10

02-18

Martin

5:15 P.M.

Martin:
Geo!!!

Geo:
Ows?

Martin:
Bakit wala ka sa practice?

Geo:
Pinauwi ako maaga ni Ate
Nagpaalam ako kay coach

Martin:
Ahhh bakit daw?

Geo:
Birthday niya kasi
Aalis kami

Martin:
Happy birthday kamo

Geo:
Bakit ba?

Martin:
Pinaguusapan ka kasi nila

Geo:
Weh? Di ka kasama?

Martin:
HAHAHAHAHAHA KASAMA

Geo:
Tignan mo
Pangit ng ugali mo

Martin:
Nacurious kasi ako
Sabi kasi ni Terrence kay Gabe, nakita niya raw kayo ni Lilo na magkasama kanina
Tinanong ni Terrence kung pinopormahan mo ba raw si Lilo

Geo:
Nilapitan ko siya kasi may binigay ako

Martin:
Sabay daw kayo nagrecess eh

Geo:
Oo nga kasi nga may binigay ako
Pag nilapitan pinopormahan agad?

Martin:
Ano ba kasi binigay mo?

Geo:
Yung parusa sa amin
Kasi nag-away kami tapos nakita ni lola
Nabanggit ko na sayo yon diba tsaka andoon si Gabe non nung pinaguidance si Lilo

Martin:
Ahh feeling ko tuloy badtrip si Gabe sayo

Geo:
Luh bakit naman?
Bawal ba lapitan si Lilo?
Hindi naman naging sila o kahit MU man lang

Martin:
Ay hindi sila MU?
MU sila sabi ni Gabe diba!!!

Geo:
Hindi raw totoo
Si Lilo na nagsabi
Kaya nga niya nireject si Gabe after valentines
Kasi nabadtrip siya non nung nalaman niya na pinagkakalat ni Gabe sa atin na MU sila
Eh hindi naman pala

Martin:
Taena
Proud na proud pa siya
Kabog naman pala

Geo:
Sinabi mo pa

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top