98

01-27

Martin

5:15 P.M.

Martin:
Hindi ko mawari
Pero parang may nag iba sa inyo ni Lilo

Geo:
Ano nanaman yan?

Martin:
May nangyari pagkatapos ng intrams noh?
Ano kaya yon? Share mo naman!!!

Geo:
Pano mo nasasabi yan?

Martin:
May iba sa tinginan niyo eh
Tapos lagi na kayong sabay pumapasok
Parang hindi na kayo mapaghiwalay ngayon
Malapit na nga ako magselos eh

Geo:
Parang tanga

Martin:
Tapos hinihintay ka na ngayon ni Lilo pagkatapos ng practice natin sa basketball
Dati naman hindi
What's happening my friend?

Geo:
Secret 😊

Martin:
Ayan pa
Lagi ka pang good mood
Taena!!! Kayo na ba?

Geo:
Hindi pa

Martin:
Eh ano lang?
Hindi pa kayo niyan ah

Geo:
Hehe basta

Martin:
Nakakaurat
Naiimagine ko yung ngiti mo pag kasama mo si Lilo habang binabasa mga chat mo

Geo:
Ay yung pinapatanong ko pala sayo
Ano na sabi?

Martin:
Alin?
Yung wedding picture niyo ni Lilo?

Geo:
Oo

Martin:
Ahh isesend na lang daw sakin
Hahanapin lang daw muna sa gdrive
Bakit kasi hinahanap mo pa?
Magpakasal na lang ulit kayo this year

Geo:
Gusto daw ni Lilo ng kopya eh

Martin:
Grabe
Hulog na hulog ka naman pare

Geo:
Sinabi mo pa

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top