CHAPTER 70
MOVE ON...
KALI'S P.O.V
"ANAK!" Sigaw nito sabay sukob sa patay ng katawan ni Soliel na ikinagulat ko. Lumapit naman ako agad sa Diretora at hinawakan ang balikat niya. Tumingin sa akin ang Diretora at kita ko sa mga mata niya ang sakit. Ilang saglit pa ay biglang tumayo si Breeze, tumingin naman siya sa akin ng masama at nag-ejection na lang ito bigla. Mukhang alam ko na ang namamagitan sa kanila ni Soliel, humarap naman ako ulit sa Diretora.
"S-So kayo po pala ang ina ni Soliel?" Na-uutal na tanong ko dito. "O-Oo ako nga." Nauutal at lumuluhang saad naman ng Diretora sa akin. Agad naman akong lumuhod sa harap niya, nakisabay naman ang pagtulo ng luha ko.
"P-Patawarin niyo po ako. A-Ako po ang may sala kung bakit namatay s-si Soliel, k-kung s-sanang hindi niya ako pinrotektahan ay kasama niyo pa sana siya." Nakaluhod at umiiyak na saad ko, naramdaman ko namang tumayo ang Diretora, sunod naman non ay may tumapik sa balikat ko, kaya naman tumayo.
"Kali, wala kang kasalanan doon, ginawa lang ni Soliel ang inutos ko sa kanya." Saad nito habang tumutulo ang kanyang mga luha. Kaya naman napayakap ako sa kanya at doon na tumulo ang luha ko.
"P-Patawad po, patawad po, patawad po." Ulit-ulit na saad ko habang umiiyak sa balikat ng Diretora, hanggang naalala ko yung bilin sa akin ni Soliel bago siya mamatay. Kaya naman tinanggal ko ang yakap sa Diretora at humarap sa kanya.
"P-Pasensiya na po nadumihan ko pa po ata ang damit niyo, gusto ko lang po sanang sabihin ang huling saad sa akin ni Soliel na tapos na raw po ang misyon. Maaari ko po bang itanong kung anong misyon iyon?" Tanong ko sa Diretora, ngumiti naman ito at tumingin sa bangkay ni Soliel.
"Ah napaka-responsableng bata talaga ni Soliel, ang misyon na tinutukoy niya ay ang pagsubok sa kakayahan niyo at pagprotekta sa inyong kambal ng purgatoryo." Saad ng Diretora saakin ipinagtaka ko.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Takang tanong ko sa Diretora. "Lahat ay planado na namin ng Santos Esmeralda upang mahubog ang kakayahan niyo at upang maprotektahan kayo ng Campo de Iris Academy at ang anak kong si Soliel ang naging instrumento upang mabantayan kayo kahit wala kami ng Santos Esmeralda sa tabi ninyong dalawa. Nakakatawa ngang isipin na talagang tinakot ko pa si Soliel makumbinsi lang siyang maging tagapagbantay niyo, alam ko kaseng siya ang leader ng Pesso Doble na ginamit kong panakot sa kanya. Sunabi ko na bubuwagin at i-kikick out sila sa Campo de Iris Academy, sa una ay wala sa kanya pero nang sabihin kong hindi na niya makaka-usap ang daddy niya ay doon na siya pumayag. Alam niyo, ang ginawang paglaban sa inyo ni Soliel ay hindi isang pagtataksil, sinabi niya kase sa akin pinaghihinalahan niyang isang taksil si Lilith at gusto niyang palabasin iyon, sa una ay pinigilan ko siya ngunit sinabi niyang para iyon sa siguridad niyo, sinabi niya pang "kahit maging buhay pa ang maging kapalit ng gagawin ko." Saad niya at saka na umalis sa aking opisina, hays yun na pala ang huling araw na makaka-usap ko ang anak ko ng buhay." Mahabang kwento ng Diretora at doon na naman tumulo ang luha naming dalawa ng Diretora.
"Kung ganon po pala ay kaligtasan parin namin ng kapatid ko ang inisip niya hanggang sa huli." Umiiyak na saad ko sa Diretora, ngumiti naman ito sabay punas ng luha niya, nagulat naman ako ng pinunasan din ng Diretora ang mga luha ko.
"S-Salamat po." Nasabi ko na lang. "Alam mo Kali, ayaw ni Soliel ng iniiyakan siya. Kaya kailangan na nating tigilan ang pag-iyak baka magalit na siya. We need to smile and try to mend the pain by our self, because at the end of the day, tayo lang ang makakatulong sa sarili natin." Makabuluhang saad ng Diretora. Kaya naman pinunasan ko na ang aking mga mata at ngumiti.
"Maraming salamat po." Saad ko sabay lapit sa duguang bangkay ni Soliel, nang makalapit na ako ay lumuhod ako dito. Pinigilan ko namang lumuha upang masabi kay Soliel lahat ng gusto kong sabihin.
"Soliel, maraming salamat sa lahat. Hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng mabuting ginawa mo sa akin, magsisilbing aral sa akin lahat ng nangyari ngayon, lagi ko ding aalahanin ang iyong kasabihan na "Devils once an angel, so be careful with who you trust." T-Triste ah kung wala man lang akong nagawa para maligtas ka." Saad ko sa duguang bangkay ni Soliel. Tumigil ako saglit dahil tumulo na naman ang luha ko, pinunasan ko naman ito, dahil sa sinabi ng Diretora.
"S-Soliel, pangako magpapalakas ako para wala ng Fantasian ang magsakripisyo ng buhay para sa akin at para kay Guia at pangako ko, ipaghihiganti ko ang pagkamatay mo at pakamatay nila Riri at Con, pangako." Pangako ko sa bangkay ni Soliel sabay punas sa papatulong butil ng aking luha. May tumapik naman sa aking balikat, nang tignan ko ito ay doon ko nakita si Ate Adhira, Kuya Lucian, Xavier, at Guia na nakangiting nakatingin sa akin, bigla naman nila akong niyakap sa likuran.
"Kuya, magiging ayos din ang lahat, Fighting lang." Saad naman ni Guia na nagpagaan ng bahagya sa loob ko.
"Etits, sabay-sabay tayong magpalakas ah! Huwag nating sayangin ang pagsasakripisyo ni Soliel." Nakingiti pero lumuluhang saad sa akin ni Ate Adhira kaya naman napatayo ako upang yakapin siya, mas lalo namang umiyak ito.
"Shhh, ate huwag ka ng umiyak. Ayaw daw ni Soliel na iniiyakan siya." Saad ko rito habang hinahagod-hagod ang kanyang likod.
"A-Ano kase, naguguilty ako na nagpalinlang ako kay Lilith, potek nasungitan ko pa tuloy noon si Soliel. Hays ang bigat lang sa loob na hindi ako man lang ako nag-triste sa kanya bago man lang sana ito bawian ng buhay." Paliwanag naman ni Ate Adhira. Kaya naman hinagod ko lang ng hinagod ang kanyang likod upang gumaan-gaana naman ang pakiramdam nito.
"Tsss, bitch 'wag ka ngang umiyak, ikaw ang pinakamatanda sa amin. Kaya dapat ikaw ang pinaka matatag, tigilan mo yan." Walang emosyon namang saad ni Kuya Lucian kay Ate Adhira. Kaya naman bumitaw ito sa yakap at pinunasan ni Ate Adhira ang kanyang luha. "Hayss oo nga naman, dapat strong lang ako hahaha." Saad naman nito.
"Adrien, napaka-harsh mo naman kay Ate Adhira." Saad naman ni Xavier sabay palo ng mahina sa balikat ni Kuya Lucian. Yiee sa wakas bumalik na rin sila sa normal - pero nag-aalala parin ako sa sinabi sa akin ni Death. Kailangan kong mag-imbestiga kung anak nga ni Kuya Lucian ang dinadala ni Lilith.
"Snifflers! Maaari niyo ng bitbitin at ayusan ang anak ko at dalawang kasamahan nito upang maihanda sila sa pag-sundo ng mg Ophanim." Utos naman ng Diretora, napatingin naman kami sa kanya at ngumiti naman ito sa amin.
"Sige na at magpahinga na kayo mga bata. Bukas ay pumunta kayo ng maaga sa Diretora's Office, may ibibigay ako sa inyo." Saad nito habang nakangiti. "Sige po, paalam po. Magpahinga narin po kayo." Nakangiting pagpapaalam ko sa Diretora sabay lakad palayo.
"Mahal!" Tawag naman ni Rhys kaya naman nahihiyang tumingin ako sakanya, shit naman. "Bakit?" Tanong ko naman dito ng makaharap na ako sa kanya. "Gusto mo bang ihatid na kita, I mean kayo sa Dorm Room niyo? Mukha kaseng pagod kana, I mean kayo?" Saad naman nito na nagpasapo ng noo ko. Hays mga galawan talaga nito.
"Hays Kuya Rhys, kung nais mong si Kuya Kali lang ang ihatid mo ay ayos lang sa amin." Kompronta naman ni Guia kay Rhys, nakita ko namang namula ito kaya naman nasamid naman ako dahil doon.
"Sige na, ihatid mo na "kami" Hahaha." Sarkastikong saad ko dito. Ngumiti naman ito at kumanot sa batok, bumilis naman ang tibok ng puso ko. Wah! Shit parang magkaka-heart attack ako anong nangyayare sa akin.
"Sige tara." Yaya niya sabay lapit at hawak sa kamay ko. Bgla namang may naramdaman aking kuryente ng mahawakan niya ang kamay ko kaya biglang bumitaw naman ako.
"Aray!" Saad ko naman kaya naagaw ko ang atensyon nila Ate Adhira.
"Anong nangyayare saiyo Etits?" Tanong ni Ate Adhira.
"A-Ah wala wala. Tara na gusto ko ng magpahinga." Saad ko naman sabya hatak sa kamay ni Rhys. Pero shocks may kuryente na namang dumaloy sa kamay ko, pinilit ko namang tanggalin ito.
"R-Rhys tara na." Saad ko naman, pumikit naman si Rhys at siyempre pumikit narin kami...
...
"Dilat na." Saad naman ni Rhys na agad naman naming ginawa.
"S-Salamat sa paghatid Rhys." Nauutal na saad ko. "Walang ano man. Alam mo namang ayaw kong napapagod ang pinakamamahal kong Sephtis." Saad niya sabay kindat. Kumabog naman ang puso ko kaya naman walang ano-ano ay lumakad ako ng mabilis sa pinto, pero nakalimutan kong buksan ang pinto kaya ayun, nabangga ko ang pinto.
"Aray." Nasaad ko naman, narinig ko namang nag bungis-ngisan sila Ate Adhira at Rhys
"Huwag kaseng mailang Hahaha." Saad naman ni Ate Adhira sabay tawa. Kaya naman tinignan ko sila ng masama, bumaling naman ako sa pinto upang bukasan ito, nang mabuksan ko na ito ay pumasok na ako.
"M-Mauna na ako kwarto ko." Saad ko habang nakatingin sa mga paa ko, lakad patakbo naman akong pumunta sa kwarto ko, nang makarating na ako dito ay agad naman akong punasok sa banyo ipang gawin ang routine ko bago matulog. Siya nga pala alas-kwatro pa lang ng hapon, pero dahil sa pagod ay talaga namang gusto ng magpahinga ng katawan ko. Nadaanan ko naman ang salamin na nakalagay lang sa likuran ng pinto ng banyo ko, tumingin ako sa repleksyon ko at kinausap ito.
"Kailangan mong maging malakas para maipaghiganti ang mga nagsakripisyo para sa kaligtas- "
"Hi Owner!"
"Ay punyetang aso na may isang daang suso!" Saad ko naman ng biglang magpakita sa salamin ang itsura bi Death.
"Punyeta ka Death, papatayin mo ba ako sa gulat?!" Inis na saad ko dito. "Hahaha" Saad naman nito sabay peace sign.
"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko naman kay Death. "Gusto ko lang sanang sabihin na may limang bagong Hold Power sa iyo bukas." Saad naman nito, wala naman akong naging reaksyon dahil pagod na pagod na ako at gysto ko ng matulog.
"Sige, whatever, bukas na lang natin pag-usapan 'yan. Sobrang pagod na ang katawan at utak ko ngayon Death." Walang ganag saad ko naman dito. "Ayy ganon, sige pahinga well Owner." Saad naman ni Death sabay nawala sa salamin, lumabas naman ako agad sa banyo at lumundag sa aking kama, walang ano-ano ay nakatulog na ako...
...
"KUYA KALI! GISING NA PUPUNTA PA TAYO SA DIRETORA'S OFFICE NGAYON!" Dinig ko namang sigaw ni Guia sa labas ng aking kwarto at kulang na lang ay gibain na niya na ang pinto ko, agad naman akong bumangon para buksan ito.
"Ano ba! Sisirain mo ba pinto ng kwarto ko?!" Sigaw ko naman dito. Magsasalita pa sana ito ng binagsakan ko siya ng pinto, pumasok naman amo sa banyo upang gawin ang morning routine ko. Hays grabe haba ng tulog ko pero parang kulang parin.
Ilang minuto pa ay tapos na akong magbihis at pababa na ako, kita ko namang nasa baba narin sila.
"Guys! Tara na?" Tanong ko sakanila. "Yes let's go na po, grabe ang bastos mo sa akin kanina ah kuya." Tampobg saad ni Guia, nasamid naman ako dahil doon.
"Huwag ka na ngang magtampo hahaha, so guys gamit na lang tayo ng quick step tutal naman ay alam na rin ng iba na kakaiba tayo." Saad ko sakanila. "Sige lang Etits para nas mabilis din!" Maligalig na saad naman ni Ate Adhira.
"Sige, tara na." Saad ko naman sabay pikit para gawin ang quick step...
...
Ilang saglit pa ng ibuka namin ang aming mga mata ay nasa harap na akami ngayon ng Diretora's Office, kumatok naman ako para ipaalam na may tao sa labas...
Ilang saglit pa ay bumukas ng mag-isa ang pinto at doon namin nakita ang Diretora na kinaka-usap ang nga royalties. Ilang saglit pa ay napansin naman kami ng Diretora kaya naman tumingin saamin ito na may ngiti.
"Oh sakto, nandito na pala ang grupo ni Kali, sige na nga kamahalan, maaari na kayong lumabas at kaka-usapin ko na ang mga batang ito." Nakangiting saad naman ng Diretora. Lumakad naman agad ang mga royalties, nang mapadaan sila sa kinatatayuan namin ay kumindat sa akin si Rhys, kasunod non ang pagtibog naman ng puso ko, kaya naman napatingin nalang ako sa baba, nakita ko naman sa peripheral vision ko na padaan na si Prince Breeze. Gosh kailangan ko ng sabihin ang pinapasabi ni Soliel para sa kanya. Kya naman tinignan ko siya.
"P-Prince B-"
"Shut up, don't talk to me!" Saad naman nito sabay binilisan ang paglakad, hays, triste Soliel. Hanap lang ako ng tiyempo.
Nanag makalabas na lahat ng Royalties ay tsaka naman nagsalita ang Diretora.
"Pinatawag ko kayo ngayon upang sabihin na bibigyan ko kayo ng one week vacation at pwede kayong umuwi sa inyong pinagmulang lugar, reward ko sa inyo 'to para naman makapagpahinga kayo." Nakangiting saad ng Diretora, na-shock naman kaming lahat, pwera siyempre kay Kuya Lucian.
"W-Weh? Totoo po?" Tanong naman ni Guia. "Yes, kaya mag-impake na kayo ngayon, maaari na kayong umalis." Nakangiting sagit naman ng Diretora.
"Salamat po..."
"Salamat po..."
"Salamat po..."
Pagpapasalamat naming tatlo ni Ate Adhira, Xavier at Ako, siniko naman ni Xavier si Kuya Lucian para sabihing magpasalamat din.
"Salamat." Saad naman ni Kuya Lucian. Katapos non ay nag quick step na kami sa loob ng aming dorm at nag impake na....
Ilang oras ang lumipas ay dala na namin ang aming mga bagahe at nandito narin kami sa sala.
"So tara na? Quick step na lang tayo hanggang sa bukana ng Fey Wild?" Tanong ko naman sa kanila. Tumango naman sila bilang sagot. Kata naman pumikit na kami at ginawa ang quick step...
...
Ilang oras pa ang lumipas ay nanadito na kami sa bukana ng Fey Wild, kung saan naka-locate ang Floresta Encantada.
"Kuya bakit 'di pa tayo nag-quick step sa bukana ng Floresta Encantada?" Tanong naman ni Guia saakin.
"Tungaks, alam mo sinabi sa akin ni Nay Aurelia na hindi pwedeng nag-quick step agad sa bukana ng Floresta Encantada, dahil kabastusan iyon sa gumawa ng daanan papunta doon. Kaya kailangan nating lakarin iyon at tawirin ang isa pang bundok." Paliwanag ko dito, napanganga naman siya sa sinabi ko .
"What?! Isang bundok, potek naman dami ko pa namang dala-dala." Naiiyak na saad nito. "Saan nga yung isang bagahe at ako ng magdadala, kaines kase. Uuwi lang eh parang dinala lahat ng gamit sa Dorm Room." Inis na saad ko savay hablot sakanya bg isang maleta at nagsimula na kaming maglakad...
...
Sa ilang oras na paglalakad ay inabutan na nga kami ng gabi pero sakto namang narating namin ang gate patungo sa Floresta Encantada, tinawag ko naman ang mga taga pagbabtay nito.
"SWAN AND FOX! MAAARI BA KAMING PUMASOK?" Sigaw na tanong ko sa dalawang tagapagbabtay ng gate. Bigla namang lumitaw ang ulo ng Fox.
"Oo naman, tara pasok kayo." Saad naman ni Lanko the Fox.
"Bakit ang aga niyo atang bumalik? May nangyari bang madama sa Campo de Iris Academy o baka naman may ginawa kayong kalokohan at na-kick out kayo?" Mapang-usisang tanong ni Lanko na kinasamid ko. "Hinde noh, pinagpakasyon lang kami ng isang linggo ng Diretora, dahil may maganda kaming nagawa doon." Pagsisinubgaling ko naman kay Lanko.
"Ahh ganon ba, sige paalam." Pagpapaalam naman nito saamin. "Hoy saan nga pala si Frida?" Tanong ko kay langko. "Ah, umalis saglit may pinuntahan lang." Saad naman nito sa akin. Maglalakad na sana ako ng pigilan ako ni Guia.
"Kuya, 'di ko na kayang maglakad, quick step na lang tayo please." Paki-usap naman nito kaya naman huminga na ako ng malalim.
"Hays sige na nga, Ate Adhira quick step na lang daw tayo?" Tanong ko naman kay Ate Adhira. "Sige lang Etits." Sagot naman nito kaya naman pumikit na kami at ginawa ang quick step...
...
"MGA ANAK KO!" Dinig naman naming sigaw ng isang pamilyar na boses kaya naman napadilat kami at doon namin nakita ang isang napakabatang babaeng namiss namin.
"NAY!" Sigaw naman namin ni Guia, Xavier, at ako, sabay takbo at yakap sa kanya.
"Oh bakit ang aga niyo atang umuwi, may nanagyari o ginawa ba kayo sa Campo de Iris Academy?" Mapang usisang tanong nito sa amin, bigla namang gumaslaw ang mga mata namin. "Ah, eh, ano po kase, may nagawa kaning mabuti kaya binigyan kami ng reward na maka-uwi at mag-stay ng isang linggo dito." Pagsisinungaling ko Kay Nay Aurelia. Hays patawarin sana ako ng mga Deus at Dea sa pagsisinungaling ko sa nanay ko.
"Ayy ganon ba very good talaga mga nak ko, pero alam niyo namiss ko rin kayo! Wait magluluto lang ako" Saad naman niya saamin. "Nay 'wag niyo na po akong ibilang z
sa mga kakain, kase pagod na po talaga ako at dinadalaw na ako ng antok. Sige po, punta napo ako sa kwarto namin ni Guia." Paalam ko naman kay Nay Aurelia sabay lakad paakyat ng hagdan. Nasa second floor kase ang kwarto namin ni Guia at Kuya Lucian.
"Ah ganon ba, sige, oh kayo ba, kakain pa ba kayo?" Tanong naman ni Nay Aurelia kay Kuta Lucian, Ate Adhira, Guia at Xavier.
"Syempre naman po!" Maligalig at sabay na saad nila Ate Adhira, Guia at Xavier.
"Ako hindi na, magpapahinga na ako." Wapang emosyon na saad naman ni Kuya Lucian, jaya naman umakyat na kaming dalawa.
"Sure kayo?" Pahabol na tanong pa ni Guia saamin ni Kuya Lucian.
"Sure." Sagot ko naman.
"Sure." Sagot din naman ni Kuya Lucian.
Sabay na kaming umakyat, naghiwalay naman kami ng makarating na kami sa aming kanya-kanyang kwarto. Binuksan ko naman agad ang aking kwarto at pumunta sa banyo upang gawin ang aking night routine, nang makalabas na ako ay umakyat muna ako saaking kama at umupo upang manalangin...
Katapos kong manalangin at humiga na ako at pumikit.
"Kailangan kong magpalakas, masyado pa akong mahina." Nasaad ko naman at unti-unti ng kinain ng dilim ang aking pangin at nakatulog na...
...
SOMEONE'S P O.V
"Magkikita na rin tayo sa wakas, reinkarnasyon ng aking anak. Magkikita na rin tayo, Kali." Saad ng isang tinig na nagmamasid lang sa isang banda ng Mundo da Fantasia...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Para naman maka-usap niyo ako ng matino para sa mga updates sa mga story ko, you can add me on facebook, search niyo lang po ang "Dandiv" naka-one name po ako ngayon thanks.
END OF REINCARNATED BOOK#01...
[REINCARNATED BOOK#02...]
"THE INSURRECTION OF PROPHECY"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top