CHAPTER 59: PESSO DOBLE

PRINCE RHYS CYRUS HUGH P.OV

Nakatulalang namamangha kaming lahat na narito ngayon sa Oath Cave Of Supremes nang makuha ni Sephtis ang Umbrella of Death na isa limang maalamat na Held na kung tawagin ay "Benção de deus" siguradong ma-iinsecure na naman nito si Shaine dahil inaasahan niya pa naman na mapupunta sakanya ang Umbrella of Death, hays, kailangan kong maiging bantayan nito si Sephtis, baka kase balikan siya ni Shaine.

"Bakit po Señor Alto?" Tanong ko kay Señor Alto na nagpabalik sakanyang wisyo.

"Nakuha mo lang naman ang Umbrella of Death" Sagot naman sakanya ni Señor Alto.

"Anong meron?" Inosenteng tanong ni Sephtis na tila bang wala talaga siyang alam tungkol sa nakuha niyang Held.

"Eh! reallly?!" Nagugulat na saad ni Señor Alto kay Sephtis, tumango naman si Sephtis bilang sagot kay Señor Alto.

"So ganito yan, meron limang maalamat Held na kung tawagin ay "Benção de deus" ang mga Held na ito ay sinasabing mga Held ng mga nagdaang "5 Sentries" o ang grupong binuo ng nakaraang Life and Death Holder na si Ainesh Otizam, ang pinaka unang Life and Death Holder, sinasabing kung sino man ang makakuha ng mga ito sa kasalukuyang panahon ay ikukumpirmang siya ang Life and Death Holder Heirs, so ibig sabihin ikaw ang Life and Death Holder?" Paliwanag ni Señor Alto kay Sephtis, bigla namang nagulat ang ipinakita nitong expression, siguro ay hindi siya makapaniwala sa mga pinahayag ni Señor Alto, kung siya nga talaga ang Life and Death Holder mas lalo ko ngang dapat bantayan ang aking mahal.

"A-Ano bang sinasabi niyo diyan Señor wala namang espesyal saakin at i-isa pa po, Fear Hold po ang Hold ko, wala akong bahid ng Light Hold" Nauutal na saad ni Sephtis, baka nagulat ito sa nalaman kaya na-uutal ang mahal ko, pero tama siya doon sa sinabi niyang hindi maaring siya ang Life and Death Holder.

"Pero iyon ang sabi sa libro, hays ayahan mo na nga, medyo nag-aalangan din kase ako sa librong iyon, kaya baka talagang nakatadhana lang saiyo ang Held na iyan, oh ikaw naman ang susunod mahal na Prinsepe Rhys" Saad naman ni Señor Alto kaya naman agad akong lumapit sa kinakatayuan nila ni Sephtis.

"Ngayon na mahal na Prinsepe" Utos naman ni Señor Alto.

"CYRUS!" Sigaw ko sabay namang lumapit saakin ang isang maliit na palakol at isang shiruken.

"Napakaganda ng iyong nakuhang Held, "Shiruken Flip" naman ang ngalan ng Held na iyan, pinaniniwalaang ang ang Held na iyan ay ginawa pa ni Dea Aera, Dea of Air" Nakangiting saad naman ni Señor Alto saakin, grabe naman pala ang napunta saakin, isang Dea pa ang gumawa ng aking Held, grabe kailangan ki talagang sanayin ito para magamit ko ito ng tama, kinuha ko naman ito at naging usok at dumikit sa pulso ko at naging tattoo ito.

"Prince Elior, kayo naman ang sumubok" Tawag ni Señor Alto kay Tantan, agad namang pumunta si Tantan sa kinalalagyan namin ni Señor Alto.

"Sige na mahal na prinsepe, isigaw mo na ang iyong pangalan." Utos naman sakanya ni Señor Alto kaya naman pumwesto na ito sa harapan.

"DRITAN!" Sigaw naman ni Tantan, ilang saglit naman ay may lumapit sakanyang isang napakagandang lance na may silver na hawakan at parang nababalutan naman ng liwanag ang talim nito.

"Isang napaka-gandang Held po ang nakuha ninyo at nagngangalang "Lance of the Rising Sun", ang Held na yan ay sinasabing regalo ni Dea Lua kay Deus Solis noong ika-sampong siglo ng pagkikita ng Solis at Lua" Paliwanag naman ni Señor Alto kay Tantan, napanginiti naman si Tantan sa nalaman niyang iyon, naging usok naman ang sandata niya ng kunin niya ito at naging tatto sakanya pulsuhan.

"Tan ganda naman ng nakuha natin ah" Puri ko namna sakanya ng makalapit na siya saakin.

"Ah? grabe kuya mas maganda nga ang nakuha mong sandata eh" Saad naman nuto saakin at nagtawanan na kami.

Ilang oras ang lumipas at sunod-sunod na tinawag ang mga Royalties, sumunod kay Tantan si Zen na nakuha ang "Whip of the Wind" na ginawa naman ng isang Fantasian na panday na umiibig sa diyosa at ibinigay ito sakanya.

Sumunod naman si Breeze na nakuha ang "Shield of Heaven" kaya daw tinawag na Shield of Heaven ang Held na ito ay dahil, ang mga materiyales daw na ginamit para sa Held na ito ay ang mga galing sa paradiso.

Sumunod naman si Glenn na nakuha ang "Twin Blade Sword of Earth" ang sandatang ito naman daw ay ginawa ni Deus Ficar Terro para sa isang Fantasian na kanyang inibig.

At ang huli namang saaming kukuha ng Held ngayon ay si Shaine, hindi na kase kukuha ng Hold si Guen dahil nga isa siyang Bersaglieri na bata palang ay mayroon ng Held.

Ang nakuhang Held naman ni Shaine ay ang tinatawag na "Scythe of Fear" sinasabing ito daw ang Held ni Devon, isang semi-deus at namayapang anak nila Dues Trevas, The Deus of Darkness at Dea Lux, The Dea of Light.

"Guys tara na nga, kanina pa ako qala sa mood, gusto ko ng umiwi" Inis na pag-yaya ni Shaine saaming grupo ng makalapit na ito.

"Bakit naman Shaine?" Tanong ko naman dito.

"Marahil ay alam mo na kuya kung ano ang dahilan" Inis na saad nito saakin, sabi ko na nga ba wh, siguradong ma-iinsecure na naman siya kay Sephtis, hays talagang batang 'to.

"Shaine manood muna tayo ng mga kumukuha pa ng Held at isa pa nakatalaga kaya tayong magbantay ngayon sa pagkuha ng held ng mga Irisian, baka mapagalitan lang tayo sa Diretora.

"Basta gusto ko ng umuwi!" Inis na turan nito saakin.

"Final answer, "hindi pwede" naiintindihan mo?" Sarkastikong saad ko diyo pero nagrolyo lang iyo ng mata at biglang pumikit at ginamit ang Ejection, sa tingin ko ay umiwi na siya sa Room namin, kaya naman napa-face palm nalang ako sa ginawa niyang kabastusan, humanda talaga saakin iyon pagka-uwi sa bahay.

"Gusto mo ba kuya sundan ko ang bastos na iyon at pag-sabihan?" Prisinta naman ni Glenn saakin, ngunit umiling nalang ako at sinabing...

"Huwag na ako ng bahala sakanya ka-uwi ng Room, basta ang tanging gagawin lang natin ngayon ay magman-man sa paligid at siguraduhing walang nga tiga-dark continent ang makapanggulo sa importanteng seremonyang ito" Paliwanag ko naman kay Glenn kaya naman tumango ito at nag-ayos ng tayo, nagpalinga linga lang naman kaming lahat sa paligid at nakikinood sa mga Irisian na kumukuha ngayon ng Held.

Ilang oras pa ang lumipas nang si Guia na ang aumunod kaya pinanood ko siya ng mabuti, dahil kung malakas ang Held ng kapatid niya ay nakakasiguro din akong makas ang makukuha niya.

"GUIA!" Sigaw nito at ilang saglit pa ay lumapit sakanya ang isang puting pamaypay at may palamutinv mga perlas at golden linings na nagpaganda dito.

"Napaka-ganda ng iyong nakuha Guia ang tawag diyan sa nakuha mo ay ang "Fan of Odyssey" Sinasabing iyan ang rinegalo naman ni Deus Solis kay Dea Lua noong ika-sampong siglo ng pakikita ng Solis at Lua, ang weapon na iyan ang kung baga'y pinag-exchange gift ni Deus Solis kay Dea luna doon sa Lance, at ayon sa sabe sabe ay kung sino man daw ang makakuha ng "Lance of the Rising Sun" at "Fan of Odyssey" ay magmamahalan habang buhay" Masayang paliwanag ni Señor Alto na nagpa-taas ng kilay ni Tantan at ganon din naman ang taas ng kilay ni Guia hahaha mukhang masaya ito ah.

Nakita ko namang napatingin si Guia habang nakataas ng kilay sa gawi namin, napasamid naman ako dahil doon, nagtitigan pa sila matagal habang nakataas ang kilay ng isa't isa walang gustong magpatalo...

Naputol lang ang titigan nila nang magsalita na si Señor Alto.

"K-Kasabihan lang naman iyon, wala namang nakapag-patunay kung totoo iyon hehehe" Pangbawi naman ni Señor Alto dahilan para alisin ni Guia ang masama nitang tingin sa gawi namin at ngumiting humarap kay Señor Alto, yumuko na ito at umalis.

"Kuya, patayin mo nalang ako kung yung babaeng iyon din ang makakatuluyan ko (。ŏ﹏ŏ)" Bulong na saad nito saakin kaya napasamid naman ako dahil doon.

"Ang OA mo, kapag dumating man ang araw na iyon ay botong boto ako sainyong dalawa hahaha" Biro ko naman dahilan para mapatingin naman ng masama saakin si Guen.

"Seriously?" Walang emosyon na tanong ni Guen saakin, nag peace sign naman ako.

"Just kidding hahaha" Tawang-tawang saad ko naman kay Guen, umsnob namang tinanggal ang tingin saakin nito na kunasamid ko, selosa papa amp.

"Selosa pala si Guen hahaha" Bulong na saad ko kay Tantan, binigyan naman niya ako ng tingin na parabang nag sasabing "Siyempre" hays ganyan din kaya ka-seloso si Sephtis kapag naging kami hahaha.

BOGSH!

Dinig naming napaka-las na pagsabig galing sa labas ng Oath Cave Of Supremes,kita ko namang nagpanic ang mga Irisian dahil doon kaya naman bilang kaming mga Royalties ang in-charge para sa siguridad ng mga Irisian na ito ay dali-dali kaming lumabas sa kweba at doon tumambad saamin ang mga nilalang na nakasuot ng kulay black na damit na may naka-burdang demonyo sa banndang puso ng kanilang damit.

Isa lang ang ibig sabihin nito, nandito ang mga Pesso Doble, ang mga istudyanteng gumawa ng sikretong organisasyon sa loob ng paaralan, ang mga istudyanteng matagal na naming minaman-manan at nais naang kalabanin at talunin...

...

Don't Forget to Vote, Comment your feedback, and Share my story
( ╹▽╹ )

ɢᴏᴅsᴘᴇᴇᴅ ᴋʏᴜʙɪᴇs ( ˘ ³˘)♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top