CHAPTER 54
SEATMATE...
GUIA'S P.O.V
"Shemay! anong amoy yon! ang sarap naman!" Biglang sigaw ko ng mapabangon din ako ng biglaan dahil shems! ang sarap ng amoy ng pagkain, feel ko nag luluto na si Kuya Kali, hays excited na akong kumain.
Kaya naman dali-dali akong tumayo ang ginawa ko na ang aking moening routine, at katapos ng lahat ng chenabels na ginawa ko ay nag madali akong bumaba at pumunta sa kusina.
Ngunit nang pagkarating ko sa kusina ay nagulat ako dahil hindi si Kuya Kali ang aking nakita kung hindi si Xavier na nagluluto, bigla namang humarap si Xavier kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Oh Guia, gising kana pala?" Tanong nito saakin, hays.
"Obvious ba? ay hinde tulog pa ako! Nag-wawalking sleep lang ako." Sarkastikong saad ko sakanya, ngumiti lang naman ito.
"Hay nako napaka mapagbiro mo talaga Guia, sige upo kana doon sa lamesa at patapos narin ang niluluto ko." Nakangiting saad naman nito, shems na-guilty naman ako sa inasta ko, pero I need to do this for our safety, kaya naman bago ako pumunta sa hapagkainan ay nag-snob ako sakanya at tinalikuran na siya.
Nang maka-upo na ako ay kita ko namang papalapit narin sila Ate Adhira, Lilith, at Kuya Lucian at umupo na nang tuluyan na silang makalapit saakin.
"Oyy Guia, sarap ng amoy ng niluluto ni Kali ah!" Masayang saad ni Ate Adhira, kaya naman napangiti lang ako ng pilit.
"Good morning guys." Saad naman bigla ni Kuya Kali habang nag-i-streaching at humuhikab pa nakuha naman nito ang atensyon naming mga naka-upo, nasa likod naman nito si Soliel na ngayon ay walang kibo, bigla namang humarap saakin si Ate Adhira habang naka taas ang kilay, kaya naman ngumiti ako ng pilit sakanya.
"Si Xavier ba ang nah luluto?" Tanong nito saakin, kaya naman napatango nalang ako, kita ko namang nag-dikit ang kilay ni Ate Adhira, agad naman itong tumayo, ngunit kina-usap ko siya gamit ang TeleCom.
"Ate, kalamayin mo ang iyong loob, huwag mong gagawin ang nasa isip mo baka magkagulo lang." Pagpigil ko sakanya gamit ang TeleCom kaya naman napatigil siya at muling umupo.
Ilang saglit pa ay umupo na sila Kali at Soliel, sakto naman ang paglabas ni Xavier sa kusina habang nakangiti dala-dala ang niluto niya, hindi ko maipagkakaila na masarap talaga ang amoy sana ganon din ang lasa.
"Good morning sainyo guys! ito ang aking specialty na Ratatouille itinuro pa saakin ni Nay Olin ang pag-luto niyan sana magustuhan niyo." Nakangiting saad ni Xavier at inilapag ang kanyang niluto, shems isa lang masasabi ko! mukhang masarap siya, para bang 5-star restaurant dish ang niluto ni Xavier, you know hehehe dati akong guardian angel kaya may alam ako sa mundo ng mga tao noh.
"Babe ako na sasandok para saiyo mukhang napagod ka eh." Malanding saad ni Lilith hahaha go Lilith!
"Uhmmm." Saad naman ni Kuya Lucian.
"Okay lang ba kung ako na mahserve sa "Babe" ko?" Sarkastikong saad niya, pero tinanguan lang ito ni Xavier na hindi man lang natinag kahit ganito na ang ginagawa ni Lilith sakanya, but I always support Lilith.
"Saktan mo pa siya Lilith." Saad ko sakanya through TeleCom, tumingin naman ito saakin at tumango.
"Babe do you want to eat me instead?" Tanong naman ni Lilith habang pababa ng pababa ang kamay niya papunta sa may kahabaan ni Kuya Lucian, tinignan ko naman sila Kuya Kali, Xavier at Soliel kung anong magiging reaksyon nila, at natawa ako sa reaksyon ngayon ni Kuya Kali at Soliel hahah sama ng tingin kay Lilith pero si Xavier ayun nakangiti parin ng malawak at umupo na sa upuan, poor Xavier.
"Hahahaha." Tawa ko dahil hindi ko na mapigilang matawa sa mga scenario, tumingin ng masama saakin sila Kuya Kali at Soliel.
"Tama na yan at kumain na tayo, malalate na tayo para sa first day of school." Mando naman ni Ate Adhira saamin kaya tumigil na si Lilith at nag umpisa na kaming kumain.
...
Ilang oras ang lumipas ay nandito na kaming lahat sa sala, katatapos lang namin maliho at nakabihis na para sa unang araw ng pasukan.
"Tara na." Mando ni Ate Adhira at nagpatiunang binuksan na ang pinto, nanag paglabas namin ay agad na kaming nag-quick step, kami na may kakayahan nito, at ilang saglit pa ay nandito na kami sa likod ng class building, naglakad na kami nang magkakahiwalay dahil hindi naman para-pareho ang classroom namin pwere siyempre kay Ate Adhira at Kuya Lucian na magkapareho ng room which is ang Mighties Class.
"So guys, kitakits nalang tayo dito katapos ng mga klase natin ah." Pahabol na saad ni Ate Adhira.
"Okiee." Sagit ko naman.
"Okieedokiee." Sagot naman ni Kuya Kali.
"Okay po." Sagot naman ni Soliel.
"Okay Ate." Sagot naman ni Lilith.
"Okay po Ate." Sagot naman ni Xavier.
"Uhmm." At himalang sumagot naman si Kuya Lucian, aba mukhang better na naging sila ni Lilith ah.
Nagsimula na nga kaming maglakad patungo sa kanya-kanya naming silid.
...
Ilang oras pa ay nakarating na ako saaking silid aralan, kita ko namang kokonti palang ang mga Fantasian na nasa loob ng silid-aralan kaya naman humanap na ako ng pwesto, at nakita ng aking mga mata ang bakanteng upuan na nasa likuran at nakadikit lang sa binta, gosh ito yung gusto kong spot kung saan makakalanghap pa ako ng sariwang hangin kapag boring ang subject hahaha kaya naman lumapit na ako doon at umupo na.
Nang maka-upo na ako ng matiwasay ay tumingin na ako sa labas ng bintana at doon ko nilanghap ang sariwang hangin na nagmumula sa labas ng bintana.
"Bom Dia, new Irisians!" Sigaw ng kung sino na pumutol saaking pagmumuni-muni, nang tignan ko naman ito ay nakita ko ang isang nasa mid- 40's na babae, medyo maliit, medyo chubby, at maputi ang balat niyo, may kulay white din itong buhok, at bilugang mukha, nakasamin at naka white cloak with white boots din siya.
"So, I'm Emmy Wonders, your adviser slash History Aprisentador, you can call me Señorita Ems, I'm a Sensor Holder, Bearer Class/type, Also this is my fifth year of teaching here at Campo de Iris Academy." Pakilala naman nito kaya naman tumayo din ang lahat kasama na ako doon siyempre, at nagbigay ng greetings, ano kayang kayang magawa ng isang Sensor Holder?
"Bom Dia, Señorita Ems." Sabay-sabay naming saad.
"Thank you, please have a seat." Seryosong saad naman nito, shems mukhang mataray si Señorita Ems ah.
"So para sa first day of class ay di muna ako mag-uumpisang mag turo, dahil ipapaalam ko muna sainyo ang dapat niyo pang malaman bukod sa mga rules na sinabi sainyo ng Diretora noong nakapasa kayo sa Great Entrance Exam ng Campo de Iris Academy, ang una ay, marahil ay nagtataka kayo kung bakit wala kayong mga gamit na madalas ginagamit sa isang magic school tulad ng libro, lapis, o notebook diba?" Tanong nito saamin kaya naman napaisip din ako, oo nga ano, bakit wala man lang palang binigay na gamit saamin, halos kase noong nasa munfo pa ako ng mga tao at kasalukuyang guardian ni Kali ay nakikita ko sa mga pinapanood niyang Anime na mayganon ngang kagamitan ang mga mag-aaral ng isang magic school, kaya naman napatango nalang kami bilang sagot.
"Isa lang ang sagot diyan, at iyon ay ito." Saad niya sabay pinalitaw ang isang bagay na may maliit na bolang cristal sa taan nito, at mayroon namang nakaikat na bakal na nagsilbing design sa katawan nito na dinugtungan ng tuwid na linya ng bakal.
"Wow" Dinig kong saad ng mga kamag-aral ko.
"Ang tawag dito ay "Over all" ito lang ang kailqngan niyo para isulat ang mga lectures, ang dapat niyo lang gawin ay sumulat ng malaya aa hangin gamit ito at bagkatapos niyong magsulat sa hangin ay ma-o-auto save ito sa "Over all" kung gusto niyo namang basahin ang isinulat niyong lectures, pindutin niyo lang ang maliit na bolang kristal sa taas niya at lalabas ang na-save nitong lectures." Paliwanag naman ni Señorita Ems saamin kaya nabuo ang "WOW" reaction saaming lahat na mag kaklase.
Knock, knock, knock
Sunod-sunod na katok sa pinto ng aming silid-aralan ang aming narinig na kumuha ng pansin namin.
"Who's that?!" Seryosong sigaw naman ni ma'am kaya naman bumukas bigla ang pinto at iniluwa nito ang taong kinamumuihan ko! shit! bakit dito napunta ang gagong toh!
"Bom Dia Señorita, Sorry I'm late, Nakalimutan ko po kaseng may pasok pala ngayon." Seryosong saad naman ng nilalang na pinaka- kinaasaran ko!
"Owww, is that so "Prince Elior Dritan Faro" napaka-responsable mo namang mag-aaral kung gayon." Sarkastikong saad ni Señorita Ems sa Prinsepe.
"Yes, so what's the matter, atleast I stated na fact right?, can I have my seat Señorita?" May diin ding sagot ng prinsepe kay Señorita Ems, kita ko namang sinapo ng señorita ang kanyang noo na tola ba nag sasabi na "Suko na ako"
"Okay sige mahal na prinsepe maari ka ng umupo sa bangkong bakanteng ito sa harapan." Saad naman ni Señorita Ems sa prinsepe.
"No, hindi ko gustong umupo diyan, doon, doon sa tabi ng babaeng may puting buhok na nasa dulo at malapit sa bintana ko gustong umupo." Saad naman niya na ikinagulat ko kaya napatingin ako sakanya ng masama, shit nakalimutan ko palang dahil nanadito ako sa pinakalikod ay wala na akong ibang katabi, shit! shit! shit!
"Okay, please be seated para ma discuss ko na ang iba pang kailangan niyong malaman, ay siya nga pala mahal na prinsepe, siguro naman alam mo na ang Over all, hindi ba?" Saad naman ng señorita sabay tanong sa prinsepe, tinanguan lang nito ng prinsepe at lumakad na papalapit saakin, nilabanan naman nito ang tingin kong napakasama sakanya, hanggang makapunta siya sa katabing bakanteng upuan ko.
"Hi Miss haha long time no see" Bulong niya sa tenga ko na nagbigay ng kilabot saakin kaya naman agad kong nilayo ang tenga ko at tinignan siya ng masama.
"Don't touch, talk, or even get near to me you fucking bastard." Pabulong na saad ko sakanya.
"Okay." Saad niya habang nakataas ang balikat.
"So mabibigyan kayo ng tig-iisang "Over all" para may sarasarili kayong ganito na magagamit, ipapaalala ko lang na kapag nasira o naiwala niyo yan ay hindi niyo nang pwedeng humingi ng isa pa, kailangan mo nang bilhin ito sa mismong pagawaan nito which is sa Soberania das Terras." Seryosong saad naman nito sabay namnag lumipad patungo saamin ang mga over all.
"So, dumako na tayo sa mga schedules niyo for this whole semester." Saad ni Señorita Ems sabay labas ng isang pouch at dumukot ng gintong buhangin sabay saboy sa hangin, unti-unti namang nabuo ang mga salita mula sa guntong buhangin.
SCHEDULES:
9:00-10:00: History
10:05-11:00: Language and Enchanments
11:05-12:00: Elixirlogy(Study of potions)
12:00-1:55- Lunch break....
2:00-3:00-. Feralogy (Study of Familiar and Animals)
3:05-5:00: Combat training.
"So please take notes those schedules of yours." Saad naman nito na amin namang sinunod, sinibukan ko namang sumulat sa hangin at gumana nga ang galing! hindi mo na kailangan mag sayang ng puno para lang makagawa ng papel at ink.
Ngunit habang focus ako sa pagsusulat ng schedules ay bigla nalang nagkaroon maraming guhit sa sinusulat ko at nanag tignan ko kung sinong may kakagawan ay doon ko nakita ang katabi kong "Prinsepe" na asal hayop na naka-guhit pa ang pilyong ngiti sa kanyang labi kaya naman dahil sa inis ay nakaisip ako ng paraan upang matahimik ang mokong na to.
"Life,activate the Salvation: Illusion." Saad ko kay Life na agad naman niyang sinunod, so kinalabit ko ang prinsepe, nang mapatingin saakin ito ay agad ngang nag- activate ang Salvation: Illusion na nagpatulala sakanya, uh! bahala siya hindi ko tatanggalin yan hanggang mamayang last period hahaha.
"Kung tapos na kayong sumulat ay i-aanounce ko lang sainyo na hindi makakapasok ang suaunod na dalawang Aprisentador ninyo dahil may nilalakad pa daw sila, so let's call it a day." Saad naman nito sabay lakad palabas sa pinto.
Wala na akong hinawa dito kung hindi pagmasdan ang tanawin sa labas, hangang naramdaman ko nalang ang antok saaking sarili kaya naman yumuko ako upang umiglip ng konti, ngunit naisip ko lang ang nangyayari ngayon saaming pagkakaibigan, although gumugulo siya pero atleast magiging safe kami dahil dito.
"May tiwala ako saiyo Lilith." Huling sambit ko bago ako tuluyang nakatulog.
...
Sorry for late Updates kyubies
(*'ω`*)
Don't forget to Vote, Comment your feedback, and Share my story
(。•̀ᴗ-)✧
ɢᴏᴅsᴘᴇᴇᴅ ᴋʏᴜʙɪᴇs ,( ˘ ³˘)♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top