CHAPTER 58: HELD OF KALI
Dedicated to: bluesavatar
SEPTHIS KALI PICOSA P.O.V
Naglalakad kami ngayon papunta sa isang lugar na kung tawagin ay "Abadon's Room" kasama si Señor Alto at ang iba pang grupo na nakapasok sa top 10.
"Señor Alto, kung hindi ako nag kakamali ay nakasaad sa rules ng paaralan na off- limits ang pagpunta sa Abadon's Room?" Tanong ko nang maalala ko ang isang sinabi ng Diretora na isa sa mga rules.
"Off- limits siya sa mga students na magtatangkang pumunta doon nawalang pahintulot ng Diretora, pero sa lagay natin ay mayroon akong bas-bas ng Diretora na makapasok sa Abadon's Room" Sagot naman saakin ni Señor Alto.
"Señor! Señor! Bakit po ba bawal pumasok sa Abadon's Room? ano po bang naroon sa loob noon?" Masiglang tanong naman ng isa sa mga Prinsesa na tanda kong may palayaw na Princes Zen.
"Kayo na po ang bahalang tumuklas kung anong nasa loob ng Abadon's Room" Sagot naman sakanya ni Señor Alto, patuloy lang ang paglalakad namin nang may magtanong na naman...
"Señor, akala ko ba pupunta tayo sa Oath Cave Of Supremes? eh bakit sa Abadon's Room tayo pupunta? hays nakakapagod maglakad" Maarteng tanong nito sabay ding nagreklamo, kaya naman napatingin ako sa nagtanong at doon ko nakita ang babaeng humarang saakin at binato ko ng kutsilyo, ang iaa sa mga nean girls, tss arte kala mo naman maganda.
"Well, Miss Antenor, doon kase ang nag-iisang lagusan patungo sa Oath Cave Of Supremes, at kung napapagod kana sa "mahabang" lakaran ay pwede ka namang hindi sumama, wala namang pumipilit saiyong sumama" Malumanay pero puno ng sarkastikong sagot ni Señor Alto sakanya, kita ko namang umikot ang mata ng babae at tumahik, tama kayo ng dinig kanina, Antenor nga ang apelido ng babaeng to, dahil siya lang naman ang nag-iisang anak ng aming Adviser, tss siguradong magkakaroon ng favoritism niyan.
Ilang oras pa kaming naglakad-lakad hanggang tumigil si Señor Alto sa harapan ni isang Pinto na walang struktura kundi isang makalumang pinto ang makikita ngayon, as in pinto lang siya na nakatayo.
"Señor bakit po tayo tumigil sa pintong yan? lumulutang bayan? bakit nakatayo kahit wala namang kinakapitang istruktura?" Tanong ko naman out of curiosity.
"Dahil nanadito na tayo sa Abadon's Room, ang unang lagusan patungo sa Oath Cave Of Supremes" Simpleng sagot lang ni Señor Alto saakin, ilang saglit pa ay kumatok na si Señor Alto sa pinto at sinambit ang salitang...
"Permitted by Diretora" Saad ni Señor Alto, bigla namang bumukas ang pinto at wala kang ibang makikita dahil sa sobrang dilim at tanging kulay black lang ang makikita mo.
"Tara na mga Irisian, pumasok na tayo sa Abadon's Room, pero tandaan niyo lang ah, walang gagawa ng ingay o magsisindi ng ilaw sa loob, dahil baka magising at magwala si Abadon" Paalalang saad ni Señor Alto saamin na tinanguan naman naming lahat, pero na- curious lang ako, sino at ano kaya ang itsura ng Abadon na iyon?
Unati-unti na nga kaming pumapasok sa loob ng Abadon's Room, napakadilim dito salikod, walang liwanag o kagamitang panliwanag ang narito sa loob, ngunit nagulat nalang kami nang may magsindi ng apoy na gawa sa Hold Power niya, at bigla nalang mayroong isang growl na napakalakas ang narinig namin, naging dahilan ng hindi ko pagkakita sa Fantasian na nagsindi ng apoy.
"SINONG LAPASTANGAN ANG GUMISING SAAKIN!" Nakakakilabot na sigaw na gumagundong sa buong kwarto, bigla namang nagsindihan ang mga ilaw na nakapaligid pala sa lugar at doon namin nakita ang tinatawag nilang Abadon.
"I-Isang Black Dragon!" Nanginginig na saad ni Rhys, at nang tignan ko din ang iba ay nanginginig narin sila at kasama na doon si Señor Alto, kami lang nila Guia, Ate Adhira, Kuya Lucian, at Ako ang natirang hindi nangingimig, ano bang meron sa mga dragon at nagkakaganyan sila?
"P-Patawarin mo lami A-Abadon, makikidaan lang sana k-kami upang p-pumunta sa Oath Cave Of Supremes" Nanginginig na saad ni Señor Alto na pinag taka ko.
"Sino ba ang dragon na iyan, Señor?" Natanong ko out of curiosity, bigla naman akong pinandilatan ng mata ni Señor Alto na para bang sinasabing anong ginawa ko.
"LAPASTANGAN! HINDI MO BA AKO KILALA?! ANG TANYAG NA TRUE BLACK DRAGON, SI ABADON!" Pakilala naman nito saakin, tinaasan ko naman ng kilay ang dragon.
"Ay ano to? bastusan? ikaw ba tinatanong ko? ikaw? ikaw?" Nakataas na kilay at sarkastikong saad ko sa dragon, bigla namang napaluhod ang lahat, pati na sila Guia, Ate Adhira, at si Kiya Lucian, at ako nalang ang nanatiling nakatayo, anong nangyayari?
"K-Kali, b-bakit ka sumagot ng g-ganon k-kay A-Abadon?" Nahihirapang saad ni Señor Alto.
"LAPASTANGAN!" Sigaw ng dragon, bigla namang yumanig ang buong paligid, at nakita ko namang may nabubuong black na Energia Ball mula sa bunga-nga ng dragon, nag panic naman ako dahil doon dahil mukhang ibabato niya iyon saamin.
Ilang saglit pa ay ibinuga niya nga ito patungo saakin mabuti nalang at nakapag-quick step ako agad upang umiwas ngunit kasunod naman non ang isang sigaw na kumuha ng aking pansin...
"AHHHHHHH!!!!" Sigaw ng isang pamilyar na boses at doon ko nakita si Xavier na punong- puno ng dugo ang kanag paa, kaya sa nakita kong iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko, kaya nagpabas na ako ng malaking amount ng Death Aura.
"Wala kang karapatang saktan isa man sa mga pamilya ko" Bulong ko na alam ko namang saktong maririnig ng dragon.
"At sa tingin mo matatakit mo ako sa mahinang Death Aura at Hold mo? hahaha" Saad ng dragon, naramdaman ko namang naglabas din ng Death Aura si Death.
"AHHHH!!!" Sigaw ko naman ng mahpalabas ng napakalaking- amount ng Death Aura si Death, kita ko naman sa rare view ko na nanginig bigla ang dragon.
"Death, h-hindi kaya ng katawan ko ang ganitong Amount" Saad ko naman gamit ang isip ko.
"Kilala mo ako Kali, ayaw ko sa lahat ay sinasabihan akong mahina" Saad saakin ni Death saaking isipan, para tuloy nakikita ko kung anong reaksyon niya noong naglaban kami.
"Ipaubaya mo na saakin ito Death, maari ko bang gamitin dito ang bagong atake na naituro mo?" Tanong ko dito.
"Oo naman, durugin mo ang dragon na yan" Saad ni Death sabay namang naramdaman ko ang pagbaba ng Death Aura na nilalabas ng katawan ko.
"MATAPANG KA BATA! TANGGAPIN MO ITO!" Sigaw naman ng dragon sabay naman ulit nabuo sa bunga-nga niya ang itim na bolog na Energia.
Ilang saglit pa ay binato niya saakin ito, hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko, bagkus ay sinalubong ko lamg ito, naramdaman ko naman ang sobrang sakit na para bang sinusunog ako, nakakapaso, mainit, at mahapti, yan ang nararamdaman ko ngayon habang patuloy pading kinakalad-kad ng Itim na Energia ang aking kataaan.
"Dark Pulse" Bulong ko nang mawala ang itim na bola ng energia, finorm ko naman ang kamay ko na parang baril sabay tutok nito sa dragon, at ilang saglit pa ay may nabubuong itim na bola ng Energia sa dulo ng aking daliri at ilang saglit pa ay pinakawalan ko ito at pinatama sa dragon, hindi naman inahasahan ng dragon iyonnkaya naman natamaan ito sa kanyang ulo, at ilang saglit pa ay bumagsak ito, bigla naman ding nagdilim ang paningin ko at bumagsak narin ako...
...
VITA GUIA PICOSA P.O.V
Kasalukuyan ko naman ngayong ginagamot si Xavier dahil nadaplisan siya ng itim na bola ng energia na gawa ng dragon.
"AHHHHH" Biglang sigaw ni Kuya Kali kaya napatingin sa gawi nila, naramdaman ko naman bigla ang takot na nagpanginig saakin at nagpanginig sa mga kasama ko, grabe kaya palang pantayan ni Kuya Kali ang dragon na ito, grabe kahit na may Life Force ng bumabalot saakin naapektuhan parin akonng Death Aura ni Kuya Kali, hays kung maalala niyo naman kanina nanag maapektuhan ako nanag biglaang maglabas ng Death Aura ang dragon ay dahil iyon sa nabigla ako at hindi ko agad na-activate ang Life Force ko.
Ilang oras pa ang bumaba na ang Death Aura ni Kuya Kali, kaya naman bumaling ako ngayon kay Xavier
"Xavier medyo bumubuti na ba ang iyong pakiramdam?" Tanong ko naman kay Xavier.
"Oo nawawala na ang sakit" Sagot naman ni Xavier.
"MATAPANG KA BATA! TANGGAPIN MO ITO!" Dinig ko namang sigaw ng dragon kay Kuya Kali kaya naman napatingin ako sa gawi nila at nakita kong may ginagawa na namang itim na bolang energia ang dragon at ilang saglit pa ay binato niya ito kay Kuya Kali, akala ko ay iiwas si Kuya Kali, ngunit nagulat ako, noh kaming lahat na nanonood ngayon ay nagulat dahil sinalo niya lang lahat ito.
"KUYA!!!!!"
"KALI!!!!"
"ETITS!"
"SEPHTIS!"
Ilan lang sa mga sigaw naming nanonood, pagkatapos ng ilang itas ng mawala na ang itim na bola ng energia ay nakita namin na ankatayo parin si Kuya Kali ngunit nagkalasog-lagog na ang suot nitong Cloak at pang-loob na damit, dami narin siyang sugat at paso sa katawan kaya di ko napigilang umiyak kaya naman tinakpan ko ang aking mata at linabas lahat ng aking luha.
Ngunit ilang saglit pa ay yumanig ang lupa matapos kong marinig ang pagbagsak ng isang malaki at mabigat na bagay kaya naman agad kong inalis ang kamay kong humaharang sa mata ko at doon ko nakita na nakahandusay na ang dragon sa sahig nanag tignan ko naman si Kuay Kali ay nakatayo padin ito ngunit ilang saglit pa ay bumagsak narin ito sa lupa, tatayo na sana akonpara puntahan siya ngunit nakita ko nalang si Prince Rhys na nasa harapan na ni Kuya Kali.
Nagulat naman ako ng hubarin ng Prinsepe ang kanyang Cloak at binalabal sa kaawa-awang katawan ni Kuya Kali, katapos ay binuhat ni Prince Rhys si Kua Kali, awww sweet nawa'y lahat, nigla naman silang nawala at ilang saglit pa ay sumulpot na sila saaking harapan at kita ko naman ngayon ang...
1
2
3
4
5
6
7
8!
8!!! Abses!!!! 8 na pandesal ni Prince Rhys, gosh ang hawt naman ng magiging bayaw ko! hahaha.
"Guia naririnig mo ba ako? ang sabi ko gamutin mo ng mabilis ang Kuya mo" Malumanay na saad ng Prinsepe kaya naman nabalik ako sa wisyo hehehe.
"Mga Irisian! mamaya niyo na gamutin ang mga na-injured, kailangan na nating makalabas dito sa Abadon's Room at makapunta na sa kasunod nitong pinto kung saan ang labasan at daan papuntang Oath Cave Of Supremes, kailangan na nating magmadali baka magising pa si Abason!" Dinig kong takot na utos saamin ni Señor Alto.
"Bakit di nalang tayo lumabas at bumalik sa Campo de Iris Academy?" Tanong naman bigla ni Miss Antenor.
"Hindi pwede, sasayangin lang ba natin ang ginawang pagsasakripisyo ni Kali? at isa pa, ayaw niyo bang makakuha na ng sarili niyong Held?(Sandata/Weapon)" Saad naman ni Señor Alto kaya naman tumakbo na ang lahat patungo sa kasunod na pinto, at nang mabukasan na namin ito ay tumambad saamin ang isang lugar na masasabi kong paraiso, grabe napakaganda ng lugar na ito, kay daming mga bulak-lak na ma'y iba't ibang kulay at laki, marami ding iba't ibang klase ng puno na lalong napaganda sa lugar na ito.
"Guia, simulan mo nang gamutin si Kali at ako nanag bahalang manggamot sa mga ibang fantasian na nagkaroon ng mild injury" Utos naman saakin ni Prince Rhys na tinanguan ko naman, agad naman niyang inihiga si Kuya Kali at sinimulan ko nang gamutin si Kuya Kali.
Habang ginagamot ko ang mga sugat ni Kuya Kali ay may nakakabinging napakataaa na tinig ng isang ibon ang narinig naming lahat na nagmumula sa taas kaya naman tumingala kami at doon ko namin nakita ang napakagandang kulay pink at nag-aalab na ibon, hala Phoenix ba ang tawag sa ganitong ibon? ang ganda niya, kulay pink kase ang apoy niya.
Ilang saglit pa ay bumaba na ito at naglanding sa harapan ng prinsepe na kasalukuyang ginagamot ang mga kasamahan naming nagkaroon ng mild injuries, nagsitahimik naman lahat ng mga kasamahan namin at tumitiglang sa napakagandang nilalang na nakikita namin ngayon.
"Mahal na Prinsepe anong nangyari at nagkaganyan kayo?" Dinig kong saad ng kulay pink na Phoenix na ikinagulat ko, shocks! nakakpagsalita pala ang mga ganitong uri ng Fera grabe.
"Inatake kase kame ni Abadon sa loob, mukhang hindi niya kame nakilala" Sagot naman ng Prinsepe, nagtango-tango naman ang kulay pink na Phoenix.
"Humanda saakin si Abadon kapag nakita ko siyang muli, buti naman walang nasaktan sainyong Royalties?" Tanong naman ng pink na Phoenix kay Prince Rhys.
"Hindi naman kami nasaktan ngunit malubhang nasaktan ang taong pinakamamahal ko dahil hinarap at napatumba niya lang naman mag-isa si Abadon, maari mo bang tulungang magpagaling ang kapatid niya sa kanaya?" Saad naman ng Prinsepe sabay turo sa gawi namin na tinanguan naman ng Phoenix, kaya dali-dali itong lumapit saakin.
"Siya na ba ang tinutukoy ng prinsepe binibini?" Tanong nito saakin kaya napatango nalang ako dahil nasa harap ko ngayon ang napakagandang nilalang na katulad niya.
Agad naman niyang tinignana si Kuya Kali at tumango-tango ito.
"Akala ko ba mahal na prinsepe ay siya lang ang lumaban sa kapatid kong si Abadon?" Tanong bigla ng Phoenix.
"Yes, siya lang talagang mag-isa kahit itanong mo pa sa iba" Sagot naman ng Prinsepe.
"Ganon na ba kahina si abadon para hindi man lang nagkaroon ng gas-gas ang batang ito?" Tanong naman niya sa prinsepe kaya naman napatayo at agad na tumakbo dito ang prinsepe at tinignan si Kuya Kali, bigla anamn itong tumingin saakin ang prinsepe na parang nabibilib ito.
"Ang galing mo talaga Guia nagawang mong matanggal ng ilang segundo lang ang mga gas-gas, paso, at sugat ni Sephtis" Nabibilib na saad nito saakin, kita ko namang lumiit ang mata ng Phoenix.
"Paanong nangyaribg napahaling mo lahat ng sugat niyang gayong kapag tinamaan ka ng "Dark ball" ni Abadon ay hindi ito gagaling ng 10 taon, kahit na ako pa ang gumamot nito, sino kaba talaga? or should I say, sino ba kayong magkapatid?" Mapang-usisang tanong nito saakin ngunit yumuko nalang ako at di siya kinibuan.
Ilang saglit pa ay bila nalang gumalaw si Kuya Kali at tumayo habang kinukusot-kust pa ang mata na para bang bagong gising lang siya.
"Nasan tayo Guia?" Tanong ni Kiya Kali saakin, ngunit nabigla nalang ako nang bihlang yakapin siya ng prinsepe at may binulong sakanya na hinndi ko naman narinig, katapos ng bulong na iyon ay namula si Kuya Kali na nangangahulugang nahihiya siya, or should I say kinikilig siya hahaha.
"Paano bayan mahal na Prinsepe, aalis na ako dahil mukhang may highest level healer na kayo" Masayang saad naman ng Phoenix sabay lipad pataas at bigla naman siyang nawala, doon narin bumalik sa wisyo ang mga kasamahan naming na-istarstuck sa ganda ng Pink na Phoenix.
"Dahil magaling na ang mga na-injured ay magsitayo na kayo at malapit na tayo sa Oath Cave Of Supremes" Utos ni Señor Alto na agad naman naming sinunod.
"Uyy bumitaw ka na nga nakakailang na w-wala ka pa namang suot na pang-taas" Saad bila ni Kuya Kali kay Prinsepe Rhys habang namumula qt gumagaslaw ang mata, napangisi naman si Prince Rhys.
"Bakit, ayaw mo bang makita ng iba ang katawan ko?" Mapang-asar na tanong ni Prince Rhys kay Kuya Kali, Kyahhh!!!!! nawa'y lahat! kailan kaya ako magkakaroon ng jowa
(〒﹏〒)
"Tsss" Saad naman ni Kuya Kali sabay punta sa likos ng puno at ilang saglit pa nang lumabas ito ay nabalik ang mga damit na suot ni Kuya Kali kanina, inatsya naman niya ang Cloak na pinambalot kanina ni Prince Rhys sakanya, sabay lakad ng mabilis.
"Wala lang bang thank you? ah mahal?" Tanong naman sakanya ni Prince Rhys kaya napatigil si Kuya Kali at humarap.
"O-Odi sige t-thank you pervert!" Utal-utal na saad ni Kuya Kali kay Prince Rhys sabay tumakbo at humabol sa grupo, kyahhh!!! nakakakileg huhuhu.
"Unanarin ako Prince Rhys ah, basta tandaan mo ikaw ang fantasian na supportado ko pagdating kay Kuya Kali hahaha" Saad ko kay Prince Rhys na nagpangiti naman sakanya ng malawak.
"Nice ka doon Guia hahaha" Saad naman niya, katapos ay tumakbo na ako at humabol na din sa grupo.
...
SEPHTIS KALI PICOSA P.O.V
WAHHHHH!!!! nakakainis si Rhys huhuhu bulungan ka ba naman na "Ang sarap mong kainin" Fuck!!! kakahiya.
"Uyy si Kuya, hahaha kaya naman nakay Prince Rhys ang boto ko eh haha siya lang talaga ang nagbibigay saiyo ng kilig to the max hahha" Saad naman ng gaga kong kapatid kaya namang tignan ko siya ng masama kaya naman tumahik narin siya.
Ilang oras pa laming naglakad-lakad hanggang sa tumigil si Señor Alto sa harap ng isang kweba.
"Tara na at magsipasok na tayo upang makuha niyong sara-sariling sandata" Utos naman ni Señor Alto na agad naman naming tinalima.
Habang papasok kami ay may mga sulo naman ng apoy ang automatic na sumisindi habang lumalakad kami sa aming pupuntahan.
Nang makarating kami sa bandang dulo ng kweba ay doon man na literal na nalaglag ang aking panga dahil sa view na makikita ngayon dito.
Napakalinis at cristal clear na tubig, mga limestone na umiilaw, at mga alitaptap na lumilipad-lipad at nagmimistulang mga sulo para aa lugar na ito.
Nang tuliyan na kaming makalapit ay doon ko nakita ang iba't ibang klase ng mga sandata at accessories, pero naka-kuha ng pansin ko ay yung payong na nasa gitna ng lake na to, napakaganda kase niya, kulay white ang base color nito na may nakaukit na cherry blossom bilang design, simpleng stick lang ang handle naman nito, how majestic, lakas maka japanese grabe.
"Ngayon simulan na natin ang pagtawag sa inyong mga Held (Sandata/Weapon) ganito lang ang kailangan niyong gawin, isigaw niyo lang ang ikalawang pangalan niyo at ang Held na nakalaan saiyo ang mismong lalapit saiyo" Paliwanag naman ni Señor Alto na tinanguan naman naming lahat.
"Ikaw na ang mauna Kali, reward ko ito saiyo para sa ginawa mong katapangan kanina" Saad naman ni Señor Alto kaya naman kinakabahang lumapit ako sa may lake at sinigaw ang ika-lawang pangalan ko.
"KALI!" Sigaw ko, bigla namang nagsi-galawan lahat ng Held.
Hanggang sa lumapit saakin ang payong na gusto ko talagang makuha.
Lumutang-lutang pa ito saaking harapan kaya naman dinaklot ko na ito at isinara, bigla naman itong nag-usok at biglang dumikit sa aking pulsuhan.
Ilang saglit pa nang tignan ko ito at nakita kong may payong nakatulad na katilad ang design at style ang naka-tattoo saaking pulsuhan ngayon, katapos noon ay humarap na ako ngunit nagulat ako sa nakita kong reaksyon ng ibang mga fantasian na gulat na gulat, pwera siyempre kay Guia, Ate Adhira, at Kuya Lucian, pero sila Lilith at Soliel ay nakanganga din at gulat na gulat, anong meron?
"Bakit po Señor Alto?" Tanong ko kay Señor Alto na nagpabalik sakanyang wisyo.
"Nakuha mo lang naman ang Umbrella of Death"....
...
Wahhh sorry kahapon kyubies at hindi ako nakapag update, nagrush kase ako sa mga modules ko kahapon eh sorry talaga, ito pambawi ko sana mag enjoy kayo
( ◜‿◝ )♡
Don't forget to Vote, Comment your feedback, and Share my story
⊂(•‿•⊂ )*.✧
ɢᴏᴅsᴘᴇᴇᴅ ᴋʏᴜʙɪᴇs ( ˘ ³˘)♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top