CHAPTER 6
GENDERLESS...
AURELIA'S P.O.V
Makalipas ang Isang linggo na itinanim ko ang mga binhi ng purgatoryo na ibinigay sa akin ng Supreme Dea Justo, naging isang magandang halaman na ngayon ito, may mayabong na mga dahon na rin ito at may dalawang bubot ng bulaklak o yung bulaklak na hindi pa bumubuka, pero alam kong ilang oras na lang ay bubula na ito at magkakaroon na ako ng kambal.
Masaya ko lang pinagmasdan ang bubot na bulaklak dahil parang isang maliit na adromeda ang aking nakikita, siyempre nasasabik na rin akong tuluyang bumuka, hays kaytagal kong pinangarap na maging ina, ngunit dahil sa tungkulin na ibinigay sa akin ay mas pinili kong maging mag-isa, at isa pa, iisa lang ang Fantasian na nasa puso ko, ang nag-iisang lalaking nagpatibok ng puso ko.
Biglang Nagdilim ang buong lupain ng Floresta Encantada, Ang bayang pinamumunuan ko. Nagsanhi ito ng pangamba sa aking nasasakupan, dahil alam nilang imposibleng magkaroon ng bagyo o simpleng ulan dito sa Floresta Encantada dahil sa pananggalang ginawad ng Deus Ficcar Terro at ng Sampong Anciaos Santos sa lupaing ito.
Biglang may nakakabinging kulog at nakasisilaw na kidlat ang gumuguhit sa kalangitan, sinabayan din ito ng napakalakas na ulan at hangin na tila ba'y makatatangay isang tahanan.
Nagsigawan ang lahat, kaya naman gumamit na ako TeleCom upang ipaalam sa lahat ang nangyayari at pakalmahin sila gamit ang pakikipag usap sa isip.
"Aking mga mamayan, huwag kayong mabahala dahil ang bagyong ito ay basbas ng Deus Mar Fluindo ang Deus ng tubig at Deus Relampago ang Deus ng Kulog at Kidlat sa aking mga anak, at isa din itong tanda na ano mang oras ay isisilang na sila. Ito ang sinabing palatandaan sa akin ng Supreme Dea Justo, na ang basbas ng dalawang Deus ang magiging tanda na nalalapit na ang kanilang pagsilang." Paliwanag ko sa aking nasasakupan, pangiti naman ako sa isiping ano mang oras ay magiging isa na akong ina.
Kaya naman kumalma na ang aking mamayan at nagsibalik sa kanilang kanya-kanyang mga tahanan upang sumilong at hintayin ang pagsilang ng aking mga anak.
FLASH BACK~
Tatalong araw bago ang pag-ulan na sinamahan ng kulog at kidlat sa Floresta Encantada...
Gabi noon at mahimbing na ang aking tulog aking tahanan nang biglang may napakakasilaw na liwanag ang nagpagising sa akin.
Nagmulat naman ako ng mata at tumayo ng makita ko sa aking harapan ang Supreme Dea Justo.
"Ano pong ginagawa nyo dito, mahal na Supreme Dea Justo?" Tanong ko sa Dea habang pinupunas-punas pa ang aking mga mata.
"Naparito ako upang sabihin sa'yo ang mga palatandaan ng pagsilang ng iyong mga anak Aurelia." Malumanay na saad ng Supreme Dea Justo sa akin, bigla ko namang naramdaman ang pagkasabik.
"Ah, ganoon po ba? Ano naman po ang mga magiging palatandaan ng kanilang pagsilang mahal na Supreme Dea?" Tanong ko naman sa Supreme Dea, sakto namang bukas ang bintana at kitang-kita ko ang nagnining-ning na halaman ng purgatoryo, ngitian ko naman ito.
"Kapag may bubot ng bulakalak sa halaman, at biglang kumulog at kumidlat na sinabayan ng napakalakas na ulan ay iyon na ang palatandaan na ano mang oras ay isisilang na ang magkapatid." Saad naman sa akin ng Supreme Dea Justo na kinabahala ko dahil siguradong magdudulot iyon ng pangamba sa mamayan ng Floresta Encantada.
"Bakit na man po uulan na sinamahan ng kulog at kidlat, hindi po ba napaka imposibleng pumasok ang isang bagyo sa aming lugar dahil sa basbas ng Deus Fecar Terro? At baka maging sanhi po ito ng pagkabahala sa mga nasasakupan ko." Nag-aalalang saad ko naman sa Supreme Dea, hays baka magkagulo pa kapag ganon ang nangyari.
"Ang pagkulog at pagkidlat na sasabayan ng ulan na magaganap ay magsisilbing basbas ng aking mga anak na sila Deus Mar Fluindo ang Deus ng tubig at Deus Relampago ang Deus ng kulog at kidlat, at ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa iyong mamayan, alam ko namang papakinggan ka nila agad basta sabihin mo lang ang mga sinabi kong dahilan sa iyo." Malumanay na sagot naman ng Dea sa akin kaya naman lumuwag na ang aking pakiramdam.
"Ah, ganun po ba, maraming salamat po Mahal na Supreme Dea at sa akin nyo pinagkatiwala ang kambal ng purgatoryo, nagpapasalamat din po ako ng marami at napatawad nyo po ako sa aking pagkakasala noon." Pasasalamat ko sa Dea, grabe ang laki ng naging kasalanan ko sa kanya ngunit napatawad niya pa din ako.
"Walang anuman Aurelia, sa'yo ko talaga hinabilin ang dalawang batang iyan dahil alam kong mapapalaki mo silang may magandang-asal at may busilak na puso, hindi ba pangarap mo talagang magka-anak dati pa? Kaya ikaw talaga ang karapatdapat sa tungkuling ito, isa pa, matagal na kitang pinatawad lalo na noong isinuko mo siya." Nakangiting sagot ng Supreme Dea sa akin, ngumiti naman ako ng mapait dahil na-alala ko na naman ang tagpong nagpasara ay sumira ng puso ko.
"Salamat po." Muling pagpapasalamat ko at tumalikod na ang Dea, bigla ulit nagliwanag sa loob ng tahanan ko, ilang saglit lang ay naglaho na ang Dea.
- END OF FLASH BACK-
"Mga anak ko, nasasabik na akong maalagaan, mahagkan, at turuan kayo aking mga anak." Nakangiting pagka-usap ko sa dalawang bulaklak na panggagalingan ng aking kambal.
Bigla namang nagliwanag ang mga ito at may dalawang bola ng energia na ang biglang lumabas mula sa dalawang bulaklak nang tuluyan ng bumuka ang mga ito, isang napakaliwanag at isang napaka-itim na bola ng energia ang mga ito, na nag-sanhi upang tumigil ang napakalakas na ulan at kidlat na sinamahan ng kulog. Lumabas naman ang aking nasasakupan dahil sa mga pangyayaring iyon.
Pumunta lahat ng aking mamayan sa aking tahanan upang tignan kung ano nang nagyayari sa dawalang bulaklak, napansin ko naman na biglang nahati sa dilim at liwanag ang buong Floresta Encantada, dahil may sinag ng araw sa kabila at nagkaroon naman ng buwan at mga bitwin sa kabilang parte ng aming lugar, nakakamangha, ngayon ko lang nasaksihan sa limang daang taon na akong nabubuhay sa Mundo da Fantasia.
Bigla namang gumalaw ang dalawang bola ng energia at tila ba'y naghahabulan sila ngayon sa ere, nang para bang napagod ang mga ito ay lumapag sila ng dahan-dahan sa lupa ngunit sinalo ko naman ang dalawang bola ng energia gamit ang aking bisig, ayaw ko namang mahulog sila sa lupa ano.
Nang lumapag na ang dalawang bola ng energia sa aking bisig ay bigla nalang nagkaroon ng bitak ang dalawa na kinatakot ko, ano na kayang nangyayari sa dalawang bola ng energia...
Ngunit, nang tuluyan na itong magbitak at nabiyak ay lumabas naman ang dalawang napakagagandang sanggol na nagpaguhit ng ngiti sa aking mga labi, di ko din namalayan na tumulo na din pala ang aking mga luha, ngayon ay hindi dahil sa sakit at pighati ang nagpaluha sa akin, dahil ngayon ang araw na lumuha ako para naman sa masayang bagay.
Pinakatitigan ko naman ang dalawang sanggol ngayon sa aking bisig, magka-iba sila ng personalidad kahut na sanggol palang sila ay pansin na ito, dahil ang sanggol na galing sa maliwanag na bola ng energia ay iyak ng iyak, samantalang ang sanggol na galing sa itim na bola ng energia at todo ang tawa at ngiti nito, pinagmasdan ko pa sila hanggang mapunta ang tingin ko sa kanilang maselang bahagi ng katawan, upang masunod na ang mga pangalang sinabi ng Dea sa akin.
Nang tignan ko ang maselang parte ng sanggol na galing sa maliwanag na bola ng energia ay nakita kong mayroon itong maselang parte ng katawan na makikita sa mga babae, nang tignan ko naman ang maselang parte ng sanggol na galing sa itim na bola ng energia ay todo naman ang pagkalito ang nanuo sa isipan ko, dahil kung titignan ang maselang parte nito ay para lang siyang isang manika na walang maselang bahagi ng katawan ng kahit ano sa dalawang kasarian.
"A-Anong nangyayari? Bakit wala siyang maselang parte ng katawan ng babae o kahit na lalake?" Natanong ko nalang sa isipan ko kaya naman naisipan kong tawagin ang Supreme Dea Justo kaya naman lumayo ako sa mga mamayan ko na kasalukuyang nag-uusap tungkol sa kambal ng purgatoryo upang magawa ang Enchanment na pangtawag kay Supreme Dea Justo...
"O, Suprema Dea Justo, com lumilite por dia nos calouros, mexendo no meu amor e descobrindo os meus filhos." Pag-chant ko sa isang Enchanment na pangtawag kay Supreme Dea Justo na tanging mga matatandang Fantasian lang ang may alam nito.
[Translation: Oh, Supreme Dea Justo, lumalapit ako ngayon sa'yo at nakiki-usap na bigyan ako ng isang pribileheyong maka-usap kayo.]
Narinig naman ka-agad ito ng Dea dahil ilang saglit lang ay nandito na siya ngayon sa aking harapan.
"Bakit mo ako tinawag Aurelia?" Tanong Dea sa akin.
"Dahil sa problema po ng isa sa kanila." Saad ko sabay ipinakita ang dalawang sanggol.
"Napakalusog naman nilang dalawa, oh ano bang naging problema ng isa sa kanila?" Tanong ng Dea sa akin.
"Mahal na Supreme Dea, nais ko lang pong tanungin kung bakit walang tiyak na kasariaan ang isa sa mga sanggol?" Tanong ko naman sa Supreme Dea, ngumiti naman ito.
"Talagang hindi ko binigyan ng tiyak na kasarian ang sanggol na iyan, alam mo ba na kaya hindi ko sya binigyan ng kasarian ay dahil sa mga ala-ala niya noon sa mundo ng mga tao, nang tignan ko kase ang kanyang mga ala-ala noong nabubuhay pa ang sanggol na walang kasarian sa mundo ng mga mortal ay nakita kong labis ang kanyang kasakitan nang hindi tanggapin ng babaeng minamahal nya ang kanyang pag-ibig at nakita ko sa kanyang emosyon na natakot na itong magmahal ng babae kaya naman napagdisiyunan kong huwag siyang bigyan ng kasarian bilang misyon sa laban sa kanyang sarili." Mahabang paliwanag ng Dea na gumawa ng maraming tanong sa isipan ng Òtima...
"Teka lang po, sila po bang dalawa ay Vida apos a morte na nag mula sa Mundo ng mga tao?" Isa sa mga tanong na nabuo sa ispan ng Òtima na kanyang tinanong sa Dea...
[Translation of Vida apos a morte: Reincarnated or came from another world.]
"Para sagutin lahat ng katanungan mo sa iyong isipan ayahan mo akong isalaysay sa iyo ang konting bagay tungkol sa dati nilang buhay. Isa lang sa kanilang dalawa ang galing sa Mundo ng mga moral at iyon ay ang sanggol na walang kasarian, isa syang lalake noong nabubuhay pa sya bilang mortal na tao, habang ang sanggol na babae ang kasarian naman ay dating anghel na nagbabantay sa sanggol na walang kasarian noong tao pa ito, ang ibang detalye ay wala na akong karapatan na sabihin pa, dahil ikaw na ngayon ang kikilalanin nilang ina at tutuklas sa mga sikreto nila, Aurelia." Mahabang paliwanag naman ng Supreme Dea sa akin na nagpasaya sa aking buong pagkatao, alam niyo ba na ang pinakapinapangarap kong magawa ay makapunta sa mundo ng mga mortal? Grave, sana may mga ala-ala ang kambal tungkol sa mundo ng mga mortal upang makapagsalik-sik pa ako tungkol sa mundo nila.
Teka lang po mahal na Supreme Dea, sino po dito si Sephtis Kali? at sino naman po si Vita Guia? Nalito na po kase ako dahil sabi nyo po sa akin, isang linggo na ang nakaklipas ay tawagin kong Sephtis Kali ang lalaki ngunit Literal na walang lalake sa kanila" Tanong ko naman sa Supreme Dea.
"Tawagin mong Sephtis Kali ang sanggol na walang kasarian, tawagin mo namang Vita Guia ang sanggol na babae, nasa iyo na rin kung gusto mong isunod ang iyong apelido sa kanila, Aurelia." Malumanay na paliwanag naman sa akin ng Supreme Dea Justo, tumango naman ako at ngumiti.
"Maraming salamat po at pasensya na po sa abala Mahal na Supreme Dea Justo, Prosperos Estara com vocè Mahal na Supreme Dea." Paalam ko sa Supreme Dea
[Translation of Prosperos Estara com vocè: Masaganang Buhay o Paalam sa aming gabay.]
"Prosperos Estara Com Vocè din sa iyo Aurelia" Paalam din naman ng Supreme Dea Justo sa akin sabay talikod at naglaho na lang bigla.
Tinignan ko naman ulit ang mga kambal at gumuhit na naman ang ngiti at sabay ding tumulo ang aking luha na sanhi ng labis na kagalakan na mayroon narin akong matatawag na anak.
"Kung narito kalang Nephilim." Lutang na saad ko sa hangin...
...
Bakit kaya kinukubli ng Mga Dea at Deus ang mga may kapangyarihang napakalakas sa Floresta Encantada?
Bakit Nagpasalamat sa pagpapatawad ng Supreme Dea Justo si Òtima Màe Aurelia, Ano kaya ang nagawa nyang kasalanan?
Sino kaya si Nephilim?
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story
( ╹▽╹ )
Nasa taas po ang Flower of Purgatory kung saan nagmula Sina Kali at Guia.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top