CHAPTER 64: HEARD
KALI'S P.O.V
So nandito na nga kami ngayon sa harap ng pinto ng aming Dorm Room, lumapit na nga kami at kumatok na si Guia para ipaalam na may tao dito sa labas, di ko ko kase dala yung card na makakpagbukas dito, lagi kong nakaklimutan yon eh haha.
Ilang saglit pa ay nakita na nga naming gimalaw na ang pinto na nangangahulugang may nilalang nang nagbubukas dito.
Ilang saglit pa ay iniluwa nito ang mukha ni Soliel, kaya naman agad namin itong nginitian.
"Oh nandiyan na pala kayo, alam niyo bang kanipa namin kayo hinihintay? Dyusme halos magga-gabi na ah" Saad naman saamin ni Soliel kaya naman nasamid ako sakanya, parang nanay lang hahaha.
"Wow Soliel di naman kaming na-inform na ikaw na pala ang aming adopted mother hahaha" Pagbibiro ko naman sakanya, si Guia naman ay wala lang kibo na nakikinig saamin, hays, hirap talagang kumbinsihing umarte ng babaeng to.
"Sige una na ako" Walang ganang saad ni Guia sabay lagpas saamin.
"Ano Problema non?" Tanong naman ni Soliel.
"Wala baka na pagod lang kaninang makipag-commitment kami saaming sariling Fera" Palusot ko naman kay Guia, potek sa ka-immaturan ng babaeng iyon ay maari pang mabulilyaso ang aming plano.
"Uyy Kali, matanong ko lang, kumista na pala ang pagmamanman niyo kay Lilith? Di na kase kayo ni Xavier nakakapagbigay ng information saakin eh, ano meron na bang konting hint?" Tanong saakin ni Soliel.
"Wala pa naman akong nakikitang masamang ginagawa niya, magaling siyang magtago ah" Sagot ko naman kay Soliel.
"Ah ganon ba? kailangan pa nating mas man-manan si Lilith ng mabuti, pero pansin ko lang ah Kali, bakit parang okay na kay Xavier ang lahat?" Takang tanong saakin ni Soliel.
"Ah ganyan lang talaga si Xavier, madaling mag-patawad yan" Sagot ko naman kay Soliel.
"Di ba dapat galit oarin siya hanggang ngayon, ang tanga lang ni Xavier sa part na yon" Inis na saad niya kaya para bang nag-pantig ang tenga ko sa sinabi niya.
"Excuse me? Teka nga lang bakit ba gustong-gusto mong magalit si Xavier ah? May I know the reason? At isa pa ano bang malu kung nag-papatawad ang isang Fantasian ng mabilisan ah?" Inis at sunod-sunod na tanong ko kay Soliel, kita ko naman ang pagpa-panic sa mukha niya.
"Ah eh wala lang, siyempre friend ko si Xavier kaya nasabi ko yon hehehe nag-aalala lang ako" Kinakabahang saad niya saakin kaya naman napataas ako ng kilay.
"Oh bakit ka kinakabahan?" Taas kilay na tanong ko kay Soliel, di naman ito kumibo, ayy leche yung plano nga pala, masyado akong nadala sa emosyon ko.
"Hahaha, it's a prank, tara na nga sa loob" Natatawang saad ko kay Soliel kaya naman ngumiti na ito.
"Ayyy potek ka Kali akala ko pa naman talagang pinapagalitan mo na ako hahaha" Natatawang saad niya kaya anman lumuwag narin ang pakiramdam ko, muntik na yon ah.
"Galing ko bang um-acting? Hahaha yara na nga sa loob, uyy siya nga pala anong nakuha niyong Bosom Fera?" Nakangiting tanong ko naman dito.
"Hays plano nga naming sabihin sainyo ngyong kauwi nyo kaya punta na tayo doon sa sala, tignan mo nag hihintay na ang iba saiyo, ano pa kaseng alam mong acting-acting nayan hahaha" Natatawang saad ni Soliel saakin kaya naman kumanot nalang ako sa aking batok.
"Etits! Na-miss kita!" Over Acting na sigaw ni Ate Adhira nang makalapit ako sakanya, sabay yakap.
"Ang OA mo naman Ate, para namang mamatay kana hahaha" Pabirong saad ko sakanya, humiwalay naman ito sa yakap at nag-pout, hahaha ang cute mag-pout ni Ate Adhira di tulad ni Guia hahaha.
"Grabe kanman saakin Etits, di ba pwedeng na-miss lang talaga kita?" Tampu-tampuhang saad nito saakin kaya naman napatawa kaming lahat ng grupo, pwera siyempre kay Kuya Lucian.
"Oy Etits ikaw na lang tatanungin ko kung anong Bosom Fera ang nakuha niyong dalawa ni Guia, ayaw kaseng sabihin ni Guia saamin kung anong nakuha niyo" Seryosong saad ni Ate Adhira saakin kaya naman napasamid ako dahil doon.
"Sige sasabihin ko pero dapat una muna kayong mag-sabe kung anong Bosom Fera ang nakuha niyo, go ba? ? Hahaha" Tanong ko kay Ate Adhira, ngumiti naman ito na nagpapahiwatig na pumapayag ito.
"Sige ba, ako na mauuna, sunod si Lilith, sunod Xavier, sunod si Lucian, at sunod si Soliel, tapos siyempre kayong dalawang kambal na" Pagsang-ayon naman ni Ate Adhira na kinangiti ko, dali talagang kausapin ng mga kaibigan ko.
"Sige ba, dimulan mo na ate" Pagsang-ayon ko din naman.
"KAMINARI!" Sigaw niya sunod naman non ang kulog at kidlat.
"Ayy mali, buksan niyo ang pinto dali!" Saad naman niya sabay utos saamin na agaf naman naming sinunod.
Ilang saglit pa ay bumulusok papunta sakanya ang kanyang pak-pak...
"Yan din ang nakuha mong Held Ate?" Natanong ko naman dahil naalala ko nga palang tanungin noon kung anong Held ang nakuha nila.
"Ayyy di ko ba nasabi? Well hindi ang aking pak-pak ang nakuha kong Held noh, maliit palang kase ako ay nasaakin na itong pak-pak kaya naman malayong ito na naman ang maging Held ko, ang nakuhang kong Held ay tinatawag na "Whip of Relampago" so para di ako malito kapagtinatawag ang Held at pak-pak ko ay may naisip ako napaka-gandang idea hahaha kapag sinigaw ko ang ikalawang pangalan ko ng buo ay lilitaw ang pak-pak ko, kapag naman isinigaw ko ang una kong pangalan which is ang magandang Adhira ay lilitaw naman ang Held ko hehehe." Mahabang paliwanag naman ni Ate Adhira na nagpaliwanag saaking isipan.
"Ah ganon ba ate, alam mo sa totoo lang, hindi ko din alam ang nakuha niyong Fera hehe dahil sa nangyari noong kuhanan ng Held, kaya naman hilingin ko lang na sabihin niyo ang held na nakuha niyo katapo ang Bosom Fera niyo, pwede ba? Hehehe" Paghingi ko ng favor sa kanila, tumango naman sila.
"Pati ba ako kuya?" Tanong naman ni Guia.
"Syempre tungaks diba nga hinila ko lang kayong dalawa ni Soliel diba?" Tanong ko naman kay Guia kaya naman napa-peace sign nalang ito.
"So ako na ang mauuna, so ang Held ko ay tinatawag na "Whip of Relampago" ito oh Saad ni Ate Adhira sabay inilabas ni Ate Adhira ang kanyang Held na may itsura ng latigo, may hawakan ito na para bang nakabenda, ngunit makikita ang kulang blue na cristal na nagpapadaloy ng blue na kuryente sa latigo, sa dulo naman nito ay may mukhan napakalakas na kuryente ang naka-ipon.
"Wow" Manghang saad ko naman.
"Next naman ang aking Bosom Fera na nagngangalang "Skelepy, the Kelphie" APPEAR!" Pagpapalapas naman ni Ate Adhira sa kanyang Bosom Fera...
Doon ko naman nakita ang napaka-gandang kabayo na may black na katawan, neon green na buhok at buntot, neon green din ang mga mata nito na lalong nagpaganda sakanya.
"Wow naman Ate pwede ba akong sumakay diyan?" Tanong naman ni Guia na halatang manghang-mangha din.
"Uhmmm ako naman" Saad naman ni Lilith kaya naman napatingin ako sakanya at tinanguan siya.
"So di naman talaga ako na kakuha ng Held dahil nga Berseglieri ako at tanging itong baril lang mula sa mundo ngmga tao ang hawak ko pero nakakuha ako ng Fera, yun lang nga ay wala itong matirahan kaya naman nandito lang siya sa loob ng aking damit" Paliwanag naman nito.
"Maliit lang ba ang nakuha mong Bosom Fera? Bakit kasya sa liib ng kakarampot mong damit na yan?" Tanong ko naman kay Lilith, napasamid naman siya sa sinabi ko.
"Syempre naman noh! Alangan namang dambuhala ang nasa loob ng damit ko diba? Paano ko yon mapapagkasya aber? Hahaha" Tawang-tawang saad saakin ni Lilith kaya naman napakamot nalang ako ng batok sabay peace sign.
"So ito na nga ang Bosom Fera ko na nagngangalang "Spider Lyly, The Venemous Taratec" labas na baby" Saad naman ni Lilith sabay gumapang mula sa may suso ni Lilith ang napakaliit na kulay violete at may nakapalamuting red na gagamba papunta sa kanyang palad, nakakatakot ang itsura nito pero na-cu-cutan ako at the same time.
"Wahhh! Lilith huwag mong ilapit saakin yan ah!" Maarteng sigaw ni Guia kay Lilith kaya naman napa-smirk ako sabay tingin kay Guia.
"Lilith maari ko bang hiramin si Spider Lyly? Hahahaha" Saad ko kay Lilith sabay tingin ng pilyo kay Guia, napalunok naman ang kapatid ko hahaha halatang takot amp.
"Sure Kali, ito oh" Saad naman ni Lilith sabay inilipat saaakin si Lyly, gumapang naman si Lyly sa palad ko, nakiliti naman ako ng kaonti dahil doon hahaha, ang cute niya.
"Guia~ come here~" Pilyong tawag ko sa kapatid ko, lumapit naman ako ng lumapit sakanya, umurong naman ng umurong itonhanggang madikit sa pader.
"Hawakan mo nga Guia hahaha" Saad ko dito, napapalunok naman siya ng laway na rinig na rinig mo hahaha LT kaya may naisip akong kalokohan hahaha.
"WAHHHH!" Sigaw naman niya nang inatsa ko si Lyly sakanya, hinwakan at ibinato niya naman ito kaya naman na bother ako para kay Lyly pero nabilib naman ako ng tignan ko si Lyly na nagpaduyan-duyan sa hangin gamit ang kanyang sapot, ay grabe spider man lang ang peg hahaha.
"Kuya naman eh!" Inis na saad naman saakin ni Guia, nag peace sign naman ako sakanya sabay ngiti.
"Sorry~" Saad ko naman, kita ko namang tumaas ang kilay nito.
"Hays kung di lang kita Kapatid slash kakambal ay pinalayas na kita sa ginawa mong yon! Hays sige apology accepted!" Mataray na saad naman nito saakin ngunit napangiti naman ako dahil doon, bait talaga ng kapatid ko hahaha.
"So ako na ang next Kali" Masayang saad naman ni Xavier kaya naman nangingiting tumingin ako sakanya.
"Sige lang Xavier hahaha" Natatawang saad ko naman.
"Alam mo naman sigurong meron na kong Held diba?" Tanong naman ni Xavier saakin na tinanguan ko naman.
"So ang ipapakilala ko nalang ay si "Kyubie, The Nine Tailed Fox!" APPEAR!" Saad naman nito sabay pinalitaw ang Fera noya, ilang saglit lang ay makikita na ngayon ang napaka-gandang nilalang na nasa harap ko ngayon, makikita ang isang Fox na may kulay white na bapahibo na may highlights ng pink, meron din itong nakasuot na colar na may bell at dalawang kulay red na tela na tila ba'y iniihip ng hangin. Mapapasabi ka nalang ng Wow sa kagandahan ng kanyang Bosom Fera.
"Si Lucian naman" Saad bigla ni Lilith kaya naman napatingin ako kay Kuya Lucian.
"Ang Held ko ay tinatawag na "Trident of Mar-Fluindo" Walang ganang saad niya sabay labas ng isang Trident na syempre parang tinidor na may tatlo ang blade diba.
"Ang Fera ko naman ay si "Ahri, The Dark Kitsune" APPEAR!" Walang emosyong saad naman saakin ni Kuya Lucian, hirap talaga ng nangyari sakanya.
Ilang saglit pa ay lumitaw na ang isang kulay itim na Fox, tila ba'y anino lang ito, at may mata na kulay black, ang astig! Yan lang ang masasabi ko dahil sa nakikita ko ngayon, grabe talaga kapag si Kuya Lucian na ang pinag-uusapan talagang hahanga ka nalang sa ka-astigan niya, pero shems halos parehas lang ng itsura ang Bosom Fera ni Xavier at sakanya ang pinagkaiba nga lang ay ang kulay, shit kakeleg, bagay parin talaga sila kahit ganito ang nangyayari sakanila ngayon, stan "LUVIER!" parin ako hahaha.
"Ako na! Ako na!" Saad naman ni Soliel kaya anamn tinanguan ko naman soya.
"So ang nakuha kong Held ay tinataawag na "Circle Blade of Undead" ito oh" Masigasig na saad naman ni Soliel kaya naman nasamid naman ako, pinalitaw niya naman ang isang Bilog na metal at halatang matulis ang nasa pinaka harapan ng mga metal na ito dahil mat tag-tatlong naka-usling matulis na bahagi ng metal ang makikita dito.
"Simple ngunit maganda ang Held mo ah Soliel." Puri ko naman kay Soliel kaya naman napangiti ito.
"Maraming salamat, so ang Fera ko namana ng ipapakita ko ngayon, ang Bosom Fera ko ay nagngangalang "Vanessa, The Burning Butterfly" APPEAR!" Saad nan niya para palabasin ang kanyang Bosom Fera at doon ko naman nakita ang isang paro-paro na purong apoy ang katawan, grabe ang init siguro nito kapag nahawakan, pero ang simple lang ng mga nakuha ni Soliel ah.
"Ang simple at ang ganda ng Held at Fera mo bagay na bagay sa personality mo" Nakangiting puru ko sakanya, napangiti naman siya.
"Ehem, mukhang nagkakalimutan tayo ah" Parinig naman ni Ate Adhira kaya naman napatingin ako sakanya.
"Oo na oo na eto na, pero kailangan nating pumunta sa malawak at tagong lugar okay ba yon?" Tanong ko kay Ate Adhira, napa-samid naman ito.
"Tss demanding amp! Hahaha" Natatawang saad saakin ni Ate Adhira kaya naman sinabayan ko lang ang trip niya.
"Ayaw mo ba?" Sarkastikong tanong ko dito.
"Siyempre gusto tingeks tara na nga haha pero wait saan naman tayo pwedeng pumunta?" Saad naman ni Ate Adhira sabay tanong, oo nga ano saan nga kaya pwede.
"Ako may alam ako" Sabat naman bigla ni Xavier, napataas naman bigla ang kilay ni Ate Adhira.
"Tss may nagsalita ba Kali?" Inis na tanong naman saakin ni Ate Adhira, potek di parin nakaka-move on.
"Oo naman Ate, si Xavier nag-suggeat siya eh" Pambara ko naman kay Ate Adhira kaya naman nagmistulang gulong ang mata niya ng paikitin niya ito hahaha.
"Tsss di marunong sumakay" Bulong naman ni Ate Adhira na saktong nadinig ko kaya nasamid lang ako.
"Saan ang lugar na tonutukoy mo Xavier?" Tanong ko naman kay Xavier.
"Ah doon sa Forester Albenio hahaha diba kaya naman nating mag quick step kaya kahit sarado ang lagusan papunta doon ay kaya naman nating pumunta gamit ang quick step" Maligalig na paliwanag naman ni Xavier kaya naman napangiti ako dahil doon.
"Good Idea! So tara na exited narin kami ni Guia na maipakita sainyo ang aming Bosom Fera" Masayang saad ko naman sakanila.
"So kapit na sa mga marunong nag-quick step guys!" Masayang sigaw ni Guia, at doon na nga nagsilapitan ang iba, si Soliel ay kunapit saakin, si Ate Adhira na kumapit kay Guia, si Lilith na kumapit kay Kuya Lucian, cringe! At mag-isa lang naman ngayon si Xavier kaya naman hinawakan ko siya sa braso, sabay pikit at nag-quick step na kami....
...
Ilang saglit pa ay narating na namin ang Forester Albenio, na makikita ngayon ang Lua o Buwan na nagpapaliwanag sa malawak na kagubatan ng Forester Albenio.
Oh Kali at Guia sinong mauunang magpakita saamin ng Bosom Fera niyo?" Tanong naman ni Ate Adhira saamin.
"Sabay na kami para di na tayo magtagal pa tignan niyo oh kitang-kita na ang Lua oh" Sagot ko naman.
"I agree with what Kuya Kali's want" Pagsang-ayon naman ni Guia saakin.
"Okay, edi simulan niyo na" Saad naman ni Ate Adhira kaya naman lumakad kami palayo ni Guia at ng sakto na ang layo namin ay nilabas na namin ang Held namin.
"Siguro naman alam niyo na ang Held namin diba? Pero ipapakilala padin namin sainyo hehehe" Saad ko naman sakanila.
"So ang Held ko ay tinatawag na "Umbrella of Death" at ang kay Guia naman ay...
"Fan of Odyssey" Dugtong naman ni Guia.
"At ito ang aming Bosom Fera"
"APPEAR!" Sabay naming sigaw ni Guia at doon naman lumabas sa aming mga Held sila Abadon, The Black True Dragon at Si Fuchsia, The Pink Phoenix.
"ROAAAAAR!"
"KYEEEEEK!"
Sigaw naman ng dalawa ng tiliyan na silang makalabas sa aming Held.
"Ayan sila hehe siguro naman kilala niyo na sila diba? Minsan na natin silang nakita at nakasagupa ko pa ngq ang isa hehehe" Paliwanag ko naman sakanila, nang tignan ko naman silang mabuti ay halos maglupasay ako sa kakatawa sa mga mukha nila hahaha, pano ba naman sobrang laglag ng kanilang mga bibig at halos lumabas na ang kanilang mata sa sobrang magha hahaha.
"T-Totoo ba ang nakikita ko ngayon?" Di makapaniwalang saad ni Ate Adhira kaya naman natawa ako sakanya.
"Hinde, char char lang yan, prinoject lang namin ni Guia yan gamit ang spell tapos boom ayan na hahah d e joke lang oo naman siyempre totoo yan noh Ate hahaha" Sarkastikong saad ko kaya nagawa ko ang gaintong Expression ni Ate Adhira hahaha.
<( ̄_ ̄)>⬅️ Yan ang Expression niya na nagawa ko hahaha.
"Okay" Walang ganang saad naman niya na lalong kinasamid ko pero ng mapatingin ako ulit sakanya ay kinindatan niya ako na nanganga-hulugang dapat ng simulan ang plano.
"Ah Soliel at Lilith, may nais lang sana kaming ipagtapat sainyo, tutal magkakaibigan naman tayo" Sumeryosong biglang saad ko.
"Ano iyon Kali?" Tanong naman ni Soliel saakin.
"Ano iyon?" Tanong din naman ni Lilith.
"Nais sana naming sabihin sainyo na kami ang Life and Death Holder" Diretsuhang saad namin, nakita naman naming nagulat ang expression ni Soliel habang parang wala lang kay Lilith ito, potek na babaeng ito ayaw makisama.
"WHAT!" Nakarinig naman kami ng sigaw mula sa likod ng isanv punong malapit lang saamin, kaya naman kinabahan kami dahil doon...
...
LUA-BUWAN
Sorry kung di na ako nakakakapag Update ng gabi dahil umuulan ng malakas tuwing gabi na nagreresulta sa pag-lag ni wattpad huhuhu sana magustuhan niyo ang chapter na ito, 10-20 Chapter nalang guys at matatapos na ang Life and Death Holder: Campo de Iris Academy, enjoy
<( ̄︶ ̄)>
Don't forget to Vote, Comment your feedback, and Share my story
( ╹▽╹ )
ɢᴏᴅsᴘᴇᴇᴅ ᴋʏᴜʙɪᴇs ( ˘ ³˘)♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top