ko 'yung scar sa noo niya, si Gabo agad ang pumasok sa isip ko, at siya pala talaga 'yon!

"Dito rin tayo sa La Union nag-meet dati, remember?" tanong ko sa kaniya.

Tumango-tango siya habang malawak pa rin ang ngiti.

"Yeah, I remember that. Kaya nga familiar sa akin 'yung address ng lola. Hindi ko lang talaga matandaan 'yung daan," sagot niya.

Summer din no'n nang magkakilala kami. We're on a vacation katulad nila and it happened that their rest house is just two blocks away from my grandma's house. At ito namang si Gab ay napadpad sa bakuran ni lola kung saan ako naglalaro lagi, he talked to me then we became friends. Buong summer ay kaming dalawa ang magkasama.

Natawa na lang ulit kami parehas. Kanina pa kami tawa nang tawa kahit wala naman kaming sinasabi sa isa't-isa. We just can't really believe that we met again. Napaka-unexpected.

"Bakit pala may picture ka pa rin natin?" tanong niya.

"Syempre, naging part ka ng childhood ko at hindi ko 'yon makakalimutan," sagot ko. "Eh, ikaw? Nakaipit pa sa wallet mo ang picture natin," natatawang sabi ko.

Ngumiti siya at nagkibit-balikat.

"Don't tell me may gusto ka pa rin sa akin?"

Umamin kasi kami dati sa isa't-isa pero bata pa lang naman kami no'n kaya crush or puppy love lang 'yon . I was just 10 years old that time. And just like the other kids, we promised that we're gonna marry each other when we grow up.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay gusto ulit kitang makita dati pa. Iniisip kong imposible 'yon, but...we met again," sabi niya.

He's right. Napakaimposible nga kung iisipin. Imagine? 13 years kaming hindi nagkita at wala ring communication.

"So, bakit pala bigla kayong umalis no'n?" tanong ko. Isang araw kasi ay hindi ko na lang siya nakita, nabalitaan na lang namin na umuwi na pala sila.

"Manganganak na kasi si mama no'n kaya kailangan na naming umuwi. I'm sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa 'yo," sagot niya. "Mababaw man pero isa siguro 'yon sa rason kung bakit gusto kitang makita. You are my first ever bestfriend at nakakalungkot lang dahil bigla tayong nawalan ng komunikasyon," dagdag niya pa.

Napangiti na lang ako habang tinitignan siya. "Napakagaling lang talaga ng tadhana."

We spent the whole day talking about our past, kung anong nangyari sa amin after namin magkahiwalay. I also found out that he never had a girlfriend. Marami naman daw nagkakagusto sa kaniya lalo na no'ng nakilala siya sa AXIS, ngunit umikot lang talaga sa music ang buhay niya.

"Para kanino naman 'yung kantang sinulat mo?" tanong ko. We're talking about the song he composed years ago, 'yung ilang beses ko pang pinakinggan.

"Minsang pinagtagpo, ngunit 'di nagtagal, tayo'y nagkalayo." Linya iyon mula sa kantang isinulat niya. "That's actually for you. Masyado atang malakas ang impact mo sa 'kin kaya nagawan kita ng kanta," sabi niya.

Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat. Seryoso? Ginawan talaga niya ako ng kanta?

"Oh my God, Gabo!"

"Why?" natatawang tanong niya.

Napatakip ako ng mukha. Hindi ko alam kung kilig ba 'tong nararamdaman ko. A man just composed a song for me. It's a sad song though, but the fact that he composed a song for me, after how many years and he still remembers me, nakakalambot lang ng puso.

"Thank you, Gabo. Thank you dahil hindi mo ako nakalimutan," sabi ko sa kaniya.

"Ang totoo niyan, may utang ka talaga sa akin kaya hindi kita nakalimutan," sabi niya na nagpasimangot sa akin.

Tumawa naman siya. "Just kidding. Bakit naman kita makakalimutan? Siguro hindi lang kita nakilala agad dahil ang laki ng pinagbago mo physically. Mula sa gusgusing bata, you're now a fine woman," saad niya.

"Ikaw din naman, eh. Kaya hindi imposible na marami talagang nagkakandarapa sa 'yo," sabi ko sa kaniya.

After our dinner, Gabriel went to his room to get his guitar.

"Wait, diba sabi mo no'n ay ayaw nila tita sa pagbabanda mo? Paano nangyari 'yon, eh sila pa naman 'yung tipo na suportado lagi sa mga ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya.

"Dati 'yon," aniya habang inaayos ang gitara niya. "Sinasayang ko lang daw ang oras ko."

"I want to help you... hindi ko lang alam kung paano," malungkot na sabi ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Okay lang. Kung para naman talaga sa 'kin ang music, baka matatatanggap din nila mama 'yon, hindi nga lang sa ngayon."

Tumango-tango ako.

"Kapag bumalik ka sa pagbabanda, ako ang unang magiging supporter mo." I smiled at him.

"Thank you." Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Pero kung hindi man mangyari 'yon, nandito pa rin ako, handang makinig sa mga kanta mo," bulong ko at niyakap siya pabalik.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top