CHAPTER 8
RIDDLES...
KALI'S P.O.V
Masaya kaming nakikipaghabulan sa mga kapwa naming bata dito sa Floresta Encantada nang biglang tawagin kami ni Nay Aurelia gamit ang TeleCom.
"Guia, Kali, umuwi na kayo, masyado nang gabi, isa pa, mamayang ala-una na kayo haharap sa inyong Hold beings, kaya kailangan niyo ng maraming pahinga kaya umuwi na kayo at matulog ng maaga." Saad sa amin ni Nay Aurelia, kaya anman tumakbo kami pauwi...
[Hold Beings- The Human form of Fantasians' Hold (Magic or Talent).]
Nang nasa pinto na kami ay kita ko namang nakasandal si Nay Aurelia sa pinto, kaya naman lumapit kami ni Guia sa kanya agad.
"Nay, nandito na po kami, tara tulog na po tayo." Saad ko naman dito, potek excited na akong makaharap ang Hold Being ko, sabi kase ni Nay Aurelia sa amim, ang mga Hold Beings daw ay mga nilalang na nagiging kakambal ng bawat Fantasian na ipinapanganak, bali kapag daw pinanganak ka dito sa Mundo da Fantasia ay mayroon na agad Hold Being ang nakatadhana para sa iyo.
"Opo Nay Aurelia tulog na po tayo." Pagsang-ayon din naman sa akin ni Guia.
"Ganon na ba kayo kasabik mga anak? Teka lang ah kakain muna tayo bago kayo matulog, para may sapat kayong lahat para kalabanin ang inyong mga Hold Beings." Saad naman sa amin ni Nay Aurelia, kaya naman napakamot naman ako sa aking batok at nag-peace sign naman si Guia.
"Hehehe triste nay." Paumanhin ko naman.
"Oh sige na pumasok na kayo at doon sa may hapag-kainan, handa na ang pagkain niyo doon." Utos naman sa amin ni Nay Aurelia na agad naamn namin sinunod...
~FAST FORWARD
So, nandito na kami ngayon sa aming kama ni Guia at ready na sa pagtulog. Hays sana maging ayos lang ang pagharap namin ni Guia sa aming Hold Beings, sana walang mangyaring masama sa amin ni Guia mamaya at sana pagkatiwalaan kami ng Hold Beings ng buong puso. Kase kapag daw natalo kami ng aming Hold beings mamayang ala-una ng umaga, worst comes to worst, dahil ang Hold Beings namin ang kokontrol sa amin and it may cause to sudden disaster or what they called "trantums," then after that we will die. Hay ang sama at malas naman ng kapalaran kung namatay na nga ako noon, tapos nagka-trantums ako at mamatay na naman ako ulet ngayon.
"Kuya, sa tingin mo makukuha kaya natin ang Hold Beings natin ng walang sakitan?" Tanong naman bigla sa akin ni Guia kaya naman napatingin ako sa kanya at kita ko ngayon ang pag-aalala sa mukha niya.
"Of course Guia, kailangan mo lang maniwala sa sarili at maniwala sa mga taong naniniwala sa iyo, isa pa hindi naman tayo papabayaan ng mga Deus at Dea, gagabayan nila tayo, manalig ka lang." Nakangiting pagpapalakas ng loob kong saad kay Guia.
"That's right Kali." Nagulat naman kami ng biglang purihin ako ni Nay Aurelia, kaya napatingin kami ni Guia sa pinto.
"Mga anak tatandaan nyo na kahit anong pinagdadaanan nyo sa buhay, magaan man ito o mahirap, ang dapat niyo lang gawin ay manalangin at manalig sa mga Deus, Dea, Supreme Beings, at Pinakamataas na Deus sa lahat." Payo naman ni Nay Aurelia sa amin ni Guia at saka na pumasok ng tuluyan sa kwarto namin ni Guia.
"Oh, matulog na kayo mga anak, tatandaan niyo na kahit anong mangyare ay mahalnna mahal kayo ni Nanay Aurelia ah, kaya laban lang, matatapos at magiging ayos din ang lahat." Saad naman ni Nay Aurelia sa amin at saka siya lumapit at umupo sa aming higaan.
Pagkalapit namin agad nya kaming Yinakap ng mahigpit at hinalikan sa pingi, I will cherish this moment talaga, hays ilang taon nalang papasok na kame sa Academy at Iiwan namin si nanay ng magisa dahil, Sa dorm kame titira for 5 years. Temporary lang naman heheh di naman ganon katagal, atsaka may vacation break naman taon taon diba heheh katapos ng Sweet moment na iyon ay pinabalik na kami ni nanay sa aming kama.
"Oh mga anak, Akyat na kayo sa kama, excited na akong mag karoon kayo ng Hold!" Masiglang saad ni Nay Aurelia sa amin, natawa naman kami ni Guia dahio doon.
"Grabe ka naman nay, excited ka pa sa amin hahaha." Natatawang saad ko.
"Alam mo kase anak, ang pinaka masayang moment ng magulang ay makitang maging malakas at maging successful ang kanyan mga anak, kaya mas excited pa talaga ako kesa sa inyo, hala sge na, let's pray na, Guia ikaw mah-lead ng prayer." Utos naman ni Nay Aurelia kay Guia, nagpwesto naman kami ng maayos, pumikit na si Guia at nag-umpisa nang magdasal.
"Nananalangin ako sa lahat ng Deus, Dea, at sa lahat ng Supreme Beings na sinasamba ng Mundo da Fantasia, humihingi po kami ng gabay sa inyo upang maging matiwasay ang pagharap namin sa aming mga Hold Beings, kayo na po ang bahala sa amin ni Kuya Kali, isinusuko na po namin ang lahat sa inyo." Panalangin ni Guia sa lahat ng Deus at Dea, humiga na naman kami katapos non, inayos naman ni Nay Aurelia ang aming kumot at hinalikan kami ni niyo sa noo.
"I claim your victory beloved my twins." Makabuluhang saad niya sa amin ni Guia katapos kami nitong halikan sa noo.
Pinikit na namin ni Guia ang aming mga mata, ngunit kahit nakapikit ay nararamdam kong nakatingin at ramdam kong nag-aalala parin si Guia, madalas nyang gawin ito lalo na kapag may nagawa syang kasalanan na di alam ni nanay at kung kinakabahan sya, kaya basang-basa ko na ang ganitong galawan ni Guia.
"Guia, trust your self and trust us, sinabi ko na sa iyo kanina iyan 'di ba? Nasa likod mo lang kami at willing na itulak ka pabalik kapag ikaw ay nahuhulog na, kaya don't be afraid." Pagpapalakas na loob na saad ko kay Guia habang nakapikit.
"Thank you Kuya, FIGHTING!" Maligalig na saad sa akin ni Guia na kinasamid ko naman.
"FIGHTING!" Maligalig na saad ko din pabalik habang nakapikit parin.
Ilang minuto pa, unti-unti nang binalot ng kadaliman ang aking paningin...
....
GUIA'S P.O.V
Bigla namang nagising ang diwa ko nang may naramdaman akong napaka init ngunit napaksarap sa pakiramdam na bumabalot sa aking katawan ngayon, kaya naman unti-unti kong minulat ang aking mga mata upang tignan kung ano ito...
Nang tuluyan ko nang ma-imulat ang aking mga mata ay pinagmasdan ko naman ang buong lugar ngayon dito, ang masasabi ko lang ay nakakamangha ang lugar na ito dahil nakatapak ako ngayon sa mga ulap at-at nasa harap ko ang-ang Solis, wah! Masusunog ang beauty ko dito! Ngunit sa ilang minuto pa akong naghihintay upang matusta ako ng buhay habang nakapinikit ang aking mata dahil nga nasa harap ako ng Solis ay wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko kaya naman nagmulat na ako ng aking mata...
[Solis- stand for Sun.]
Nang pagmulat ko ay may nakita akong matipunong lalaki na nasa harap ko ngayon, gosh! His pointed nose na magpapasana ol sayo kung pango ka, his jaw line na halatang-halata, his not too pointed chin that gives him a Deus-like feutures, at ang kanyang mapupungay na mga matang nakakatunaw kapag tinitigan, omo! Ang gwapings ni koya! Nang bumaba naman ang tingin ko para naman usisain ang kanyang katawa ay nagsisi naman ako dahil wala itong suot na pang itaas at tanging manipis na tela lang ang suot nito pang ibaba! Oh no my shinning, shimmering, splendid, and beautiful virgin pa sa ate mong mga mata ko!
"Umayos ka ah, wag ka ngang masyadong malandi dyan, tandaan mo 10 years old ka pa lang! "10 years old" wag kang maglande hindi na ikaw si Toki." Suway naman ng lalake na nasa harapan ko, aba-aba iba din tabas ng dila nito ah! Ay teka kilala nya ang dating katauhan at ngalan ko? And Wait! He c-can read my mid?! Wah! Kakahiya.
"Oo naman naririnig ko kung anong nasa isip mo, noh!" Sigaw naman nito na nagpanganga sa akin, shocks, lupa kainin mo na ako.
"Tanga walang lupa dito, ulap lang, "Ulap!" Ah tandaan mo yan." Sarkastikong saad naman nito sa akin, hays, brain minsan kase gumana ka nang hindi ako napapahiya.
"Hoy teka nga, Sino ka ba at bakit alam mo ang dating ngalan ko at bakit na babasa mo isp ko?" Tanong ko sakanya sabay snob, hmp kainis gwapo nga daig naman may regla!
"Excuse me, first of all, ako ang Hold Being mo, My name is Life Salvation. Second, kaya naman alam ko ang past life and name mo ay dahil, noong pinanganak ka sa Mundo da Fantasia ay ikaw na ang nakatadhanang humawak sa akin, so sinusubay-bayan na kita hanggang paglaki mo, pero hindi naman ako agad magpapakuha sa sloth na kagaya mo!" Paliwanag nuto sa akin, aba-aba! Tinawag niya aking sloth! Like what the frickin shit! Hindi ako ganon!
"Aba-aba wag mo kong tawaging sloth ah! kainis ka! di din naman ako papatalo sa iyo. Ano bang laban ang gusto mong ibigay ko sa iyo? pumili ka lang hinding-hindi kita uurungan, tinuruan ata kami ni Nanay Aurelia nang Arte Fight" pag hahamon at pag mamayabang king saad sakanya.
[Arte Fight- means Martial Arts Techniques.]
"Hindi ako bayolente tulad ng ibang Hold Being noh! Yung tipong kailangan mo munang labanan at talunin siya bago nila isuko ang sarili nila, so cheap lang, kase ako ayaw ko sa karahasan, kaya naman bibigyan nalang kita ng tatlong pagsubok upang mas tumatag ka at kung malagpasan mo ang pagsubok na ibibigay ko sa iyo at napabilib mo ako ay walang ano-ano ay isusuko at magpapasakop ako sa iyo ng buong-buo." Paliwanag nya na nagpangiti sa akin, ah sa dami ko ba namang naging karanasan sa pagiging guardian angel ko noon ay isang maliit na bagay nalang ito hahah.
"Sge ba! Ano ba ang una mong pagsubok na ibibigay sa akin? Bring it on baybeh! hahaha." confident na tanong ko sa kanya.
"Ang una mong pagsubok ay, kailangan mo lang sagutin ang bugtong na ibibigay ko sa iyo." Saad nya, aba-aba napakadali naman hahaha mahilig ata ako sa riddles kung hindi nyo naitatanong hahaha.
"Ang ingay mo naman, alam mo namang naririnig ko ang mga sinasabi mo, kaya pwede tahimik ka na lang." Suway nito sa akin, umikot naman ang mga mata ko dahil doon, arte amp! Daig pa mga babae!
"Ito na ang tanong ah. What animal walks on four legs in the morning, two legs during the day, and three legs in the evening?" Pagbigay niya sa katanungan kaya namannag-umpisa na ako sa pag-analyze nito.
Uhmm, "What animal walks on four legs in the morning, two legs during the day, and three legs in the evening?" wait! wait! wait! alam ko ito narinig ko na noon ang sagot nito sa isang binantayan ko, uhmm ano kase... bilis pumasok kana sa isip ko, ahhh!
Ano kase yun?
Ayyy potek nakalimutan ko.
"Akala ko ba easy lang bakit ang tagal mo? sabihin mo na lang na hindi mo alam ng matapos na!" Naiiritang saad nya, aba-aba akala nya ba easy lang sumagot ng riddles huhuhu nanay.
Ano kase bilis na pasok kana sa utak ko!!!...
"Faster! I will give you 10 second becuase I'm so bored right now!" Borimg na saad nya, kaya naman lalo lang akong nag-panic dahil doon.
"Wait!"
"Ten"
"Teka nada dulo na ng dila ko"
"Nine"
"ito na ito na"
"Eight"
"Hala wait huhuhu"
"Seven"
"Wait nga!"
"Six"
"Hala!"
"Five"
"Huhuhu pumasok ka na sa utak ko!"
"Four"
"Hala malapit ki nang maalala eh!"
"Three"
"Two"
"One!"
"Man, who in childhood creeps on hands and knees, in manhood walks erect, and in old age with the aid of a staff." Morning, day and night are representative of the stages of life. Uh!" Mabilisang pagsagot ko, heheh antagal ko kaseng inaalala masyadong mahaba eh, ang hirap i-recite.
"Hays, first mission palang natagalan kana agad? Napakahinang nilalang naman ng magiging owner ko." Boring na saad nito, aba-aba akala niya ba madali lang sumagot ng riddles, hays!
"Ready your self Guia, dahil bibigyan kita ng isang tanong na maaaring bumago ng buhay mo! Hahaha." Tawang demonyong saad nito sa akin, napataas naman ang kilay ko, tss! Gwapo sana kaso panget ayyy erase nababasa niya nga pala utak ko hahah.
"Bilis mo na kay! daming sat-sat!" Iritang saad ko sa kanya.
"Chill baybeh hahahaha." Tawang-tawang saad nya na lalo kong kina-inis.
"Dali na nga!" Sigaw ko sa kanya, sabay labas niya ng isang salamin at gintong tela.
"Anong gagawin mo diyan?" Takang tanong ko naman sa kanya.
"Gagamitin ko lang naman para sa pangalawang misyon mo." Simpleng saad niya sa akin sabay kus-kos ng gintong tela sa salamin, pagkapunas nya sa salamin gamit ang gintong tela ay lumabas ang natutulog na si Nay Aurelia, nagtaka at kinabahan naman ako dahil doon.
"Anong balak mong gawin?" Tanong ko dito pero di niya naman iyon pinansin pa.
"Okay, here's the question." Saad niya na hindi man lang pinakinggan ang sinasabi ko.
"Kung bibigyan ka ng pagkakataon na papiliin sa pagitan ng lahat ng memorya mo sa past life mo noong bago kapa maging guardian angel, kapalit ang buhay ng Nay Aurelia, anong pipiliin?" Taas kilay na saad niya sa akin, bigla namang tumibok ng napakabilis ang puso ko dahil doon.
...
Nasa taas po ang picture ni Life Salvation, para sa mga kyubies ko na hindi talaga kayang imaginin ang aking description.
(~ ̄³ ̄)~
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top