CHAPTER 62: THE TRUTH BETWEEN LIES

THE TRUTH BETWEEN LIES

KALI'S P.O.V

"Simulan mo ng magpaliwang kung bakit mo ibinigay ang tiwala mo noon sa Hari ng Dark Continent? Anong mga dahilan Death?" Tanong ko kay Death.

"Isa lang ang dahilan, ito'y dahil kinamumuihan ko si Ainesh Otizam" Saad niya na ikinagulat ko, ang bayani ng Mundo da Fantasia ay kinamumuhian ni Death? Talaga bang masama ang Hold na nabibilang sa kadiliman? Kaya naman napa-iling-iling nalang ako.

"Baki?" Seryosong saad ko.

"Dahil ang tunay na gumawa ng kasamaan dito ay walang iba kung hindi si Ainesh Otizam at hindi si Dark Knight Equinox" Seryosong saad ni Death, napanganga naman ako sa sinawalat niyang iyo.

"P-Paanong nangyaring ang tinuturing na bayani ang gumaa ng kasamaan" Nauutal at hindi makapaniwalang tanong ko kay Death.

"Sa una ay napabilib ako ni Ainesh Otizam dahil siya ay isang lalaking may inosenting mukha, may dignidad at kapinuhan ng kanyang kilos at gawa, anak kase siya ng isang Duje ng Reigno do Fogo kaya halata naman na may poise ang kanyang mga gawa, ngunit habang lumaon na nakikilala-ko siya unti-unti at doon ko nga nasabi ang katagang "Don't trust the book by its cover" dahil nang lumaon na kasama ko siya ay doon ko nakita ang kanyang nabubulok na pagkatao, bago pa na-itayo ang Campo de Iris Academy ay nauna muna dito ang School of Royalties na tanging mga Royalties at Noble lang ang pweding makapag-aral, ayos pa noon ang lahat ng mga Fantasian, ngunit ang nakilala ko palang mabuting taong si Ainesh Otizam ay isa palang huwad, masyado siyang maraming insecurities, at seloso din siya, masyado siyang obsess sa Pinaka unang Hari ng Reigno do Fogo na noon ay Prinsepe palamang na si Haring Kaldeo Vulco Hugh, ang unang Hari ng Reigno do Fogo. Dumating pa nga sa puntong sino man ang lumapit dito ay pinapatay ni Ainesh Otizam sa pamamagitan ng aking Hold na Life or Power, ngunit kahit anong gawin niya ay mas gusto parin ng Haring Kaldeo ang matalino ngunit walang emosyong si Haring Dark Knight Equinox na noon ay prinsepe pa lamang." Kwento ni Death kaya naman napanganga nalang ako sa mga kinwento niya, grabe mga revelasyon ni Death ngayon, ang itinuturing na bayani ng Mundo da Fantasia na si Ainesh Otizam ang tunay na masama, pero teka, alam kaya ng mga Deus at Dea ng Mundo da Fantasia ang kwebtong ito.

"Hays Kali, parang hindi ko na kayang ituloy" Saad naman ni Death at nang mapatingin ako sakanya ay may namumuong luha ngayon sa mata niya.

"Sige lang Death, tigil ka muna kung hindi mo pa kayang alalahanin ang nakaraan" Nakangiting payo ko kay Death, ngunit nag punas naman ito ng mata at huming ng malalim

"Hay! No, kailangan kong ipaalam saiyo ang mga nakaraan, karapatan mo iyon dahil ikaw na ngayon ang bagong owner ko, so dahil nga obsess na si Ainesh Otizam sa Haring Dark Knight Equinox ay gumaaa na ng plano si Ainesh Otizam upang patayin si Haring Dark Knight Equinox gamit ang Hold or Power, kaya sa isang hapon ng Combat Training ay pumuslit si Ainesh Otizam sa silid ni Haring Dark Knight Equinox, lagi kaseng hindi uma-attend si Haring Dark Knight Equinox sa Combat Training ng mga Royalties, ayaw kase nito ng sakitan lalo na at mapanganib ang Hold ni Haring Dark Knight na kung tawagin noon ay "Emphaty" kung saan kayang ipunin lahat ng masasakit na karanasan ng kahit anong nilalang at ipasok ito sa kanyang kalaban, nakakabaliw ito kaya dumidistansya ang noon ay Prinsepe Dark Knight Equinox, so pumuslit at pumunta na nga si Ainesh Otizam sa Room ni Prinsepe Dark Knight, nanag makapunta na si Ainesh sa harapang pinto ng jwarto ay dali-dali niya itong binuksan at doon tumambad sakanya ang tulog na tulog na si Noon ay Prinsepe Dark Knight sa kanyang malambot na kama, binato naman ni Ainesh ng boots si Noon ay Prinsepe Dark Knight upang gisingin, di naman ito na bigo, nagising niya nga si Prinsepe Dark Knight, inis na tumayo si Prinsepe Dark Knight at hinagis din naman ang boots ni Ainesh, tumama pa nga sa mukha niya ang boots na nag painis sakanya kaya naman inutusan niya ako na ilabas ang 100% ng Death Aura ko, nag-alala naman ako para sa Prinsepe Dark Knight dahil kayang makapatay ng isang True Dragon ang 100% ng Death Aura ko, pero kailangan kong sundin iyon dahil si Ainesh parin ang owner ko, so naglabas na nga ako ng Death Aura na nagsanhi pa ng pagdilim ng kalangitan, pagkulog ng malakas, at gumuguhit pa nga ang mga matatlim na kidlat at malaks na hangin noon, pero kita sa muka ng Prinsepe Dark Knight ang pagiging kalmafo na parang wala lang sakanya ang 100% ng aking Death Aura, doon palang ay napabilib na niya ako, nagulat nalang ako ng walang pasabing ginamit ni Ainesh ang "Life or Death" kaya naman napagkaloob ko naman ito ng biglaan, ngunit wala lang kibo ang Prinsepe Dark Knight, akala ko nga ay nahimatay na ito kaya naman linapitan na siya ni Ainesh ngunit sa paglapit niya ay nahawakan siya ni Prinsepe Dark Knight at nagamitan siya ng Hold, kaya naman napaluhod si Ainesh at pigla nalang sumugaw na parang nasasaktan ito ng sobra-sobra, ngunit ilang oras din ay naramdaman ko na din ang isang masakit na sensasyon na bumabalot sa kataan ko." Tumigil muna saglit si Death at huminga, grabe na mga nalalaman ko sa nakaraan halos di na ma-digest ng utak ko.

"Sa gitna ng sakit ay narinig ko noong nagsalita ang Prinsepe Dark Knight na nagpabilib pa lalo noon saakin, sabi niya, "Alam ko ang kahinahan ng Death Hold, kaya huwag mong subukang gamutin saakin ito, isa pa alam ko din kung gaano ka ka- obsess kay Prince Kaldeo, sasabihin ko lng sa iyo na, buksan mo ang isp at mata mo, tigilan mo na ang pagpatay ng ibang tao, dahil kahit kailan ay hindi ka niya mamahalin, dahil ako ang mahal niya, ako lang, bakit di ka nalang mag-focus sa mga tingkulin mo bilang usang Life and Death Holder? Sinasayang mo ang Hold mo sa walang kwebta bagay" Saad ni Prinsepe Dark Knight na nagpabilib saakin, sumigaw naman ng masmalakas si Ainesh habang nakasabunot sa buhok, umiiya narin ito, hinawkan naman ni Prince Dark Knight ang ulo ni Ainesh at hinimas ng maraan doon naman nawala ang sakit na narramdaman ko, lumakad narin paalis noon ang Prinsepe pero bago ito tuluyang makalabas ng pinto ay may sinabi siyang nagpakumbinsi saakin na lalo siyang idolohin, savi niya, "I pity you that's why I remove the effect of my Hold Power, please keep in my of what I said a while back, it's for the sake of your self" Saad ni Prince na nagpabilib pa lalo saakin, kaso mas lalo lang na-insecure si Ainesh kaya patuloy lang siya sa pagsabunot sa kanyang buhok at pag-iyak habanga patuloy na sinasabi ang katagang "Papatayin kita" ng paulit-ulit, diba nabaliw na ang ateng mo?" Saad saakin ni Death, napa-samid naman ako doon sa huling sinabi niya, potek na ito seryosso na topic nagawa pang mag-biro hahaha.

"Grabe ka naman Death nakuha mo pang mag-biro hahaha" Tawang-tawang saad ko sakanya.

"Siyempre ayaw ko namang gawing sobrang seryoso ng atmosphere ano, so ito nga, nagulat nalang ako nang sumunod na araw ay nag-ayos si Ainesh, sa katunayan nga ay naging matalik silang magkaibigan ni Prince Dark Knight hanggang maka-graduate at lumuklok na sa trono bilang Hari ng Dark Continent si Haring Dark Knight, nakipag-kaisa si Haring Dark Knight sa lahat ng kaharian, doon narin sa panahong iyon mas naging malapit ang loob nila ng kakaluk-lok lang din na si Haring Kaldeo Vulco Hugh sa trono ng Reigno do Fogo, nanligaw pa nga ito pero patuloy paring renereject ni Haring Dark Knight si Haring Kaldeo, ngunit ng mga sumunod na araw at sunod-sunod na ang trahesyang nangyari kay Haring Dark Knight Equinox na kakagawan lang naman ni Ainesh, nmgumawa siya ng grupo at nilason ang mga utak nito gamit ang Dellusion ko, at Illusion naman ni Life, namatay ang ama at ina ni Haring Dark Knight, sumunod naman ay nag-alsa ang mga kaharihan laban sakanya dahil sa ginamitan din ng Hold Power ni Ainesh ang lahat ng mga Hari ng Kaharian, kaya sa galit ni Haring Dark Knight ay pinag-utos niya sa kanyang mga heneral na sugurin ang lahat ng kaharian ngunit walang papatayin na kahit sino, kaya naman una silang sumugod sa Reigno do Fogo kasam siyempre si Haring Dark Knight kasama ng kanyang hukbo, nakita naman niya ang grupong binuo ni Ainesh na nasa harapan ng Palasyo ng Reigno do Fogo, nilaban nila nila ito, ngunit wala pa man ay anamatay na ang kalahati ng hukbo ni Haring Dark Kight dahil sa Death Aura ko na pinag-utos na pakawalan ni Ainesha, nilaban naman nila Nay Aurelia mo ang natirang hukbo at nagtagumpay naman silang tapusun lahat ng hukbo, kaya ang natira nalang ay si Haring Dark Kight laban sa "5 Sentries" alam kong wala na ngayong tyansang manalo si Haring Dark Kight kaya naman walang pasubaling pinutol ko ang Commitment namin ni Ainesh at pumunta at nagpasakop sa Haring Dark Knight. Iyan ang istorya kung paano ako nakuha ni Haring Dark Kight, kaya mali lahat ng paglalarawan tungkol kay Haring Dark Kight sa mga librong pinag-aaralan ngayon, at isa pa hanggang dito muna ang ipapaliwanag ko dahil napagod na ako sa pag-alala ng nakaraan lalo pa ang mga susunod na pangyayari ay ang mya pinakamasakit na part ng masasabi kong buhay ko, lalo na't si Haring Dark Kight lang bukod saiyo ang nakakuha ng tiwala ko" Saad naman ni Death kaya naman na-touch ako sa sinabi niya, grabe lang, pero teka may naalala lang ako paano niya pala nalaman yung ibang detalye ng pagpaplano ni Haring Dark Kight gayong wala pa naman sa Ownership ni Haring Dark Kight si Daeth noon.

"Uyy naririnig kita hahaha alam mo kaya ko alam ang mga iyon kahit wala pa ako sa ownership ni Haring Dark Kight ay dahil iyon noong ibinigay ko na ang sarili ko sakanya ay ikinwento niya ang lahat" Paliwanag naman ni Death kaya naman napakamot nalang ako saaking batok, potek tama nga naman common sense masyado ang tanong ko hehehe.

"Kuya gising na ano ba!" Dinig ko namang pagtawag saakin ni Guia mula sa dimensyon ng Mundo da Fantasia.

"Uyy Kali tinatawag ka na ng kapatid mo at baka nakakalimutan mong kukuha kapa ng Fera hahaha" Paalala naman ni death kaya naman nagpanic ako sa isiping iyo hahah potek nakalimutan ko ng may importanteng event nga pala ngayon, mukhang napasarap ako sa pakikinig ng jwento ni Death hahaha.

"Paalam na Death hanggang sa muli" Paalam ko kay Death.

"Sige baka sa susunod na pagkikita natin ay makaya ko ng ikuwe to ang lahat" Nakangiting Saad saakin no Death kaya naman pumikit na ako at inisip ang demebsyon ng Mundo da Fantasia.

"Hoy Kuya Kali! Gumising ka na diyan! Sobrang late na natin sa Commitment Day huhuhu baka hindi pa tayo makaabot at hindi na tayo payagang kumuha ng Fera! Gising na uyy" Nagpapanic na saad ni Guia na nagpa-kompirma saakin na nandito na nga ako sa tunay kong dimensyon.

"Oo na eto na, ahh (yawn)" Sagot ko naman habang nag-i-streaching at humihikab pa, nagulat naman ako ng walang ano-ano ay hinawakan ako ni Guia at ginawa ang quick step...

Ilang saglit pa ay nandito na kami ngayon sa likod ng isang building, bigla namna kong natumba dahil nga nang nag-quick step kanina si Guia ay kasalukuyan kong naka-upo at nag-i-streaching..

"Aray ko! Potek naman kase saving teka lang eh!" Inis na turan ko kay Guia, ang tanga nag peace sign lang.

"Sorry na Kuya nagpapanic na kase ako dahil alam mo vang mag-lilimang oras na kitang pinag-hahanap! Natatakot na nga ako at baka hindi na tayo payagang mag-commitmebt para sa Fera natin eh" Kinakabahang saad niya parin kaya nagbago din ang expression ko.

"Hala oo nga pala! Saan ba ang Igreja dos Deuses?" Tanong ko naman kay Guia.

"Dito na nasablikuran na tayo mismo ng Igreja dos Deuses" Sagot naman ni Guia.

"Eyy gaga ka pala eh tara na nga, takbo tayo ng mabilis" Saad ko sakanya savay hablot ng kamay niya at tumakbo kami ng mabilis.

Ilang saglit lang ay nandito na kami sa harapang ng Igreja dos Deuses, grave lang ang disenyo nito, para itong palace, may mga magagra at si maintindihang simbulong naka-ukit sa pader, may simpleng brown na pinto pero may dalawang rebulto ang para bang nakabantay sa pinto, dalawang nine-tailed fox ito na naka-upo, nagulat namab ako ng hablutin ako ni Guia papasok, doon ko namang nakitang wala ng mga estudyante ant narito, tanging sila Señor Alto at Señorita Marisa, siya yung asawa ni Kuya Josh na naghatid saamin papunta dito sa Campo de Iris Academy.

Agad naman kaming lumapit para magtanong, napansin ko lang ang loob nito ah, ang ganda lang,, makaluma ang theme, pero kumpletong makikita ang mga naglalakihang rebulto ng mga Deus at Dea na nagsisilbing pundasyon ng Igreja dos Deuses.

"Oh Marisa nandito na pala ang nga hinihintay natin" Masayang saad ni Señor Alto, napangiti din naman si Señorita Marisa.

"Oh buti naman at nandito na kayo haha kanina pa kami naghihintay sainyo, alam niyo bang pinapasara na ng Diretora ang Igreja dos Deuses kaya hali na kayo at bilisan niyo ng lumapit sa Womb of Fera at mag-commitment na" Pag-yaya naman saamin ni Señorita Marisa, kaya naman lumaput na kami no Guia sa Basket na hawak-hawak ni Dea Natureza.

"Wait alam niyo na ba ang ritwal?"Pagpigil na tanong saamin ni Señor Alto na nagpa-realizw saamin ni Guia sa katangahan namin haha di nga pala namin alam ang gagawin kaya naman ngumiti nalng kami bilang sagot na "hindi namin alam" hehehe.

"Ako na ang mahpapaliwang ah Alto?" Prisinta naman ni Señorita Marisa, tumango naman si Señor Alto.

"So ang kailangan niyo lang gawin ay sugatan ang hintuturo niyo at ipatak ito sa Womb of Fera" Instraksyon naman ni Señorita Marisa saamin kaya naman napatangi nalang kami ni Guia at agad ng lumapit.

"Pwede po bang sabay na kaming gumawa bg ritwal ng kuya ko po?" Tanong naman ni Guia.

"Pwede naman tutal magkapatid naman kayo at pareho ang dumadaloy na duggo sainyo, at isa pa magkakaroon pa ng pag-samba ang mga Priest kaya bilisan niyo na" Sagit naman ni Señor Alto kay Guia, wait ngayon ko lang nalaman na may Priest pala dito haha.

So ayun na nga, sinugatan na namina ng aming daliri at ipinatak na ito sa Womb of Fera, ilang saglit pa ay bigla nalang umilaw ang Womb of Fera na nahpapimit saamin...

...

Hanggang dito na muna hehehe (Peace ✌️) hope you enjoy it!
( ◜‿◝ )♡

Don't forget to Vote, Comment your feedback, and Share my story
( ╹▽╹ )

ɢᴏᴅsᴘᴇᴇᴅ ᴋʏᴜʙɪᴇs ( ˘ ³˘)♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top