CHAPTER 66: LEADERSHIP

LEADERSHIP...

KALI'S P.O.V


Kasalukuyan na ngayong nasa loob na ako ng Classroom, naka-upo pero ayaw ko ng umiglip dahil baka makatulog na naman ako ng tuluyan at ipahiya na naman ako ng Aprisentador kong mahilig mamahiya.

Kaya naman nakipag-chikahan nalang ako sa dalawang lalaking nasa harapan ko tutal ay halos sila lang dalawa ang nagdadal-dalan so join nalang si me para iwas antok.

"Hey, ano nga palang nakuha niuong Bosom Fera kahapon?" Tanong ko sa kanilang dalawa na nagpabigla sa kanila, wait kahit kaklase ko ang mga ito ay hindi ko parin alam pangalan nila hahaha.

"Ah, eh ang nakuha ko ay nahngangalang "Nori, The Kappa" ito oh, "APPEAR!" Saad ng walang salamin sabay palabas ng kanyang Bosom Fera at doon ko nakita ang isang pagong na may kamay at paa, pero infer ang Cute.

"Medyo creepu siya pero ang cute niya grabe, pwede ko ba siyang hawakan?" Saad ko, tinanguan naman ako ng walang salamin na guy, at agad ko namang hinawakan ang ulo ni Nori at hinimas-himas ito.

"Ang nakuha ko naman ay nagngangalang "Lone, The Moon Calf" ito oh "APPEAR!" Saad naman ng merong salaming lalake, doon naman lumabas ang isang nilalang na may malalaking mata, may kulay grey na kulay ng katawan at mahabang leeg, ngunit maliit lang ito na siguro ay kasing height lang ng tuhod ko, Omo! Ang cute niya.

"Maari ko ba siyang kargahin?" Tanong ko na tinanguan naman ni nakasalaming lalake.

"Siya nga pala, sorry ah, pero di ko kase matandaan ang pangalan niyo, pwede ko bang itanong ang pangalan niyo hehehe" Nahihiyang tanong ko sakanila na nagpalag-lag sa panga nila.

"Weh? Di nga? Diba nag introduce your self na tayo?" Tanong naman ni nakasalaming guy.

"Ah makakalimutin kase ako sa mga pangalan pasensya na hehehe" Nahihiyang saad ko, pero sa totoo lang ni sa alala ay hindi ko alam ang name ng dalawang to hahaha, nagbuntong hininga naman sila.

"Ah ang pangalan ko ay Amilry Buena Voco, but you can call me Am, Ami, or Riri" Pakilala naman ng nakasalamin saakin, wews ang cute ng pangalan niya.

"Okay, Riri"

"Ako naman si Lincoln Buena Voco, but you can call me Lin, Con, or Col" Pakilala naman nung walang salamin na guy, so judging by their last name ang magkapamilya siguro ito.

"Okay, Con, Oh so magkapatid ba kayo? Kase parehas kayo ng lastname eh" Tanong ko naman habang hinihimas-himas ang ulo ni Lone, ang dulas kase ng ulo niya ang sarap himas-himasin, wag green minded, yan yung Bosom Fera ni Riri yan, yung nakasalamim na guy.

"Weh? Di mo din alam kung anong status namin sa isa't isa?" Tanong naman ni Con, kaya naman umiling ako, na nagsasaad hindi ko alam.

"Mag-asawa kame noh hahaha, bale ang kinuha naming lastname ay ang last name ko dahil kabilang sa mga Noble ang Family ko" Paliwanag naman ni Riri na nagpanganga saakin, wow another same swx couple nawa'y lahat hahaha.

"Di ka ba mandidiri o maiilang saamin?" Tanong naman ni Riri na ikinangiti ko.

"Bakit mo naman nasabi yan?" Natanong ko naman.

"Kase lahat ng Fantasian ay hinuhusgahan kami sa pinili naming landas, which is ito nga na magsama kahit na parehas kami ng kasarian" Malungkot na paliwanag ni Con, bumuntong hininga naman ako.

"Alam niyo, Con at Riri, meron akong kapamilyang ganyang din ang status, Kuya ko pa nga at kaibigan ko ang may status na ganyan, atsaka bakit ko naman kayo pandidirihan, walang may karapatang humusga sainyo dahil sa pinili niyo ang ganyang landas, wala silang karapatan yan ang tandaan niyo, pinili niyo lang naman ang landas kung saan alam niyong sasaya ang sarili niyo, kaya walang karapatan ang mga humuhusga sainyo na pandirihan kayo noh!" Masayang paliwanag ko sakanila na ikinangiti naman nila.

"Friends?" Tanong ni Con.

"Friends! Hali nga kayo dito ng mayakap ko kayo" Masayang saad ko sabay yakap sa dalawa, sakto namang bumukas ang pinto at doon ay iniluwa niyo si Señor Antenor, kaya naman naghiwalay na kami sa pagkakyakap at bumalik na saaming kanya-kanyang upuan.

"Bom Dia, Irisian!" Sigaw naman ni Señor Antenor ng nakarating na siya sa gitna, tumayo naman kami bilang pagpapakita ng galang.

"Bom Dia, Señor Antenor" Balik na bati naman namin sa Señor.

"Pakilabas ang Overall niyo, hanapin ang quiz mode at pindutin ito, tapos markahan ang inyong sample quiz sheet ng 1-500!" Sigaw naman nito na ikinagulat namin, like what the fuck! Halis kahapon lang siya nagturo tapos quiz agan ng 1-500 masyadong malaks ang tama ng Aprisentador na ito ah, nag-ingay naman ang buong klase dahil sa sinabi niya.

"QUIET! Dapat kase ay nag-advance reading na kayo, kaya sa ayaw at gusto niyo ay sisimulan ko na ang quiz, NUMBER 1!" Sigaw ni Señor Antenor, kaya naman nagsitahimik ang mga kaklase ko, ang iba ay nagpanic naman at kinuha agad ang kanilang Overall, kung saakin walang problema ang 1-500 hahaha buti nalang at mahilig ako sa history at nagbasa-basa ako hahaha.

"1. Who is the Founder of 5 Sentries"

"2. Who is the Ancient King of Dark Continent?"

"3-"

"Wait Señor, sana naman bigyan niyo ng time lap bawat questions" Sabat naman bigla ni Princess Shaine.

"Why should I?" Walang ganag sagot ng Señor Antenor kay Princess Shaine.

"3. Who is the first undead" Saad niya sa number 3, pota di niya naman tinuro yon ah, pero buti nalang nag-advance reading ata to.

"4...."

.....

Ilang oras pa ang lumipas ay natapos narin si Señor Antenor na magpa-quiz.

"Okay, pass your Overall" Mando niya saamin kaya naman agad na naming ipinassa ang mga Overall namin.

"Kinakabahan ako, wala akong answer sa ibang mga item" Saad naman bigla ni Riri nang humarap ito saakin.

"Ayos lang yan, ang importante ay sinagutan mo ang iba" Pagpapaluwag loob na saad ko dito kaya naman ngumiti nalang ito.

"So, ilalabas ko na isa-isa ang score niyo dahil kakatapos lang i-compute ng overall ang mga ito" Saad naman ni Señor Antenor saamin, shit ilan kaya scire hahaha bahala na si batman.

"Antenor, Amanda- 489/500, pasado!" Nakangiting saad ni Señor Antenor sa anak, yes anak, anak siya ni Señor Antenor, at siya din ang babaeng pinag-tripan ako sa first day of class.

Ambeo, Seleno- 301/500 bagsak!-

"Señor bagsak po ba yung naka-300 na score ka?" Saad naman nung natawag kanina.

"Yes" Sagot niya at ipinapatuloy ang pagtawag hanggang mapunta ito sa letter B, kung saan naka-grupo ang apelido nila Con at Riri.

"Buena Voco, Amelry-450,/500, pasado" Saad naman ni Señor Antenor kaya naman napangiti si Riri dahil dito.

"Buena Voco, Lincoln-430/500, pasado" Saad naman ni Señor Antenor na nagpangiti din kay Con, kaya naman nag-apir solang mag-asawa, shit ang cute lang na parang barkada niya lang asawa niya.

Tumawag pa ng mga apelido at pangalan si Señor Antenor...

Hanggang sa malapit na sa Letter P ang tatawagin niya dahil na sa letter Q na siya ngayon, hanggang sa...

"Picosa, Sephtis- What?! Nandaya ka noh?!" Galit na sigaw saakin nito na ikinabigla ko, wait ano daw?

"Excuse me?!" Nakataas na kilay na saad ko sakanya.

"Bakit ganito ang score mo? Sabihin mo na habang maaga pa kung nandaya ka para hindi na bumugat pa ang kasalanan mo!" Galit na sigaw nito saakin.

"First of all, bakit ako mandadaya sa pinaka-basic na quiz mo? Isa pa, hindi ako ang nandadaya, may nakita nga ko kanina na sumisilip-silip sa maliit na papel niya, pero di mo binabawalan kahit nakikita mo dinam siya" Chill na saad ko dito, nakita ko namang pumintig-pintig ang ugat niyo sa ulo na nagangahulugang mas nagalit ko siya.

"Sinasabi mo bang mandadaya kami ng anak ko?!" Sigaw nito saakin at nagpalabas nalang bugla ng Death Aura.

"AHHHH!" Hiyaw naman ng mga kaklase kong naapektuhan nito, pero saakin ah wala lang ito.

"May binanggit ba akong pangalan? Halatang guilty ka at pwede ba, maging professional ka naman, di mo ba nakikita na naapektuhan na ang mga estusyante mo sa pagpapalabas mo ng Death Aura? Baka kapag napikon ako at ako ang maglabas ng Death Aura ay lumuhod ka saakin at magmakaawang utigil ko na HAHAHA" Mahabang salaysay ko sakanya sabay tawa, nakita ko namang napapikit ito sa sobrang inis, ngunit naramdaman ko namang ibinaba nito ang Death Aura na inalalabas ng katawan niya.

"GET OUT!" Sigaw naman nito saakin na nagpatawa naman aaakin.

"HAHAHAHA, Bakit ako ang dapat umalis, baka nakakalimutan mo kanina pa tapos ang oras ng pagtuturo mo, nararamdaman ko ngang may naghihintay sa labas eh, siya na siguro ang susunod naming Aprisentador, kaya ikaw dapat ang umalis, GET OUT!" Sigaw ko din sakanya, akala niya ba masisindak niya ako.

"AHHHH!" Sigaw ni Señor Antenor sa sobrang inis.

"Follow me at the Diretora's Office!" Sigaw nito, pero di naman ako tumayo sa upuan ko.

"Why should I?" Chill na tanong ko.

"Desavergonhado!" Sigaw niya saakin at akma sana ako nitong sasampalin ng biglang bumukas ang pinto.

"SEÑOR KARL ANTENIR! WHAT DO YOU WANT TO DO WITH YOUR STUDENT?!" Sigaw ng babaeng may kulay white ang buhok ngunit maganda ang mukha at ang hibog ng katawan, mga nasa 6'7 ang tanggkad nito, napatigil naman sa balak si Señor Antenor at humarap sa babae.

"T-Triste Head Aprisentador Nikimi" Paghingi ng tawad ni Señor Antenor sa babae, so sa palagay ko ay mas mataas ang katayuan ng babaeng kaharap namin ngayon dito sa Academy.

"Sige na lumabas kana at ako na ang magtuturo sa mga studyante, kanina pa ako nag hihintay sa labas, hays napakatagal" Walang ganang sagot ng babaeng tinawag ni Señor Antenor na Head Aprisentador Nikimi.

"Sige po, let's call it a day, Irisan, Bom Dia" Paalam nito sabay nagpahapyaw ng masamang tingin saakin.

"Meet me at the Diretora's Office" Saad nito habang nakatingin ng masama saakin, sabay labas.

"Okay, so this is our first encounter right? Let me introduce my self okay, I'm a Head Aprisentador hera in Campo de Iris Academy, meaning I'm one of the leader that leads the new Aprisentador, my name is Nikimi Arifueta, you can call me Señorita Niki, and I will be your Language and Enchanments, my Hold is called Portal, I can make a portal that can transport many people in one place" Pakilala niya naman saamin, grabe ang useful maman ng Hold niya.

"No need to introduce yourself, because I have a classbook, kung saan mababasa ko ang inyong mga pangalan, so simulan na natin ang klase" Saad naman nito.

"So ang gagawin natin ngayon ay simple lang, kailangan niyo lang palabasin ang Ring of Hold niyo within this day, kung sino man ang makagawa non ay plus 5 in every quizes and activity" Pilyang ngiting saad ni Señorita Niki, nagkagulo maman ang klase dahil doon, nakita ko namang nagtaas ng kamay si Prinses Shaine.

"Yes, Princess Shaine" Saad naman sakanya ni Señorita Niki.

"Señorita, hindi po ba masyado namang mahirap ang ipinagagawa niyo saamin, ang alam ko po kase para mapalabas ang Ring of Hold ay nangangailangan ng maraming panahon para mapalabaa iyon hindi po ba? Honestly wala pa po saaming mga Royalties ang kayang magpalabas non, dahil masyado daw pong dilekado kung subukan namin" Paliwanag naman ni Princess Dhaine na nagpanganga saakin, like what the- grabe, ganon pala talaga kabirap palabasin ang Ring of Hold, buti nalang at na-train na kami ni Nay Aurelia, ah so akala ba ni Señorita Niki ay walang may kayang magpalabas non hahaha kaya pala ang gara ng benifits, ma-try nga matagal-tagal naring hindi ko napapalabas ang Ring of Hold ko hahah.

"Ah ganon ba, wala bang nais sumubok? Sayang naman ang benifits na makukuha niyo, sige darag-dagan ko pa ng 100,000 gold ang makukuha ng kung sino man ang makapagpapalabas nito, magtaas lang ng kamay ang gustong sumubok Hahaha" Pilyang saad naman ni Señorita Niki, hahaha sige lang Señorita, nagtaas naman lahat kami ng kamay, ba ang dami mo na kayang mabibili doon sa 100,000 gold na iyon.

"Sige, maari na kayong sumubok, ngunit pagkatapos ng time ko kapag wala paring nakagawa ay walang makakatanggap ng benifits hahaha" Pilyang saad naman nito, nag-smirk naman ako, maglaro nga muna ako haha, kapag hanggang mamayang last hour ay walang nakapag-palabas ng Ring of Hold.

Kaya nagsimula ng mag-concentrate ang mga kaklase ko...

Lumipas ang ilang oras at isang oras nalang ay matatapos na ang time ni Señorita Niki, so it showtime hahaha char.

"So mauuna na ako sainyo dahil may aasikasuhin pa ako, at dahil walang-"

"Wow" Nasaad nalang Aprisentador at mga kaklase ko ng palitawin ko ang Ring of Hold ko, pero di ko expect na ganito pala ang iysura ng Ring of Hold ko, grabe kita ko ngayon ang repleksyon ko sa salamin ng pintana.

"Señorita Niki, nagawa ko po!" Masaya at gulat-gulatang saad ko kay Señorita Niki, kita ko namang napalunok ito ng laway, at hindi makapagsalita hahaha, lagot ka ngayon hahaha.

"Makukuha ko na po ba ngayon ang 100,000 gold?" Naka-ngising tanong ko dito, na nagpabalik sa kanyang wisyo.

"Oh, uhm diba pupunta karin sa Diretora's Office mamaya? So doon ko nalang din isasabay yung 100,000 gold, sige Let's call it a day, Bom Dia" Saad nito sabay nagpaalam lumabas, nagulat naman ako ng makita kong nakatulalang nakitingin saakin ang mga kaklase ko, kaya naman tumingin ako sa aking repleksyo gamit ang salamin ng bintana ay doon ko naaninag ang aking Ring of Hold na hanggang ngayon ay di ko pa naalis hehhe, kaya naman, agad akong pumikit upang isiping mawala ito, kaya naman ng kabukas ko saaking mata, tumingin ako agad doon sa salamin at nakita ko na wala na ang Ring of Hold ko kaya naman upo n ako.

"THIS IS SO UNFAIR!" Sigaw nalang bigla ni Princess Shaine, sabay padabog na umupu at sumukob sakanyang upuan, kaya nakiha nuto ang pansin ng iba pero tumingin na naman saakin napara bang may gusto silang itanong.

"Kung itatanong niyo kung paano ko nagawa iyon ay hindi ko din alam" Pangunang saad ko sakanila, pero nakuha lahat ng pansin namin ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang matandang lalaki na may red na magulong buhok, nakasalamin din ito, at naka suot ito ng lab gown.

"Bom Dia, Ako nga pala si Aprisentador Molec Cular, pwede nyo akong tawaging Señor Mol at ako ang magiging Aprisentador niyo para sa subject na Elixirlogy, ang Hold ko ay tinatawag na Atom Hold" Saad naman nito habang inaayos-ayos ang nalalag-lag lag-lag niyang salamin.

"Wala ng magpapakilala ah, basta kapag nagtaas kayo ng kamay ay sabihin niyo lang ang name niyo" Paalala pa ni Señor Mol.

"So any Idea kung ano ang Elixirlogy?" Tanong nito, nagtaas naman ng kamay si Con.

"Yes" Turo naman ni Señor Mol kay Con, kaya tumayo naman si Con.

"My name is Lincoln Buena Voco, ang Elixirlogy ay galing sa dalawang salita at ito ay ang Elixir, means "Chemical/Potion" at Logy, means "To study" so ito po ay pag-aaral tungkol sa mga chemical at potion, ayon po sa nabasa kong may pamagat na "Book of Elixirlogy" ay nabuo daw ang subject na ito dahil sa mga Undead sa Necropolis" Mahabang paliwanag naman ni Con na nagpalib saakin kaya ng umupo siya ay pinuri ko siya.

"Talino ah" Bulong ko ng maka-upo siya, napakamot naman siya sakanyang batok at tiala ba ay nahihiya.

"Correct Mr. Buena Voco" Compliment naman ni Señor Mol kay Con.

" Elixirlogy, tama ang binanggit kanina ni Mr. Buena Voco na galing sa dalawang salita ang Elixirlogy at ito ay ang Elixir, means "Chemical/Potion" at Logy, means "To study" so siguro naman nag ka-idea na kayo ano, pero ayahan niyong ipaliwanag ko pa ang history ng Elixirlogy, sinasabing ang mga Undead ang gumawa ng Elixirlogy, dahil sa kadahilanang gusto nilang maging normal na Fantasian, kaya naman nagsalik-sik sila ng nagsasalik-sik ng walang tigil, kaya naman nakakagawa sila ng iba't ibang gamot at potions dahil doon, gumagawa lang sila ng gumagawa ng paraan at nagsasalik-sik lang sila ng nagsaliksik, bgunit isang araw ay nabalitaan ng mga kaharihan ang ginagawa ng mga Undead kaya naman pinapunta nila ang pinuno ng mga Undead sa Court of Kingdoms at pinilit na ipaliwanag kung anong mha pinanggagawa ng mga ito, isnalaysay naman ng pinuno ng mga Undead ang mga pinaggagawa nila, namangha naman ang ibang kaharihan sa nga tinuran ng pinuno ng mga Undead, hanggang napagpasyahan ng mga kaharihan na subukan ang mga ginawang potion at gamot ng mga Undead, maganda naman ang naging epekto ng mga ito, kaya nag desisyon ang mga kaharihan na bigyan ng sapat na pondo ang mga Undead upang mapayabong panila ang pagsasalik-sik ng mga ganitong bagay, na tinawag na Project Elix, fi nqglaon ay mas naging matagumpay ang mga Undead sa pagsasalik-sik ng mga gamit at potions na ikinatuwa naman ng mga kaharihan kaya naman bumuo ng irganisasyon anv mga kaharihan na tinawag na "Institute of Elexirlogy and Chemical Studies" pero kahit na malayo na ang natamasa ng mga Undead ay hindi parin nila mahanap ang potion o gamot na magpapabalik sa kanila sa Normal na Fantsian, kaya naman napagdesisyunan nilang ituro ang mga nalalman nila sa mga bagong henerasyon which is kayo, upang matulungan din silang mahanap ang tamang formula para doon" Mahabang kwento ni Señor Mol na nagpabilb na namansaakin, gosh I love history.

"So mga Irisian, yan muna ang lesson para ngayon, announce ko lang na wala muna pala kayong kalse sa Feralogy at sainyong Combat Training dahil pupunta kayo sa capital ng Casa de Luz upang bumili ng mga gamit para sa Elixirlogy at para sa sarili niyo, bibigyan kayo ng tig-500 gold as allowance ng Campo de Iris Academy upang magkaroon kayo ng budget para sa Elixirlogy, at another 1,000 gold naman para makabili ng pang-sariling panganagilangan niyo, si i-take note niyo muna ang mga kailangan niyong bilhin para sa mga potion na gagawin niyo saga susunod na klase natin, ito ang mga list" Saad naman ni Señor Mol sabay labas ng projector at doon nakasulat at naka-numbering ang lahat ng sangkap na kailangang bilhin, ano ang total ng bibilhin namin, uh total of 1,000 items lang naman.

"Señor Mol, ako po si Sephtis Kali Picosa, itatanong ko lang po sana kung kasya po ba ang 500 gold para sa lahat ng mga sangkap na iyan?" Tanong ko naman sa Señor.

"Nak, budget is the key" Saad niya kaya naman hindi na ako sumagot, buti nalang pala merong pa-prize kanina si Señorita Niki hahaha, may 100,000 gold si ako hahaha.

Nag-umpisa na kaming mag-sulat gamit ang Overall...

...

Lumipas ang ilang oras ay biglang tumayo si Señor Mol at pinatay ang projection, sakto naman akong natapos magsulat.

"Okay, let's call it a day, Boa Tarde, take you lunch" Paalam nito sabay lakad palabas ng room, di man lang hinintay na tumayo kami at mag paalam din.

"Uyyy Kali, di ka pa ba sasabay saamin?" Tanong naman ni Riri.

"Sige mauna na kayo, ayaw kong makipagsik-sikan" Saad ko naman.

"Sige, paalam mauna na kami" Paalam naman nito, tumango naman ako nag "bye-bye gesture" tuamlikod naman ang dalawa at lunakad na palabas, nanatili lang akong umupo at nakatingin sa labas ng bintana kung saan makikita ang mga estudyanteng papunta na ng Canteen, naisip ko tiloy ang sinabi ng Head Priest saamin ng guia na nakita niya daw kami sa pangitain niya na mamatay daw kami, at naisip ko din ang binitawan niyamg katagang "Demon once an angel, so be careful with who you trust" hays kaka-bother.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tumayo narin ako at naglakad palabas ng masiguro kong wala ng mga tao, ngunit ng marating konna ang pinto at pihitin ito ay hindi ko na naman mabuksan, fuck! Sino kayang gumagawa nito, tatlong araw na akong nasasaraduhan ng pinto ah,quick step nalang nga ako sa likod ng canteen.

Kaya naman pumikit ako at ginawa na ang quick step....

...

Ilang saglit lang ay idinilat ko na ang mga mata ko at nakita konna ang CR dito sa likod ng canteen, pumunta naman ako agad sa harapan ng Canteen...

Nang makapunta na ako sa harapang pinto ng Canteen ay doon naman hinanap ng aking mga mata ang grupo...

Ilang saglit lang ay nakita konnamang kumakaway sa gawi ko si Soliel, kaya naman agad akong lumapit sa gawi nila ngunit nakita ko naman na nasa tabi lang pala ng pwesto ng mga kaibigan ko ang mga Royalties, gosh, I hate it, umupo naman ako sa tabi ni Soliel.

Ang pwesto ng grupo ngyon ay ganito.

Guia, Kuya Lucian, Lilith, Ate Adhira

T.A.B.L.E I.N C.A.N.T.E.E.N

Xavier, Soliel, Ako (Kali)

...

"Oh kali, ina-announce naman siguro sainyo na lalabas tayo para mamasyal!" Masayang turan ni Ate Adhira saakin.

"Opo Wte mai-announce po" Sagit ko naman.

"So bilisan na nating kumain!" Masayang Saad naman ni Guia.

"Atat ka ses? Hahah" Natatawang saad ko naman dito.

"Slight lang hahaha" Sagot naman ni Guia.

"Galit-galit muna" Saad naman ni Ate Adhira sabay subo ng gulay sa bibig, natawa naman kami kaya naman nag-umpisa narin kami sa pag-kain...

...

Ilang oras ang lumipas ay tapos na kaming lahat sa pag-kain...

"Oh ano tara na ba?" Tanong naman ni Ate Adhira.

"Maya nalang ate, hintayin na nating mauna ang iba para di na tayo makipag-sisikan" Suhesyon naman ni Soliel.

"Sige-sige good Idea" Saad naman ni Ate Adhira.

"Shit! Pupunta pa pala ako sa Diretora's Office" Saad ko ng maalala ko yung mga appointments ko haha char lang yan siyempre.

"Bakit ano bang kailangan mo doon?" Tanong naman ni Ate Adhira.

"Wala naman, sige punta na ako, huwahmg niyo na akong samahan hintayin niyo nalanga ko diyan" Saad ko naman sakanila, sabay takbo papunta sa direksyon ng Diretora's Office....

...

Ilang minuto lang na paglalakad ko ay nandito na ako sa harap ng Diretora's Office...

Kumatok na ako ng tatlong beses bilang Pagpapa-alam na may Fantasian sa labas, bigla naman itong bumukas at doon nakita ang Diretora na kausap sila Señor Antenor at Señorita Niki.

"Ayan siya Diretora, siya ang tinutuloy kong, Desavergonhado na nandaya!" Galit na saad nito sa Diretora habang dinuduro-duro ako.

"Kalamayin mo ang iyong loob, Kalr Antenor, isang mag-aaral lang iyan, huwag kang magsisigaw ng ganyan" Saad ng Diretora kay Señor Antenor.

"Ikaw naman Kali, totoo ba ang sinasabi ng iyong Aprisentador?" Tanong ng Diretora saakin.

"Wala po akong alam sa sinasabi niya, never akong nandaya lalo na sa mga walang kahirap-hirap na quiz, alam niyo po bang hindi manlang niya sinabi saakin ang score ko, kaya wala talaga akong alam sa mga pinaparatang niya saakin" Paliwanag ko naman sa Diretora.

"Totoo bang hindi mo man lang sinabi kay Kali ang score niya? Ilan ba ang nakuha niyang score?" Tanong naman ng Diretora kay Señor Antenor.

"P-Perfect scorer siya, nakuha niya ang 500 items/500 items na quiz na ibinigay ko" Paliwanag naman ni Señor Antenor na nagpanganga saakin, like what the fuck, pagkakamalan ngang nandaya ako dahil sa score na nakuha ko lalo na at wala mang masyasdong discussion.

"What! Paano mo nabigay sa mga estudyante ang ganong karaming item?" Tanong naman ng Diretora kay Señor Antenor.

"Nagpa-advance quiz po ako kaua ganon, pero hindi po ba nakakapagtaka ang score niya?" Tanong naman ni Señor Antenor sa Duretora.

"Hindi naman, tandaan mo Karl Antenor na may mga tao talagang sadyang magaling tulad ni Kali, kaya huwag mo sanang pah-isipan nh ganyan ang mga istudyante mo" Sermon ng Diretora sakanya.

"Pero para mapayapa ang iyong loob ay iappasuri natin siya kay Emy, Nikimi, maari mo bang sunduin si Emy?" Saad naman ng Diretora sabay utos kay Señorita Niki, agad namang gumawa ng butas sa hangin ang Señorita at pumasok doon, ilang saglit lang ay kasama niya na ngayon ang isang babae na may puying buhok, pero medyo petite ito.

"Bakit niyo po ako pinatawag Diretora?" Tanong naman ng babaeng kasama ni Señorita Niki.

"Emy, nais kong siyasatin mo ang batang iyan kung nagsasabi siya ng totoo sa mg asagot na isasagit niya sa nga katanungan ko" Paliwanag naman ng Diretorsa sakanya na tinanguan naman ng babaeng nagngangalang Emy.

"Kali nandaya kaba sa quiz niya kanina?" Tanong ng Diretora saakin, sumeryoso naman ang aking mukha.

"Hindi po" Simpleng sagit ko naman.

"Anong resulta Emy?" Tanong ng Diretora.

"Hindi siya nagsisinungaling Diretora" Sagot naman nito kaya naman lumuwag ang pakiramdam ko.

"Ayan ah Antenor, narinig mo si Emy, never nagkamali ang Sensor Holder, sige maari na kayong lumabas nang makapagpahinga kana" Daad naman ng Diretora kaya naman tumayo na si Señor Antenor at lumakad na paalis, lalakad na rin sana ako ng pigilan ako ni Señorita Niki.

"Ah Kali, kailangan kong ibigay pala saiyo ito, ito ang magsisilbing Golden Card mo na naglalaman ng 100,000 gold" Saad saakin ni Señorita Niki, sabay abot ng isang kulay gold na card.

"Salamat po" Nakangiting pasasalamat ko, nginitian naman ako ng Señorita, katapos ang naglakad narin ako palabas ng Office.

Nang makalabas na ako ay agad akong tumakbo papunta sa mga kasamahan ko...

...

Ilang minuto lang aya narating ko na ang Canteen, wala nang masyadong mga fantasian, marahil ay nasa pamilihan na ang mga ito, kita ko namang nasa labas na sila ng pinto ng Canteen kaya naman dali-dali akong lumapit.

"Oyyy! Let's go na!" Sigaw ko habang papalapit ako sakanila.

"Tara na!" Sigaw din naman ni Ate Adhira.

"So guys tara na" Saad ko ulit ng tuluyan na akong makalapit sakanila, atasaka naman kami lumakad papuntang Gate ng Campo de Iris Academy para siyempre lumabas.

"Uyy Kuya ano ginawa mo kanina doon?" Tanong naman ni Guia saakin habang naglalakad kami

"Secret haha" Saad ko naman savay tawa, maya ko nalang ikwento sakanila kapag nasa may Restaurant na kami wow haha di ko nga alam kung neron restaurant dito haha basta wala ako gana mag kwento, excited na akong pumunta sa labas ulit hahaha

"Ayy ganern" Malungkot na saad naman ni Guia jaya napasamid naman ako.

"Maya nalang, kwento ko lahat hahaha" Saad ko naman kaya unaliwalas naman ang mukha ni Guia, sa wakas ay naka labas na kami sa Campo de Iris.

"Quick step nalang tayo?" Tanong ko sakanila.

"Huwag, nam-namin muna natin ang kalikasan haha" Saad naman ni Soliel.

"Sige, gamit nalang tayo ng Ring Map" Saad ko naman sabay labas ng Ring map ko.

"Centro of Casa de Luz" Saad ko sa Ring Map at doon ay may lumitaw na arrow na nagtuturo ng daan, sinundan lang namin.

"DAPA!" Sigaw ko sa mga kasamahan ko ng makita ko sa aking Short Vision na may papatamang bola ng metal saamin, agad naman nila itong sinunod at timama naman ang bola ng metal sa isang puno na nahpatumba dito.

"HAHAHA galing buti naman at nakaiwas kayo HAHAHA" Tawang Demonyong saad naman ng pamilyar na boses, kaya naman napatingin kami sa likuran namin at doon namin nakita ang tatlong nilalang na may suot na maskara at naka-kulay black na cloak.

"Mga Pesso Doble" Nasaad ko nalang.

"Woah natatandaan mo pala kame haha, what a privilege, Kali hahaha" Saad naman nito sabay tawa, what paano ako nakilala nito ey nung magkaharap kami ay halos sila Rhys lang ang nag-usap.

"Paano mo ako nakilala?" Tanong ko dito.

"Simple lang" Saad niya saba dahan-dahang tinanggal ang mask niya at doon ko nakita ang nukaha niya na nagpa-gulat saakin.

"Dahil classmate tayo Hahaha, remember me?" Tanong naman ng lalaking itinuring kong kaibigan kanina lang, at iyon si Lincoln.

"Bakit, Lincoln? Alam ba ito ni Riri?" Tanong ko.

"Oo naman" Sagot naman ng isa pang nakamask at ng tanggalin niya ito ay doon ko nakita ang itsura ni Amailry.

"Bakit kayo nagka ganito?" Tanong ko naman sakanila, nagulat nalang ako ng sabalin ako ni Soliel at galit na lumapit sa mga ito.

"Soliel! Anong gagawin mo huwag kang lumapit sa kanila!" Sigaw ko naman kay Soliel pero patuloy parin ito sa paglapit, ngunit nabigla nalang ako ng makalapit na ito sa dalawa ay tumawa lang ito ng tumawa.

"HAHAHAHA" Tawa ni Soliel.

"B-Bakit ka tumatawa Soliel?" Tanong ko naman.

"Magaling aking mga alagad" Saad naman ni Soliel na nagpagulo saakin.

"Anong ibig sabihin nito Soliel?" Natanong ko nalang.

"HAHAHA Bobo ka ba Kali, diba Obvious, isa ako sa mga Pesso Doble, at Hahah ako ang kanilang pinuno" Saad ni Soliel...

...

Desavergonhado- Walang hiya/ Makapal ang mukha

Sorry sa matagal na update, hope you like it, enjoy
( ◜‿◝ )♡

Don't forget to Vote, Comment your feedback, and Share my story
( ╹▽╹ )

ɢᴏᴅsᴘᴇᴇᴅ ᴋʏᴜʙɪᴇs ( ˘ ³˘)♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top