77

12-12

Martin

4:00 P.M.

Martin:
Ano ibibigay mo kay Lilo?

Geo:
Huh?

Martin:
Sa exchange gift

Geo:
Hindi naman si Lilo nabunot ko

Martin:
Kunwari hindi ko alam na inisa isa mo mga kaklase natin kanina para lang hanapin pangalan ni Lilo

Geo:
Di ah
Pangalan ko kaya hinahanap ko

Martin:
Nasa akin pangalan ni Lilo pre

Geo:
Weh?

Martin:
Oo nga

Geo:
Palit tayo

Martin:
Joke lang
Wala sakin

Geo:
Tangina mo ah

Martin:
HAHAHAHAHAHAH
So wala pala talaga sayo?

Geo:
Wala
Ayaw kasi sabihin nung iba eh

Martin:
Kawawa ka naman hahahaha
Bigyan mo na lang siya
Bakit gusto mo pa makuha pangalan niya?
Para di halata?

Geo:
Hindi naman sa ganun

Martin:
Asus
Close naman kayo eh
Ano naman kung may regalo ka sa pasko
O kaya umamin ka na lang kaya
Halata naman

Geo:
Hindi kaya

Martin:
Oo kaya

Geo:
Hindi nga niya alam eh

Martin:
Di mo sure

Geo:
Hindi nga?
Halata nga?

Martin:
HAHAHAHAHAHAHAHA
OO NGA
Tanong mo si Yra

Geo:
Hindi naman siguro alam ni Lilo

Martin:
Edi ipaalam mo na

Geo:
Sa susunod na lang

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top