SPECIAL CHAPTER

COURTING HIM...

XAVIER'S P.O.V

(Flash back – the scene where Guia was still meditating.)

Nandito parin kami sa field, katabi ko ngayon sila Kali at Lucian, kumakain kami at hinihintay na matapos ang pag-memeditate na si Guia, dahil saktong isang linggo na ang nakakalipas pero nag-memeditate parin siya. Nag-aalala na talaga ako sa kanya, hindi niya parin napapalabas ang Ring of Hold niya, di kaya may nangyari ng masama, huhuhu mahal na Deus at Dea 'wag niyo po sanang pabayaan ang kaibigan ko, kayo na po ang bahala sa kanya.

"Kumain ka nga muna, walang magagawa ang pag-aalala mo." Malamig na saad ng lalaking nasa tabi ko. "Di ako mapalagay Lucian, baka ano na ang nangyari kay Guia." Saad ko na mababatid na nag-aalala.

"Huwag kang mag-alala, malakas ang babaeng sniffler na yon." Walang emosyon na namang saad niya pero nararamdaman ko na nag-aalala siya sa akin, shet lalo akong nahuhulog, Opss... Sige na nga aamin na ako, gusto ko na talaga si Lucian. At kung tatanungin niyo ko kung paano ko siya nagustuhan eh, noong unang dating niya pa lang talaga namang, na LOVE AT FIRST ako, ang cool niya kaseng tignan. Di naman ako gay, bisexual lang, kaso nung gabing yon ay talaga naman sumakit ang loob ko sa kanya sa pag sigaw at alipusta niya sa akin, pero hindi ko alam kung bakit noong sinigawan niya ko ay nag halo ang sama ng loob at saya. Sama ng loob, dahil sa pagsigaw niya at saya, dahil sa pagpansin niya sa akin, grabe ang tama ko sa kanya hahaha.

"Oh ito ang mansanas binalatan ko na yan para sa iyo." Walang emosyon na saad sa akin ni Lucian sabay abot ng mansanas na naka balata na.

"S-Salamat Lucian." Nahihiyang pasasalamat ko kay Lucian, pero ramdam ko naman ang mapang-usyosong tingin ng katabi ko pang isa, kaya naman kinompronta ko siya.

"Bakit ganiyan ang tingin mo ah, Kali?" Tanong ko sa kanya pero di parin niya inalis ang tingin niya sa akin, linapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong.

"Hoy Xavier, magsabi ka nga ng totoo, kayo na ba ni Kuya Lucian?" Seryosong tanong nito na nagpabigla sa akin.

"A-ano bang s-sinasabi mo, h-hindi noh, a-ano kaba baka m-marinig ka niya at magalit p-pa yan kapag narinig ka." Nakayukong saad ko, nahihiya kase ako baka marinig ni Lucian at magwala na naman ito, nag-memeditate pa naman si Guia.

"Pero aminin mo nga sa akin, may gusto kaba sa kanya?" Mapang-usisang tanong ni Kali. "Wala nga." Simpleng saad ko. "Sure?" Ulit na tanong niya. "Wala nga." Ulit na sagot ko din.

"Sure ka?" Ulit niya pa sabay kuha ng mansanas na binalatan ni Lucian, sh*t naman. "Ibigay mo nga yan at gutom na gutom na ko." Nabubwisit na saad ko kay Kali, pilit ko ding inaabot ang mansanas na binalatan ni Lucian, potek hirap ng kinulang sa height!

"Ayan oh ang daming prutas diyan, kaya mo namang magbalat diba? Ako nalang kakain ni-"

"Ibigay mo sa kanya yan." Nabigla kaming dalawa nung may nagsalita na sobrang lamig ang boses sa likuran ko. Para bang naistatwa si Kali kaya hinablot ni Lucian ang mansanas at iniabot ito sa akin.

"Tama na ang laro, kumain ka muna." Utos nito sa akin at inabot ang mansanas na agad ko namang kinagat...

...

Pagkatapos ng eksenang iyon ay di na ako kinulit pa ni Kali...

Kasalukuyan ako ngayong naka-upo dito sa puno ng Mariejois at nagbabasa at nag-memorize ng mga enchanments, binigyan kase kami ni Nay Aurelia ng panibagong takdang-aralin ni Nay Aurelia, kailangan daw namin makapag-memorize ng one hundred enchanments kaya heto ako ngayon, talagang tutok sa pagbabasa upang maaral ko ang mga enchanments ng madalian, fast learner kaya ako hahah.

"XAVIER!" Sigaw nang kung sino na nagpabigla sa akin.

"I LOVE YOU LUCIAN." Nabibiglang saad ko, WTH anong sinabi ko!

"Hala ka! Hahaha. Sabi ko na nga ba eh, may gusto ka kay kuya Lucian hahaha." Saad ni Kali, hayss ano bang nagawa ko, sh*t naman lagot na ko nito.

"S-Sige na nga aaminin ko ng may gusto ako sa Kuya niyo, s-sorry kung ganito ako." Nakayuko at nahihiyang paghingi ko ng tawad kay Kali, baka di niya tanggapin ang gaya kong ganito ang kasirian, mawawalan pa ata ako ng kaibigan.

"What do you mean 'sorry ganito ako?' Bakit ano bang mali sa iyo?" Seryoso at nagtatakang tanong ni Kali, ito na nga ba ang pinag aalala ko baka iwasan na niya ko or worst pati si Guia, Nay Aurelia, at pati narin si Lucian ay iwasan ako at pandirihan, kaya naman tumulo bigla ang aking luha sa isiping iyon, "uy 'wag ka ngang umiyak, kung inaalala mo yung tungkol sa kasarian na napili mo ay 'wag kang mag-alala, mas malala pa nga ako, di mo na ba tanda yung sikreto ko hahaha." Pagpapagaan ng loob sa akin ni Kali, kaya naman nag punas na ako ng luha.

"Anong sikreto? Wala naman akong matandaan ah."  Tanong ko kay Kali, promise wala talaga akong matandaan na sikretong sinabi niya sa akin.

"Tungaks nato, 'di ba nga "GENDERLESS AKO" Hahaha, kaya don't worry hindi naman ako mapanghusgang tao, sa katunayan nga niyan support namin ang tambalang LUVIER ni Guia hahaha, kaya go lang." Masayang saad noto, grabe ngayon ko lang naalala yon medyo makakalimutin kase ako, pero ang swerte ko dahil may kaibigan akong kagaya nila.

"Talaga, salamat ah!" Maligalig na saad ko kay Kali.

"Walang anu man noh hahaha, pero alam mo Xavier, parang naamoy din namin ni Guia na may gusto sa iyo si Kuya Lucian kaso nahihiya lang mag-approach." Mausyosong saad nito saakin.

"Weh? Baka binibigyan niyo lang ako ng false-hope ah, naku-naku ayaw kong masaktan noh." Saad ko namay pag-alala, ang hirap kayang mag-assume, baka masaktan lang ako sa huli.

"Hay nako Xavier, maniwala ka sa amin ni Guia, tagal na kaya naming napapansin iyon, sa katunayan nga siya yung sumalo sa iyo noong naglaban kayo ni Guia at nag-pass out ka eh." Saad niya, di naman ako nabigla dahil ipinakita narin naman ni Dhriti ang nakaraan nayan.

"Alam ko yun kase ipinakita naman ni Dhriti ang nakaraan sa akin bilang pag subok." Saad ko sa kanya.

"Yun naman pala eh, alam mo kung ako sa iyo, ako na gagawa ng first move, baka maagaw pa yan ng iba hahaha." Payo ni Kali na tumatak sa isip ko

"Hays, natatakot lang kase ako baka mareject ako instantly eh." Nag-aalalang saad ko Kay Kali, ngunit ngumiti lamang ito.

"Alam mo, you need to take a risk, kase baka magsisi ka lang sa bandang huli - kung kailan nasa piling na siya ng iba, na hindi mo sinabi ang nararamdaman mo kay Kuya Lucian, kaya kung ako saiyo ako na manliligaw don, nandito naman ako para suportahan ka at feel ko rin na susuporta sa iyo si Guia paggising niya, basta tandaan mo lang na "DON'T GIVE UP" kahit ilan beses ka niyang i-reject, huwag kang susuko." Makabuluha saad nito sa akin na may halong pagpapalakas ng loob.

"Hayyss iisipin ko munang mabuti yan." Nangangambang saad ko padin at nag tuon nalang ulit sa binabasa kong libro.

"Mauna nako ah, baka hinahanap na ko ni Nay Aurelia, mamalengke pa kase kami sge bye-bye, kita na lang tayo sa bahay, hoy pag-isipan mong mabuti ah." Paalam ni Kali saakin na tinanguan ko nalang.

....

Pagkalipas ng ilang oras, nandito ako ngayon sa kwarto namin ni Nay Olin, pero ako na lang mag-isa ngayon dahil wala na siya, but I feel her presence here because every part and matter in this room is choose by her kaya parang nasatabi ko lang siya, makikita na ngayon ang Lua na nagliliwanag sa madilim na kalangitan, at makikitang 1:30 na ang oras sa Relógio de todos, ngunit nag paulit-ulit parin saakin ang mga salitang binitiwan ni Kali.

"Yun naman pala eh, alam mo kung ako sa iyo ako na gagawa ng first move, baka maagaw pa yan ng iba hahaha"

"Yun naman pala eh, alam mo kung ako sa iyo ako na gagawa ng first move, baka maagaw pa yan ng iba hahaha"

"Yun naman pala eh, alam mo kung ako sa iyo ako na gagawa ng first move, baka maagaw pa yan ng iba hahaha"

"HAYS POTEK KANG KALI KA!"  Naiiritang sigaw ko habang sinasabunot ang aking buhok huhuhu kali naman kase, binigyan mo pa ako ng iisipin.

Ngunit ilang oras ang nagdaan at hindi na talaga ako makatulog, narandaman ko na din ang pagka-uhaw kaya naman lumabas ako upang pumunta sa kusina at uminom.

Tumayo na ako at naglakad...

Nang malapit nako sa pader na naghihiwalay sa kusina at sala ay sakto namang papalabas din pala si Lucian kaya nakabunggo ang katawan namin at maging sanhi upang matumba ako.

Pero bigla ako nitong sinalo, kaya hindi ako natumba ng tuluyan.

Nagkatitigan kami...

"Lucian, pwede ba kitang ligawan?" Wala sa sariling saad ko dahil para bang nalulunod ako sa mga titig ni Lucian.

Ini-angat niya na ako sa pag-kakabitin sa kanyang braso at iniayos ako, at saka ko lang narealized ang sinabi ko kaya tumalikod ako sakanya at nagtakip ng mukha.

"S-Sorry." Iyak ko dahil sa sobrang hiyang nararamdaman ko ngayon, Sh*t hindi siya kumikibo baka nabigla ito at nandidiri sa akin.

Naramdaman ko na lang ang paglakad niya at linagpasan niya ako, kaya naman napaluhod ako at umiyak ng walang tunog. Ang sakit.

Ito na ngaba ang kinakatakutan ko huhuh...

Pero bigla itong tumigil sa pag-akyat sa hagadan...

"Sige lang. Pero kung wala akong sagot ng isang linggo ay alam mo na." Seryosong saad nito tsaka pumanhik na ng tuluyan.

Para bang nanlambot ako kaya naibaba ko ang dalawang kamay ko na nakatakip sa aking mukha at ilang oras natulala. Nang marealized ko ang sinabi niya ay agad akong tumayo at tumakbo sa aking kwarto.

Nang tuluyan na akong makapasok ay tumalon ako saaking kama at tinakpan ng unan ang ulo ko at sumigaw ako ng impit para walang maistorbo, sh*t Kenekeleg eke!

Kaya naman di ko namalayan nakatulog napala ako.

...

Kina-umagahan ay maaga akong nagising at ipinagluto ko ang lahat ng almusal, pero binigyan ko ng extra purple cabbage salad si Lucian, syempre special dapat ang sa liniligawan ko hahaha.

Ilang saglit pa ay narinig ko naman ang mga sunod-sunod na yabag kaya lumingon ako.

Kita ngayong bumababa si Nay Aurelia, Kali, at Xavier...

Nang katitigan pa nga kami ni Xavier pero agad akong umiwas naiilang ako hahah...

"Aba anong nangyari sa'yo ah Xavier at ikaw ang nag luto ng almusal?" Nagtatakang tanong ni Nay Aurelia. "Oo nga." Sang-ayon naman ni Kali sa sinabi ni Nay Aurelia. "Walang toh Nay, wag niyo na lang akong pansinin" Sagot ko.

...

Katapos ng Almusal na iyon ay heto ako ngayon sa punonng Mariejois at kausap si Kali. Sinasala yay ko ngayon ang mga nangyari kagabi sa kanya.

"Potek! talaga?! go lang help kitang manligaw ah!" Maligalig na saad ni Kali. "Sige, sige" Nakangiting pag sang ayon ko naman...

...

Sa loob ng isang linggo ay ipinagluluto ko siya ng Almusal, minamasahe siya tuwing gabi, at tinutulungan ko rin siya sa pag-mememorize ng Enchantments at nagiging ka-sparing niya...

Nakakapagod man ay ganito kinakaya ko...

...

Nandito kami ngayon sa puno ng Mariejois...

Makalipas ang isang linggo ay nainip nako kaya kinopronta ko siya.

"L-Lucian, lagpas na sa isang linggo ang panliligaw ko sa iyo ano na bang desisyon mo?" Mahihiyang tanong ko kay Lucian. "Ahhh ewan ko." Malamig na saad nito na nag pagalit sa akin.

"Alam mo kung hindi mo ako gusto at ganitong pinalalaruan mo lang ako. Sana una pa langa y sinabi mo ng h—" Putol ko sa sasabihin ko ng bigla niya akong halikan...

"Oo na tayo na, alam mo kung hindi ka umamin nong gabing iyon ako na sana mag-iinsist na manligaw sa'yo." Nakangiting saad nito.

"Sh*t talaga, pinush lang kase ako ni Kali. Uyy masbagay mo pa lang nakangiti "Adrien" hahaha." Saad ko sa kanya. "Adrien talaga? Halika nga dito." Saad nito sa akin at lalapit na sana siya ng tumakbo ako...

Ngunit imbis na bugbugin niya ako ay binugbog niya ako ng hinalikan. Naging mapusok ang halikan namin at bumaba ang halik niya sa aking leeg at naglakbay naman ang kamay ko sa matipunong katawan ni Lucian.

Ihuhubad na sana ni Lucian ang damit ko ng biglang pumasok sa isip ko ang isang bilin ni Nay Olin sa akin.

"Anak, tandaan mong hangga't hindi kapa kasal ay wag mi munang gagalawin ang magiging kasintaha mo ah, pangako mo yan." Saad ni Nay Olin noong nabubuhay pa siya, kaya naman pinatigil ko si Lucian...

"Lucian, teka lang, alam mo ganito na lang, para di tayo mag sawa sa isa't isa, napagdesisyunan ko na hangga't hindi ako nag bebente-uno ay wala munang mangyayare sa atin, payag ka ba?" Suhesyon ko sabay lahad ng hinliliit ko na nag papahiwatig na gusto kong makipag pinky swear..

"Hays, ano pa bang magagawa ko." Malamig na saad niya, at inabot din ang hinliliit niya.

....

Kauwi sa bahay....

Kaharap namin ngayon si Nay Aurelia at Kali, dahil sasabihin na namin sa kanila ang aming relasyon, ayaw kase ni Lucian na itago ang aming relasyon sa mga kasama namin sa bahay, kahit na tutol ako sa kanya, sinumbat pa sa akin yung ginawa naming deal kanina hahaha kaya wala na akong nagawa..

"N-Nay may sasabihin po kami ni Lucian sainyo, sana po huwag kayong maga-"

"Kami na ni Xavier." Walang imosyon at siretsuhang saad ni Lucian...

Kita naman ngayon ang gulat na reaksyon ni Nay Aurelia, habang si Kali...

Ayun naka tingin saakin ng napakasaya...

"S-Sory po Nay Aurelia kung-kung pumasok kami sa kakaibang relasyon tulad nito." Nakayukong saad ko, nahihiya kase ako kay Nay Aurelia feel ko na disappoint ko siya.

"Anak bakit ka nag-sosorry? Alam mo suportado ko kayong lahat, hangga't mabuti ang landas na inyong tinatahak! Ang cute kayang tignan kung magkasintahan ang lalake at lalake hahaha, hindi ko kayo pipigilan, choice niyo yan eh, malalaki narin naman kayo at alam niyo na ang tama sa mali, nandito lang ako para sumuporta". Nakangiting saad ni Nay Aurelia na medyo nagpaluha sa akin. I wish narito si Nay Olin at sinasabi rin ngayon ang sinasabi ni Nay Aurelia.

"Salamat nay." Pasasalamat ko.

"Hayss hali nga kayo rito nang mayakap ko kayo at macongratulate." Naka ngiting saad ni Nay Aurelia na agad ko namang tinalima, di naman gumalaw si Lucian sa kinalalagyan niya kaya naman hinila ko siya at lumapit kami kay Nay Aurelia.

Yinakap kami nito ng mahigpit at sinabing. "Congratulations, ikaw Lucian 'wag mong sasaktan tong si Xavier ah, alam mo namang sensitive yan." Saad ni Nay Aurelia na may halong pagbibiro. "Nay naman." Nakangiting saad ko.

Nang mapadako ang tingin ko kay Kali na nasa likuran ni Nay Aurelia ay nag-like-sign ako sa kanya na sinuklian niya lang ng napakatamis na ngiti.

...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top