CHAPTER 2
Maaga kong natapos ang trabaho ko dito sa firm. Naisipan kong yayain si Claire sa mall para samahan akong mamili ng susuotin ko para sa Alumni Homecoming.
Bago kami pumunta sa department store, ay naisipan muna naming mag milk tea. Ewan ko ba dito kay Claire at nagcacrave ng milk tea ngayon.
Pagkatapos namin mag milk tea ay dumiretso na kami sa department store, specifically sa mga ladies formal wear. Ang dami namang magaganda. Ang daming bet ni Claire pero sobrang revealing naman. I just want a simple one, pero yung may impact.
While we are searching for dresses, nakita ko sa other aisle sila Alaina, Elise at Ava. Biglang nag ingay ang mga 'to, ewan ko ba akala mo naman isang dekada hindi nagkita. They were searching also for their own outfits.
And finally, sa tulong nila, nakakita na ako ng perfect dress for me. Sobrang simple ng structure pero neat tignan. Hindi rin masyadong revealing. Namili na rin ako ng heels ko na sakto for my outfit. Nagkahiwalay na rin kami ng barkada ko ng pupuntahan since we have our own agendas for the day. Kami nalang ni Claire ang sabay ngayon.
"Sis, ito nga pala yung invitation. Kinuha ko nalang rin yung sayo at kay Adrian " Banggit ni Claire.
"Thanks sis", tugon ko.
" Paano yan sis, magkikita ulit kayo ni Kyle. Ready ka na ba? I mean ready na ba yang heart mo?" , biglang sabi ni Claire.
"Ha? ewan. Idk sis. siguro?" , tugon ko kay Claire.
At nanahimik nalang ako habang naglalakad. Ewan ko ba, kinakabahan ako. I really don't know what to do or say kapag nagkita na kami ni Kyle. Oo matagal na yun pero hindi rin biro yung sakit at bad memories I have with him. Pero mas nangingibabaw pa rin yung happy memories namin together. Once you love a person, feelings may fade, but memories will remain.
"Sis, una na ako sayo ha?" sabi ko kay Claire.
"You okay? Sorry sis ha? if may nasabi akong mali or what". Tugon ni Claire.
" Nope sis, not your fault. Maybe napagod lang siguro ako", I replied.
"Sige sis, ingat ka ha? Text me if nakauwi ka na. " tugon ni Claire habang hinatid ako sa waiting shed ng mall.
Nakarating na rin finally ng condo. Pagka bukas ko ng pintuan ay dumiretso ako sa kwarto at nahiga. I feel so exhausted and drained. Pagod ba talaga Gia? Or you are just overthinking so much about the Homecoming?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top