99
02-14
Geo Lacsamana
5:15 P.M.
Geo:
Magandang hapon
Ikaw ba naglagay ng sandamakmak na tsokolate sa bag ko ha?
Lilo:
Bakit ako agad sinisisi mo????
Geo:
Ikaw lang naman may crush sa akin eh
Lilo:
Weh???
Baka akala mo nalimutan ko na yung grade 9 na nagpapicture sayo
Geo:
Hahahahaha edi inamin mo rin na galit ka non
Selosa yan?
Lilo:
Ang kapal naman ng mukha mo
Geo:
HAHAHAHAHAH
Sus hiya pa to
Lilo:
Dami ko nanaman kasing bitbit
Kaya nilagay ko yung iba sa bag mo hahahahahahahahah
Geo:
Parang sa pagkakaalala ko hindi naman ikaw ang nagbitbit ah
Ako naman nagbitbit ng bigay ng mga admirers mo
Buti na lang di ako seloso
Lilo:
Paano ka pa magseselos lagi ka namang nakadikit sakin
Geo:
Wow ha
Parang di mo naman yon gusto hahahahaha
Pero siyempre tamang bakod lang hehe
Lilo:
Wala namang aagaw
Geo:
Aba wala akong bitbit sana kanina kung walang aagaw ah
Lilo:
Hindi naman ako magpapaagaw eh hahahahaha
Kainin mo yang mga chocolates ah hahahahaha
Happy Valentine's Gregory Luis IV
Geo:
Salamat naman sa mga admirers mo
May chocolates ako ngayong feb 14
Lilo:
Nagtatampo ka ba?
Geo:
Bakit ako magtatampo?
Lilo:
Kasi wala akong bigay?
Geo:
Hahahahahahaha di ah
Lilo:
Di ngaaaaa
Geo:
Araw araw kita kasama
Lagi tayong sabay kumain
Sabay pumasok tsaka sabay umuwi
Hinihintay mo ko dahil mas late uwi ko
Pinapatambay mo ko sa bahay niyo
Nahahawakan ko kamay mo
Nayayakap kita
Sobra sobra na nga yon lilo
Lilo:
Nahawa ka na sa kasweetan ko ah HAHAHAHAHA
Pero halughugin mo pa 'yang bag mo
May bigay ako sayong isang stem ng bulaklak hahahahaha
Geo:
Galing ba yon sa isa sa mga bouquet mo HAHAHAHAHAH
Lilo:
Hoy hindi kaya HAJAHAHAHAHA
Binili ko kanina doon sa nagbebenta sa may gate ng school
Oh hindi mo alam diba? Galing ko talaga!!
Kunin mo na baka nasira na yon!!!
Geo:
Sweet mo nga talaga
Thank you
Happy Valentine's sa pinakamagandang hapon <3
Lilo:
Kaya pala lagi mo kong binabati ng magandang hapon ah!
Mga banat mo talaga Lacsamana
Geo:
Hahahahahahaha secret ko lang yun
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top